Nakikilala Mo Ba ang Tanda?
Nakikilala Mo Ba ang Tanda?
NANG ang mga alagad ni Jesus ay magtanong sa kaniya ng isang “tanda” ng kaniyang “pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay” ang ginamit nila’y ang salitang Griego na semeion. Ang salita ring iyan ang ginamit ng mga Griego upang tumukoy sa mga sintomas ng isang sakit. Yamang ang tanda ni Jesus ay magsisiwalat kung kailan ang pagdating ng huling, o naghihingalong, mga araw ng sistema ng sanlibutan ni Satanas, sa ganitong paraan ay angkop ang pagkagamit ng terminong iyan. Ang pagkakilala sa mga sintomas ng may taning nang sakit ng sanlibutan ay kailangan upang maiwasan ng mga tao ang sila’y mapahamak na kasama nito.—Mateo 24:3; 1 Juan 2:16, 17.
Ano ba ang mga Bahagi ng Tanda?
Mientras maraming sintomas ang isang pasyente, lalong madali para sa isang sinanay na doktor na magdayagnosis nang husto ng isang sakit.Gayundin naman, upang tulungan tayo na makilala nang walang pagkabisala ang may taning nang sakit ng sanlibutan, si Jesus ay nagbigay sa atin ng maramihang-bahaging tanda, na binubuo ng maraming “sintomas.”
Upang matiyak ang lahat ng bahagi ng Mateo 24 at 25, Marcos 13, at Lucas 21. At hinihimok ka namin na gawin ito. Subali’t sa sandaling ito ay banggitin natin ang ilan lamang sa mga maraming sintomas na binanggit ni Jesus.
tanda, kailangang basahin mo angPANGGLOBONG DIGMAAN: “Ang bansa ay titindig laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian.”—Lucas 21:10.
TAGGUTOM: “Magkakaroon ng mga kakapusan sa pagkain.”—Mateo 24:7.
MGA LINDOL: “Lilindol sa iba’t-ibang dako.”—Marcos 13:8.
TAKOT: “Sa lupa’y manggigipuspos ang mga bansa, na hindi alam kung paano lulusutan iyon . . . samantalang nanlulupaypay ang mga tao dahil sa takot at paghihintay sa mga bagay na darating sa tinatahanang lupa.”—Lucas 21:25, 26.
SAKIT: “Magkakaroon ng mga salot sa iba’t-ibang dako.”—Lucas 21:11.
KRIMEN: “Dahilan sa pagsagana ng katampalasanan ang pag-ibig ng marami ay manlalamig.”—Mateo 24:12.
Sa Papaano Naiiba?
Wala sa mga bagay na ito ang natangi sa siglo nating ito. Samakatuwid kung ang mga ito’y mga palatandaan ng “katapusan ng sistema ng mga bagay,” sa ano mang paraan ay kailangang mapaiba ang mga ito sa katulad na mga kalagayan noong nakalipas na mga panahon. Sa papaano?
Una, bawa’t bahagi ng tanda ay kailangang masaksihan ng isang saling-lahi. Sinabi ni Jesus: “Ang saling-lahing ito ay hindi lilipas sa ano mang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng bagay.”—Lucas 21:32.”
Ikalawa, ang mga epekto ng tanda ay kailangang madama sa buong daigdig. Binanggit ni Jesus ang tungkol sa “buong tinatahanang lupa” at tungkol sa “lahat ng bansa.”—Mateo 24:9, 14, 30, 31 at 25:32.
Ikatlo, ang sama-samang mga kalagayan o mga sintomas ay kailangang patuloy na lumubha sa loob ng panahong ito. “Lahat ng mga bagay na ito ay pasimula ng mga hapdi ng mga pagdurusa,” ang sabi ni Jesus.—Mateo 24:8.
Ikaapat, ang lahat ng mga pangyayaring ito ay kasabay ng pagbabago ng mga saloobin at kilos ng mga tao. Si Jesus ay nagbabala: “Ang pag-ibig ng marami ay manlalamig.” Si apostol Pablo ay humula rin tungkol sa patuloy na pagsamang ito ng mga saloobin ng mga tao.—Mateo 24:12; 2 Timoteo 3:1-5.
Gaano bang Kalubha ang mga Sintomas?
Huwag ipagwalang-bahala ang kalubhaan ng mga kalagayan sa ngayon, na sabihin, “Oh, pero ito’y maaaring maging malala pa kaysa riyan!” Ang tao ba na may sintomas ng isang sakit—sabihin na natin isang mataas na lagnat—ay basta wawalaing-bahala iyon sapagka’t, sa kabila ng lahat, “ito’y maaaring maging malala pa kaysa riyan”? Kundi, tanungin ang iyong sarili: Kung ang mga sintomas ngayon ay hindi nagpapakita na tayo’y nabubuhay sa “mga huling araw . . . na mahirap pakitunguhan,” gaanong kalubha makararating ang mga ito?
BUONG-GLOBONG DIGMAAN: Isang historyador na Europeo ang nagsabi tungkol sa Agosto 1914: “Sa mga unang araw ng itinadhanang buwang ito isa sa pinakamapayapang panahon na naranasan kailanman ng ating kontinente ay natapos.” Kahit na ang ikalawang digmaang pandaigdig ay hindi nagdala ng kapayapaan pagkatapos. Ang sabi ng Alemang magasing Der Spiegel: “Kahit iisang araw sapol noong 1945 ay walang ano mang tunay na kapayapaan sa daigdig . . . Ang nabilang ng mga eksperto sa kapayapaan ay 130 digmaan, giyera sibil, pag-aalsa, mga lansakang paglipol at mga kampanya ng terorismo sapol nang matapos ang Digmaang Pandaigdig II. Halos isang daang bansa ang nasangkot at mga 35 milyong katao ang nangasawi, higit pang
marami kaysa nasawi sa Unang Digmaang Pandaigdig.”KAKAPUSAN NG PAGKAIN: Pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig I ay nagkaroon ng malubhang kakapusan sa pagkain. Subali’t ang problema ng gutom nang matapos ang Digmaang Pandaigdig II ay napakalubha na anupa’t ang unang permanenteng natatanging ahensiya na itinatag ng United Nations ay ang FAO (Food and Agriculture Organization), na nilayong makapagpagaang sa problemang iyan.
Komusta naman sa ngayon? Tungkol sa natuklasan ng isang 20-miyembrong Komisyon sa Pandaigdig na Gutom, ganito ang ulat: “Ang problema ng gutom ngayon ay totoong naiiba kaysa noong nakaraan. . . . Ngayon ay totoong kakaunti ang pagkain sa maraming panig ng daigdig, kumakaunti sa taun-taon, kung kaya’t ang buong 25% ng populasyon ay nagugutom o kapos sa pagkain, at isa sa walo katao ang dumaranas ng malnutrisyon na nagdudulot ng paghina ng katawan.”
MGA LINDOL: Ang mga lindol ay nagaganap nang palagian “sa iba’t-ibang dako” kung kaya’t hindi na ito gaanong pinapansin ng marami. Noong 1973 ang publikasyong Earthquakes ay nagbigay-babala: “Ang isa ay baka may di-maalwang pakiramdam na tayo ay muling nakaharap sa isang panahon ng lalong maraming lindol. Ang pakiramdam na ito, nakalulungkot mang sabihin, ay tama.“ Makalipas ang tatlong taon, sa T’ang-shan, Tsina, ay sumapit ang tinutukoy ng isang espesyalistang Amerikano na “ang pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng sangkatauhan.” At ilan sa malalakas na lindol sapol noon ang natatandaan mo? Marahil yaong sumapit sa Algeria, Italya, North Yemen, Colombia at Iran?
TAKOT: Noong tag-araw ng 1983, ang peryodistang Aleman na si Wolfgang Wagner ay sumulat: “Ang pagtitiwala sa hinaharap ay waring nalanta na na gaya ng mga punungkahoy na nakaranas ng pag-ulan ng asido . . . May sapat na dahilan tayo sa dinaranas ng totoong maraming tao na takot. Ang patayan at pamamaslang ay dati na sa kasaysayan, subali’t ngayon lamang nasa panganib ang tao na lipulin ang kaniyang sarili. Dati nang sinasalanta hanggang sa mawasak ang mga hayop at halaman, subali’t ngayon lamang napakarami sa kanila ang nangalipol nang pagkadali-dali.”
Sa peryodikong Die Welt ng Hamburg ay tinukoy ang siglong ito bilang “ang Siglo ng Pagkatakot,” at ang sabi: “Kailanma’y hindi pa nagkakaroon ng napakaraming babasahin tungkol sa takot di gaya sa kasalukuyan.”
SAKIT: Ang Digmaang Pandaigdig I ay sinundan ng isang kakilakilabot na salot ng trangkaso na pumatay sa mga 20 milyong katao, doble ng dami ng mga namatay sa giyera. Ngayon, si Dr. William Foege, director ng CDC (Centers for Disease Control) ng Atlanta, ay nagsasabi: “Inaasahan kong lubos na posibleng mangyari sa panahong ikinabubuhay natin ang isa pang salot ng trangkaso na kasinglubha noong 1918.” Kaniyang isinusog: “Minsang mapalayas mo na ang isang sakit, nariyan na naman ang bago.”
Noong nakalipas na mga taon ay may lumitaw na misteryosong mga “bagong” sakit, halimbawa ang Legionnaires’ disease, toxic shock syndrome at ang kinatatakutang AIDS, bilang pagbanggit sa tatlo lamang.
KRIMEN: Karamihan ng mga tao ay hindi na kailangang makarinig pa ng estadistika upang maniwala na talagang dumarami ang krimen—maging sa mga dako man na hindi inaasahang magaganap iyon. Isang pabalita ang nagsasabi: “Sa loob ng maraming taon ang Tsina ay nakapagpaunlad ng kaniyang larawan bilang isang lipunan ng mga taong maibigin sa kapayapaan at wala siya ng karamihan ng mararahas na krimen na uso sa may kabulukang kapitalistang Kanluran. Hindi
na . . . [Ngayon] ang bansa ay waring nasa gitna ng isang pambansang daluyong ng krimen.”Ang krimen sa ngayon ay tunay na isang naiibang krimen. Sang-ayon sa isang report, ‘ang kalupitan ng marahas na krimen ay laganap hindi lamang sa mga miserableng tirahan sa mga lunsod ng mga maralita kundi saanman. At ang kapuna-punang lalo, ang mga krimen ay nagiging lalong malupit, lalong walang katuwiran, walang pinipili—at samakatuwid lalong nakatatakot.’
Mabuting Balita sa Gitna ng Masasamang Balita
Subali’t isa pang mahalagang bahagi ng tanda na ibinigay ni Jesus ay ito: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mateo 24:14) Ang mabuting balita ay na sapol noong 1914 ang Kaharian ng Diyos ay naghahari na buhat sa kalangitan! Hindi na magtatagal at pupuksain nito ang sistema ni Satanas at pagkatapos ay saka pasisimulang lutasin ang mga problemang resulta ng mga digmaang pangglobo, mga kakapusan sa pagkain, mga lindol, takot, sakit at krimen. Isip-isipin iyan! Ang mga ito at lahat ng iba pang di-kanais-nais na mga sintomas ng isang naghihingalong lipunan ay malapit nang mawala. Mayroon pa bang balita na bubuti pa riyan?—Ihambing ang Awit 46:9; 72:16; Isaias 33:24; Daniel 2:44; Mikas 4:3, 4; Apocalipsis 21:3-5.
Kaya naman pagkatapos na itawag-pansin ni Jesus ang kaniyang binanggit na tanda tungkol sa sarisaring sintomas ng naghihingalong lipunan ni Satanas, siya ay nagsabi: “Nguni’t pagsisimula ng mga bagay na ito, tumayo na kayo nang tuwid at itaas ang inyong mga ulo, sapagka’t nalalapit na ang inyong kaligtasan.”—Lucas 21:28.
Ang mga bagay na ito ay tunay na nagsimulang naganap noong 1914. Ang katuparan ng tanda na ibinigay ni Jesus sapol noong 1914 ay nakaturo sa petsang iyan bilang ang tamang petsa na bago pa sumapit ay tinutukoy na ng kronolohiya sa Bibliya. Oo, ang 1914 ay tunay na isang tampulan ng pansin tungkol sa hula sa Bibliya!