Maaliw sa Lakas ni Jehova
Maaliw sa Lakas ni Jehova
“Nang ang aking mga nakababalisang kaisipan ay dumami sa loob ko, ang iyong mga pang-aaliw ay nagsimulang humaplos sa aking kaluluwa.”—AWIT 94:19.
ANG Bibliya ay may nakaaaliw na mga salita para sa lahat niyaong naghahangad ng kaginhawahan. Hindi nga kataka-taka, kung gayon, na sabihin ng The World Book Encyclopedia na “napakaraming tao ang bumaling sa Bibliya para sa kaaliwan, pag-asa, at patnubay sa mga panahon ng kaguluhan at kawalang-katiyakan.” Bakit?
Sapagkat ang Bibliya ay kinasihan ng ating maibiging Maylalang, “ang Diyos ng buong kaaliwan,” ang Isa na “umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian.” (2 Corinto 1:3, 4) Siya ‘ang Diyos na naglalaan ng kaaliwan.’ (Roma 15:5) Nagbigay ng halimbawa si Jehova sa paglalaan ng kaginhawahan para sa ating lahat. Isinugo niya sa lupa ang kaniyang bugtong na Anak, si Kristo Jesus, upang bigyan tayo ng pag-asa at kaaliwan. Itinuro ni Jesus: “Inibig ng Diyos ang sanlibutan nang gayon na lamang anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Juan 3:16) Inilalarawan ng Bibliya si Jehova bilang ang isa ‘na sa araw-araw ay siyang nagdadala ng pasan para sa atin, ang tunay na Diyos ng ating kaligtasan.’ (Awit 68:19) May pagtitiwalang masasabi ng mga taong may takot sa Diyos: “Lagi kong inilalagay si Jehova sa harap ko. Sa dahilang siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos.”—Awit 16:8.
Ang gayong mga teksto sa Bibliya ay nagpapakita ng taimtim na pag-ibig ng Diyos na Jehova sa atin na mga tao. Nagiging maliwanag na taglay niya ang taos-pusong pagnanais—gayundin ang kakayahan—na maglaan ng saganang kaaliwan at maibsan ang kirot na ating nadarama sa mga panahon ng kabagabagan. “Siya ay nagbibigay ng kapangyarihan sa pagod; at ang isa na walang dinamikong lakas ay pinasasagana niya sa lubos na kalakasan.” (Isaias 40:29) Kung gayon, paano tayo makatatanggap ng kaaliwan sa lakas ni Jehova?
Ang Nakagiginhawang Epekto ng Pagmamalasakit ni Jehova
Isinulat ng salmista: “Ihagis mo ang iyong pasanin kay Jehova, at aalalayan ka niya. Hindi niya ipahihintulot kailanman na ang matuwid ay makilos.” (Awit 55:22) Oo, ang Diyos na Jehova ay interesado sa pamilya ng tao. Tiniyak-muli ni apostol Pedro sa mga Kristiyano noong unang siglo: “Siya [ang Diyos] ay nagmamalasakit sa inyo.” (1 Pedro 5:7) Binigyang-diin ni Jesu-Kristo ang pagpapahalaga na ipinakikita ng Diyos sa mga tao sa pamamagitan ng pagsasabing: “Ang limang maya ay ipinagbibili sa dalawang barya na maliit ang halaga, hindi ba? Gayunma’y walang isa man sa kanila ang nalilimutan sa harap ng Diyos. Ngunit maging ang mga buhok sa inyong mga ulo ay biláng na lahat. Huwag kayong matakot; mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.” (Lucas 12:6, 7) Gayon tayo kahalaga sa Diyos anupat isinasaalang-alang niya maging ang pinakamaliit na detalye hinggil sa atin. Nalalaman niya ang mga bagay na sa ganang sarili ay hindi natin alam sapagkat lubha siyang interesado sa bawat isa sa atin.
Ang pagkadama sa gayong personal na interes ni Jehova ay lubhang nakaaliw kay Svetlana, ang kabataang nagbibili ng aliw na nabanggit sa naunang artikulo. Magpapakamatay na sana siya nang panahong makausap niya ang mga Saksi ni Jehova. Pagkatapos ay tinanggap niya ang isang pag-aaral sa Bibliya, na nakatulong sa kaniya upang makilala si Jehova bilang isang tunay na persona na nagmamalasakit sa kaniyang kapakanan. Nakaantig ito sa kaniyang puso, anupat pinakilos siya na baguhin ang paraan ng kaniyang pamumuhay at ialay ang kaniyang sarili sa Diyos. Nagdulot din ito kay Svetlana ng nararapat na paggalang sa sarili na kinakailangan niya para makapagtiis sa kabila ng kaniyang mga suliranin at para magkaroon ng positibong pangmalas sa buhay. “Naniniwala ako,” sinasabi niya ngayon, “na hindi ako kailanman pababayaan ni Jehova. Napatunayan ko na totoo ang nakasulat sa 1 Pedro 5:7. Sinasabi nito: ‘Ihagis ninyo [kay Jehova] ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.’ ”
Nakaaaliw ang Salig-Bibliyang Pag-asa
Ang isang natatanging paraan na doo’y naglalaan ang Diyos ng kaaliwan ay sa pamamagitan ng kaniyang nasusulat na Salita, na naglalaman ng kamangha-manghang pag-asa para sa hinaharap. Isinulat ni apostol Pablo: “Ang lahat ng bagay na isinulat noong una ay isinulat sa ating ikatututo, upang sa pamamagitan ng ating pagbabata at sa pamamagitan ng kaaliwan mula sa Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa.” (Roma 15:4) Binigyang-linaw ni Pablo ang kaugnayan ng tunay na pag-asa at kaaliwan nang isulat niya: “Nawa’y . . . ang Diyos na ating Ama, na umibig sa atin at nagbigay ng walang-hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa sa pamamagitan ng di-sana-nararapat na kabaitan, ay umaliw sa inyong mga puso at magpatatag sa inyo sa bawat mabuting gawa at salita.” (2 Tesalonica 2:16, 17) Kalakip sa “mabuting pag-asa” na ito ang sakdal, maligaya, at walang-katapusang buhay sa hinaharap sa isang paraisong lupa.—2 Pedro 3:13.
Ang gayong tiyak at malinaw Isaias 35:5, 6) Upang maging karapat-dapat sa buhay sa Paraisong iyon, gumawa ng malalaking pagbabago si Laimonis. Huminto siya sa pag-inom ng alak, at naging kapansin-pansin sa kaniyang mga kapitbahay at kakilala ang kaniyang pagbabago. Sa ngayon ay nagdaraos na siya ng ilang pag-aaral sa Bibliya, anupat ibinabahagi sa iba ang kaaliwang ibinibigay ng pag-asa na salig sa Bibliya.
na pag-asa ay nagpatibay-loob kay Laimonis, ang alkoholikong paralitiko na binanggit sa naunang artikulo. Sa pagbabasa ng salig-Bibliyang mga literatura ng mga Saksi ni Jehova, nagalak siya na malaman ang hinggil sa bagong sanlibutan sa ilalim ng Kaharian ng Diyos, kung saan lubusang maisasauli ang kaniyang kalusugan. Nabasa niya sa Bibliya ang sumusunod na malinaw na pangako ng makahimalang pagpapagaling: “Sa panahong iyon ay madidilat ang mga mata ng mga bulag, at ang mga tainga ng mga bingi ay mabubuksan. Sa panahong iyon ay aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa, at ang dila ng di-makapagsalita ay hihiyaw sa katuwaan.” (Ang Nagagawa ng Panalangin
Kung sa ilang kadahilanan ay nabibigatan ang ating puso, makasusumpong tayo ng kaaliwan sa pamamagitan ng pananalangin kay Jehova. Maaari nitong alisin ang pasan natin. Sa panahon ng ating pagsusumamo, maaaliw tayo sa pamamagitan ng pag-aalaala sa mga bagay na sinabi sa Salita ng Diyos. Ang pinakamahabang awit sa Bibliya ay tulad ng isang magandang panalangin. Ang sumulat nito ay umawit: “Naalaala ko ang iyong mga hudisyal na pasiya mula nang panahong walang takda, O Jehova, at nakasumpong ako ng kaaliwan para sa aking sarili.” (Awit 119:52) Sa lubhang napakahirap na mga kalagayan, lalo na kung nagsasangkot ito ng panganib sa kalusugan, madalas na walang iisa at panlahatang solusyon. Sa ating sariling lakas, maaaring hindi natin natitiyak kung saan babaling. Natuklasan ng marami na kapag lahat ng posible sa tao ay nagawa na, ang pananalangin sa Diyos ay nagbubunga ng malaking kaaliwan at, kung minsan, ng di-inaasahang mga solusyon.—1 Corinto 10:13.
Si Pat, na isinugod sa emergency room ng isang ospital, ay nakaranas ng ganitong nakaaaliw na epekto ng panalangin. Nang siya ay gumaling, sinabi niya: “Nanalangin ako kay Jehova at totoong nabatid ko na kailangan kong ipaubaya sa kaniyang mga kamay ang aking buhay, anupat nagtitiwala na gagawin niya ang anumang loobin niya. Sa lahat ng panahong iyon, nakadama ako ng katahimikan; naranasan ko ang kapayapaan ng Diyos na binanggit sa Filipos 4:6, 7.” Tunay ngang nakaaaliw ang mga talatang ito para sa ating lahat! Doon ay hinihimok tayo ni Pablo: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.”
Ang Banal na Espiritu Bilang Tagaaliw
Noong gabi bago siya mamatay, tiniyak ni Jesus sa kaniyang mga apostol na sila ay malapit na niyang iwan. Ikinalungkot at ikinaligalig nila iyon. (Juan 13:33, 36; 14:27-31) Palibhasa’y nababatid ang kanilang pangangailangan ng patuloy na kaaliwan, nangako si Jesus: “Ako ay hihiling sa Ama at bibigyan niya kayo ng ibang katulong [o, tagaaliw] upang makasama ninyo magpakailanman.” (Juan 14:16; talababa sa Ingles) Ang banal na espiritu ng Diyos ang tinutukoy ni Jesus dito. Bukod sa ibang bagay, ang espiritu ng Diyos ay nakaaliw sa mga apostol sa panahon ng kanilang mga pagsubok at nagpatibay sa kanila na magpatuloy sa paggawa ng kalooban ng Diyos.—Gawa 4:31.
Ang lahat ng ligalig at kirot na dulot ng kaniyang kalagayan ay matagumpay na nakayanan ni Angie, na ang asawa’y muntik nang mamatay matapos ang isang malubhang aksidente. Ano ang nakatulong sa kaniya? Sabi niya: “Kung hindi dahil sa tulong ng banal na espiritu ni Jehova, hindi sana namin napagtagumpayan ang naranasan namin at napanatili ang katatagan. Ang lakas ni Jehova ay totoong naipamamalas sa pamamagitan ng ating mga kahinaan, at napatunayan siyang isang kanlungan sa panahon ng ating kabagabagan.”
Isang Nakaaaliw na Kapatiran
Anuman ang kalagayan sa buhay ng isang indibiduwal, anumang masaklap na pangyayari ang maaaring maganap, dapat na makasumpong siya ng kaaliwan sa kapatirang umiiral sa loob ng kongregasyon ni Jehova. Ang kapatirang ito ay naglalaan ng espirituwal na pag-alalay at tulong para sa mga nakaugnay rito. Sa loob niyaon, ang isa ay makasusumpong ng maibigin, nababahala, at nakaaaliw na mga 2 Corinto 7:5-7.
kaibigan, na handang tumulong at umaliw sa iba sa mga panahon ng kabagabagan.—Ang mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano ay tinuturuan na ‘gumawa ng mabuti sa lahat, ngunit lalo na roon sa mga kaugnay nila sa pananampalataya.’ (Galacia 6:10) Ang edukasyong salig sa Bibliya na natatamo nila ay nag-uudyok sa kanila upang magpamalas ng pag-ibig na pangkapatid at magiliw na pagmamahal sa isa’t isa. (Roma 12:10; 1 Pedro 3:8) Sa loob ng kongregasyon, ang magkakapatid sa espirituwal ay napakikilos na maging mabait, nakaaaliw, at madamayin sa magiliw na paraan.—Efeso 4:32.
Sina Joe at Rebecca, na namatayan ng anak na lalaki dahil sa isang kalunus-lunos na aksidente, ay nakaranas ng gayong nakaaaliw na tulong mula sa mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano. Sinabi nila: “Tinulungan kami ni Jehova at ng kaniyang maibiging kongregasyon sa panahon ng aming pagdadalamhati. Daan-daang kard, mga sulat, at mga tawag sa telepono ang natanggap namin. Ito ay nagpangyari sa amin na makilala kung gaano kahalaga ang ating kapatiran. Samantalang naguguluhan kami dahil sa trahedya, maraming kongregasyon sa lugar na iyon ang tumulong sa amin, anupat naglaan sila ng mga pagkain at naglinis ng bahay.”
Tanggapin ang Kaaliwan!
Kapag nagsimulang humampas ang mapangwasak na hangin ng kagipitan at patuloy na sumalanta ang walang tigil na pag-ulan ng kabagabagan, ang Diyos ay nakahandang maglaan ng nakaaaliw na proteksiyon. Ganito siya inilalarawan ng isa sa mga awit bilang isa na naglalaan ng nakaaaliw na kanlungan: “Sa pamamagitan ng kaniyang mga bagwis ay haharangan niya ang paglapit sa iyo, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka.” (Awit 91:4) Marahil ay inilalarawan dito ang isang agila. Ito’y larawan ng isang ibon na nakadarama ng panganib at pagkatapos ay may-pagsasanggalang na ikinukubli ang inakay nito sa ilalim ng kaniyang mga pakpak. Sa mas higit na diwa nito, si Jehova ay nagiging isang totoong Tagapagsanggalang para sa lahat niyaong nanganganlong sa kaniya.—Awit 7:1.
Kung ibig mong matuto nang higit tungkol sa Diyos, sa personalidad niya, sa mga layunin niya, at sa kakayahan niyang maglaan ng kaaliwan, ikaw ay inaanyayahan na mag-aral ng kaniyang Salita. Ang mga Saksi ni Jehova ay malulugod na tumulong sa iyo sa bagay na iyan. Oo, ikaw man ay maaaring maaliw sa lakas ni Jehova!
[Mga larawan sa pahina 7]
Ang salig-Bibliyang pag-asa sa hinaharap ay makapaglalaan ng kaaliwan