Isang Maka-Diyos na Pangmalas sa Moral na Kalinisan
Isang Maka-Diyos na Pangmalas sa Moral na Kalinisan
“Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.”—ISAIAS 48:17.
1, 2. (a) Paano minamalas ng mga tao sa pangkalahatan ang moralidad sa sekso? (b) Anong pangmalas sa moralidad sa sekso ang taglay ng mga Kristiyano?
SA NGAYON, sa maraming bahagi ng lupa ay itinuturing na isang personal na bagay ang moral na paggawi. Minamalas ng mga tao ang pakikipagtalik bilang isang likas na kapahayagan ng pagmamahal na maaari nilang pagpakasasaan kailanma’t nais nila, at hindi bilang isang bagay na para lamang sa mag-asawa. Nadarama nila na kung wala namang masasaktan, walang masama na pagpasiyahan sa ganang sarili kung paano gagawi. Sa kanilang pangmalas, hindi dapat hatulan ang mga tao sa mga bagay na hinggil sa moralidad, lalo na kung tungkol sa sekso.
2 Yaong mga nakakilala kay Jehova ay may ibang pangmalas. Malugod nilang sinusunod ang maka-Kasulatang mga tagubilin sapagkat iniibig nila si Jehova at nais nilang paluguran siya. Kinikilala nila na iniibig sila ni Jehova at binibigyan sila ng patnubay para sa kanilang ikabubuti, patnubay na tunay na mapakikinabangan nila at makapagpapaligaya sa kanila. (Isaias 48:17) Yamang ang Diyos ang Bukal ng buhay, makatuwiran lamang na umasa sila sa kaniyang patnubay kung paano nila ginagamit ang kanilang mga katawan, lalo na hinggil sa bagay na ito na napakalapit ang kaugnayan sa pagpapasa ng buhay.
Isang Kaloob Mula sa Maibiging Maylalang
3. Ano ang itinuro sa karamihan sa Sangkakristiyanuhan hinggil sa pagtatalik, at paano iyan maihahambing sa itinuturo ng Bibliya?
3 Kabaligtaran ng sekular na daigdig sa ngayon, itinuro ng ilan sa Sangkakristiyanuhan na ang pagtatalik ay kahiya-hiya, makasalanan, at na ang “orihinal na kasalanan” sa hardin ng Eden ay ang seksuwal na panrarahuyo ni Eva kay Adan. Ang gayong pangmalas ay salungat sa sinasabi ng kinasihang Kasulatan. Tinutukoy ng ulat sa Bibliya Genesis 2:25) Inutusan sila ng Diyos na magkaroon ng mga anak, na sinasabi: “Magpalaanakin kayo at magpakarami at punuin ninyo ang lupa.” (Genesis 1:28) Walang kabuluhan na utusan ng Diyos sina Adan at Eva na magkaroon ng mga anak at pagkatapos ay parurusahan sila sa pagsasakatuparan ng mga tagubiling iyon.—Awit 19:8.
ang unang mag-asawa bilang “ang lalaki at ang kaniyang asawa.” (4. Bakit pinagkalooban ng Diyos ang mga tao ng kakayahan sa sekso?
4 Sa utos na iyan na ibinigay sa ating unang mga magulang, na inulit kay Noe at sa kaniyang mga anak, makikita natin ang pangunahing layunin ng pagtatalik: upang magkaroon ng mga anak. (Genesis 9:1) Gayunman, ipinakikita ng Salita ng Diyos na ang mga may-asawang lingkod niya ay hindi naman sapilitang tinakdaan na magtalik lamang para sa pagsisikap na magkaroon ng mga anak. Wastong mapupunan ng gayong kaugnayan ang emosyonal at pisikal na mga pangangailangan at maaaring pagmulan ng kaluguran ng isang mag-asawa. Ito’y isang paraan upang maipahayag nila ang taimtim na pagmamahal sa isa’t isa.—Genesis 26:8, 9; Kawikaan 5:18, 19; 1 Corinto 7:3-5.
Mga Pagbabawal ng Diyos
5. Anong mga pagbabawal ang itinakda ng Diyos sa seksuwal na gawain ng mga tao?
5 Bagaman ang seksuwalidad ay isang kaloob mula sa Diyos, hindi ito dapat ipahayag nang walang limitasyon. Ang simulaing ito ay kumakapit maging sa loob ng kaayusan ng pag-aasawa. (Efeso 5:28-30; 1 Pedro 3:1, 7) Ipinagbabawal ang pakikipagtalik sa mga hindi mag-asawa. Ang Bibliya ay napaka-espesipiko sa bagay na ito. Sa Kautusan na ibinigay ng Diyos sa bansang Israel, sinasabi roon: “Huwag kang mangangalunya.” (Exodo 20:14) Nang maglaon, inilakip ni Jesus ang “mga pakikiapid” at “mga pangangalunya” sa mga “nakapipinsalang mga pangangatuwiran” na nagmumula sa puso at nagpaparumi sa isang tao. (Marcos 7:21, 22) Si apostol Pablo ay kinasihan na magpayo sa mga Kristiyano sa Corinto: “Tumakas kayo mula sa pakikiapid.” (1 Corinto 6:18) At sa kaniyang liham sa mga Hebreo, sumulat si Pablo: “Maging marangal nawa ang pag-aasawa sa gitna ng lahat, at ang higaang pangmag-asawa ay maging walang dungis, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya.”—Hebreo 13:4.
6. Sa Bibliya, ano ang saklaw ng salitang “pakikiapid”?
6 Ano ang kahulugan ng salitang “pakikiapid”? Ito’y mula sa salitang Griego na por·neiʹa, na ginagamit kung minsan upang tukuyin ang pagtatalik sa pagitan ng mga taong di-kasal. (1 Corinto 6:9) Sa iba pang dako, gaya sa Mateo 5:32 at Mateo 19:9, mas malawak ang kahulugan ng kataga at tumutukoy rin ito sa pangangalunya, insesto, at pagsiping sa hayop. Ang iba pang mga seksuwal na gawain sa pagitan ng mga indibiduwal na hindi kasal sa isa’t isa, gaya ng oral at anal sex at ang mahalay na paghimas sa ari ng isang tao, ay matatawag ding por·neiʹa. Ang lahat ng gayong gawain ay hinahatulan—tuwiran man o sa pamamagitan ng pagpapahiwatig—sa Salita ng Diyos.—Levitico 20:10, 13, 15, 16; Roma 1:24, 26, 27, 32. *
Pakikinabang Mula sa mga Kautusan ng Diyos Hinggil sa Moral
7. Paano tayo nakikinabang sa pananatiling malinis sa moral?
7 Ang pagsunod sa tagubilin ni Jehova hinggil sa seksuwal na paggawi ay maaaring maging isang hamon para sa di-sakdal na mga tao. Ang kilalang pilosopong Judio noong ika-12 siglo na si Maimonides ay sumulat: “Walang pagbabawal sa buong Torah [Kautusang Mosaiko] ang mas mahirap sundin kaysa sa ipinagbabawal na mga pagsasama at mahahalay na pagtatalik.” Ngunit, kung susundin natin ang tagubilin ng Diyos, makikinabang tayo nang malaki. (Isaias 48:18) Halimbawa, ang pagsunod hinggil sa bagay na ito ay tumutulong upang maingatan tayo mula sa mga sakit na naililipat sa pagtatalik, na ang ilan sa mga ito ay walang lunas at maaaring makamatay. * Naipagsasanggalang tayo mula sa pagdadalang-tao nang walang asawa. Ang pagkakapit ng makadiyos na karunungan ay nakatutulong din sa pagkakaroon ng isang malinis na budhi. Ang paggawa ng gayon ay nagtataguyod ng paggalang sa sarili at nagpapangyaring matamo natin ang paggalang ng iba, kasama na ang ating mga kamag-anak, asawa, mga anak, at ang ating Kristiyanong mga kapatid na lalaki at babae. Nakatutulong din ito sa atin sa pagkakaroon ng isang malinis at mabuting saloobin hinggil sa sekso na makadaragdag ng kaligayahan sa pag-aasawa. Ganito ang isinulat ng isang Kristiyanong babae: “Ang katotohanan ng Salita ng Diyos ang pinakamahusay na proteksiyon. Naghihintay akong makapag-asawa, at kapag nakapag-asawa ako ay may pagmamalaki kong masasabi sa Kristiyanong lalaki na pinakasalan ko na nanatili akong malinis.”
8. Sa anu-anong paraan maaaring maitaguyod ng ating malinis na paggawi ang dalisay na pagsamba?
1 Pedro 2:12) Kahit na ang ating malinis na paggawi ay hindi kilalanin o sang-ayunan ng mga hindi naglilingkod kay Jehova, makatitiyak tayo na nakikita, sinasang-ayunan, at ikinagagalak pa nga ng ating makalangit na Ama ang ating mga pagsisikap na sundin ang kaniyang tagubilin.—Kawikaan 27:11; Hebreo 4:13.
8 Sa pagpapanatili natin ng malinis na paggawi, malaki rin ang ating magagawa upang pasinungalingan ang maling pala-palagay tungkol sa tunay na pagsamba at upang maakit ang mga tao sa Diyos na ating sinasamba. Sumulat si apostol Pedro: “Panatilihing mainam ang inyong paggawi sa gitna ng mga bansa, upang, sa bagay na sinasalita nila laban sa inyo na gaya ng mga manggagawa ng kasamaan, ay luwalhatiin nila ang Diyos sa araw ng kaniyang pagsisiyasat bilang resulta ng inyong maiinam na gawa na dito sila ay mga saksing nakakita.” (9. Bakit dapat tayong magtiwala sa itinatagubilin ng Diyos, bagaman hindi natin lubos na nauunawaan ang kaniyang mga dahilan? Ilarawan.
9 Kalakip sa pananampalataya sa Diyos ang pagtitiwala na alam niya kung ano ang pinakamabuti para sa atin, kahit na hindi natin lubos na nauunawaan ang lahat ng dahilan kung bakit niya tayo inaakay sa paraang ginagawa niya. Isaalang-alang ang isang halimbawa mula sa Kautusang Mosaiko. Hinihiling ng isang tuntunin tungkol sa mga kampamento ng militar na ang dumi ay ibaon sa labas ng kampo. (Deuteronomio 23:13, 14) Marahil ay nag-iisip ang mga Israelita kung ano ang dahilan ng gayong tagubilin; maaaring inakala ng iba na hindi na ito kailangan. Gayunman, simula noon ay kinilala na ng siyensiya sa medisina na ang kautusang ito ay nakatulong na mapanatiling malinis ang pinagmumulan ng tubig at nagbigay ng proteksiyon mula sa maraming sakit na dala ng mga insekto. Gayundin, may espirituwal, sosyal, emosyonal, pisikal, at sikolohikal na mga dahilan kung bakit itinakda ng Diyos ang pagtatalik sa mag-asawa lamang. Isaalang-alang natin ngayon ang ilang halimbawa sa Bibliya ng mga nagpanatili ng moral na kalinisan.
Si Jose–Pinagpala Dahil sa Kaniyang Moral na Paggawi
10. Sino ang nagtangkang umakit kay Jose, at paano siya tumugon?
10 Malamang na pamilyar ka sa sinasabi ng Bibliya hinggil sa halimbawa ni Jose, ang anak ni Jacob. Sa edad na 17, nasumpungan niya ang kaniyang sarili na isang alipin na pag-aari ni Potipar, ang pinuno ng mga tagapagbantay ng Paraon ng Ehipto. Pinagpala ni Jehova si Jose, at nang maglaon siya’y inatasan na mamahala sa buong sambahayan ni Potipar. Nang mahigit na 20 anyos na siya, naging “maganda ang tindig at maganda ang anyo” ni Jose. Napukaw niya ang pansin ng asawa ni Potipar, na nagtangkang akitin siya. Nilinaw ni Jose ang kaniyang paninindigan, anupat ipinaliliwanag na ang kaniyang pagsang-ayon ay hindi lamang pagkakanulo sa kaniyang panginoon kundi isa ring ‘pagkakasala laban sa Diyos.’ Bakit nangatuwiran ng gayon si Jose?—Genesis 39:1-9.
11, 12. Bagaman walang inilaan ang Diyos na nasusulat na kautusan na nagbabawal sa pakikiapid at pangangalunya, bakit kaya gayon ang naging pangangatuwiran ni Jose?
11 Maliwanag, ang pasiya ni Jose ay hindi dahil sa Genesis 39:11) Subalit, alam ni Jose na ang gayong paggawi ay hindi maikukubli sa Diyos.
natatakot siyang matuklasan ito ng mga tao. Ang pamilya ni Jose ay naninirahan sa malayo, at inakala ng kaniyang ama na patay na siya. Kung gagawa si Jose ng seksuwal na imoralidad, hindi ito kailanman malalaman ng kaniyang pamilya. Ang gayong kasalanan ay malamang na malilingid din kay Potipar at sa kaniyang mga lingkod na lalaki, yamang may mga pagkakataon na wala ang mga ito sa bahay. (12 Malamang na nangatuwiran si Jose batay sa nalalaman niya tungkol kay Jehova. Walang alinlangan na alam niya kung ano ang inihayag ni Jehova sa hardin ng Eden: “Iyan ang dahilan kung bakit iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ang kaniyang ina at pipisan siya sa kaniyang asawa at sila ay magiging isang laman.” (Genesis 2:24) Isa pa, malamang na batid ni Jose ang sinabi ni Jehova sa isang haring Filisteo na desididong akitin ang lola sa tuhod ni Jose na si Sara. Sinabi ni Jehova sa haring iyon: “Narito, para ka na ring patay dahil sa babae na kinuha mo, yamang siya ay pag-aari ng ibang may-ari bilang kaniyang asawa. . . . At pinipigilan din kita na magkasala laban sa akin. Iyan ang dahilan kung bakit hindi ko ipinahintulot sa iyo na hipuin siya.” (Genesis 20:3, 6) Kaya bagaman hindi pa naglaan si Jehova ng isang nasusulat na kautusan, ang kaniyang damdamin tungkol sa pag-aasawa ay maliwanag. Ang moral na kabatiran ni Jose, lakip na ang kaniyang pagnanais na palugdan si Jehova, ang nag-udyok sa kaniya na itakwil ang pakikiapid.
13. Malamang, bakit hindi maiwasan ni Jose ang asawa ni Potipar?
13 Gayunman, mapilit ang asawa ni Potipar, anupat “araw-araw” itong nagsusumamo sa kaniya na sipingan siya. Bakit hindi na lamang siya iwasan ni Jose? Buweno, bilang isang alipin, may mga tungkulin siyang dapat gampanan at wala siyang magagawa para baguhin ang kaniyang kalagayan. Ipinakikita ng arkeolohikal na ebidensiya na dahil sa disenyo ng mga bahay sa Ehipto, kailangang dumaan sa pangunahing bahagi ng bahay upang marating ang mga silid-imbakan. Kaya, imposible na maiwasan ni Jose ang asawa ni Potipar.—Genesis 39:10.
14. (a) Ano ang nangyari kay Jose matapos niyang takasan ang asawa ni Potipar? (b) Paano pinagpala ni Jehova si Jose dahil sa kaniyang katapatan?
14 Dumating ang araw nang sila lamang dalawa ang nasa bahay. Hinatak ng asawa ni Potipar si Jose at sumigaw: “Sipingan mo ako!” Tumakas si Jose. Palibhasa’y nasaktan ang damdamin dahil sa pagtanggi ni Jose, pinagbintangan niya ito ng tangkang panghahalay. Ano ang naging resulta? Pinagpala ba siya kaagad ni Jehova dahil sa kaniyang ginawang katapatan? Hindi. Si Jose ay ibinilanggo at iginapos sa mga pangaw. (Genesis 39:12-20; Awit 105:18) Nakita ni Jehova ang kawalang-katarungan at nang maglaon ay itinaas niya si Jose mula sa isang bilangguan tungo sa isang palasyo. Siya ang naging ikalawang pinakamakapangyarihang tao sa Ehipto at pinagpala ng isang asawa at mga anak. (Genesis 41:14, 15, 39-45, 50-52) Karagdagan pa, ang salaysay ng katapatan ni Jose ay iniulat 3,500 taon na ang nakalilipas para maisaalang-alang ng mga lingkod ng Diyos magmula noon. Kamangha-manghang mga pagpapala nga dahil sa pagsunod sa matuwid na mga kautusan ng Diyos! Sa katulad na paraan, maaaring hindi natin laging nakikita sa ngayon ang kagyat na mga kapakinabangan ng pagpapanatili ng moral na katapatan, ngunit makatitiyak tayo na nakikita ito ni Jehova at pagpapalain niya tayo sa tamang panahon.—2 Cronica 16:9.
Ang ‘Pakikipagtipan [ni Job] sa Kaniyang mga Mata’
15. Ano ang ‘pakikipagtipan [ni Job] sa kaniyang mga mata’?
15 Ang isa pang tagapag-ingat ng katapatan ay si Job. Sa panahon ng mga pagsubok na pinasapit Job 31:1) Sa pagsasabi nito, ibig tukuyin ni Job na sa kaniyang determinasyon na makapanatiling tapat sa Diyos, ipinasiya niyang iwasan maging ang pagtingin nang may pagnanasa sa isang babae. Sabihin pa, makakakita siya ng mga babae sa araw-araw na buhay at malamang na tulungan niya ang mga ito kung kailangan nila ng tulong. Ngunit kung hinggil sa pagbibigay-pansin sa diwa ng pagkakaroon ng romantikong intensiyon, hindi niya ginawa ang gayon. Bago nagsimula ang kaniyang mga pagsubok, siya ay isang lalaking napakayaman, “ang pinakadakila sa lahat ng mga taga-Silangan.” (Job 1:3) Gayunman, hindi niya ginamit ang kapangyarihan ng kayamanan upang akitin ang maraming babae. Maliwanag, hindi siya kailanman nagpakita ng interes sa layuning magpakasasa sa mahalay na pakikipagtalik sa mas nakababatang mga babae.
sa kaniya ng Diyablo, inalaala ni Job ang kaniyang buhay at inihayag niya na nakahanda siyang sumailalim sa matinding parusa kung nalabag niya, bukod sa iba pang bagay, ang mga simulain ni Jehova sa moralidad sa sekso. Sinabi ni Job: “Nakipagtipan ako sa aking mga mata. Kaya paano ako makapagbibigay-pansin sa isang dalaga?” (16. (a) Bakit isang mabuting halimbawa si Job para sa mga may-asawang Kristiyano? (b) Paano lubhang naiiba ang paggawi ni Job sa paggawi ng mga lalaki noong kaarawan ni Malakias, at kumusta naman sa ngayon?
16 Kaya, sa kaayaayang kapanahunan at maging sa mahirap na panahon, ipinamalas ni Job ang katapatan sa moral. Nakita ito ni Jehova at mayamang pinagpala siya. (Job 1:10; 42:12) Kay inam na halimbawa si Job para sa mga may-asawang Kristiyano, kapuwa mga lalaki at mga babae! Kaya hindi kataka-taka na mahal na mahal siya ni Jehova! Sa kabaligtaran, ang paggawi ng marami sa ngayon ay katulad na katulad ng naganap noong kaarawan ni Malakias. Tinuligsa ng propetang iyan ang pag-iwan ng maraming asawang lalaki sa kanilang mga asawa, kadalasan upang makapag-asawa ng mas nakababatang mga babae. Ang dambana ni Jehova ay natakpan ng mga luha ng mga iniwang asawang babae, at hinatulan ng Diyos yaong mga ‘nakitungo nang may kataksilan’ sa kanilang mga asawa.—Malakias 2:13-16.
Isang Malinis na Kabataang Babae
17. Paanong ang Shulamita ay tulad ng “isang hardin na nababakuran”?
17 Ang ikatlong tagapag-ingat ng katapatan ay isang dalagang Shulamita. Palibhasa’y bata at maganda, nabighani niya ang pagmamahal hindi lamang ng isang batang pastol kundi maging ng mayamang hari ng Israel na si Solomon. Sa buong marilag na kuwento na isinalaysay sa Awit ni Solomon, nanatiling malinis ang Shulamita, sa gayo’y nakamit niya ang paggalang ng mga nasa paligid niya. Si Solomon, bagaman tinanggihan niya, ay kinasihan upang iulat ang kaniyang kuwento. Iginalang din ng pastol na kaniyang iniibig ang kaniyang malinis na paggawi. Sa isang pagkakataon ay napag-isip-isip niya na ang Shulamita ay tulad ng “isang hardin na nababakuran.” (Awit ni Solomon 4:12) Sa sinaunang Israel, ang magagandang hardin ay may nakalulugod na sari-saring mga gulay, mababangong bulaklak, at matatayog na puno. Ang gayong mga hardin ay karaniwan nang napalilibutan ng halamang bakod o ng isang pader at mapapasok lamang kung daraan sa isang nakakandadong pinto. (Isaias 5:5) Para sa pastol, ang moral na kadalisayan at kagandahan ng Shulamita ay kagaya ng gayong hardin na may pambihirang kagandahan. Siya ay naging lubusang malinis. Ang kaniyang magiliw na pagmamahal ay para lamang sa kaniyang magiging asawa.
18. Ano ang ipinaaalaala sa atin ng mga ulat tungkol kina Jose, Job, at ng Shulamita?
18 May kinalaman sa moral na katapatan, ang Shulamita ay nagpakita ng mahusay na huwaran para sa mga babaing Kristiyano sa ngayon. Nakita at pinahalagahan ni Jehova ang kagalingan ng dalagang Shulamita at pinagpala siya kagaya ng ginawa niya kina Jose at Job. Para sa ating patnubay, ang kanilang mga gawa ng katapatan ay itinala sa Salita ng Diyos. Bagaman ang ating mga pagsisikap na mapanatili ang katapatan sa ngayon ay hindi iniuulat sa Bibliya, si Jehova ay may isang “aklat ng alaala” para sa mga nagsisikap na gawin ang kaniyang kalooban. Huwag nating kalilimutan kailanman na si Jehova ay ‘nagbibigay-pansin’ at nagsasaya habang patuloy tayong nagsisikap nang may katapatan na manatiling malinis sa moral.—Malakias 3:16.
19. (a) Paano natin dapat malasin ang moral na kalinisan? (b) Ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?
19 Bagaman yaong mga walang pananampalataya ay maaaring manuya, natutuwa tayo sa ating pagsunod sa ating maibiging Maylalang. Mayroon tayong mas matayog na moralidad, isang maka-diyos na moralidad. Ito’y isang bagay na maipagmamalaki, isang bagay na pakaiingatan. Sa pagpapanatili ng isang malinis na katayuan sa moral, malulugod tayo sa pagpapala ng Diyos at mapananatili natin ang isang maningning na pag-asa ng walang-hanggang mga pagpapala sa hinaharap. Gayunman, sa praktikal na diwa, ano ang maaari nating gawin upang makapanatiling malinis sa moral? Tatalakayin sa susunod na artikulo ang mahalagang tanong na ito.
[Mga talababa]
^ par. 6 Tingnan ang The Watchtower, Marso 15, 1983, pahina 29-31.
^ par. 7 Nakalulungkot, may mga pagkakataon kung saan ang isang inosenteng Kristiyano ay nahahawa ng sakit na naililipat sa pagtatalik mula sa isang di-sumasampalatayang asawa na hindi sumusunod sa tagubilin ng Diyos.
Maipaliliwanag Mo Ba?
• Ano ang itinuturo ng Bibliya hinggil sa pakikipagtalik?
• Ano ang saklaw ng salitang “pakikiapid” sa Bibliya?
• Paano tayo nakikinabang sa pananatiling malinis sa moral?
• Bakit maiinam na halimbawa para sa mga Kristiyano sa ngayon sina Jose, Job, at ang dalagang Shulamita?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 9]
Tumakas si Jose sa imoralidad
[Larawan sa pahina 10]
Ang dalagang Shulamita ay tulad ng “isang hardin na nababakuran”
[Larawan sa pahina 11]
Si Job ay gumawa noon ng ‘isang pakikipagtipan sa kaniyang mga mata’