Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kung Paano Sila Nakapaninindigan Laban sa Panggigipit ng Kasamahan

Kung Paano Sila Nakapaninindigan Laban sa Panggigipit ng Kasamahan

Kung Paano Sila Nakapaninindigan Laban sa Panggigipit ng Kasamahan

ANG paghahangad na maging katanggap-tanggap sa iba ay nakaiimpluwensiya sa marami na sumunod sa pag-iisip at pagkilos ng kanilang mga kasamahan. Ang mga kabataan ay lalung-lalo nang nangangailangan ng lakas upang matanggihan nila ang nakapipinsalang mga gawain, tulad ng pag-abuso sa droga at seksuwal na imoralidad. Paano sila makapaninindigan laban sa panggigipit ng kasamahan?

Dalawang tin-edyer na babae sa Poland ang sumulat kamakailan: “Maliwanag na nakikita ang espiritu ng sanlibutan sa karamihan ng aming mga kasamahan. Nandaraya sila sa kanilang mga pagsusulit sa paaralan, nagsasalita nang malaswa, at nahihilig sa usong mga damit at sa magulo at imoral na musika. Tunay ngang maligaya kami na magkaroon ng mga artikulo na pinatutungkol sa aming mga kabataan at ipinagsasanggalang kami mula sa impluwensiya ng mga di-kontento at rebelyosong tin-edyer!

“Hindi mailarawan ng mga salita ang aming pasasalamat sa mga artikulo sa Bantayan anupat naikintal sa amin na kaming mga kabataan ay kinakailangan at pinahahalagahan. Ang natanggap naming payo mula sa Bibliya ay tumutulong sa amin na itama ang aming mga hakbang upang patuloy na mapaluguran namin ang Diyos na Jehova. Kumbinsido kami na ang tapat na paglilingkod kay Jehova ang pinakamagaling na paraan ng pamumuhay.”

Oo, kayang harapin ng mga kabataan ang panggigipit ng kasamahan. Sa pamamagitan ng pagsasanay sa kanilang “kakayahan sa pang-unawa,” natututuhan ng mga kabataang Kristiyano na gumawa ng matatalinong pasiya na nagpapaaninag hindi ng “espiritu ng sanlibutan” kundi, sa halip, ng “espiritu na mula sa Diyos.”​—Hebreo 5:14; 1 Corinto 2:12.