1914—Ang Saling-Lahi na Hindi Lilipas
1914—Ang Saling-Lahi na Hindi Lilipas
ANG saling-lahing ito ay hindi lilipas sa ano mang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito,” ang sabi ni Jesus. (Mateo 24:34) Subali’t ano ba ang ibig sabihin ng salitang “saling-lahi”?
Sa kaniyang aklat na The Generation of 1911, ganito ang sabi ni Robert Wohl, propesor ng history: “Ang isang historikal na saling-lahi ay hindi sunod ang kahulugan sa kronolohiya o sa mga hangganan nito. Hindi ito isang pitak ng mga petsa . . . Ang higit na nakakatulad nito ay isang larangang magnetiko na sa gitna ay naroroon ang isang karanasan o ang sunud-sunod na mga karanasan. . . . Ang mahalaga sa pagkakilala sa saling-lahi ay isang karaniwang reperensiya na nagbibigay ng matinding pagkapatid sa nakalipas . . . Ang reperensiyang ito ay laging nagmumula sa mga dakilang pangyayari sa kasaysayan na tulad ng mga digmaan, rebolusyon, mga salot, taggutom, at krisis ng kabuhayan.”
Sa ganitong pangangahulugan, ang Dakilang Digmaan ng 1914-18 at ang mga pangyayari pagkatapos ay isang “reperensiya” na tanda ng isang saling-lahi. Ang sabi ni propesor Wohl: “Ang Digmaang Pandaigdig I ay lumikha ng isang labis-labis na pagkapatid sa nakalipas. Yaong mga nakatawid sa digmaan ay hindi makapagwaksi ng paniwala na isang sanlibutan ang natapos at isa naman ang nagsimula noong Agosto 1914.”
Ang salitang “saling-lahi” ay maraming beses na ginamit ni Jesus sa iba’t-ibang paraan at kahulugan. Subali’t ano ang ibig niyang sabihin nang tukuyin niya ang isang ‘saling-lahi na hindi lilipas’? Ang pagpapakahulugan ng iba sa “saling-lahi” ay yugto ng panahon na 30, 40, 70 o 120 taon. Subali’t, ang saling-lahi ay talagang may kaugnayan sa mga tao at mga pangyayari, imbis na sa isang takdang bilang ng mga taon.
Ang salitang Griego na isinaling “saling-lahi” sa Bibliya ay binigyang kahulugan na, “Yaong mga sabay-sabay na inianak . . . Kaugnay nito ay ang kahulugan na: ang kalipunan ng mga taong magkakapanahon, isang panahon.” (The New International Dictionary of New Testament Theology) “Ang kabuuang lahat-lahat ng mga taong inianak sa loob ng iisang panahon, na pinalawak upang makasali ang lahat ng nangabubuhay sa isang takdang panahon ng isang saling-lahi, mga magkakapanahon.” (A Greek-English Lexicon of the New Testament galing sa Walter Bauer’s Fifth Edition, 1958) Kasali sa mga kahulugang ito kapuwa yaong mga inianak humigit-kumulang sa panahon ng isang makasaysayang pangyayari at lahat ng mga taong buháy sa panahong iyon.
Kung ginamit ni Jesus ang “saling-lahi” sa diwa na gaya ng pagkakapit natin nito sa 1914, ang mga sanggol noon na bahagi ng lahing iyan ay 70 anyos na ngayon o mahigit pa. At ang mga iba na buháy noong 1914 ay nasa pagitan ng edad na 80 at 90, at ang ilan ay sumapit na sa isang daan. Angaw-angaw na kabilang sa saling-lahing iyan ang buhay pa. Ang ilan sa kanila ay “hindi lilipas sa ano mang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay.”—Lucas 21:32.
Sapol noong 1914 ay nakalampas na tayo sa dalawang digmaang pandaigdig at marami pang malalaking digmaan, kasama ang mga taggutom, lindol, salot at Lucas 21:10, 11) Nguni’t sinabi ni Jesus: “Ang saling-lahing ito ay hindi lilipas sa ano mang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng mga bagay na ito.” (Mateo 24:34) Marahil ay itatanong mo: Ano ang mga iba pang mahalagang mga pangyayari na masasaksihan ng saling-lahi na 1914? At talaga kayang maganap ang mga ito sa yugto ng panahon na natitira para sa saling-lahing iyan?
iba pa. (Ano ang Susunod na Mangyayari?
Lalung-lalo na sapol noong 1919 tinutupad nang malawakan at sa kabila ng buong-lupang pananalansang ang inihula ni Jesus: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.” (Mateo 24:14) Oo, ito ang gawain na kailangang matapos ayon sa kagustuhan ni Jehova bago sumapit ang wakas.
Ano pa ang mga ibang pangyayari na magaganap sa loob ng panahong natitira para sa saling-lahi ng 1914? Malinaw na tinutukoy ng Bibliya ang mga ilang mahalagang pangyayari na hahantong sa, at magiging bahagi ng, “malaking kapighatian,” na ang sukdulan ay sa Armagedon, na “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” (Mateo 24:21; Apocalipsis 16:14, 16) Kailangang apurahang malaman mo kung ano ang mga pangyayaring ito upang makakilos ka ukol sa kaligtasan bago maging huli na ang lahat.—Zefanias 2:3.
Isa na rito yaong inihula ni apostol Pablo na: “Kayo na rin ang lubos na nakakaalam na ang araw ni Jehova ay dumarating na kagayang-kagaya ng isang magnanakaw sa gabi. Pagka sinasabi nila: ‘Kapayapaan at katiwasayan!’ saka naman ang biglaang pagkapuksa ay biglang-biglang darating sa kanila.” Nililinaw nito na, ilang saglit lamang bago magwakas ang sistemang ito ng mga bagay, ang “kapayapaan at katiwasayan” ay ipahahayag sa isang pambihirang paraan, ng United Nations o nang hiwalay diyan ng mga lider na politiko o relihiyoso. Ano ang kasunod ng pagpapahayag na iyan? Sinabi ni Pablo: “Ang biglaang pagkapuksa ay biglang-biglang darating sa kanila.”—1 Tesalonica 5:2, 3.
Mahalaga ba Kung Anuman ang Relihiyon Mo?
Apektado ka ba ng pagkapuksang iyan? Kabilang ka ba sa isa sa maraming relihiyon sa daigdig? Alam mo ba ang pagkakilala ng Diyos sa mga relihiyong iyan? Ano ang kinabukasan nila?
Isang “dakilang patutot” na tinatawag na “Babilonyang Dakila” ang inilalarawan ni apostol Juan bilang isang sistema na malaon nang nakikilaguyo sa “mga hari sa lupa” na may politikal na kapangyarihan. Ang “patutot” na ito ay nakinabang din sa “naglalakbay na mga mangangalakal,” ang makakomersiyong bahagi ng sanlibutan. Ano bang sistema ang nag-aastang panginoon sa “mga bayan at mga karamihan at mga bansa at wika”? Ito’y ang huwad na relihiyon! Oo, lahat ng relihiyon na di-tunay sa pangmalas ng Diyos na Jehova ay bahagi ng “dakilang patutot” na ito, na isang imperyong pandaigdig.
Ano ba ang mangyayari sa kaniya sa malapit na hinaharap ?—Apoca1ipsis 17:1-8, 15; 18:15-17.Ayon sa Apocalipsis 17:16 mga radikal na bahaging politikal ng United Nations (ang “matingkad-pulang mabangis na hayop”) ang mapopoot sa patutot at wawasakin siya. Kahit ngayon, may mga malalakas na ateyistiko at antirelihiyosong bahagi ng United Nations na gumawa na ng hakbang upang lipulin ang relihiyon sa kanilang lupain. Lalong marahas na pagkilos ang inaasahan sa malapit na hinaharap pagka kumilos na ang mga politiko upang wasakin hindi lamang ang Sangkakristiyanuhan kundi pati lahat ng iba pang mga dakilang sistema ng relihiyon. Maaasahan na ang mga Saksi ni Jehova na nangangaral ng Kaharian ng Diyos ay aatakihin din ng mga hukbong anti-Diyos. Para na rin nilang inatake ang Diyos kaya’t sila’y gagantihin-ng digmaan ng Diyos ng Armagedon!—Apocalipsis 17:3, 12-16; 16:14-16; Ezekiel 38:10-12, 18-23; Zacarias 2:8.
May Sapat na Panahon Ba?
Kung sa pangmalas ng tao, ang mga pangyayaring ito’y baka may kahirapang mangyari bago lumipas ang saling-lahi ng 1914. Subali’t ang katuparan ng lahat ng inihulang pangyayari na may epekto sa saling-lahi ng 1914 ay hindi nakasalig sa mabagal na pagkilos ng tao. Ang sinalita ni Jehova sa pamamagitan ni Kristo Jesus ay: “Ang saling-lahing ito [ng 1914] ay hindi lilipas sa ano mang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng bagay.” (Lucas 21:32) Si Jehova, na bukal ng kinasihang hula na di-nagmimintis, ang magpapangyari na sa sandaling panahon matupad ang sinabi ng kaniyang Anak.—Isaias 46:9, 10; 55:10, 11.
Mayroon bang mga halimbawa sa Bibliya ng mga hulang natupad bagaman marami ang ayaw maniwala? Oo, at suriin natin ang isa nito. Noong 33 C.E., inihula ni Jesus ang mangyayari sa Jerusalem at sa templo roon: “Tungkol sa mga bagay na ito na inyong nakikita, darating ang mga araw na walang maiiwan ditong isang bato sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak. Isa pa, kapag nakita ninyong nakukubkob ng nagkampong mga hukbo ang Jerusalem, kung magkagayo’y talastasin ninyo na malapit na ang kaniyang pagkagiba.”—Lucas 21:6, 20.
Makalipas ang tatlumpu’t-tatlong taon, ang Jerusalem ay inatake ng hukbong Romano, sa ilalim ni Cestius Gallus, at halos magtatagumpay noon. Subali’t, sa di-maipaliwanag na dahilan, sa kaniyang mga kawal ay iniutos ni Heneral Gallus na umatras. Kaya’t marahil suma-isip ng ibang mga Judio na ang kanilang banal na lunsod ay hindi daranas ng pagkawasak. Nguni’t sandalian lamang ang gayong kaisipan. Makalipas ang apat na taon, ang mga hukbong Romano sa ilalim ni Titus ay bumalik at kanilang iniwasak ang Jerusalem at ang templo.
Ang hula ni Jesus ay natupad nga hanggang sa kaliit-liitang detalye. Ganito ang
sabi ni G. A. Williamson sa kaniyang introduksiyon sa The Jewish War ni Josephus: “Kung wala tayong ibang pinagkunan ng impormasyon kundi ang mga ebanghelyo maghihinala tayo na ang mga babala ni Jesus ay nababalot ng hyperbolical [pinalabisan] na mga pananalita . . . Posible kaya na sa pagkatibay-tibay na Templong iyan walang bato na maiiwan sa ibabaw ng kapuwa bato, na hindi ibabagsak! Posible nga iyan; totoong nangyari iyan. Ang pagkawasak ay lubus-lubusan at kompleto . Ang buong malungkot na kasaysayang iyan ay inihula na sadyang nakapagtataka ang kawastuan.”Ang mga inihula ni Jesus tungkol sa Jerusalem ay natupad sa loob ng panahong ikinabubuhay ng saling-lahi ng taong 33 C.E., kaya naman ang kaniyang mga inihula tungkol sa “panahon ng kawakasan” ay matutupad din sa panahong ikinabubuhay ng saling-lahi ng 1914. (Daniel 12:4) Isang magandang kinabukasan ang nakaharap hindi lamang sa saling-lahing iyan kundi sa lahat ng taong nabubuhay ngayon. Bakit? Sapagka’t sinabi rin ni Jesus tungkol sa mahalagang mga pangyayari na may epekto sa saling-lahing iyan: “Pagka nakita ninyong nangyayari na ang mga bagay na ito, talastasin ninyo na malapit na ang kaharian ng Diyos.”—Lucas 21:28, 31.
Ang pagkamalapit na ng Kaharian ng Diyos ay nagpapakita na malapit na rin ang wakas ng kasalukuyang baha-bahaging mga sistema ng politika, relihiyon at komersiyo. Malapit na rin ang isang matuwid na bagong pamahalaan para sa lahat ng taong masunurin. Makapipili ka ng buhay na walang hanggan sa ilalim ng kaayusang ito ng “mga bagong langit at isang bagong lupa.” (2 Pedro 3:13; Juan 17:3) Oo, baka makita mo ang ipinangakong Bagong Kaayusang ito, kasama ng lahat ng mga makakaligtas na bahagi ng saling-lahi ng 1914—ang saling-lahi na hindi lilipas.
[Larawan sa pahina 5]
Isang sanlibutan ang natapos at isa naman ang nagsimula noong Agosto 1914“
[Larawan sa pahina 6]
Pagka sinabi nilang “Kapayapaan at katiwasayan!” ang biglaang pagkapuksa ay darating sa kanila’
[Larawan sa pahina 7]
Baka makita mo ang Bagong Kaayusan, kasama ng mga makaliligtas na bahagi ng saling-lahi ng 1914