Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Natatandaan Mo Ba?

Pinahahalagahan mo ba ang pagbabasa sa kamakailang mga isyu ng Ang Bantayan? Buweno, tingnan kung masasagot mo ang sumusunod na mga tanong:

Ano ang kailangan munang gawin upang ating malutas ang isang di-pagkakaunawaan sa pagitan natin at ng iba?

Dapat muna nating kilalanin na tayo ay madaling magkaroon ng mga maling kaisipan at mga saloobin. Pagkatapos ay dapat nating pag-isipang mabuti kung tayo ang pinagmumulan ng problema sa halip na ang ibang tao.​—8/15, pahina 23.

Kailan magaganap ang “mga panahon ng pagsasauli ng lahat ng mga bagay,” na binanggit sa Gawa 3:21?

Magaganap ang pagsasauli sa dalawang yugto. Una, magkakaroon ng pagsasauli sa isang espirituwal na paraiso na nagaganap na mula pa noong 1919. Magaganap ang isa pang pagsasauli kapag ang ating lupa ay naisauli na sa pagiging isang pisikal na paraiso.​—9/1, pahina 17, 18.

Paanong ang langgam ay walang kumandante, gaya ng nakaulat sa Kawikaan 6:6-8, gayunman ay naglalaan ng isang magandang halimbawa para sa atin?

Sa isang kolonya ng mga langgam, may isang reyna, ngunit siya ay reyna lamang sa diwa na siya’y nangingitlog at siya ang ina ng kolonya. Masisipag ang mga langgam, at dapat na ganoon din tayo, anupat nagsisikap na pagbutihin ang ating gawain, kahit na hindi tayo sinusubaybayan.​—9/15, pahina 26.

Tumpak ba ang hula ni Hulda gaya ng nakaulat sa 2 Hari 22:20, na si Josias ay mamamatay “nang payapa,” yamang siya’y malubhang nasugatan sa labanan?

Oo, namatay siya nang payapa sa diwa na namatay siya bago ang kapahamakan noong 609-607 B.C.E., nang kubkubin at wasakin ng mga taga-Babilonya ang Jerusalem.​—9/15, pahina 30.

Paanong para kay Solomon ay isang papuri na ilarawan ang asawang babae bilang “isang kaibig-ibig na babaing usa at mapanghalinang kambing-bundok”? (Kawikaan 5:18, 19)

Ang babaing ibex, o kambing-bundok, ay likas na maamo at elegante ang anyo. Gayunman, maaari itong mabuhay at manganak sa mabato at mahirap mapuntahang mga lugar na kung saan kapos ang pagkain.​—10/1, pahina 30, 31.

Sino sina Henry Grew at George Storrs?

Nabuhay ang dalawang lalaking ito noong siglo ng 1800 at sila’y masisigasig na estudyante ng Bibliya. Natutuhan ni Grew na hindi makakasulatan ang Trinidad, tulad din ng mga doktrina ng imortalidad ng kaluluwa at maapoy na impiyerno. Naunawaan ni Storrs na ang ilan ay magkakamit ng walang-hanggang buhay sa lupa. Sila ay kapuwa mga nauna kay Charles Taze Russell, na siyang nagpasimula sa paglalathala ng magasing ito noong 1879.​—10/15, pahina 26-30.

Paano minamalas ng mga Saksi ni Jehova ang pamamaraang medikal na gumagamit ng sariling dugo ng isa?

Yamang ibinabatay nila ang kanilang mga paniniwala sa Bibliya, hindi nila iniimbak ang kanilang sariling dugo at pagkatapos ay tinatanggap ito para sa pagpapasalin sa dakong huli. Ang bawat Kristiyano ay magpapasiya sa ganang sarili kung ano ang gagawin sa kaniyang sariling dugo sa panahon ng isang operasyon, medikal na pagsusuri, o sa isang kasalukuyang paggagamot. Dapat niyang isaalang-alang ang sinasabi ng Bibliya hinggil sa dugo at tandaan na siya ay lubos na nakaalay sa Diyos.​—10/15, pahina 30, 31.

Anong kapansin-pansing pangangailangan ng mga Saksi ni Jehova sa buong globo ang isiniwalat ng isang surbey na isinagawa noong unang bahagi ng taóng ito?

Nangangailangan ng mahigit na 11,000 Kingdom Hall sa papaunlad na mga bansa, kung saan limitado lamang ang pananalapi. Ang mga kontribusyon mula sa mga Kristiyano sa maraming lupain ay iniuukol sa pagtulong sa pagtatayo ng sapat na mga lugar na pagpupulungan.​—11/1, pahina 30.

Ano ang ilan sa orihinal-na-wikang mga salita ang ginagamit sa Bibliya na may kinalaman sa pagsamba?

Ang isa ay ang lei·tour·giʹa, na isinasalin bilang “pangmadlang paglilingkod.” Ang isa pa ay ang la·treiʹa, na isinasalin bilang “sagradong paglilingkod.” (Hebreo 10:11; Lucas 2:36, 37)​—11/15, pahina 11, 12.

Anong pangunahing aral ang matututuhan natin sa ulat ng Bibliya hinggil kina Adan at Eva?

Ang anumang pagtatangka na humiwalay sa Diyos na Jehova ay ganap na kamangmangan.​—11/15, pahina 24-7.

Anong maka-Kasulatang patotoo mayroon na pinalalakas ng Diyos ang kaniyang mga lingkod?

Sina David, Habakuk, at apostol Pablo ay nagbigay ng personal na mga patotoo sa katotohanan na pinalakas sila ng Diyos na Jehova. (Awit 60:12; Habakuk 3:19; Filipos 4:13) Samakatuwid, makapagtitiwala tayo na nais at kaya ng Diyos na palakasin tayo.​—12/1, pahina 10, 11.