Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Taunang Pulong Oktubre 7, 2000

Taunang Pulong Oktubre 7, 2000

Taunang Pulong Oktubre 7, 2000

ANG TAUNANG PULONG ng mga miyembro ng Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania ay gaganapin sa Oktubre 7, 2000, sa Assembly Hall of Jehovah’s Witnesses, 2932 Kennedy Boulevard, Jersey City, New Jersey. Isang paunang pulong ng mga miyembro lamang ang pasisimulan sa ganap na 9:15 n.u., na susundan ng pangkalahatang taunang pulong sa ganap na 10:00 n.u.

Dapat ipatalastas ngayon ng mga miyembro ng korporasyon sa Tanggapan ng Kalihim ang anumang pagbabago sa direksiyon ng kanilang mga sulat sa nakalipas na taon upang makarating sa kanila sa Hulyo ang regular na mga liham ng notisya at ng mga kakatawan sa kanila (proxy).

Ang mga proxy, na ipadadala sa mga miyembro lakip na ang notisya ng taunang pulong, ay dapat na ibalik upang makarating sa Tanggapan ng Kalihim ng Samahan nang hindi lalampas sa Agosto 1. Dapat kumpletohin at ibalik agad ng bawat miyembro ang kaniyang proxy, na isinasaad kung siya ay dadalo sa pulong nang personal o hindi. Ang impormasyon na nakasulat sa bawat proxy ay dapat na tiyakan sa puntong ito, yamang ito ang pagbabatayan kung sino ang personal na makadadalo.

Inaasahan na ang buong sesyon, kasali na ang pormal na business meeting at mga report, ay matatapos sa ganap na 1:00 n.h. o hindi magtatagal pagkatapos. Hindi magkakaroon ng sesyon sa bandang hapon. Dahil sa limitadong espasyo, ang mga may tiket lamang ang tatanggapin. Walang mga kaayusang gagawin para ang taunang pulong ay ikatnig sa iba pang awditoryum sa pamamagitan ng mga linya ng telepono.