Kung Paano Magkakaroon ng Higit na Kabuluhan ang Iyong Buhay
Kung Paano Magkakaroon ng Higit na Kabuluhan ang Iyong Buhay
ANG isang sinaunang kawikaan ay nagsasabi: “Huwag kang magpagal upang magtamo ng kayamanan. Tumigil ka sa iyong sariling pagkaunawa. Isinulyap mo ba rito ang iyong mga mata, gayong walang anuman ito? Sapagkat walang pagsalang gumagawa ito ng mga pakpak para sa sarili nito na tulad ng sa agila at lumilipad patungo sa langit.” (Kawikaan 23:4, 5) Sa ibang salita, hindi isang katalinuhan na pagurin ang ating sarili sa pagsisikap na yumaman, sapagkat ang kayamanan ay maaaring lumipad palayo gaya ng sa mga pakpak ng agila.
Gaya ng ipinakikita ng Bibliya, madaling maglaho ang materyal na kayamanan. Maaari itong mawala sa loob ng magdamag dahil sa isang likas na sakuna, biglang pagbagsak ng ekonomiya, o iba pang di-inaasahang mga pangyayari. Bukod dito, maging yaong mga nagtagumpay sa materyal ay malimit na masiphayo. Isaalang-alang ang nangyari kay John, na ang trabaho ay ang mag-istima sa mga pulitiko, mga tanyag na tao sa palakasan, at mga maharlika.
Sinabi ni John: “Ibinigay ko ang buong buhay ko sa aking trabaho. Nanagana ako sa pananalapi, nanuluyan sa maluluhong otel, at kung minsan pa nga ay pumapasok ako sa trabaho sakay ng isang pribadong eroplano. Sa simula ay nasisiyahan ako rito, ngunit unti-unti akong nabagot. Ang mga taong sinisikap kong palugdan ay waring mapagkunwari lamang. Walang kabuluhan ang aking buhay.”
Gaya ng natuklasan ni John, ang isang buhay na salat sa espirituwal na mga simulain ay hindi kasiya-siya. Sa kaniyang tanyag na Sermon sa Bundok, ipinakita ni Jesu-Kristo kung paano mararanasan ang namamalaging kaligayahan. Sinabi niya: “Maligaya yaong mga palaisip sa kanilang espirituwal na pangangailangan, yamang ang kaharian ng mga langit ay sa kanila.” (Mateo 5:3) Maliwanag, kung gayon, na isang katalinuhan na unahin sa buhay ang espirituwal na mga bagay. Gayunman, ang ibang mga salik ay makatutulong din upang magkaroon ng higit na kabuluhan ang buhay.
Talagang Mahalaga ang Iyong Pamilya at mga Kaibigan
Masisiyahan ka ba sa buhay kung hindi ka nakikipag-ugnayan sa iyong pamilya at wala kang matatalik na kaibigan? Siyempre hindi. Ginawa tayo ng ating Maylalang na taglay ang pangangailangang magmahal at mahalin. Iyan ang isang dahilan kung bakit itinampok ni Jesus ang kahalagahan ng ‘pag-ibig sa ating kapuwa Mateo 22:39) Ang pamilya ay isang kaloob ng Diyos na naglalaan ng isang angkop na kapaligiran para sa pagpapamalas ng walang-pag-iimbot na pag-ibig.—Efeso 3:14, 15.
gaya sa ating sarili.’ (Paano makapagdudulot ang ating pamilya ng higit na kabuluhan sa ating buhay? Buweno, ang isang nagkakaisang pamilya ay maihahalintulad sa isang magandang hardin na naglalaan ng nakagiginhawang kanlungan mula sa kaigtingan ng araw-araw na pamumuhay. Gayundin naman, sa loob ng pamilya, makasusumpong tayo ng nakagiginhawang pagsasamahan at pagmamahalan na pumapawi sa pagkadama ng kalungkutan. Sabihin pa, ang isang pamilya ay hindi awtomatikong naglalaan ng gayong kanlungan. Subalit, habang pinatitibay natin ang mga buklod ng pamilya, lalo tayong napapalapit sa isa’t isa, at lalong nagiging kapaki-pakinabang ang buhay. Halimbawa, ang panahon at atensiyon na ibinibigay natin sa pagpapakita ng pag-ibig at paggalang sa ating asawa ay pamumuhunan sa araw-araw na sa dakong huli ay magbubunga ng saganang pakinabang.—Efeso 5:33.
Kung may mga anak tayo, dapat nating sikaping ilaan ang tamang kapaligiran na doo’y palalakihin sila. Maaari ngang nakapapagod ang paggugol ng panahon na kasama nila, pagpapanatiling bukás sa linya ng komunikasyon, at pagtuturo sa kanila sa espirituwal na paraan. Subalit ang gayong panahon at pagsisikap ay maaaring magdulot sa atin ng malaking kasiyahan. Minamalas ng matagumpay na mga magulang ang kanilang mga anak bilang pagpapala, isang pamana mula sa Diyos na dapat pakaingatan.—Awit 127:3.
Ang mabubuting kaibigan ay nakatutulong din sa pagkakaroon ng isang kasiya-siya at makabuluhang buhay. (Kawikaan 27:9) Maaari tayong magkaroon ng maraming kaibigan sa pamamagitan ng pagpapamalas ng damdaming pakikipagkapuwa. (1 Pedro 3:8) Ang tunay na mga kaibigan ay tumutulong upang makabangon tayo kapag tayo’y natisod. (Eclesiastes 4:9, 10) At “ang tunay na kaibigan ay . . . isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.”—Kawikaan 17:17.
Talaga ngang kasiya-siya ang tunay na mga kaibigan! Ang paglubog ng araw ay higit na kahanga-hanga, ang isang pagkain ay mas katakam-takam, at ang musika ay mas kawili-wili kapag kasama ang isang kaibigan. Sabihin pa, ang isang nagmamahalang pamilya at mapagkakatiwalaang mga kaibigan ay dalawang pitak lamang ng isang makabuluhang buhay. Anong iba pang probisyon ang ginawa ng Diyos na magdudulot ng higit na kabuluhan sa ating buhay?
Sinasapatan ang Ating Espirituwal na Pangangailangan
Gaya ng nabanggit na, iniugnay ni Jesu-Kristo ang kaligayahan sa pagkaunawa sa ating espirituwal na pangangailangan. Tayo ay nilalang na kapuwa may kakayahan sa espirituwal at moral. Kaya naman binabanggit ng Bibliya “ang taong espirituwal” at “ang lihim na pagkatao ng puso.”—1 Corinto 2:15; 1 Pedro 3:3, 4.
Ayon sa An Expository Dictionary of New Testament Words, ni W. E. Vine, ang makasagisag na puso ay tumutukoy sa “lahat ng mental at moral na gawain ng tao, ang mga bagay na salig kapuwa sa katuwiran at sa emosyon.” Sa pagpapaliwanag, idinagdag pa ni Vine: “Sa ibang salita, ang puso ay ginagamit sa makasagisag na paraan para sa natatagong mga pinagmumulan ng panloob na pagkatao.” Sinasabi rin ng akdang iyon na “ang puso, palibhasa’y nasa kaloob-looban, ay naglalaman ng ‘natatagong tao,’ . . . ang tunay na tao.”
Paano natin masasapatan ang mga pangangailangan ng “taong espirituwal,” o ng “natatagong tao,” alalaong baga’y, “ang lihim na pagkatao ng puso”? Gumagawa tayo ng mahalagang hakbang sa paggawa nito at sinasapatan ang ating espirituwal na pangangailangan kapag kinikilala natin ang puntong ipinakita ng kinasihang salmista na umawit: “Alamin ninyo na si Jehova ay Diyos. Siya ang gumawa sa atin, at hindi tayo sa ganang sarili. Tayo ay kaniyang bayan at mga tupa ng kaniyang pastulan.” (Awit 100:3) Ang pagkilala sa bagay na ito ay makatuwiran lamang na aakay sa atin na maghinuha na tayo ay mananagot sa Diyos. Kung nais natin na mapabilang sa “kaniyang bayan at mga tupa ng kaniyang pastulan,” dapat tayong kumilos kasuwato ng kaniyang Salita, ang Bibliya.
Masama ba iyon? Hindi, sapagkat ang kabatiran na mahalaga sa Diyos ang ating paggawi ay nagdaragdag ng kabuluhan sa ating buhay. Pinasisigla tayo nito na maging mas mabubuting indibiduwal—tiyak na isang kapaki-pakinabang na tunguhin. “Maligaya ang taong natatakot kay Jehova, na sa kaniyang mga utos ay lubha siyang nalulugod,” ang sabi ng Awit 112:1. Ang mapitagang pagkatakot sa Diyos at ang taos-pusong pagsunod sa kaniyang mga utos ay maaaring magdulot ng higit na kabuluhan sa ating buhay.
Bakit nakasisiya sa atin ang pagsunod sa Diyos? Sapagkat mayroon tayong budhi, isang regalo na ipinagkaloob ng Diyos sa lahat ng tao. Ang budhi ay isang tagasuri sa moral na nagpapahiwatig ng pagsang-ayon o ng di-pagsang-ayon sa ating ginawa o binabalak na gawin. Tayong lahat ay nakaranas Roma 2:15) Ngunit maaari rin tayong gantimpalaan ng ating budhi. Kapag tayo’y kumikilos nang walang-pag-iimbot sa Diyos at sa ating mga kapuwa tao, tayo’y nakokontento at nasisiyahan. Nasusumpungan natin na “may higit na kaligayahan sa pagbibigay kaysa sa pagtanggap.” (Gawa 20:35) May mahalagang dahilan para rito.
nang maligalig dahil sa isang nababagabag na budhi. (Nilikha tayo ng ating Maylalang sa paraang naaapektuhan tayo ng mga hangarin at pangangailangan ng ating mga kapuwa tao. Ang pagtulong sa iba ay nakapagpapagalak sa ating sariling puso. Karagdagan pa, tinitiyak sa atin ng Bibliya na kapag nagbibigay tayo sa isa na nangangailangan, itinuturing ito ng Diyos na isang pabor na ipinagkaloob sa kaniya.—Kawikaan 19:17.
Bukod sa nagdudulot ng panloob na kasiyahan, ang pagbibigay-pansin ba sa ating espirituwal na mga pangangailangan ay nakatutulong sa atin sa praktikal na paraan? Buweno, naniniwala ang isang negosyante sa Gitnang Silangan na nagngangalang Raymond na nakatutulong ito. “Ang tanging tunguhin ko ay ang kumita ng pera,” ang sabi niya. “Ngunit mula nang tanggapin ko sa aking puso na may isang Diyos at na ipinahahayag ng Bibliya ang kaniyang mga kalooban, nagbago ang pagkatao ko. Ang paghanap ng ikabubuhay ay naging pangalawahing bagay na ngayon sa aking buhay. Dahil sa pagsisikap na palugdan ang Diyos, nakaligtas ako sa mapangwasak na damdamin ng pagkapoot. Bagaman namatay ang aking ama sa isang labanan, wala akong hangaring maghiganti sa mga may kagagawan niyaon.”
Gaya ng natuklasan ni Raymond, ang mainam na paglalaan sa mga pangangailangan ng “taong espirituwal” ay makagagamot sa malalalim na sugat sa damdamin. Gayunman, malibang makayanan natin ang mga problemang idinudulot ng bawat araw, ang buhay ay hindi lubusang magiging kasiya-siya.
Makakamtan Natin “ang Kapayapaan ng Diyos”
Sa abalang-abalang daigdig na ito, mabilis na lumilipas ang ilang araw. Nagaganap ang mga aksidente, nagkakamali ang mga plano, at nasisiphayo tayo dahil sa mga tao. Ang mga kabiguang ito ay umaagaw sa ating kaligayahan. Gayunman, sa mga naglilingkod sa Diyos na Jehova, ang Bibliya ay nangangako ng isang panloob na kasiyahan—“ang kapayapaan ng Diyos.” Paano natin matatamo ang kapayapaang ito?
Si apostol Pablo ay sumulat: “Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pagpapasalamat ay ipaalam ang inyong mga pakiusap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbabantay sa inyong mga puso at sa inyong mga kakayahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kristo Jesus.” (Filipos 4:6, 7) Sa halip na sikaping balikatin ang ating mga problema nang mag-isa, kailangang manalangin tayo nang taimtim, anupat inihahagis sa Diyos ang ating mga pasanin sa araw-araw. (Awit 55:22) Ang pananampalataya na tinutugon niya ang gayong mga pagsusumamo sa pamamagitan ng kaniyang Anak, si Jesu-Kristo, ay lalago habang sumusulong tayo sa espirituwal at nauunawaan kung paano tumutulong sa atin ang Diyos.—Juan 14:6, 14; 2 Tesalonica 1:3.
Pagkatapos nating mapatibay ang ating pagtitiwala sa Diyos na Jehova, ang “Dumirinig ng panalangin,” mas makakayanan natin ang mga pagsubok, gaya ng matagal na pagkakasakit, pagtanda, o pamimighati. (Awit 65:2) Subalit, para sa isang tunay na makabuluhang buhay, kailangan din nating isaalang-alang ang kinabukasan.
Magalak sa Pag-asa sa Hinaharap
Nangangako ang Bibliya ng “mga bagong langit at isang bagong lupa,” isang matuwid, mapag-arugang makalangit na pamahalaan na mamamahala sa isang masunuring pamilya ng tao. (2 Pedro 3:13) Sa bagong sanlibutang iyon na ipinangako ng Diyos, ang digmaan at kawalang-katarungan ay papalitan ng kapayapaan at katarungan. Ito ay hindi lamang isang panandaliang pangarap, kundi isa itong pananalig na maaaring lalong tumibay bawat araw. Tunay na ito’y mabuting balita at tiyak na isang dahilan upang magalak.—Roma 12:12; Tito 1:2.
Si John, na binanggit sa pasimula, ay nakadarama ngayon na higit na makabuluhan ang kaniyang buhay. “Bagaman hindi ako kailanman naging napakarelihiyoso, lagi naman akong naniniwala sa Diyos,” ang sabi niya. “Subalit wala akong ginawa sa paniniwalang ito hanggang sa dumalaw sa akin ang dalawang Saksi ni Jehova. Pinaulanan ko sila ng mga tanong, gaya ng, ‘Ano ang ginagawa natin dito? Saan tayo patungo?’ Ang kanilang kasiya-siyang mga kasagutan salig sa Kasulatan ang nagbigay sa akin sa kauna-unahang pagkakataon ng layunin sa aking buhay. Pasimula lamang iyon. Nagkaroon ako ng pagkauhaw sa katotohanan na umakay sa akin upang baguhin ko ang lahat ng aking mga pamantayan. Bagaman hindi na ako mayaman sa materyal, pakiramdam ko’y milyunaryo naman ako sa espirituwal.”
Gaya ni John, marahil ay hinayaan mong manatiling tulog ang iyong espirituwal na kakayahan sa loob ng maraming taon. Gayunman, sa pagpapaunlad ng isang “pusong may karunungan,” magigising mo ito. (Awit 90:12) Taglay ang determinasyon at pagsisikap, maaari kang magkaroon ng tunay na kagalakan, kapayapaan, at pag-asa. (Roma 15:13) Oo, at ang iyong buhay ay magkakaroon ng higit na kabuluhan.
[Larawan sa pahina 6]
Ang panalangin ay maaaring magdulot sa atin ng “kapayapaan ng Diyos”
[Mga larawan sa pahina 7]
Alam mo ba kung ano ang magpapangyaring higit na maging kasiya-siya ang buhay pampamilya?