Ang Pagsunod sa Patnubay ni Jehova Nagdadala ng Saganang Pagpapala
Ang Pagsunod sa Patnubay ni Jehova Nagdadala ng Saganang Pagpapala
Inilahad ni Donald J. Morrison
ANO ang kahulugan para sa isang Kristiyano ng pag-aalay niya ng sarili kay Jehova? Para sa akin ay nangangahulugan iyan na ‘kailangang sumunod ako sa Diyos bilang pinuno bago sa mga tao.’ (Ihambing ang Gawa 5:29.) Gayunman, narito ako—binata, walang pananagutan, may mahusay na trabahong doo’y may pagkakataon akong umasenso, dumadalo sa mga pulong Kristiyano at naglilingkod sa larangan bilang isang tagapagbalita ng Kaharian.
Sa Canada ay mayroon ding mga Kristiyano, mga kabataan, dalaga’t binata, walang pananagutan sa buhay, na hinihimok na pumasok sa buong-panahong paglilingkod bilang mga payunir. Lumipas ang mga buwan, nguni’t sa wakas noong Abril 1942 ay pumasok ako sa paglilingkurang payunir. Mula noon hangga ngayon ay natanto ko na ang pagsunod sa patnubay ni Jehovang Diyos na natatamo sa pamamagitan ng kaniyang Salita at ng kongregasyon ng kaniyang mga lingkod ay nagdadala ng maraming pagpapala.
Pumasok sa Tahanan Namin ang Katotohanan
Ang unang pagkarinig ko ng katotohanan sa Bibliya ay nang ako’y isang bata. Ang Bible Students, na siyang tawag noon sa mga Saksi ni Jehova, ay nag-anunsiyo ng isang miting na gaganapin sa isang maliit na paaralan, na may iisang kuwarto, isang Linggo ng hapon noong 1921. Yamang interesante kung pakinggan ang tunog ng titulo ng paksang ipahahayag, ang buong pamilya namin ay dumalo. Pagkatapos ng miting ay kinausap ng mga magulang ko ang nagpahayag, at ang resulta’y diskusyon sa aming tahanan nang sumunod na linggo. Agad tinanggap ng mga magulang ko ang katotohanan.
Noon, ang pamilya namin ay mga Presbiteryano, at ako at ang aking nakababatang kapatid na lalaki at kapatid na babae ay dumadalo sa Sunday School. Subali’t sa pag-aaral namin ng katotohanan, napag-alaman namin na wala palang naglalagablab na impierno o kawalang kamatayan ng kaluluwa. Sa halip, napag-alaman namin ang tungkol sa kahanga-hangang pag-asa na mabuhay kami magpakailanman sa isang lupang Paraiso. (Eclesiastes 9:5, 10; Ezekiel 18:4; Lucas 23:43) Anong gandang kinabukasan!
Ang aming tahanan ay naging sentro para sa regular na mga pulong at isang tuluyan para sa sino man sa mga Bible Students na nagpapatotoo sa dakong iyon. Bagaman bilang mga bata’y dumadalo kami sa Bible Students’ Sunday School, ang malaking bahagi ng aking maagang edukasyon sa Kasulatan ay naganap sa tahanan. Pagka umuwi kami galing sa
paaralan para mananghalian, si Nanay ay laging may nasasabi sa amin tungkol sa kaniyang natutuhan sa mga pulong o sa pagbabasa ng mga lathalain ng Watch Tower Society.Naghanda ng mga handbills para sa isa sa mga pahayag pangmadla na gaganapin noon sa aming tahanan. Bagaman otso anyos lamang ako noon, pinayagan ako na mamahagi ng mga handbills na ito sa lahat ng tahanan sa lugar namin. Ito’y hindi lamang nag-anunsiyo ng miting kundi ipinabatid din nito sa mga tagaroon sa amin kung ano ang relihiyong kinauugnayan namin ngayon. Magmula noon, kailanma’t ibig akong tuksuhin ng aking mga kamag-aral, ang tawag nila sa akin ay Never-Die (Hindi-Na-Mamamatay)—dahil sa pahayag na “Angaw-angaw na Nabubuhay Ngayon ang Hindi Na Mamamatay.”
Bagaman napakainam ang pasimulang ito, sa talaga’y wala akong ginawa kundi matuto ng katotohanan. Datapuwa’t, isang pagbabago ang dala ng taong 1938. Hangga noon ay mga ilang taon na ang nagugol ko sa paghahanapbuhay, ako’y nakabili ng kotse at nadadala ko ang aming pamilya sa lahat ng mga pulong ng kongregasyon. Ito’y nagbukas din ng pagkakataon na makalabas akong palagian sa paglilingkod sa larangan. Isang kagalakan na makita si itay at si inay na sagisagan ang kanilang pag-aalay ng sarili sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa tubig doon sa unang asamblea na dinaluhan ko. Sa panahon ng zone assembly na ito, na ginanap sa New Liskeard, Ontario, sumiklab ang Digmaang Pandaigdig II. Yamang ako’y nasa edad na ng pagsusundalo at binata, hindi nagtagal at naapektuhan ako. Datapuwa’t, ang mas naunang epekto ay ang pagbabawal ng gawain natin sa Canada.
Paglilingkod Kahit na Ipinagbabawal Ito
Noong Agosto 1940, kasabay ng aking kapatid na lalaki at kapatid na babae na sinagisagan ko ang aking pag-aalay ng sarili kay Jehova sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa isa sa magagandang look sa hilagang Ontario. Bagaman bawal, nagpatuloy din kami ng pagpupulong sa mga pribadong tahanan. At sa natitirang bahagi ng tag-araw na iyon, bilang kasali sa isang grupo ng mga Saksi na nakakotse, nagkapribilehiyo ako na tuwing Linggo magdaos ng mga pakikipag-aral sa Bibliya sa interesadong mga tao na doon naninirahan sa kabukiran. Karamihan sa kanila at sa kani-kanilang pamilya ang agad tumanggap sa katotohanan.
Balang araw ay isinaayos na magkaroon ng isang malaking “blitz” sa buong Canada, ito’y ang pag-iiwan ng pantanging mga pulyeto sa mga tahanan ng mga tao sa ganap na alas-tres nang mag-uumaga. Ito’y sinundan ng iba pang mga pamamahagi sa kasunod na mga iba pang mag-uumaga. Siempre pa, ang pamilya namin ang pinagbuntunan ng sisi sa aming komunidad, at mayroong mga umaga na sa aming balkonahe’y nagkalat ang punit-punit na mga pulyeto. Sa wakas ang ganitong aktibidad ay hinalinhan ng regular na pagbabahay-bahay na ang taglay namin ay Bibliya lamang.
Nang panahong ito dalawang pantanging kinatawan ng Society ang dumalaw sa kongregasyon, at gumawa ng kaayusan upang lahat ng mga kapatid at mga taong interesado ay magtipon sa aming tahanan. Ang ilan sa aming mga kapitbahay ay nagtangkang kumasabwat ng mga pulis upang hulihin doon ang mga taong nagpupulong. Subali’t dahilan sa kami’y laging alisto, nang dumating ang mga pulis ay wala silang naabutan kundi ang ginaganap na square dance. Kaya’t ang sasakyan ng pulisya ay dahan-dahang lumampas sa aming bahay at umalis na.
Noong 1940 ay gumagawa ako ng plano na pumasok sa buong-panahong paglilingkod bilang payunir. Subali’t nasira ang plano ko dahil sa pagbabawal sa ating gawain. Noong 1942 ay sumapit ang panahon
upang maglingkod ako kay Jehova nang buong panahon. Una akong nadistino sa Parry Sound, sa may lugar ng Georgian Bay sa Ontario. Isang karanasan doon ang hindi ko malimutan hangga ngayon.Isang hapon ay sá-daratíng ang isang kotse na humahagibis paitaas ng bundok at patungo sa bahay na tinutuluyan namin ng aking kasama. Sakay ng kotse ang dalawang pulis at may kasama pa silang dalawa pa (silang dalawa’y nasa tig-isang estribo). Sila’y dumating sa bahay na parang may huhulihin silang mga grabeng kriminal. Subali’t pagkatapos na maghalughog sila sa bahay at magtanong nang marami, sila’y umalis na walang dala. Nahiwatigan namin na ang nagpagalit sa kanila ay ang aming pangangaral sa bahay-bahay. May kasunod itong mga iba pang pakikipagsagupaan sa mga pulis, subali’t dahil sa aming pagsunod sa payo na galing sa Samahan ay hindi kami nadakip.
Samantala, dahilan sa lumulubha na noon ang digmaan ang tungkol sa neutralidad ay naging isang malaking isyu. (Juan 15:19) Gumawa ng maraming tusong pakana upang hikayatin kami na labagin ang aming pagkaneutral. Halimbawa, isang Romano Katolikong opisyal ng selective service na salungat sa ating aktibidades ang nag-utos sa akin na magtrabaho ako sa isang lagarian ng tabla, na doo’y kikita raw ako ng panustos sa sarili at $75 isang buwan. Ang kondisyon ay na $50 ng suweldong ito ay iyaabuloy ko sa Red Cross. Nguni’t ipinabatid sa kaniya na ako’y lubusang okupado bilang isang ministro. Kaya’t ang utos na ito ay hindi ko sinunod at nagpatuloy ako sa pagpapayunir.
Subalit, ito’y hindi nagtagal, sapagka’t dinakip din ako pagkatapos. Naganap iyon nang matatapos na ang pangangasiwa ko sa libing ng isang kapatid na babaing Kristiyano. Katatapos ko lamang ng pansarang panalangin sa libingan nang isang opisyal ng pulisya ang dumating at iniyalis ako at dinala sa labas ng sementeryong iyon. Subali’t hindi makapagpasiya ang opisyal na iyon kung ano baga ang kailangan niyang gawin. Labas-masok sa kaniyang bulsa ang posas. Sa wakas ay hinuli ako nang hindi ako kinakabitan ng posas. Sa paglilitis sa hukuman makalipas ang mga ilang araw, ako’y sinentensiyahan na makulong sa isang kampo at ang nagdala sa akin doon ay isang opisyal ng Royal Canadian Mounted Police na contodo uniporme.
Paglilingkod Samantalang Nakukulong
Ang dalawang taon na pagkakulong ko
ay ginugol ko sa apat na iba’t-ibang kampo, dalawa sa Ontario at dalawa sa Alberta. Ano ba ang nangyari sa aming pangangaral at paggawa ng mga alagad nang panahong ito? Nagpatuloy din nguni’t limitado nga lamang. Sa kampo sa Jasper National Park sa Canadian Rockies, 80 Saksi ang sabay-sabay na nakakulong. Kami’y nakaupa ng isang tindahang bakante sa camino real sa karatig na bayan ng Jasper, at sa dakong pulungan na ito ay nagkabit ng isang malaking karatulang “Kingdom Hall” upang makita ng lahat—ito ay isa nang walang imik na patotoo.Mga ilang saglit lamang bago ako makalaya ay tumanggap ako ng paanyaya na dumalo sa isang natatanging pulong na gaganapin sa kombensiyon sa Cleveland, Ohio, noong 1946. Sa pulong na ito ay inanyayahan ako na maglingkod sa gawaing pansirkito. Anong laking kagalakan at pagpapala buhat kay Jehova! Nang malaunan ay inanyayahan ako na magtrabaho sa Toronto Bethel sa Canada, at naglingkod ako roon hanggang 1950 nang maging asawa ko si Marjorie, isang payunir sa isa sa mga kongregasyon sa Toronto. Kapuwa kami nagpayunir hanggang maanyayahan akong maglingkod uli sa sirkito. Pagkatapos ay nakasama kami sa ika-23 klase ng Gilead School, na ang graduwasyon ay ginanap sa asambleang pandistrito sa Toronto noong 1954. Ang distino namin ay sa Rhodesia (Zimbabwe ang bagong pangalan ngayon).
Kami’y Idinistino sa Ibang Bansa
Malakas ang bagyo ng niyebe nang lisanin namin ang aming tahanan sa Cobalt, hilagang Ontario. Anong laking tuwa namin nang ang aming barko ay dumaong sa Cape Town, Timog Aprika, at nadama namin ang mainit na sikat ng araw. Anong sarap na mangaral sa mga tao sa gayong kagandang lugar! Kami’y dumuon sa Cape Town nang may anim na linggo samantalang naghihintay kami ng permiso na makapasok sa pinagdistinuhang bansa sa amin. Pagkatapos, may tatlong araw na naglakbay kami ng tren sa mga lugar na ibang-iba sa aming kinahiratihan, at tuwang-tuwa naman kami sa mga tanawin at mga tunog na narinig namin sa Zimbabwe, ang bansa na magiging tahanan namin. Isang lupain ito ng malalaking mga pagkakaiba-iba dahilan sa dalawang grupo ng mga nagkakaibang lahi. Sa una’y dumuon muna kami sa tahanang misyonero at tanggapang sangay ng Samahan sa isang lugar na residensiya sa Salisbury (ngayo’y Harare).
Kami’y nagsimula ng paglilingkod sa populasyon na Ingles ang wikang ginagamit, at hindi nagtagal ay mayroon na kaming mga ilang pag-aaral sa Bibliya na idinaraos. Isa sa mga unang karanasan ko ang pagdalaw sa isa sa mga misyonero ng Sangkakristiyanuhan na ang riklamo’y Apocalipsis 18:1-5) Sa gayon ang gawaing pagpapatotoo ay sumulong sa lahat ng lugar habang sumasapit sa kanila ang katotohanan.
hindi raw tayo gumagalang sa kanilang mga hangganan. Ano kayang mga hangganan ang kaniyang tinutukoy? Nang magtagal, napag-alaman namin na ang ginawa ng sarisaring relihiyon ay ang pagbati-hatiin ang bansa sa kani-kaniyang teritoryo na kung saan ang may-ari ay hindi maaaring panghimasukan ng iba. Kalabisang sabihin, ang mga Saksi ni Jehova ay hindi papasok sa ano mang pakikipagkasunduan tungkol sa gayong mga hangganan sa ano mang bahagi ng Babilonyang Dakila, ang pandaigdig na imperyo ng huwad na relihiyon. (Hindi nagtagal at ako’y naatasan sa gawaing pansirkito na sakop ang buong teritoryo ng mga taong Ingles ang wikang ginagamit. Anong laking kagalakan na makilala namin ang napakaraming saksi ni Jehova sa aming bagong tahanan!
Nang malaunan, lalo naming nakasanayan ang mga kaugalian sa bansa. Naatasan ako sa gawaing pandistrito sa gitna ng ating mga kapatid na Aprikano. Kaya’t kinailangan ang pag-aaral ng bagong wika at paglalakbay nang maraming milya sa pagitan ng mga kongregasyon at kung may mga asamblea sakay ng sasakyang laan ng Samahan. Parang kami’y nasa paglalakbay na safari sapagka’t kailangang magtayo kami ng kampamento sa iba’t ibang lugar na dinadalaw namin. Anong dami ng dala namin! Bukod sa literatura sa Bibliya, may dala kaming genereytor, isang projector para sa mga pelikula ng Samahan at dala rin namin ang mga gamit sa pagluluto at pagtulog. Isang ibang-ibang paraan ito ng pamumuhay para sa amin. Subali’t isang kahanga-hangang paraan upang kami’y mapalapit sa aming mga kapatid at mapag-alaman ang kanilang mga problema at kung paano sila lumalapit sa mga tao sa paglilingkod sa larangan. Kasiya-siya ring malaman na mayroong mga Saksi na naglalakad ng 15 hanggang 20 milya (24 hanggang 32 km), at mas malayo pa, upang makadalo sa mga asamblea, at doo’y bigay na bigay sila ng pakikinig upang huwag nilang makaligtaan ang anuman.—Hebreo 10:24, 25.
Sa paggunita ko sa panahong ginugol sa gawaing pandistrito, maraming bagay ang nagbabalik sa aking alaala. Nariyan yaong pagkatanda-tandang babaing Aprikana na napaluha nang basahin ko sa kaniya ang talata sa Kasulatan tungkol sa panunumbalik sa kabataan ng mga taong matatanda na. (Job 33:25) Minsan, tinawag ng puno ng isang nayon ang kaniyang 5 asawa at 19 na mga anak upang makinig sa sasabihin namin.
Isang gabi ay may nakapasok na ahas sa aming tolda at kailangang maalis iyon doon bago kami matulog. Malapit sa isang tahanan, malalakas na ungol ang tumawag-pansin sa amin sa mga isang dosenang hippo na naglulublob sa isang lungaw sa ilog at nagpapainit sa araw. Kung minsan, pagkatapos ng maghapong paglalakad sa pangangaral, kami’y bumabalik sa kampamento at nadaratnan naming naghihintay ang maraming tao para bigyan sila ng first aid dahilan sa walang mga doktor o mga klinika sa kanilang lugar. Subali’t higit sa lahat, hindi namin malilimot ang pag-ibig ng aming mga kapuwa Kristiyano at ang kanilang pagpapahalaga sa kaayusan na nagpapangyari sa amin na maglakbay sa mga lugar, kung minsa’y pagkalalayong mga lugar, upang makisama sa kanila.
Nagpapatuloy ang Saganang mga Pagpapala
Ang buhay ko bilang isang lingkod ni Jehova ay tunay na kasiya-siya at maligaya, at nakaranas na ako ng maraming pagpapala at mga pribilehiyo. Isa na rito ang pagkapag-aral ko nang ikalawang beses sa Gilead School bilang isang estudyante ng ika-37 klase. At kung ilang beses na nakabalik ako sa Estados Unidos at sa Canada upang dumalo sa mga asambleang
pandaigdig. Sa loob ng mga 20 taon na, kami ni Marjorie ay naglilingkod sa tanggapang sangay ng Samahan sa Harare. Sa loob ng panahong ito ang iba sa mga inaaralan namin ng Bibliya ay nabautismuhan na. Sila naman ay tumulong sa iba upang ang mga ito ay manindigan sa panig ni Jehova.Pagkaraan ng maraming taon ng buong-panahong paglilingkod, lalong higit kong napahahalagahan ang payo na nanggagaling sa Diyos na dumarating sa pamamagitan ng kaniyang Salita at ng kongregasyon ng kaniyang bayan. Oo, ang pagsunod sa patnubay ni Jehova ay nagdadala ng saganang pagpapala.—Kawikaan 10:22.
[Larawan sa pahina 26]
Ang aming unang Kingdom Hall sa Jasper, Alberta, Canada
[Larawan sa pahina 27]
Ang aking “opisina” bilang tagapangasiwang pandistrito sa Aprika