Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
◼ Nang sa Hebreo 8:13 ay tukuyin ang tipang Kautusan bilang “naluluma . . . [at] malapit nang lumipas,” ang tinutukoy ba nito’y ang nalalapit nang pagwawakas ng sistemang Judio noong 70 C.E.?
Hindi. Ganiyan ang paliwanag ng iba sa Hebreo 8:13. Subali’t ipinakikita ng konteksto na tumutukoy ito sa katayuan ng tipang-Kautusan mula noong panahon na ihula ni Jeremias ang bagong tipan.
Sa Hebreo kabanatang otso ay ipinakikita ni apostol Pablo ang pagkakaiba ng dalawang tipan. Ang “unang tipan” ay ang tipang Kautusan na si Moises ang tagapamagitan. Ang “ikalawa,” o bago, na tipan ay isang “lalong mainam na tipan” na si Jesus ang tagapamagitan at “legal na itinatag salig sa lalong maiinam na pangako.”—Hebreo 8:6. 7.
Sinipi ni Pablo ang Jeremias 31:31-34, na kung saan ipinangako ni Jehova na siya’y “makikipagtipan sa sambahayan ng Israel at sa sambahayan ng Juda ng isang bagong tipan.” Pagkatapos ay isinulat ng apostol: “Sa kaniyang pagsasabing ‘isang bagong tipan’ ang dati’y niluma niya. Ngayon ang ginawang luma at matanda na ay malapit nang lumipas.”—Hebreo 8:13.
Ang aklat ng Mga Hebreo ay isinulat noong panahon ng “katapusan ng [Judiong] mga sistemang mga bagay,” marahil mga siyam na taon bago niwasak ng mga Romano ang Jerusalem noong 70 C.E. (Hebreo 9:26) Kaya, ganito ang paliwanag ng iba tungkol sa talatang iyan: Ang pagsang-ayon ng Diyos sa Kautusan ay natapos nang mamatay si Jesus, subali’t ang pagsamba na isinasagawa sa templo ay nagpatuloy hanggang 70 C.E. Samakatuwid nang isulat ni Pablo ang Hebreo 8:13 ang tipang Kautusan ay ‘matanda na at malapit nang lubusang lumipas’ na sumapit noong 70 C.E.
Subali’t, isa pang paliwanag ang lalong kasuwato ng sinasabi ng Hebreo kabanata 8. Idiniriin ni Pablo ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Jeremias na isang bagong tipan ang ihahalili sa tipang Kautusan, na may kapintasan, sapagka’t hindi makalikha ng isang bayang matuwid. (Roma 3:20) Noong kaarawan ni Jeremias ay tiyak na nagtaka ang mga Judio nang marinig nila na ang tipang Kautusan ay hahalinhan ng isang bagong tipan na magagawa na lahat ng kasalanan ay lubusang mapatawad.
Gayunman, minsang espesipikong patiunang sinabi ng Diyos na magkakaroon ng bagong tipan, ang matandang tipan ay sa isang diwa luma na. Kahit na pinayagan ng Diyos na manatili pa iyon hanggang sa pagparito ng Mesiyas na nagsilbing Tagapamagitan ng bagong tipan, tungkol sa tipang Kautusan ay masasabi na ang mga araw nito ay nabibilang na dahil sa gayon ngang isinulat ni Jeremias. Kaya naman ang talata ay nagsisimula: “Sa kaniyang pagsasabi na ‘isang bagong tipan’ kaniyang niluma ang dati.” O, gaya ng pagkasalin ni J. B. Phillips: “Ang mismong bagay na may tinutukoy ang Diyos na isang bagong tipan . . . ay nagpapaging lipas na sa luma.”
Ang inihula ni Jeremias na paglipas nang kaniyang isulat ang Jeremias 31:31-34 ay lubusang natupad nang mamatay si Jesus at matapos noon ang Kautusan. Kaya’t makalipas ang mga 28 taon ay masasabi ni Pablo sa susunod na talata: “Sa bahagi nito, kung gayon, ang dating tipan ay may mga palatuntunan sa banal na paglilingkod at sa makalupang dakong banal nito.”—Hebreo 9:1.
◼ Bakit may mga Judiong nag-aakala na si Juan Bautista ay si Elias, gaya ng binanggit sa Juan 1:21?
Bago nabautismuhan si Jesus, may mga saserdote at mga Levita na naparoon sa Betania sa kabilang ibayo ng Jordan, na kung saan doon nagsasagawa ng pagbabautismo si Juan, at tinanong siya kung siya baga ang Kristo. Nang sabihin ni Juan na hindi siya, sila’y nagtanong, “Ano, kung gayon? Ikaw ba’y si Elias?”—Juan 1:19-28.
Bakit inakala ng mga Judiong iyon na si Juan ay baka ang propetang Hebreo na si Elias, na namatay mga siyam na siglo na ang lumipas? Ang Malakias 4:5) Marahil ang unawa riyan ng mga ibang Judio ay isang literal na pagbabalik ni Elias, baka sa pamamagitan ng pagbuhay-muli sa kaniya ng Diyos. Nang magkagayo’y lumitaw si Juan na nakadamit-balahibo at may pamigkis na katad na nahahawig sa damit ni Elias. (Mateo 3:4; 2 Hari 1:8) At si Juan ay tahasan kung magsalita sa paghahayag ng mensahe ng Diyos na nananawagan sa pagsisisi, gaya ni Elias. Kaya’t kanilang itinanong kay Juan kung siya baga si Elias.
dahilan ay isang hula na sinalita noong mga kalagitnaan ng panahon ni Elias at ng pagsisimula ng ministeryo ni Juan. Inihula ng propeta ng Diyos na si Malakias: “Narito sa inyong mga tao ay sinusugo ko si Elias na propeta bago dumating ang dakila at kakila-kilabot na araw ni Jehova.” (Si Juan ay sumagot, “Hindi.” Hindi nga siya ang propetang Hebreo na si Elias, na natutulog pa sa kamatayan. Sa katunayan, isang anghel ang nagsabi kay Zacarias (na naging ama ni Juan) na si Juan ay maglilingkod na taglay ang “espiritu at kapangyarihan ni Elias,” upang ang mga Judio ay panumbalikin kay Jehova. (Lucas 1:17) Si Juan ay hindi si Elias, nguni’t makagagawa siya ng isang gawain na nahahawig sa naisagawa ng malaon nang namatay na propetang si Elias.
Kasuwato nito, si Jesus ay nagsabi nang maglaon na ang sumasaisip ay si Juan: “Naparito na si Elias at hindi nila nakilala siya.” (Mateo 17:12) Ang ibig niyang sabihin ay na tinupad ni Juan ang hula sa Malakias 4:5. Kaniyang inihanda na ang daan bago pa dumating ang Mesiyas. Gayunman, ang karamihan ng mga Judio ay hindi tumanggap kay Juan bilang tumutupad ng bahaging iyon. Isa pa, nasusulat sa Juan 10:41: “Si Juan nga ay gumawa ng iisang tanda,” samantalang ang orihinal na propetang si Elias ay gumawa ng walong tanda o mga himala.