Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Isang Matalinong Sagot

Isang Matalinong Sagot

Isang Matalinong Sagot

Isang bata na nag-aaral sa Sierra Leone ang pinagsabihan ng kaniyang mga guro na magsimba. Ang sagot niya‘y dumadalo na raw siya sa mga pulong ng relihiyon sa Kingdom Hall of Jehovah’s Witnesses at pagkatapos ay inilahad niya ang ilan sa mga bagay na kaniyang natutuhan sa gayong mga pulong. Ang isang turo na ipinaliwanag niya ay kung paanong ang Kaharian ng Diyos ay magdadala ng kapayapaan sa lupa at aalisin nito ang mga sakit at kamatayan.—Apocalipsis 21:3, 4.

“Alam po ba ninyo ang tungkol sa mga bagay na ito?” ang tanong niya sa kaniyang mga guro.

“Hindi,” ang sagot nila.

“Ang mga bagay na ito po at marami pang iba ang natutuhan ko sa pamamagitan lamang ng pagdalo sa Kingdom Hall,” ang sabi pa niya. “Kaya‘t wala po akong nakikitang dahilan na magsimba pa yamang ang mga bagay na ito ay hindi doon natututuhan.—Mateo 21:16.