Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Pantanging Bahagi ng Kombensiyon Para sa 1985

Pantanging Bahagi ng Kombensiyon Para sa 1985

Pantanging Bahagi ng Kombensiyon Para sa 1985

SA IBA’T IBANG panig ng mundo magkakaroon ng pambihirang bahagi may kaugnayan at bukod sa regular na mga pandistritong kombensiyon sa 1985. Magkakaroon ng mga pantanging kombensiyon sa mga ilang lugar sa buong daigdig kung saan nangangailangan ng higit na patotoo.

Mga piniling delegasyon ang aanyayahan sa mga ilang siyudad sa Europa, sa Caribbeano at Mediteranyo, Aprika, Timog Amerika, Dulong Silangan at Timog Pasipiko. Sa mga ilang rehiyon, magkakaroon ng dalawa o tatlong lugar ng kombensiyon na pupuntahan ng mga delegasyong ito. Pipili ng angkop na mga lunsod, na kung saan maaaring tumuloy ang limitadong dami ng mga bisita. May mga sangay na hihilingang magrekomenda ng mga aanyayahan na dumalo sa mga kombensiyon sa espesipikong mga lugar, kaya’t praktikal na anyayahan ang lahat. Gayunman, pinakamabuti na dumalo ang isang limitadong delegasyon buhat sa iba’t ibang bansa. Ang anunsiyong ito’y upang malaman ng mga lingkod ni Jehova na may pagkakataon ang ilan na bumisita sa mga ibang bansa.

Ang mga delegadong pipiliin ay yaon lamang nag-alay at bautismadong mga Saksi na magandang halimbawa sa lokal na mga kapatid at pampatibay-loob dahilan sa kanilang paggawi at pagdalo roon. Inaasahan na ituturing nila na ang kanilang pagdalaw roon ay isang pagkakataon na mapasulong ang mga kapakanan ng Kaharian at hindi lamang para makapagliwaliw.

Ang iba pa tungkol sa kaayusang ito ay ipatatalastas sa hinaharap. Pakiusap ng Samahan na huwag na muna kayong susulat o magtatanong tungkol dito. Sa hinaharap ang iba pang detalye ay ipaaalam ng mga sangay ng Samahan na inanyayahang magpadala ng mga delegado sa ano mang bansa o mga bansa.

Gaya ng dati magsasaayos ng pandistritong mga kombensiyon para sa 1985. Lahat ay may pagkakataon na tamasahin ang pagpapala ng teokratikong pagsasamahan. Idiriin sa mga kombensiyon ang ating mga pananagutan sa paglilingkod sa Kaharian sa panahong ito ng kawakasan. Samantala, ngayong inaasam-asam natin ang pakikibahagi sa “Paglago ng Kaharian” na mga Kombensiyon sa taong ito, sana’y saganang pagpalain ni Jehova ang dakilang pag-aani na nagaganap ngayon.