Ang Kahulugan ng mga Balita
Ang Kahulugan ng mga Balita
Di-popular na Bibliya
May mga isang daang taon na ngayon, ang pangalang Jesus ay lumilitaw na “Iesu” sa mga Protestanteng Bibliya sa Hapon. Ang mga Bibliyang Katoliko ay gumamit ng “Zezu” sa primero, at nagbago tungo sa “Iezusu” noong 1895. Sa pagtatangkang malunasan ang matagal nang pagkakaibang ito, noong limang taóng lumipas ang JBS [Japan Bible Society] ay naglathala ng tinatawag nito na Common Bible o Interconfessonal Translation. Bilang isang kompromiso, ang bersiyong ito ay gumagamit ng “Iesusu,” at umaasang makakaakit ito sa magkapuwa grupo at lalong magpapalapit sa dalawa. Ito kaya’y gumana?
Sang-ayon sa Mainichi Shimbun, samantalang ang JBS ay nagbebenta ng mahigit na isang milyong Bibliya sa isang taon, 20,000 lamang na mga kopya ng bagong salin ang naipagbili. “Ang pinakamalaking balakid ay yaong bigkas ng Jesus. Upang ang mga Katoliko ay hindi naman lubusang maipagwalang-bahala, isasali roon ang mga aklat na Apocripa. Kung magtatagumpay baga ang bagong planong ito, panahon lamang ang makapagsasabi.”
Si apostol Pablo ay nagpayo sa kaniyang mga kapwa Kristiyano: “Ngayo’y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesu-Kristo na kayong lahat ay magsalita nang may pagkakaisa, at huwag magkaroon sa inyo ng mga pagkakabaha-bahagi.” (1 Corinto 1:10) Ang nag-aangking mga Kristiyano sa Hapon, at marahil saanman, ay totoong nangahihirapan na magkaisa-isa sa “pangalan” na iyan, kaya’t anong pagkakaisa ang maaasahan nilang kakamtin nila sa mga ibang bagay? Sa gayon, tulad din ng iba, kanilang tinutupad ang inihula ni Pablo na “sa mga huling araw” ang mga tao ay magiging “di-marunong tumupad ng kasunduan.”—2 Timoteo 3:1, 3.