1914—Tampulan ng Pansin
1914—Tampulan ng Pansin
KUNG ano ang eksaktong magaganap noong 1914 ay hindi namin alam noon, subali’t isang bagay ang natitiyak namin: Ang taóng 1914 ang makasasaksi sa pasimula ng pinakamalubhang panahon ng kabagabagan sa lupa na kailanma’y nangyari rito; sapagka’t napakaraming hula sa Bibliya tungkol riyan. Ang aming pananampalataya ay matibay at ang aming mga pag-asa ay nakasalig sa higit pa kaysa haka-haka lamang ng tao.”
Sa pamamagitan ng mga salitang iyan, si A. H. Macmillan, autor ng pinakamabiling aklat noong 1957, ang Faith on the March, ay nagpahayag ng kaniyang matibay na paniniwalang ang 1914 ay magiging isang tampulan ng pansin tungkol sa hula sa Bibliya. Mahigit na 40 taon pagkalipas ng 1914, ang kaniyang matibay na paniniwalang ito ay hindi kumukupas.
Ang Sabay-sabay na mga Pangyayari
Ang ibig sabihin ng “tampulan ng pansin” (focal point) ay “isang sentro ng aktibidad o ng interes; ang punto na pinagsasalubungan ng sabay-sabay sa mga pangyayari.” Sa ganiyang diwa ba ay isang tampulan ng pansin ang 1914? Oo. Isaalang-alang ang inaasahan noong taon na iyan nina Macmillan at ng marami pang mga ibang Bible Students.
Sa Marso 1880 labas ng Zion’s Watch Tower and Herald of Christ’s Presence ay tinalakay ang dalawang mahalagang nanyayanig-mundong mga pangyayari na inaasahang mangyayari noong 1914: “‘Ang mga Panahon ng mga Gentil’ ay hanggang sa 1914, at ang makalangit na kaharian ay hindi lubusang matatatag kundi pagkatapos niyan.” Kaya, maraming Bible Students ang umaasang ang Kaharian ng Diyos ay lubusang matatatag sa taóng iyan. Ito’y mangangahulugan ng pasimula ng panahon para si Kristo’y humayo ng panunupil sa gitna ng kaniyang mga kaaway.’ Ito’y mangangahulugan, din nga pala, ng “katapusan ng [balakyot na] sistema ng mga bagay.”—Awit 110:1, 2; Mateo 24:3; Apocalipsis 12: 10, 12.
Ang taimtim na mga Bible Students na ito ay sumapit sa ganitong konklusyon pagkatapos ng isang masinsinang pagriripaso sa kronolohiya ng Bibliya. a Subali’t ang kronolohiya ng Bibliya ay isa lamang sa hanay ng patotoo—isang saksi, wika nga. Sang-ayon sa Bibliya, ang Kaharian ng Diyos ay makalangit, samakatuwid ay di-nakikita. Kaya’t paano malalaman ng mga Bible Students kung natupad na baga o hindi ang kanilang mga pag-asa? Kailangan nila ang nakikitang patotoo, ang isang tanda.
Ang mga alagad ni Jesus ay humihingi ng gayong tanda nang kanilang sabihin: “Ano ang magiging tanda ng iyong pagkanaririto at ng katapusan ng sistema Mateo 24:3) Sa pagbibigay ng gayong tanda, idinagdag ni Jesus ang patotoo ng ikalawang saksi upang tiyakang tukuyin ang 1914. Ito’y kasuwato ng simulain ng Bibliya na “sa bibig ng dalawa o tatlong saksi ay mapagtitibay ang bawa’t salita.”—Mateo 18:16.
ng mga bagay?” (Bagaman ang kronolohiya’y nakaturo nang paabante sa 1914, ang maraming bahaging tanda na ibinigay ni Jesus ay nilayon na tumuro nang paatras sa 1914 bilang pasimula ng isang bagong yugto ng panahon. Ang taóng 1914 ay napatunayan sa gayon na “ang punto na pinagsasalubungan ng sabay-sabay na mga pangyayari.”
Nagkaganoon nga ba? Ang tanda ba na ibinigay ni Jesus ay talagang mapagkikilala sa mga pangyayaring nagaganap sapol noong 1914? Aming inaanyayahan kayo na suriin ang bagay na iyan at pagkatapos ay sagutin iyan para sa inyong sarili.
[Talababa]
a Ang bilang ng panahon na nagpapakitang natapos noong 1914 “ang mga Panahon ng mga Gentil” ay tinalakay nang malawakan sa labas ng Ang Bantayan noong Oktubre 1, 1984.