Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Pinahalagahan mo ba ang pagbabasa sa katatapos na mga isyu ng Ang Bantayan? Kung gayon, tingnan kung masasagot mo ang sumusunod na mga tanong:

Ano ang nagpadali para tangkilikin ang kaugalian ng Pasko sa Korea?

May matandang paniniwala sa Korea at sa ibang mga lupain tungkol sa isang diyos ng kusina na ipinagpapalagay na nagdaraan sa tsiminea at nagdadala ng mga regalo kung Disyembre. Gayundin, pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II, ang mga sundalo ng Estados Unidos ay namahagi ng mga regalo at tulong sa mga lokal na simbahan.​—12/15, pahina 4, 5.

Bilang katuparan ng Isaias 21:8, anong “bantay” ang ginagamit ng Diyos sa ating panahon?

Ang pinahiran-ng-espiritung mga Kristiyano, na naglilingkod bilang uring bantay, ay nagbigay ng hudyat sa mga tao sa kahulugan ng mga pangyayari sa daigdig na tumutupad sa mga hula ng Bibliya. Tinulungan din nila ang mga estudyante ng Bibliya na makilala at iwasan ang mga hindi maka-Kasulatang mga simulain at mga gawain.​—1/1, pahina 8, 9.

Sino ang “Kapatirang Polako”?

Sila’y isang maliit na relihiyosong grupo noong ika-16 at ika-17 siglo sa Poland na nagpasigla ng pagsunod sa Bibliya at sa gayo’y tinanggihan ang nananaig na mga doktrina ng simbahan, gaya ng Trinidad, pagbabautismo ng sanggol, at impiyerno. Nang maglaon, sila’y matinding pinag-usig at sapilitang pinangalat sa ibang mga lupain.​—1/1, pahina 21-3.

Bakit dapat pagkatiwalaan ang mga hula ng Bibliya sa halip na ang mga prediksiyon ng mga futurologist o mga astrologo?

Ang mga taong nag-aangking mga propeta ay napatunayang di-maaasahan sapagkat ipinagwawalang-bahala nila si Jehova at ang Bibliya. Ang mga hula lamang ng Bibliya ang makatutulong sa iyo na malaman kung paano tumutugma ang mga pangyayari sa layunin ng Diyos, sa gayo’y makikinabang ka at ang iyong pamilya nang pangmatagalan.​—1/15, pahina 3.

Ano ang ilan sa mga patotoo na nagpapatunay na tayo’y nabubuhay na nga sa mga huling araw?

Nakikita natin ang mga epekto ng pagkakapalayas kay Satanas mula sa langit. (Apocalipsis 12:9) Nabubuhay tayo sa panahon ng panghuling “hari” na binanggit sa Apocalipsis 17:9-11. Umuunti na ang bilang ng tunay na pinahirang mga Kristiyano, gayunma’y waring ang ilan sa kanila ay nasa lupa pa rin kapag nagsimula ang malaking kapighatian.​—1/15, pahina 12, 13.

Kailan isinulat ang aklat ng Habakuk, at bakit tayo dapat maging interesado rito?

Ang aklat na ito ng Bibliya ay isinulat noong mga 628 B.C.E. Naglalaman ito ng kahatulan ni Jehova laban sa sinaunang Juda at laban sa Babilonya. Tinatalakay rin nito ang paghatol ng Diyos na malapit nang dumating sa kasalukuyang balakyot na sistema.​—2/1, pahina 8.

Saan natin masusumpungan sa Bibliya ang matalinong payo ng isang ina para sa may-kakayahang mga asawang babae?

Ang pangwakas na kabanata ng aklat ng Kawikaan, ang kabanata 31, ay isang mahusay na pinagmumulan ng gayong payo.​—2/1, pahina 30, 31.

Bakit makapagpapasalamat tayo na isiniwalat ni Jehova “ang pag-iisip ni Kristo” sa atin? (1 Corinto 2:16)

Sa pamamagitan ng ulat ng Ebanghelyo, pinangyari ni Jehova na malaman natin ang mga kaisipan, damdamin, gawain, at mga priyoridad ni Jesus. Makatutulong ito sa atin na maging higit na kagaya ni Jesus, lalo na sa pagpapahalaga natin sa nagliligtas-buhay na gawaing pangangaral.​—2/15, pahina 25.

Sinasagot ba ng Diyos ang mga panalangin sa ngayon?

Oo. Bagaman ipinakikita ng Bibliya na hindi sinasagot ng Diyos ang lahat ng mga panalangin, pinatutunayan ng makabagong panahong mga karanasan na madalas siyang tumutugon sa mga tao na nanalangin para sa kaaliwan at tulong sa mga bagay-bagay na gaya ng paglutas ng mga suliranin sa pag-aasawa.​—3/1, pahina 3-7.

Ano ang magagawa natin upang makakuha ng lakas mula sa Diyos?

Tayo ay makahihingi nito sa panalangin, makakakuha sa Bibliya ng kalakasang espirituwal, at mapalalakas sa pamamagitan ng Kristiyanong pakikipagsamahan.​—3/1, pahina 15, 16.

Paano matutulungan ng mga magulang ang kanilang mga anak upang higit na makinabang mula sa Kristiyanong mga pulong?

Matutulungan nila ang kanilang mga anak na manatiling gising, marahil pinaiidlip muna ang mga ito bago ang pulong. Maaring pasiglahin ang mga anak na kumuha ng “mga nota,” gaya ng paglalagay ng marka sa isang papel sa tuwing ginagamit ang pamilyar na mga salita o mga pangalan.​—3/15, pahina 17, 18.

Ano ang ilan sa mga bagay na matututuhan natin mula sa halimbawa ni Job?

Inuna ni Job ang kaniyang kaugnayan sa Diyos, siya ay makatarungan sa pakikitungo sa mga kapuwa tao, nagsikap siya na maging tapat sa kaniyang kabiyak, nagpakita siya ng pagkabahala sa espirituwalidad ng kaniyang pamilya, at siya ay may katapatang nagbata sa ilalim ng pagsubok.​—3/15, pahina 25-7.

Naglalaman ba ang Bibliya ng kodigong lihim na nagbibigay ng malalim ng unawa sa mga mensaheng nasa anyong kodigo?

Hindi. Ang mga pag-aangkin tungkol sa diumano’y kodigong lihim ay maaari ring gawin sa ibang sekular na mga aklat. Ang diumano’y mga kodigo sa Bibliya ay mawawalang-saysay dahil sa mga pagkakaiba-iba sa pagbaybay sa mga manuskritong Hebreo.​—4/1, pahina 30, 31.