Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

‘Nakikipag-usap Sila Tungkol sa Kabutihan at Pag-ibig’

‘Nakikipag-usap Sila Tungkol sa Kabutihan at Pag-ibig’

‘Nakikipag-usap Sila Tungkol sa Kabutihan at Pag-ibig’

SA NAKALIPAS na mga taon, ang mga Saksi ni Jehova sa Pransiya ay naging tudlaan ng matinding kampanya ng paninirang-puri. Ang di-pagsasabi ng buong katotohanan at maling impormasyon ay ginamit ng kanilang mga kalaban upang paratangan sila nang mali sa harap ng madla. Sa pasimula ng 1999, ang mga Saksi ni Jehova sa buong Pransiya ay namahagi ng 12 milyong kopya ng isang tract na pinamagatang Mga Mamamayan ng Pransiya, Dinadaya Kayo! Sa tract na ito, tinuligsa nila ang mapanirang-puring mga pananalita na ginagawa laban sa kanila.

Ilang araw pagkatapos ng kampanya, si Mr. Jean Bonhomme, isang doktor ng medisina at dating miyembro ng Parlamento, ay nagpadala ng isang hayagang liham sa isang lokal na pahayagan. Sumulat siya: “Sa pana-panahon, dumadalaw ang mga Saksi ni Jehova sa aking tahanan. Sila’y dumadalaw upang makipag-usap sa akin tungkol sa kabutihan at pandaigdig na pag-ibig. . . . Hindi sila nanghihimasok. Ipinahahayag nila ang kanilang sarili nang may kahinahunan at nakikinig nang may kabaitan sa aking pag-aalinlangan.”

Sa pagtukoy sa espirituwal na punto de vista ng mga Saksi ni Jehova, ganito ang sinabi ni Mr. Bonhomme: “Ang pagiging walang muwang [sa mga pamamaraan ng sanlibutan], sa kanilang kaso, ay hindi makapipinsala. Sa kabilang panig, ang pagiging walang muwang ng ilang pulitiko ay mas higit na isang banta sa kapayapaan ng mga mamamayan at sa pagkakaisa ng lipunan.”