Paggalang sa Awtoridad—Bakit Napakahalaga?
Paggalang sa Awtoridad—Bakit Napakahalaga?
SINO ang hindi nagpapasalamat na may awtoridad ang pulisya na arestuhin ang mga kriminal na nagnanakaw ng ating mga pag-aari o nagbabanta sa ating pamilya? At hindi ba natin pinahahalagahan na may awtoridad ang mga hukuman upang parusahan ang mga kriminal upang maipagsanggalang ang pamayanan?
Ang iba pang nakatutulong na mga serbisyong pambayan, tulad ng pagmamantini sa lansangan, paglilinis, at edukasyon—karaniwang binabayaran sa pamamagitan ng mga buwis na ipinapataw ng awtoridad ng pamahalaan—ay maaari ring pumasok sa isipan. Ang mga tunay na Kristiyano ay nangunguna sa pagkilala na napakahalaga ang paggalang sa wastong hinirang na awtoridad. Subalit hanggang saan ang saklaw ng gayong paggalang? At sa anong mga larangan ng buhay hinihiling ang paggalang sa awtoridad?
Awtoridad sa Pamayanan
Sinasabi ng Bibliya sa lahat ng tao, mananampalataya man o hindi, na igalang ang awtoridad ng bayan, na nagsisilbi ukol sa ikabubuti ng pamayanan. Ang Kristiyanong apostol na si Pablo ay sumulat sa kaniyang mga kapananampalataya sa Roma hinggil dito, at makatutulong na isaalang-alang ang kaniyang mga sinabi, gaya ng nakaulat sa Roma 13:1-7.
Si Pablo ay isang mamamayan ng Roma, at ang Roma ang siyang kapangyarihang pandaigdig noong panahong iyon. Ang liham ni Pablo, na isinulat noong mga taóng 56 C.E., ay nagpayo sa mga Kristiyano na maging mga huwarang mamamayan. Sumulat siya: “Ang bawat kaluluwa ay magpasakop sa nakatataas na mga awtoridad, sapagkat walang awtoridad malibang sa pamamagitan ng Diyos; ang umiiral na mga awtoridad ay inilagay ng Diyos sa kanilang relatibong mga posisyon.”
Ipinaliliwanag dito ni Pablo na hindi magkakaroon ng anumang awtoridad ang tao kung hindi ito pinahintulutan ng Diyos. Sa diwang iyan ay may relatibong posisyon ang nakatataas na mga awtoridad sa loob ng balangkas ng layunin ng Diyos. Kaya naman masasabi na “siya na sumasalansang sa awtoridad ay naninindigan laban sa kaayusan ng Diyos.”
Bagaman ang mga mamamayan na gumagawa ng mabuti ay maaaring tumanggap ng papuri mula sa nakatataas na mga awtoridad, ang mga awtoridad na ito ay binigyan din ng kapangyarihang maglapat ng parusa sa mga nagkakasala. Yaong mga gumagawa ng masama ay may maraming dahilan
para matakot sa karapatan ng mga awtoridad na kumilos bilang “isang tagapaghiganti,” yamang ginagawa ito ng mga pamahalaan bilang ‘ministro ng Diyos.’Tinapos ni Pablo ang kaniyang pangangatuwiran sa pagsasabing: “Kaya nga may nagtutulak na dahilan upang kayo ay magpasakop, hindi lamang dahil sa poot na iyon kundi dahil din sa inyong budhi. Sapagkat iyan ang dahilan kung bakit nagbabayad din kayo ng mga buwis; sapagkat sila ay mga pangmadlang lingkod ng Diyos na palagiang naglilingkod sa mismong layuning ito.”
Ang pananagutan ng pangangasiwa sa mga buwis ay nakaatang sa nakatataas na mga awtoridad, hindi sa nagbabayad ng buwis. Bilang isang tapat na mamamayan, ang isang Kristiyano ay nag-iingat ng isang mabuting budhi. Batid niya na kapag ipinasasakop niya ang kaniyang sarili sa nakatataas na mga awtoridad at nagbabayad ng karampatang mga buwis, hindi lamang niya sinusuportahan ang pamantayan ng pamayanan na pinaninirahan niya kundi namumuhay rin siya kasuwato ng mga kahilingan ng Diyos.
Ang Pamilya at Awtoridad
Kumusta naman ang awtoridad sa pamilya? Sa unang mga araw ng kaniyang buhay, kadalasan ay magpapapansin ang isang sanggol sa pamamagitan ng pag-iyak o ng pagsigaw pa nga. Subalit mauunawaan ng isang matalinong magulang kung ano ang tunay na mga pangangailangan ng sanggol at hindi niya hahayaang madiktahan siya ng pagmamaktol. Ang ilang bata, habang sila’y lumalaki, ay hindi pinagbabawalan at hinahayaang magtakda ng kanilang sariling mga pamantayan. Dahil sa kawalan ng karanasan, maaaring masangkot sila sa krimen o sa iba pang maling gawain, anupat naliligalig kapuwa ang pamilya at ang buong pamayanan, gaya ng alam na alam ng maraming lokal na mga awtoridad.
“Huli na ang pagdisiplina ng mga magulang sa mga anak,” ang sabi ni Rosalind Miles, awtor ng Children We Deserve. “Ang panahon para magsimula ay sa sandaling maisilang ang isang bata.” Kung sa pasimula pa lamang ay magsasalita na ang mga magulang nang may tinig na mabait, may awtoridad at mapagmalasakit at sila’y hindi pabagu-bago sa kanilang mga pagkilos, di-magtatagal ay matututuhan ng mga bata na tanggapin ang awtoridad at ang maibiging disiplina na nagmumula roon.
Ang Bibliya ay naglalaman ng saganang impormasyon hinggil sa awtoridad sa pamilya. Sa aklat ng Mga Kawikaan, itinawag-pansin ng matalinong tao na si Solomon ang pagkakaisa ng may-takot sa Diyos na mga magulang sa harap ng kanilang mga anak, sa pagsasabing: “Makinig ka, anak ko, sa disiplina ng iyong ama, at huwag mong iiwan ang kautusan ng iyong ina.” (Kawikaan 1:8) Kapag pinanatili ng mga magulang ang gayong uri ng makatuwirang pagkakaisa sa harap ng kanilang mga anak, alam ng mga bata kung saan sila nakatayo. Maaaring subukin nilang maniobrahin ang isang magulang laban sa isa pa sa pagsisikap na masunod ang kanilang gusto, ngunit ang nagkakaisang awtoridad ng mga magulang ay isang sanggalang sa mga kabataan.
Ipinaliliwanag ng Bibliya na ang asawang lalaki ang siyang may pangunahing pananagutan sa espirituwal na kapakanan hindi lamang ng kaniyang anak kundi pati ng kaniyang asawa. Ito ay inilalarawan bilang pagkaulo. Paano ba dapat isagawa ang pagkaulong ito? Idiniin ni Pablo na kung paanong si Kristo ay Ulo ng kongregasyon, ang lalaki rin naman ay ulo ng kaniyang asawa. Pagkatapos ay idinagdag ni Pablo: “Mga asawang lalaki, patuloy na ibigin ang inyong mga asawang babae, kung paanong inibig din ng Kristo ang kongregasyon [ang kaniyang espirituwal na kasintahang babae] at ibinigay ang kaniyang sarili ukol dito.” (Efeso 5:25) Kapag sinusunod ng isang lalaki ang halimbawa ni Jesus at isinasagawa ang pagkaulo sa isang maibiging paraan, tatamuhin niya ang “matinding paggalang” ng kaniyang asawa. (Efeso 5:33) Makikita rin ng mga bata na nasa gayong sambahayan ang kahalagahan ng bigay-Diyos na awtoridad at mapasisigla sila na tanggapin ito.—Efeso 6:1-3.
Paano haharapin ng nagsosolong magulang, pati na niyaong mga namatayan ng asawa, ang isyung ito? Ama man o ina, maaari silang bumaling nang tuwiran sa awtoridad ng Diyos na Jehova at ni Jesu-Kristo. Si Jesus ay laging nagsasalita Mateo 4:1-10; 7:29; Juan 5:19, 30; 8:28.
nang may awtoridad—niyaong sa kaniyang Ama at sa kinasihang Kasulatan.—Ang Bibliya ay naglalaan ng saganang mahahalagang simulain na may kaugnayan sa mga suliraning nakakaharap ng mga bata. Sa pamamagitan ng paghanap sa mga simulaing ito at pagsunod sa mga ito, mailalaan ng isang magulang ang maibigin at matulunging payo sa mga bata. (Genesis 6:22; Kawikaan 13:20; Mateo 6:33; 1 Corinto 15:33; Filipos 4:8, 9) Ang mga magulang ay maaari ring sumangguni sa salig-Bibliyang materyal na pantanging dinisenyo upang tulungan silang sanayin ang kanilang mga anak na pahalagahan ang mga kapakinabangan ng paggalang sa awtoridad ng Kasulatan. *
Ang Kongregasyong Kristiyano at ang Awtoridad
“Ito ang aking Anak, ang iniibig, na aking sinang-ayunan; makinig kayo sa kaniya.” (Mateo 17:5) Ang mga salitang ito, na binigkas ng Diyos na Jehova mismo, ay nagrerekomenda kay Jesus bilang ang isa na nagsasalita taglay ang awtoridad ng Diyos. Ang mga sinabi niya ay nakaulat sa apat na salaysay ng Ebanghelyo na madali nating mapagbabatayan.
Ilang sandali bago siya umakyat sa langit, ipinabatid ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Ang lahat ng awtoridad ay ibinigay na sa akin sa langit at sa lupa.” (Mateo 28:18) Bilang Ulo ng kaniyang kongregasyon, hindi lamang binantayang mabuti ni Jesus ang kaniyang pinahirang mga tagasunod-yapak sa lupa kundi, sapol nang ibuhos ang banal na espiritu noong Pentecostes 33 C.E., ginamit na rin niya sila bilang isang alulod ng katotohanan, bilang isang “tapat at maingat na alipin.” (Mateo 24:45-47; Gawa 2:1-36) Ano na ba ang nagawa niya upang maisakatuparan ang lahat ng ito nang sa gayon ay mapalakas ang kongregasyong Kristiyano? “Nang umakyat siya sa itaas . . . , nagbigay siya ng mga kaloob na mga tao.” (Efeso 4:8) Ang “mga kaloob na mga tao” na ito ay mga Kristiyanong matatanda, na hinirang ng banal na espiritu at pinagkalooban ng awtoridad na mangalaga ukol sa espirituwal na mga kapakanan ng mga kapananampalataya.—Gawa 20:28.
Dahilan dito ay nagpayo si Pablo: “Alalahanin ninyo yaong mga nangunguna sa inyo, na siyang nagsalita ng salita ng Diyos sa inyo, at habang dinidili-dili ninyo ang kinalalabasan ng kanilang paggawi ay tularan ninyo ang kanilang pananampalataya.” Yamang maingat na sinusunod ng tapat na mga lalaking ito ang mga yapak ni Jesus, tiyak na isang landasin ng katalinuhan na tularan ang kanilang pananampalataya. Pagkatapos ay idinagdag ni Pablo: “Maging masunurin kayo doon sa mga nangunguna sa inyo at maging mapagpasakop, [“patuloy na kilalanin ang kanilang awtoridad sa inyo,” The Amplified Bible] sapagkat patuloy silang nagbabantay sa inyong mga kaluluwa na gaya niyaong mga magsusulit; upang gawin nila ito nang may kagalakan at hindi nang may pagbubuntong-hininga, sapagkat ito ay makapipinsala sa inyo.”—Hebreo 13:7, 17.
Ano ang nangyayari kapag ang gayong tagubilin ay ipinagwalang-bahala? Ginawa mismo ng ilang miyembro ng sinaunang kongregasyong Kristiyano ang gayon at naging mga apostata. Sina Himeneo at Fileto ay binabanggit bilang mga lalaki na nagpagupo sa pananampalataya ng ilan at ang kanilang walang-laman na mga pananalita ay ‘lumapastangan sa kung ano ang banal.’ Ang isa sa kanilang iginigiit ay na naganap na raw ang pagkabuhay-muli, maliwanag na alinman sa espirituwal o makasagisag na paraan, at kung gayon ay wala nang susunod pang pagkabuhay-muli sa hinaharap sa ilalim ng Kaharian ng Diyos.—2 Timoteo 2:16-18.
Ang hinirang na awtoridad ay dumating upang magligtas. Napabulaanan ng Kristiyanong matatanda ang gayong mga argumento dahil bilang 2 Timoteo 3:16, 17) Totoo rin ito ngayon sa kongregasyong Kristiyano, na inilalarawan bilang “isang haligi at suhay ng katotohanan.” (1 Timoteo 3:15) Hindi kailanman pahihintulutan ang huwad na mga turo na sirain ang “parisan ng nakapagpapalusog na mga salita,” na iningatan para sa atin bilang isang mainam na ipinagkatiwala na nasa mga pahina ng Bibliya.—2 Timoteo 1:13, 14.
mga kinatawan ni Jesu-Kristo, ginamit nila ang awtoridad ng Kasulatan. (Bagaman ang paggalang sa awtoridad ay mabilis na nawawala sa daigdig, kinikilala natin bilang mga Kristiyano na ang wastong mga awtoridad sa pamayanan, sa pamilya, at sa kongregasyong Kristiyano ay itinatag ukol sa ating kapakinabangan. Ang paggalang sa awtoridad ay napakahalaga para sa ating ikabubuti sa paraang pisikal, emosyonal, at espirituwal. Sa pamamagitan ng pagtanggap at paggalang sa gayong bigay-Diyos na awtoridad, maipagsasanggalang tayo ng pinakadakilang mga awtoridad—ang Diyos na Jehova at si Jesu-Kristo—ukol sa ating walang-hanggang ikabubuti.—Awit 119:165; Hebreo 12:9.
[Talababa]
^ par. 17 Tingnan ang mga aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas at Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pamilya, kapuwa inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.
[Blurb sa pahina 5]
Ang Bibliya ay naglalaman ng saganang impormasyon hinggil sa awtoridad sa pamilya
[Larawan sa pahina 6]
Ang mga nagsosolong magulang ay maaaring bumaling nang tuwiran sa awtoridad ng Diyos na Jehova at ni Jesu-Kristo
[Mga larawan pahina 7]
Kinikilala ng mga Kristiyano na ang wastong mga awtoridad sa pamilya, sa kongregasyong Kristiyano, at sa pamayanan ay itinatag ukol sa kanilang kapakinabangan
[Picture Credit Line sa pahina 4]
Photo by Josh Mathes, Collection of the Supreme Court of the United States