Mula sa Paggawa ng mga Armas Tungo sa Pagliligtas ng mga Buhay
Mula sa Paggawa ng mga Armas Tungo sa Pagliligtas ng mga Buhay
AYON SA SALAYSAY NI ISIDOROS ISMAILIDIS
Nakaluhod ako habang tumutulo ang mga luha sa aking mga pisngi. “O, Diyos, ang akin pong budhi ay nagsasabi sa akin na hindi ako maaaring magpatuloy sa trabaho na paggawa ng mga sandata,” ang sabi ko sa panalangin. “Nagsikap po ako nang husto na humanap ng ibang trabaho, subalit wala po akong makita. Bukas, ibibigay ko na po ang sulat sa aking pagbibitiw sa trabaho. Pakisuyo po, Jehova, huwag po ninyong hayaang magutom ang aming apat na anak.” Paano ba ako nasadlak sa kalagayang ito?
ANG buhay ay mapayapa at simple sa Drama, gawing hilaga ng Gresya, kung saan ako isinilang noong 1932. Madalas ipakipag-usap sa akin noon ng aking ama kung ano ang gusto niyang gawin ko. Pinasigla niya akong magtungo sa Estados Unidos para mag-aral. Pagkatapos dambungin ang Gresya noong Digmaang Pandaigdig II, naging palasak na kasabihan sa gitna ng mga Griego ang: “Maaari ninyong makuha ang aming mga ari-arian, subalit hindi ninyo kailanman mananakaw ang nasa aming mga isipan.” Determinado akong makapag-aral sa kolehiyo at magtamo ng isang bagay na hindi mananakaw kailanman ng sinuman.
Mula sa pagkabata, sumali ako sa iba’t ibang grupo ng kabataan na itinaguyod ng Simbahang Griego Ortodokso. Kami ay sinabihan doon na umiwas sa mapanganib na mga sekta. Espesipikong natatandaan ko pa ang isang grupo—mga Saksi ni Jehova—na binanggit, yamang ang mga ito diumano ang kumakatawan sa antikristo.
Nang magtapos ako sa isang paaralang teknikal sa Atenas noong 1953, nagtungo ako sa Alemanya upang alamin kung makakakita ako ng isang trabaho at kasabay nito’y makapag-aaral. Subalit hindi ito nangyari, kaya nagtungo ako sa ibang bansa. Pagkaraan ng ilang linggo, nasumpungan ko ang aking sarili na walang kapera-pera sa isang daungan sa Belgium. Naaalaala kong pumasok ako sa isang simbahan, naupo, at umiyak nang husto anupat may mga luha sa sahig sa harap ko. Nanalangin ako na kung
tutulungan ako ng Diyos na makapunta sa Estados Unidos, hindi ko itataguyod ang materyal na mga bagay kundi mag-aaral ako at magsisikap na maging isang mabuting Kristiyano at isang mabuting mamamayan. Sa wakas noong 1957, nakarating ako roon.Bagong Buhay sa Estados Unidos
Mahirap ang buhay sa Estados Unidos para sa isang mandarayuhan na hindi marunong ng wika nito at walang pera. Dalawang trabaho ang pinasukan ko sa gabi at nagsumikap akong mag-aral sa araw. Nag-aral ako sa ilang kolehiyo at nagtapos ako ng isang associate degree. Pagkatapos ay nagpunta ako sa University of California sa Los Angeles at nagtamo ng isang titulo na bachelor of science in applied physics. Ang mga salita ng aking ama tungkol sa pagkuha ng edukasyon ang nakatulong sa akin na magpatuloy sa mahihirap na taóng ito.
Nang mga panahong ito, nakilala ko ang isang magandang babaing Griego, si Ekaterini, at kami’y nagpakasal noong 1964. Ang aming unang anak na lalaki ay isinilang pagkalipas ng tatlong taon, at sa loob ng wala pang apat na taon, nasundan pa ito ng dalawang anak na lalaki at isang anak na babae. Isang hamon nga ang magtustos sa isang pamilya at kasabay nito ay mag-aral sa unibersidad.
Ako’y nagtatrabaho sa U.S. Air Force sa isang kompanya ng missile at mga proyektong pangkalawakan sa Sunnyvale, California. Ang trabaho ko ay may kaugnayan sa iba’t ibang proyektong panghimpapawid at pangkalawakan, kasali na ang mga programang Agena at Apollo. Tumanggap pa nga ako ng mga medalya sa aking tulong sa mga misyon ng Apollo 8 at Apollo 11. Pagkatapos niyan, ipinagpatuloy ko ang aking pag-aaral at naging lubusang abala sa iba’t ibang proyektong pangkalawakan ng militar. Sa puntong ito, inaakala kong taglay ko na ang lahat—isang magandang asawa, apat na kaibig-ibig na mga anak, isang prestihiyosong trabaho, at isang magandang bahay.
Isang Mapilit na Kaibigan
Maaga noong 1967, sa trabaho ay nakilala ko si Jim, isang lubhang mapagpakumbaba at mabait na tao. Si Jim ay waring laging nakangiti, at hindi siya kailanman tumanggi sa isang paanyaya para magkape na kasama ko. Ginamit niya ang mga pagkakataong ito upang ibahagi sa akin ang impormasyon mula sa Bibliya. Sinabi sa akin ni Jim na siya’y nakikipag-aral sa mga Saksi ni Jehova.
Nabigla ako nang marinig ko na si Jim ay nasangkot sa relihiyosong grupo na ito. Paano nga maaaring madaya ng sekta ng antikristo ang gayong mabait na tao? Gayunman, hindi ko matanggihan ang personal na malasakit sa akin ni Jim at ang kaniyang kabaitan. Waring sa araw-araw ay may ibang bagay na ipinababasa siya sa akin. Halimbawa, isang araw ay pumunta siya sa aking opisina at nagsabi: “Isidoros, ang artikulong ito sa Ang Bantayan ay tumatalakay tungkol sa pagpapatibay sa buhay pampamilya. Iuwi mo ito, at basahin mo ito na kasama ng iyong asawa.” Sinabi ko sa kaniya na babasahin ko ang labas na iyon, subalit pagkatapos ay nagtungo ako sa palikuran at pinunit ko ang magasin nang maliliit na piraso at itinapon ang mga ito sa basurahan.
Sa loob ng tatlong taon, sinira ko ang bawat aklat at magasin na ibinigay sa akin ni Jim. Palibhasa’y may masamang opinyon ako sa mga Saksi ni Jehova, subalit nagsikap na mapanatili si Jim bilang aking kaibigan, naisip ko na makabubuting makinig sa sasabihin niya at pagkatapos ay agad itong iwaksi sa isipan.
Gayunman, mula sa mga usapang iyon ay nakita ko na ang karamihan sa mga bagay na pinaniniwalaan Eclesiastes 9:10; Ezekiel 18:4; Juan 20:17) Bilang isang mapagmataas na Griego Ortodokso, ayaw kong aminin nang tahasan na tama si Jim. Subalit yamang lagi niyang ginagamit ang Bibliya at hindi siya kailanman nagbibigay ng kaniyang personal na opinyon, natalos ko sa wakas na ang taong ito ay may mahalagang mensahe mula sa Bibliya para sa akin.
at isinasagawa ko ay hindi nasasalig sa Bibliya. Natanto ko na ang mga turo ng Trinidad, apoy ng impiyerno, at imortalidad ng kaluluwa ay hindi maka-Kasulatan. (Napansin ng aking asawa na may nangyayari, at tinanong niya kung nakipag-usap ba ako sa aking kaibigan na nakikisama sa mga Saksi. Nang sumagot ako ng oo, sinabi niya: “Magsimba tayo sa anumang ibang simbahan huwag lamang sa mga Saksi ni Jehova.” Gayunman, di-nagtagal, kami ng asawa ko, kasama ng aming mga anak, ay regular nang dumadalo sa mga pulong ng mga Saksi.
Isang Mahirap na Pasiya
Habang pinag-aaralan ko ang Bibliya, nabasa ko ang pananalitang ito ni propeta Isaias: “Pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos. Ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, ni mag-aaral pa man sila ng pakikipagdigma.” (Isaias 2:4) Tinanong ko ang aking sarili, ‘Paanong ang isang lingkod ng isang Diyos na maibigin sa kapayapaan ay maaaring magtrabaho sa pagdisenyo at paggawa ng mapamuksang mga sandata?’ (Awit 46:9) Hindi nangailangan ng mahabang panahon upang maghinuha ako na kailangan kong magbago ng aking trabaho.
Mauunawaan naman, ito ay isang malaking hamon. Mayroon akong isang prestihiyosong trabaho. Nagsumikap ako sa loob ng mga taon sa pagpapagal, edukasyon, at mga sakripisyo upang marating ko ang katayuang ito. Narating ko ang posisyong ito, at narito ako ngayon at nakaharap sa akin ang pagbibitiw sa aking karera. Gayunman, namayani ang aking matinding pag-ibig kay Jehova at ang masidhing pagnanais na gawin ang kaniyang kalooban.—Mateo 7:21.
Nagpasiya akong humanap ng trabaho sa isang kompanya sa Seattle, Washington. Subalit, sa pagkasiphayo ko ay natuklasan ko na lalo akong nasangkot sa gawain na hindi kasuwato ng Isaias 2:4. Ang mga pagsisikap ko na magtrabaho lamang sa ibang proyekto ay nabigo, at muli na naman akong binagabag ng aking budhi. Naunawaan ko na hindi ko maaaring panatilihin ang aking trabaho at kasabay nito ay panatilihin ang isang malinis na budhi.—1 Pedro 3:21.
Naging maliwanag na kailangan naming gumawa ng mahahalagang pagbabago. Sa loob ng wala pang anim na buwan, binago namin ang aming istilo ng pamumuhay at binawasan nang kalahati ang mga gastusin ng aming pamilya. Pagkatapos ay ipinagbili namin ang aming marangyang bahay at bumili ng isang maliit na bahay sa Denver, Colorado. Handa na ako ngayon para sa huling pagpapasiya—ang pagbibitiw sa aking trabaho. Minakinilya ko ang aking liham ng pagbibitiw sa trabaho, na ipinaliliwanag ang aking katayuan udyok ng aking budhi. Nang gabing iyon, nang makatulog na ang mga bata, lumuhod ako kasama ng aking asawa at nanalangin kami kay Jehova, gaya ng inilarawan sa pasimula ng artikulong ito.
Sa loob ng wala pang isang buwan, lumipat kami sa Denver, at pagkalipas ng dalawang linggo, noong Hulyo 1975, kaming mag-asawa ay nabautismuhan. Hindi ako makakita ng trabaho sa loob ng anim na buwan, at unti-unti na naming nauubos ang aming ipon. Noong ikapitong buwan, ang natitira naming ipon sa bangko ay kulang pang ipambayad sa aming Mateo 6:33.
buwanang bayad sa bahay. Nagsimula akong maghanap ng anumang pansamantalang trabaho na makikita ko, subalit karaka-raka pagkatapos niyan ay nakakuha ako ng trabahong pang-inhinyeriya. Ang suweldo ay halos kalahati lamang ng dati kong sinasahod; magkagayon man, higit pa ito kaysa hiningi ko kay Jehova. Anong ligaya ko na inuna ko ang espirituwal na mga kapakanan!—Pagpapalaki sa Aming mga Anak na Ibigin si Jehova
Samantala kami ni Ekaterini ay abala sa mapanghamong gawain ng pagpapalaki sa aming apat na anak na kasuwato ng makadiyos na mga simulain. Nakatutuwa naman, nakita namin silang lahat, sa tulong ni Jehova, na naging maygulang na mga Kristiyano, na itinalaga ang kanilang buhay nang lubusan sa mahalagang gawain ng pangangaral ng Kaharian. Ang aming tatlong anak na lalaki, sina Christos, Lakes, at Gregory ay pawang nagtapos sa Ministerial Training School at ngayon ay naglilingkod sa iba’t ibang atas, dumadalaw at nagpapatibay sa mga kongregasyon. Si Toula, ang aming anak na babae, ay nagtatrabaho bilang isang boluntaryo sa punong tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa New York. Ang aming mga puso ay naantig nang makita naming isinakripisyo nilang lahat ang magagandang karera at mga trabahong may matataas na sahod upang maglingkod kay Jehova.
Marami ang nagtatanong kung ano ang lihim sa gayong matagumpay na pagpapalaki ng anak. Mangyari pa, walang itinakdang pormularyo sa pagpapalaki ng mga anak, subalit may pagtitiyaga naming sinikap na ikintal sa kanilang mga puso ang pag-ibig kay Jehova at sa kapuwa. (Deuteronomio 6:6, 7; Mateo 22:37-39) Natutuhan ng mga bata na hindi namin masasabi kay Jehova na iniibig namin siya malibang ipakita ito ng aming mga gawa.
Isang araw sa isang linggo, karaniwan na kung Sabado, kami ay nakikibahagi sa ministeryo bilang isang pamilya. Regular na isinasagawa namin ang pampamilyang pag-aaral sa Bibliya kung Lunes ng gabi pagkatapos ng hapunan, at mayroon din kaming pag-aaral sa Bibliya sa bawat isa sa mga bata. Nang ang mga bata ay musmos pa, kami’y nakikipag-aral sa bawat bata sa loob ng maiikling panahon mga ilang beses sa isang linggo, at habang lumalaki sila, mas matagal ang aming mga pag-aaral minsan sa isang linggo. Sa panahon ng mga pag-aaral na ito, ang aming mga anak ay malayang nagsasabi ng kanilang niloloob at malayang ipinakikipag-usap sa amin ang kanilang mga problema.
Nasisiyahan din kami sa nakapagpapatibay na paglilibang bilang isang pamilya. Mahilig kaming tumugtog ng mga instrumento sa musika na magkakasama, at gustung-gusto ng bawat bata na tugtugin ang kani-kaniyang paboritong awit. Kung minsan kapag dulo ng sanlinggo, inaanyayahan namin ang ibang pamilya para sa nakapagpapatibay na pakikipagsamahan. Nagbabakasyon din kami bilang isang pamilya. Sa isa sa paglalakbay na iyon, gumugol kami ng dalawang linggo sa paggalugad sa kabundukan ng Colorado at gumawa kaming kasama ng lokal na mga kongregasyon sa ministeryo sa larangan. Magiliw na naaalaala ng aming mga anak ang pagtatrabaho sa iba’t ibang departamento sa mga pandistritong kombensiyon at pagtulong sa
pagtatayo ng mga Kingdom Hall sa iba’t ibang lugar. Nang isama namin ang mga bata sa Gresya upang makita ang kanilang mga kamag-anak, nakilala rin nila ang maraming tapat na mga Saksi na nabilanggo dahil sa kanilang pananampalataya. Ito ay nag-iwan ng malalim na impresyon sa kanila, na tumulong sa kanila na magpasiyang manatiling matatag at may tibay ng loob para sa katotohanan.Sabihin pa, kung minsan ay gumagawa rin ng kalokohan ang mga bata at gumagawa ng maling mga pagpili may kinalaman sa mga kasama. Kung minsan naman, kami ang lumilikha ng mga problema para sa kanila sa pagiging marahil ay napakahigpit sa ilang bagay. Subalit ang pagbaling sa “pangkaisipang-pagtutuwid ni Jehova,” gaya ng masusumpungan sa Bibliya, ay nakatulong upang ituwid ang mga bagay-bagay para sa aming lahat.—Efeso 6:4; 2 Timoteo 3:16, 17.
Ang Pinakamaligayang Panahon ng Aking Buhay
Pagkatapos pumasok sa buong-panahong ministeryo ang aming mga anak, seryoso naming pinag-isipan ni Ekaterini kung ano ang aming magagawa upang palawakin ang aming bahagi sa gawaing ito na nagliligtas-buhay. Kaya, noong 1994, pagkatapos kong magretiro nang maaga, kapuwa kami nagsimulang maglingkod bilang mga regular payunir. Kasali sa aming ministeryo ang pagdalaw sa lokal na mga kolehiyo at mga unibersidad, kung saan kami ay nagpapatotoo sa mga estudyante at nagdaraos ng mga pag-aaral sa Bibliya sa ilan sa kanila. Sapagkat nauunawaan ko ang kanilang mga suliranin—yamang naranasan ko rin ang gayong kalagayan mga ilang taon lamang ang nakalilipas—naging matagumpay ako sa pagtulong sa kanila na matuto tungkol kay Jehova. Anong laking kagalakan na makipag-aral sa mga estudyante mula sa Bolivia, Brazil, Chile, Ehipto, Ethiopia, Mexico, Thailand, Tsina, at Turkey! Nasisiyahan din ako sa pagpapatotoo sa telepono, lalo na sa mga taong nakakausap ko sa aking katutubong wika.
Bagaman marami akong limitasyon dahil sa aking puntong Griego at katandaan, lagi kong sinisikap na ipagamit ang aking sarili at taglay ko ang espiritu ni Isaias, na nagsabi: “Narito ako! Isugo mo ako.” (Isaias 6:8) Nagkaroon kami ng kagalakan sa pagtulong sa mahigit na anim katao na ialay ang kanilang buhay kay Jehova. Tunay na ito ang pinakamaligayang panahon para sa amin.
Dati, ang buong buhay ko ay umiikot sa paggawa ng kakila-kilabot na mga sandata upang pumatay ng mga kapuwa tao. Gayunman, si Jehova, sa pamamagitan ng kaniyang di-sana-nararapat na kabaitan, ay nagbukas ng daan para sa akin at sa aking pamilya na maging kaniyang naaalay na mga lingkod at gugulin ang aming buhay sa pagdadala sa mga tao ng mabuting balita tungkol sa walang-hanggang buhay sa isang paraisong lupa. Habang ginugunita ko ang mapanghamong mga pasiya na kailangan kong gawin, sumaisip ko ang mga salita sa Malakias 3:10: “ ‘Subukin ninyo ako sa bagay na ito, pakisuyo,’ ang sabi ni Jehova ng mga hukbo, ‘kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga pintuan ng tubig sa langit at ibubuhos sa inyo ang isang pagpapala hanggang sa wala nang kakulangan.’ ” Tunay na gayon nga ang ginawa niya—sa kasiyahan ng aming puso!
[Kahon/Larawan sa pahina 27]
Lakes: Kinamumuhian ng aking tatay ang pagpapaimbabaw. Sinikap niyang mabuti na huwag maging mapagpaimbabaw, lalo na sa pagbibigay ng tamang halimbawa para sa kaniyang pamilya. Madalas niyang sabihin sa amin: “Kung iaalay ninyo ang inyong buhay kay Jehova, iyan ay nangangahulugan ng isang bagay. Dapat na maging handa kayong gumawa ng mga sakripisyo alang-alang kay Jehova. Iyan ang kahulugan ng pagiging isang Kristiyano.” Ang mga salitang ito ay nanatili sa akin at nagpangyari sa akin na sundin ang kaniyang halimbawa sa paggawa ng mga sakripisyo alang-alang kay Jehova.
[Kahon/Larawan sa pahina 27]
Christos: Lubos kong pinasasalamatan ang buong-kaluluwang katapatan ng aking mga magulang kay Jehova at ang kanilang matatag na pagtupad sa kanilang pananagutan bilang mga magulang. Bilang isang pamilya, ginagawa namin ang lahat ng bagay na magkakasama—mula sa aming paglilingkod hanggang sa aming mga bakasyon. Bagaman maaari sana silang maging abala sa maraming iba pang bagay, pinanatili ng aking mga magulang ang kanilang buhay na simple at nakatuon sa ministeryo. Sa ngayon, alam ko na ako ay talagang pinakamaligaya kapag ako ay lubos na nakikibahagi sa paglilingkod kay Jehova.
[Kahon/Larawan sa pahina 28]
Gregory: Bukod pa sa pampatibay-loob na mga pananalita sa akin ng aking mga magulang na palawakin ang aking ministeryo, ang kanilang halimbawa at ang katibayan ng kanilang kagalakan sa paglilingkod kay Jehova ang nag-udyok sa akin na muling tayahin ang aking mga kalagayan, isaisang-tabi ang anumang mga alalahanin at mga pagkabalisa tungkol sa pagsisimula sa buong-panahong paglilingkod, at higit na lubusang italaga ang aking sarili sa gawain ni Jehova. Ako’y nagpapasalamat sa aking mga magulang sa pagtulong sa akin na masumpungan ang kagalakan na nagmumula sa pagsusumikap ko.
[Kahon/Larawan sa pahina 28]
Toula: Laging idiniriin ng aking mga magulang na ang aming kaugnayan kay Jehova ang pinakamahalagang bagay na maaari naming taglayin kailanman at na ang tanging paraan upang kami ay maaaring maging tunay na maligaya kailanman ay ang pagbibigay ng aming pinakamabuti kay Jehova. Ginawa nilang tunay na tunay sa amin si Jehova. Madalas sabihin sa amin ng aking tatay na may di-mailarawang damdamin na magawa mong matulog sa gabi taglay ang isang malinis na budhi, sa pagkaalam na sinikap mong gawin ang iyong pinakamabuti upang mapaligaya si Jehova.
[Larawan sa pahina 25]
Nang ako’y isang sundalo sa Gresya, 1951
[Larawan sa pahina 25]
Kasama si Ekaterini noong 1966
[Larawan sa pahina 26]
Ang aking pamilya noong 1996: (kaliwa pakanan, likod) Gregory, Christos, Toula; (harap) Lakes, Ekaterini, at ako