1914—Kasaysayan Ba Lamang? O May Epekto sa Iyo?
1914—Kasaysayan Ba Lamang? O May Epekto sa Iyo?
SA BAYAN ng Sarajevo sa Bosnia nang umaga ng Hunyo 28, 1914, dumaplis ang intindi ng tsuper sa tagubilin sa kaniya, siya’y lumiko sa hindi dapat likuan, . . . at sa ganoo’y naihatid niya ang kaniyang mga pasahero sa isang dako na kung saan may naghihintay sa kanila na isang salarin na papaslang sa kanila.
“Dalawang putok ng baril at yumanig ang buong daigdig. Ang pamamaslang na ito ang nagsilbing maliit na bato na, dahil sa pagkatibag, naging sanhi ng pagkalaki-laking pagguho. Ang kasunod nito’y apat na taon ng pandaigdig na karahasan. Angaw-angaw ang dumanas ng di-napapanahong kamatayan.”—The American Heritage History of World War I.
Ang pamamaslang na iyan sa Archduke Francis Ferdinand ng Austria at sa kaniyang asawa, si Sophie, ang pasimula ng mga pangyayari na nagsisilbing palatandaan sa 1914 bilang isang taon ng pinakamalaking pagbabago sa kasaysayan ng sangkatauhan. At ang mga pangyayaring ito ay may malaking epekto sa iyo. Bakit? Sapagka’t ang “pagguho” ay ang Dakilang Digmaan ng 1914-18. Magbuhat na noon ay patuluyang naglalaglagan ang pagkalalaking “bato” ng digmaan at karahasan hanggang sa ngayon.
Isang May-Tanda na Saling-Lahi
Tungkol sa kahulugan ng Digmaang Pandaigdig I, sumulat ang autor Ingles na si J. B. Priestley: “Kung inianak ka noong 1894, gaya ko, biglang nakakita ka ng isang malaking basag sa salamin. Pagkatapos ay hindi mo na maiwalay sa iyong isip ang pangitain ng isang daigdig na natapos noong 1914 at isa pa na nagsimula naman noong bandang 1919, at sa pagitan nila’y . . . may isang kagubatan ng usok at nagngangalit na apoy.”
Ang mga taong buháy pa na bahagi ng “isinakripisyong henerasyon” ng 1914, a ay nakaranas ng pambihirang mga panahon na nagsimula sa pamamagitan ng mga trintsera at mga kanyon at matatapos sa pamamagitan ng intercontinental ballistic missiles na maaaring makapagwasak sa sanlibutan. Ang “progreso” ay angkop sa inihula ni Jesu-Kristo: “Ang bansa ay titindig laban sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian; . . . at sa lupa ay magkakaroon ng lagim sa gitna ng mga bansa at ng pagkalito dahilan sa hugong ng daluyong ng karagatan. Ang malalakas-loob na mga tao ay lubusang manlulupaypay samantalang nasasaksihan nila ang nagbabantang panganib sa daigdig sapagkat yayanigin ang mismong mga kapangyarihan sa langit.”—Lucas 21:10, 25, 26, Phillips.
gaya ng tawag doon,Ang mga salitang ito ni Jesus ay bahagi ng maraming-bahaging tanda na nagpapakilala sa “wakas ng sanlibutang ito.” Tulad ng madalas na ipinakikita ng lathalaing ito, sapol noong 1914 ang hulang ito ay natutupad nang malawakan. Subali’t may isinusog si Jesus na totoong mahalaga kung tungkol sa henerasyon ng
1914. Ano ba iyon? Sinabi niya: “Pagka nakita ninyo na nagaganap ang mga bagay na ito, tantuin ninyo na ang kaharian ng Diyos ay malapit na. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang saling-lahing ito ay hindi lilipas sa ano mang paraan hanggang sa maganap ang lahat ng bagay.”—Mateo 24:3, Ph; Lucas 21:29-32.
Papaano ba kumakapit ang mga salitang ito sa mabilis na pumapanaw nang saling-lahi ng 1914? Anong mga pangyayari ang hinihintay? At paano ka maaapektuhan ng mga pangyayaring ito?
[Talababa]
a Robert Wohl, sa The Generation of 1914.