Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Mga Paalaala at Tuntunin ng Diyos ng Isang Bagong Sistema

Mga Paalaala at Tuntunin ng Diyos ng Isang Bagong Sistema

Mga Paalaala at Tuntunin ng Diyos ng Isang Bagong Sistema

“Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga paalaala, sapagka’t lahat ng aking mga lakad ay nasa harap mo.”——Awit 119:168.

1. Sa papaanong ang mga paalaala ay nagpapallgaya sa mga lingkod ni Jehova?

 ANG matuwid na bagong sistema ng Diyos ay malapit na! Ang mga Saksi ni Jehova, na umiibig sa kaniyang matuwid na kautusan, ay kailangang kumuha ng mga paalaala buhat sa kaniyang Salita at ito’y sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon sa kinakailangang mga panahon. Dahil sa tinutupad nila ang gayong mga banal na paalaala, sila ay maligaya. Ang ganiyang mga paalaala ang nagpapakilos sa kanila na hanapin siya, at ang resulta’y kaligayahan. Ang salitang Hebreo na ‘edothʹ ay isinalin sa Tagalog ng mga “paalaala” sa halip na mga “patotoo” (martyriʹa, sang-ayon sa Griegong Septuagint Version) at ito ay lalong mapuwersa at lalong makahulugan. Ipinakikita nito na, ayon sa hinihingi ng pangyayari, ipinaaalaala sa atin ni Jehova ang kaniyang kautusan, ang kaniyang mga tuntunin, ang kaniyang mga alituntunin, ang kaniyang mga utos at mga batas. Sa gayo’y hindi niya hinahayaang tuluyang makalimutan natin ang mga ito. Kung hindi tayo nayayamot sa gayong mga paalaala, tayo’y nagiging maligaya dahil sa pagtupad sa mga iyan.

2. Ann ba ang batayan ng manunulat ng Awit 119 sa pagtatampok ng napakaraming paalaala?

2 Kung sumulat ang salmista nang sa pinakahuli’y noong ikalimang siglo bago ng ating Karaniwang Panahon, maaari nang gamitin niya ang lahat ng Kasulatang Hebreo mula sa Genesis hanggang sa Malakias. Ang ikalimang aklat ay tinatawag na Deuteronomio (Griegong Septuagint Version, gaya ng makikita sa itaas), at ang kahulugan ng pangalang iyan ay “Ikalawang Kautusan.” Maliwanag na ang nilalaman ng aklat na ito ay itinuturing noon na, sa kalakhang bahagi, isang paliwanag sa (tipan ng) Kautusan na ginawa ni Jehova sa Israel sa pamamagitan ni propeta Moises. Samakatuwid ang Deuteronomio ay may mga paalaala, subali’t lahat ng iba pang mga aklat ng Bibliya ay mayroon ding mga paalaala sa atin ng Diyos.

3. (a) Ana ba ang lpinaaaiaaia sa atin ng mga sinipi buhat sa Kasulatang Hebreo? (b) Papaano maaaring maging lalang higit ang ating kaligayahan kaysa taglay noon ng salmista?

3 Ang daan-daang sinipi buhat sa Kasulatang Hebreo na nasa Kasulatang Griego Kristiyano ay nagsisilbing tagapagpaalaala hindi lamang ng itinuro ni Jehova sa kaniyang bayan sa ilalim ng Kautusan kundi pati ng kaniyang kahanga-hangang mga layunin tungkol sa kongregasyong Kristiyano at sa tinubos na sangkatauhan. Ang mga alagad ngayon ni Jesu-Kristo, ang Lalong-dakilang Moises, ay mayroong lalong maraming tagapagpaalaala buhat sa Diyos na Jehova kaysa taglay noon ng salmista, at sa pamamagitan ng tapat na pagtupad sa mga ito ay dapat na mayroon silang lalong higit na kaligayahan kaysa tinaglay ng salmista. Sa paghahanap sa Kaniyang mga paalaala sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bibliya, ang talagang hinahanap nila nang kanilang buong puso ay si Jehova.

4. Imbis na tayo’y mayamot sa mga paalaala ng Diyos, ano ang tamang saloobin bilang pagtulad sa salmista?

4 Yaong nagbibigay sa atin ng mabuting payo upang huwag tayong maparamay sa sasapitin ng mga balakyot ay dapat na pahalagahan. Ganiyan ang nadama ng saimista tungkol sa mga paalaala ng Diyos. (Awit 119:24, 119, 167) Ang mga Saksi ni Jehova ngayon ay hindi rin naman nayayamot nang dahil sa pinaaalalahanan sila ng Diyos ng mga bagay na may kinalaman sa kaniyang kautusan maging sa kanilang pag-aaral man ng Bibliya o sa pamamagitan ng kaniyang organisasyon. Sila’y kumakapit nang mahigpit sa kaniyang mga paalaala. “Ako’y kumapit nang mahigpit sa iyong mga paalaala. Oh Jehova, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan.”—Awit 119:31.

5. (a) Sa anong layunin nagsisilbi ang mga paalaala buhat sa Salita ng Diyos at sa kaniyang organisasyon? (b) Papaano natin personal na maipakikita ang mataas na pagpapahalaga sa mga paalaala ni Jehova gaya ng ipinakita ng salmista?

5 Hindi ibinibigay ng Diyos ang kaniyang mga paalaala upang ilagay sa kahihiyan ang kaniyang mga Saksi, kundi sa pamamagitan ng mga ito ay kaniyang iniingatan sila para huwag mahulog sa isang kahiya-hiyang gawain. Ibig nilang ang binubukalan ng kanilang pagmamahal ay mapahilig sa mga bagay na talagang kapaki-pakinabang para sa lahat ng panahong darating; kaya’t nakikiisa sila sa salmista sa pananalangin: “Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga paalaala, at hindi sa kasakiman.” (Awit 119:36) Hindi ipagtataka, kung bakit hindi natin ibig na maiwala ang mananatiling kapaki-pakinabang na mga bagay na ito nang dahil sa pagpapabaya natin sa pag-aaral sa Bibliya o sa regular na pakikipagtipon sa nag-alay na mga lingkod ni Jehova. (Awit 119:111) Ang pag-ibig sa kanilang Diyos ng buong puso nila ang umaakay sa kanila sa ganitong landasin. Kahit na magdulot iyon ng mahigpit na pagtutuwid para sa kanila, ikinagagalak ng mga Saksi ni Jehova na sila’y inaakay ni Jehova sa daan na kinaroroonan ng kaniyang mga paalaala, upang sila’y huwag maligaw at mapahiwalay magpakailanman: “Ako’y nagalak sa daan ng iyong mga paalaala, na gaya ng lahat ng iba pang kayamanan.”—Awit 119:14.

6. Papaano sinikap ng mga Saksi ni Jehova na maging mapagtapat sa kanilang sarili sa harap ng Diyos?

6 Bagaman sila’y mahigpit na pinintasan at itinakuwil pa nga ng marami dahilan sa kanilang nagawang mga pagkakamali, ang mga Saksi ni Jehova ay naging mapagtapat sa kanilang sarili sa harap ng kanilang Diyos. Nais nilang lumakad sa landas na naaayon sa sinasabi sa kanila ng kaniyang aklat ng mga paalaala. Ipinakikita ng kanilang modernong kasaysayan na sila’y kumilos ayon sa ikinilos ng sinaunang salmista: “Aking pinag-isipan ang aking mga lakad, upang maibalik ko ang aking mga paa sa iyong mga paalaala.“ (Awit 119:59) Sa paggawa lamang nito makapananalangin sila sa Diyos na panatilihin silang buhay upang makapagpatuloy sila sa kaniyang iniatas na gawain sa kanila sa kabila ng pagkakaroon nila ng nauuhaw-sa-dugong mga kaaway. (Awit 119:88) Sa pagpapahayag nila na sila’y mga alipin ng Diyos dahilan sa kanilang pag-aalay sa kaniya sa pamamagitan ni Kristo at na kailangang masakyan nila ang kaniyang ipinasulat sa kaniyang Salita, kanilang sinasabi: “Ako’y lingkod mo. Bigyan mo ako ng unawa, upang aking maalaman ang iyong mga paalaala.”—Awit 119:125.

7. Ano ang kanilang mga dahilan sa pagpapasalamat, at ano ang kanilang ipinanalangin?

7 Ang mga bagay na isiniwalat ng Diyos sa kanilang Salita sapol ng matapos ang Digmaang Pandaigdig I noong 1918 ay kamangha-mangha sa kanila, kaya’t ibig nilang gawin ang ipinahahayag sa kanila ng mga pagsisiwalat na ito. (Awit 119:129) Talagang may katuwiran si Jehova sa pagtatawag-pansin sa atin ng kaniyang mga paalaala at sa pagbibigay niyaon sa atin bilang mga utos. Tayo’y nagagalak na kilalanin ito sa panalangin ayon sa mga salita ng salmista: “Sa katuwiran at sa labis-labis na pagtatapat iniutos mo ang iyong mga paalaala.” (Awit 119:138) Salamat dahil sa ganiyang tapat na Diyos!

8. Sa papaanong ang bahay na walang hanggan ay depende sa kanilang pagkaunawa at pagtupad sa mga paalaala ng Diyos?

8 Sa ngayon nauunawaang mainam ng mga Saksi ni Jehova na ang pagtatamo nila ng buhay na walang hanggan sa matuwid na bagong sistema ng Diyos ng mga bagay ay depende sa kanilang pagkaunawa sa mga bagay na kaniyang itinatawag-pansin sa kanila at pagkatapos ay ang kanilang matalinong pagsunod sa mga ito. (Awit 119:144) Sa isang napopoot na sanlibutan sila’y kailangang manalangin sa makalangit na Dumirinig ng panalangin upang iligtas sila sa pinakamapanganib na mga kalagayan, lalo na sa mga araw na ito na lahat ng bansa ay tinitipon ukol sa “digmaan ng dakilang araw ng Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat” sa Har-Magedon. (Apocalipsis 16:13-16) Angkup-na-angkop ang panalanging: “Ako’y tumawag sa iyo. Oh iligtas mo ako! At tutuparin ko ang mga paalaala mo.”—Awit 119:146.

9. Anong katiyakan mayroon tayo na ang kinasihang mga paalaala ay patuloy na magagamit natin?

9 Bagaman lahat ng nasusulat na paalaala ng Diyos na Jehova ay natatag may 1,900 taon na ang nakalipas nang makompleto ang Bibliya na may 66 na aklat, ang mga ito ay magagamit natin ngayon at patuloy na magagamit natin magpakailanman sa hinaharap. Ang Awit 119:152, na sa Diyos nakaukol, ay napatunayang totoo: “Noong sinaunang panahon ay nakilala ko ang ilan sa iyong mga paalaala, sapagka’t hanggang sa panahong walang takda itinatag mo ang mga iyan.“ Dahilan sa kaalaman sa ilan sa mga paalaala ni Jehova, ang magasing Zion’s Watch Tower and Herald of Christ’s Presence ay sinimulang ilathala noong Hulyo ng 1879. Sa ngayon, pagkaraan ng 105 mga taon ng paglalathala, ang magasing ito ay patuloy ang sirkulasyon, sa buong daigdig sa 102 wika. Kahit na kung pahintulutan man ang mga kaaway ng mga Saksi ni Jehova na pahintuin ang paglalathala sa magasing ito, hindi nila masusugpo ang Banal na Bibliya na may taglay ng mga paalaala ni Jehova na nakasalig sa isang walang hanggan, o mananatili magpakailanman, na pundasyon.

Pagsasagawa ng mga Tuntunin ng Ating Superyor

10. Ilang beses ba ginagamit sa Awit 119 ang salitang “tuntunin” upang idiin ang mga tuntunin ng Diyos?

10 Pagkatapos na banggitin ng salmista sa kaniyang pambungad na dalawang talata ang kaligayahan ng mga nagsisilakad sa kautusan ni Jehova at nag-iingat ng kaniyang mga paalaala, siya’y nagsasabi naman: “Oo, sila’y hindi namimihasa ng paggawa ng kalikuan. Sila’y nagsisilakad sa kaniyang mga daan. Ikaw mismo ang nagbigay sa amin ng iyong iniuutos na mga tuntunin upang sunding maingat.” (Awit 119:3, 4) Sa awit na ito ang salitang “tuntunin” ay 21 beses ginagamit ng kompositor, sa gayo’y pinamamalaging nasa-isip.

11. Bakit ang salmista ay maingat tungkol sa kaniyang paggawi ayon sa ipinakikita ng Awit 119:168? (b) Ano ba ang mapuwersang kahulugan ng salitang “tuntunin”?

11 Sinasabi sa atin ng salmista kung ano ang kaniyang nadama at ginawa tungkol sa kinasihang mga “tuntunin” na ito. Sa ganitong paraan ay nagsilbi siyang isang maaasahang halimbawa sa atin ngayon. Kaniyang nauunawaan na ang kaniyang pamumuhay ay inuubserbahan ng Diyos at na kailangang pakaingat siya sa kung paano siya gumagawi sa ilalim ng tipang Kautusan ng Diyos. Kaniyang sinabi nang may mabuting dahilan: “Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga paalaala, at lahat ng aking mga lakad ay nasa harap mo.“ (Awit 119:168) Ang mga paalaala ay isang pampasigla sa memorya, nguni’t ang mga tuntunin ay mga direktiba na nanggagaling sa isang nakatataas o superyor at ipinatutupad niya sa isang nakabababa sa kaniya. Nakalagay sa mga direktibang ito kung ano ang kailangang gawin at kung paano gagawin iyon ng lingkod, ng alipin, ng empleado o sundalo ayon sa kaniyang tungkulin. Ang mga tuntunin ay mga bagay na lalong mapuwersa kaysa mga panuntunan; at ang salitang Hebreo na isinalin ng gayon, samakatuwid nga, piqudimʹ, ay nangangahulugang “mga paghirang; mga kargo.” Nadama ba ng salmista na ang mga kinasihang tuntuning ito ay waring isang pabigat o pagpapahirap, lalo na kung sa pagsunod sa mga ito ay pararatangan nang walang katotohanan o nang may kamalian ang isang tao? Makinig tayo sa kaniya: “Oh malasin mo kung paano inibig ko ang iyong sariling mga tuntunin. Oh Jehova, ingatan mo akong buhay ayon sa iyong kagandahang-loob.”—Awit 119:159, 169.

12, 13. (a) Papaanong ang pamantayan na itinatag ng salmista ay nagpapangyaring mapagtiisan ng mga lingkod ng Diyos ang mga pagsubok noong panahon ng Digmaang Pandaigdlg I at pagkatapos? (b) Bagaman ang kaaway ay ‘kumatha ng kabulaanan,’ kaninong mga tuntunin ang tinupad ng nalabi?

12 Anong inam na pamantayan ang itinatag ng salmista para sa mga tunay na Kristiyanong kaugnay sa nakikitang organisasyon ni Jehova sa gitna ng manlalabag-kautusang, walang pag-ibig na sanlibutang ito! Ang pagsunod sa pamantayang ito ay naging kapaki-pakinabang. Sa kanilang kapaligiran na puno ng mga kaaway ng kanilang Diyos, ang nadarama nila’y katulad ng nadarama ng salmista, gaya ng isang “tagaibang-bayan.” (Awit 119:19, 54) Gayunman ay inaakala nilang walang makakatulad ang mga alituntunin ng Diyos para sa wastong pamumuhay. Bahagya na ang kanilang pagkaligtas noong Digmaang Pandaigdig I ng 1914-18. Sa mga taóng iyan ng kabaliwan ang mga kaaway ay nag-unat ng kamay para maabot ang mga tauhan ng nakikitang organisasyon ni Jehova at mapadali ang paglipol sa kaniyang mga lingkod, anupa’t hanggang sa sukdulan na ipabilanggo ang walang-salang presidente at iba pang lubhang responsableng mga lalaki sa hedkuwarters ng Watch Tower Bible and Tract Society. Ang karanasang iyon ay katulad ng sinasabi ng Awit 119:69: “Ang palalo ay kumatha ng kabulaanan laban sa akin. Sa ganang akin, buong puso kong tutupdin ang iyong mga tuntunin.” Ang Kataas-taasang Diyos, na kanilang Superyor, ang kailangang sundin imbis na ang sundin ay ang mga tao dito sa tuntungan ng Diyos ng kaniyang mga paa!

13 Oo, nang nasa sukdulan ang Digmaang Pandaigdig I, na para bagang sa panlabas ay nagtagumpay ang mga kaaway laban sa mga nagsisitupad ng mga tuntunin ng Diyos, inakala ng mga kaaway na ito na halos malilipol na nga nila ang masunuring nag-alay na mga lingkod niya. Kaya’t masasabi ng mga ito: “Saglit na lamang at baka nalipol na nila ako sa lupa; nguni’t hindi ko pinabayaan ang mga tuntunin mo.“ (Awit 119:87) Ang Kataas-taasang Isa sa sansinukob ang bumigo sa may kaduwagang pakana ng palalong mga kaaway.

14. Ano ang kahulugan ng ipinahayag ng nalabi na mga salita ng Awit 119:45?

14 Nang sila’y mailigtas na pagkatapos ng digmaan, kanilang nadama na kailangang hanapin nila higit kailanman ang mga tuntunin ng Diyos upang maalaman nila kung ano baga ang kaniyang pinanukala na dapat nilang gawin sa di-inaasahang panahon ng kapayapaan. Kanilang mabibigkas nga ang pananalita ng Awit 119:45: “At lalakad ako sa isang maluwang na dako, sapagka’t nagsaliksik ako ng paghahanap sa iyong mga tuntunin.”

Ngayon at sa Hinaharap

15. (a) Anong kaisipan na ipinahahayag sa Awit 119 ang ginawang sarili ng mga lingkod ng Diyos? (b) Magmula noong 1919 ano ba ang pangunahing pinagkakaabalahan nila?

15 Ngayon na lumawak ang kanilang gawaing pang-Kaharian hanggang sa kadulu-duluhan ng lupa, lalong dumami ang kanilang mga kaaway. Subali’t ito’y hindi nagbibigay ng takot sa kanila upang kalimutan ang mga tagubilin ng Diyos. Sila’y buong katigasang nagpapatuloy. (Awit 119:93, 94) Dahilan sa hindi pagiging mga tagapakinig na lumilimot sa Salita ng Diyos, pati na sa kaniyang positibong mga tuntunin, kundi pagiging mga tagapagsagawa ng kaniyang gawain, ano ba ang masasabi nila ngayon nang walang pangangalandakan, at kay Jehova ibinibigay ang kapurihan? Ito: “Ako’y kumikilos na may higit na unawa kaysa nakatatandang mga lalaki, sapagka’t tinupad ko ang iyong sariling mga tuntunin.” (Awit 119:100, 104) Kaya’t magmula pa ng taong 1919 pagkatapos ng digmaan at patuloy sila’y hindi nakialam sa mga plano at mga kaayusan ng mga bansa. Walang lingon-likod na ibinalita nila ang Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Kristo bilang ang kaisa-isa at tanging pag-asa ng sangkatauhan, sa halip na ang Liga ng mga Bansa at ang kasalukuyang kahalili niyaon, ang Nagkakaisang mga Bansa (UN). Anong laking “unawa”!

16. Bagaman tayo’y ginigipit upang gumawa ng mali, tayo‵y sa ano kumbinsido?

16 Sa pagsasabi ng Salita ng Diyos sa atin na mga taong nabubuhay ngayon sa panahong ito ng pag-iral ng Nagkakaisang mga Bansa, na huwag nating ibigin ang sanlibutang ito at ang mga bagay na naririto, sinasabi niyaon ang kinasihang mga tuntunin para sa atin. Ang mga ito ay kailangang ituring natin at itinuturing naman natin na matuwid; at talaga namang gayon! Tayo’y nasa panig ng sinasabi ng Awit 119:128: “Kaya naman lahat ng tuntunin tungkol sa lahat ng bagay ay aking itinuturing na matuwid; aking kinapootan ang bawa’t lakad ng sinungaling.” Dahilan sa ating hindi pakikipagkompromiso ay minamaliit tayo marahil ng mga makasanlibutan, nguni’t ang mahalaga ay ang pagkakilala sa atin ng Diyos, at ayaw nating ang kaniyang mga direktiba ay makalimutan natin.—Awit 119:141.

17. Ano ba ang mangyayari sa hinaharap, at papaano sila ililigtas ng Diyos pagka ang mga mananalansang ay sumalakay na sa mga lingkod ni Jehova?

17 Sa kabila ng puspusang pangangaral ng Kaharian ng Diyos sa ilalim ni Kristo bilang ang tanging pag-asa ng sanlibutan ng sangkatauhan sa loob ng mahigit na 60 taon na, ang mga tagapagpanukala at mga tagaplano ng pamamalakad ng daigdig ay hindi nagbibigay-pansin. Ngayon ay nagbabanta ang pagkalipol ng buong sangkatauhan sa pamamagitan ng mga armas nuclear sa digmaan. Hindi lamang ito, kundi ang pagkakapootan na bunga ng pagkakaiba-iba ng relihiyon ang patuloy na nagdudulot ng kapaitan sa puso ng parami nang paraming tao. Pagkatapos na lahat ng anyo ng huwad na relihiyon ay malipol, ang mga Saksi ni Jehova naman ang haharapin ng mga kaaway ng Diyos. Pagka ang antirelihiyosong mga mananalansang sa Kaharian ng Diyos ay sumalakay naman sa nangakaligtas na mga saksi ni Jehova, higit kailanman ay sa panahong iyon mangangailangan ang mga ito ng tulong na higit kaysa maitutulong ng tao. Kailangang sila’y lukuban ng kamay ng isang makapangyarihan-sa-lahat, ang kamay ng Diyos. Mayroon silang batayan ng pagsusumamo na tulungan sila ng kamay ng iyon ng Diyos, gaya ng sinasabi sa Awit 119:173: “Harinawang kumilos ang iyong kamay na tulungan ako, sapagka’t aking pinili ang iyong mga tuntunin.” Sa ilalim ng ganiyang pinakamahigpit na mga kalagayan, hindi magiging maikli ang kamay ni Jehova na anupa’t hindi makapagliligtas sa mga taong may takot sa Diyos na tumutupad ng kaniyang mga tuntunin.—Isaias 50:2.

18. (a) Bakit pagka ang isa‵y nasa tamang panig ay doon depende ang pagkaligtas niya sa katapusan ng sistemang ito ng mga bagay? (b) Yamang alam natin ang resulta para sa mga natatakot kay Jehova, tayo’y palaging mababahala sa ano?

18 Habang tayo’y palapit sa kapaha-pahamak na wakas ng manlalabag-kautusan at walang pag-ibig na sistemang ito ng mga bagay at ng wakas ng pagbubukud-bukod ng mga tao ng mga bansa, gaya kung pinagbubukud-bukod ng pastol ang mga tupa sa mga kambing, saan bang panig ibig nating mapabilang? Sa panig ba ng mga taong tulad-kambing na puputulin magpakailanman sa buhay o sa panig ng tulad-tupang mga tao na umiibig sa Diyos na Jehova? (Mateo 25:31-46) Kailangan ang apurahang pagpili ng tamang panig. Panahon na ngayon na piliin ang gaya ng pinili ng salmista, na nagsabi tungkol sa Kataas-taasang Diyos: “Ako’y kasama ng lahat ng nangatatakot sa iyo, at ng nagsisitupad ng iyong mga tuntunin.” (Awit 119:63) Batid natin kung ano ang magiging bahagi ng mga natatakot sa Diyos na Jehova, at ibig nating sa kanila tayo makasali sa bahaging ito na kasiya-siya sa kaluluwa, sa sariling ikagagalak ni Jehova. Dahilan sa iniibig natin siya, nais natin na puspusan at palagi na mapalugdan siya sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kaniyang kahilingan sa atin. Mainam ang pagkapahayag ng salmista ng ating ipinasiya, na ang sabi: “Ako’y sa iyong mga tuntunin mababahala, at ako’y sa iyong mga daan titingin.”—Awit 119:15.

19. Anong kagila-gilalas na gawain ang isinasagawa ngayon?

19 Magbuhat ng matapos ang isang digmaang pandaigdig, ang kauna-unahan ng gayong digmaan, noong 1918, ang Kataastaasan ay nagsasagawa ng isang kamangha-manghang gawain sa gitna ng isang sumasalungat na daigdig. Ito’y ang gawain na pinapangyayari niyang maipangaral ng kaniyang mga Saksi “ang mabuting balitang ito ng kaharian . . . sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng bansa,” dahil sa dumarating na “wakas” ng libu-libong-taon-ang-edad na sistemang ito ng mga bagay. (Mateo 24:14) Ibig nating magkaroon tayo ng bahagi kasama niya sa kaniyang mga gawain. Ibig nating gawin ang kaniyang kalooban, kaya’t hinihiling natin sa kaniya na tulungan tayong gawin ang kaniyang kalooban. Ang taos-pusong panalangin natin ay yaon pa ring nasa Awit 119:27: “Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong sariling mga tuntunin, upang aking pagkaabalahan ang iyong kagila-gilalas na mga gawa.”

20. Alin ba sa pinakakagila-gilalas na gawa ng Diyos ang gagawin pa lamang sa hinaharap, at para sa mga iingatang buhay, ano ba ang kanilang sasabihin tungkol sa mga tuntunin ng Diyos?

20 Isa sa pinakakagila-gilalas na gawa ng Diyos, na gagawin pa lamang sa hinaharap, ay ang pagtatawid na buhay sa kaniyang nananampalataya at tapat na mga saksi sa napipintong wakas ng sistemang ito ng mga bagay tungo sa Bagong Kaayusan. (2 Pedro 3:13) Siya’y may katuwiran na ingatan silang buhay hanggang sa maitawid sa naghihingalo nang sistemang ito ng mga bagay. Kaniyang tutugunin ang kinasihang panalanging ito nila: “Narito! Kinasasabikan ko ang iyong mga tuntunin. Sa iyong katuwiran ay ingatan mo akong buhay.” (Awit 119:40) Hayaang iyan ang maging inyong panalangin. Kung magkagayon, pagkatapos ng pinakamalaking kapighatian sa buong kasaysayan ng daigdig at kung kayo’y naroroon na at ligtas sa loob ng bago at matuwid na sistema ng mga bagay, kayo ay taimtim na makapagsasabi: “Hindi ko kalilimutan kailanman ang mga tuntunin mo, sapagka’t sa pamamagitan ng mga iyan ay iningatan mo akong buhay.”—Awit 119:93.

Tulong sa Pagtatanda

◻ Anong mga “paalaala” buhat sa Diyos ang magagamit mo?

◻ Paano ka makikinabang sa mga paalaala ng Diyos?

◻ Ano ba ang mga “tuntunin” ni Jehova?

◻ Bakit dapat mong naisin na tuparin ang mga iyan?

[Mga Tanong sa Aralin]

[Larawan sa pahina 21]

Ang mga lingkod ng Diyos ngayon ay may lalog maraming mga “paalaala” na mapapakinabangan nila

[Larawan sa pahina 23]

Pinili mo ba ang maging ‘kasama ng “mga lupa” na nagsisitupad ng mga tuntunin ng Diyos’?