Ang Dead Sea Scrolls—Bakit Ka Dapat Maging Interesado sa mga Ito?
Ang Dead Sea Scrolls—Bakit Ka Dapat Maging Interesado sa mga Ito?
Bago natuklasan ang Dead Sea Scrolls, ang pinakamatatandang manuskrito ng Hebreong Kasulatan na makukuha ay mula pa noong mga ikasiyam at ikasampung siglo C.E. Maaari ba talagang mapagkatiwalaan ang mga manuskritong ito bilang tapat na mga tagapaghatid ng Salita ng Diyos, gayong ang pagsulat sa Hebreong Kasulatan ay nakumpleto nang mahigit sa isang libong taon ang kaagahan? Si Propesor Julio Trebolle Barrera, isang miyembro ng internasyonal na pangkat ng mga patnugot ng Dead Sea Scrolls, ay nagsabi: “Ang Isaiah Scroll [na mula sa Qumran] ay naglalaan ng di-matututulang katibayan na ang pagkakahatid sa teksto ng Bibliya sa loob ng isang yugto na mahigit na isang libong taon sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tagakopyang Judio ay lubos na tapat at maingat.”
ANG balumbon na tinutukoy ni Barrera ay naglalaman ng kumpletong aklat ng Isaias. Sa kasalukuyan, sa mahigit na 200 manuskrito ng Bibliya na nakita sa Qumran, nakilala ang mga bahagi ng bawat aklat ng Hebreong Kasulatan maliban sa aklat ng Esther. Di-tulad ng Isaiah Scroll, ang karamihan ay kinakatawanan lamang ng mga piraso, na naglalaman ng wala pang ikasampung bahagi ng alinman sa mga tinutukoy na aklat. Ang pinakapopular sa mga aklat ng Bibliya sa Qumran ay ang Mga Awit (36 na kopya), Deuteronomio (29 na kopya), at Isaias (21 kopya). Ang mga aklat na ito rin ang pinakamadalas sipiin sa Kristiyanong Griegong Kasulatan.
Bagaman ipinakikita ng mga balumbon na ang Bibliya ay hindi nagkaroon ng malalaking pagbabago, isinisiwalat din ng mga ito sa isang antas na may iba’t ibang bersiyon ng mga teksto ng Bibliyang Hebreo na ginamit ng mga Judio noong panahon ng Ikalawang Templo, anupat ang bawat bersiyon ay may kani-kaniyang katangian. Hindi lahat ng mga balumbon ay katulad na katulad ng tekstong Masoretiko sa pagbaybay o pananalita. Ang ilan ay mas katulad ng Griegong Septuagint. Dati, inakala ng mga iskolar na ang mga pagkakaiba ng Septuagint ay maaaring resulta ng mga pagkakamali o sadyang mga pagsisingit pa nga ng mga ideya ng tagapagsalin. Ngayon ay isinisiwalat ng mga balumbon na marami sa mga pagkakaibang ito ay dahil talaga sa mga pagkakaiba sa tekstong Hebreo. Ito marahil ang paliwanag kung bakit sa ilang kaso ay sumipi ang sinaunang mga Kristiyano sa mga teksto ng Hebreong Kasulatan na ginagamit ang pananalitang naiiba sa tekstong Masoretiko.—Exodo 1:5; Gawa 7:14.
Kaya, ang napakahalagang tuklas na ito ng mga balumbon at mga piraso ng Bibliya ay naglalaan ng napakahusay na saligan para sa pag-aaral kung paano naihatid ang teksto ng Bibliyang Hebreo. Tinitiyak ng Dead Sea Scrolls ang kahalagahan ng Septuagint at ng Samaritanong Pentateuch para sa paghahambing ng teksto. Naglalaan ang mga ito ng karagdagang batayan na maisasaalang-alang ng mga tagapagsalin ng Bibliya para sa mga posibleng pagpapasulong sa tekstong Masoretiko. Sa ilang kaso, pinagtitibay ng mga ito ang mga desisyon ng New World Bible Translation Committee na isauli ang pangalan ni Jehova sa mga lugar na doo’y inalis ito sa tekstong Masoretiko.
Ang mga balumbon na naglalarawan sa mga tuntunin at mga paniniwala ng sekta sa Qumran ay maliwanag na nagpapakita na hindi lamang isang Isaias 40:3 hinggil sa isang tinig sa iláng na nagtutuwid ng daan ni Jehova. Ang ilan sa mga piraso ng balumbon ay tumutukoy sa Mesiyas, na sa tingin ng mga may-akda ay malapit na itong dumating. Partikular na interesado tayo rito dahil sa komento ni Lucas na “ang mga tao ay naghihintay” sa pagdating ng Mesiyas.—Lucas 3:15.
uri ng Judaismo ang umiiral noong panahon ni Jesus. Ang sekta sa Qumran ay may mga tradisyong naiiba sa mga tradisyon ng mga Pariseo at Saduceo. Ang mga pagkakaibang ito ang malamang na umakay sa sektang iyon upang bumukod sa iláng. May pagkakamali nilang inakala na ang kanilang sekta ang siyang katuparan ngSa isang antas ay natutulungan tayo ng Dead Sea Scrolls na maunawaan ang kalagayan ng buhay ng mga Judio noong panahon na nangaral si Jesus. Naglalaan ang mga ito ng impormasyon na magagamit sa paghahambing kapag pinag-aaralan ang sinaunang Hebreo at ang teksto ng Bibliya. Ngunit ang teksto ng karamihan sa Dead Sea Scrolls ay nangangailangan pa ng mas masusing pagsusuri. Samakatuwid, maaari pang magkaroon ng mga bagong kaunawaan. Oo, ang pinakadakilang tuklas sa arkeolohiya ng ika-20 siglo ay patuloy na nagpapasigla kapuwa sa mga iskolar at mga estudyante ng Bibliya habang sumusulong tayo sa ika-21 siglo.
[Picture Credit Lines sa pahina 7]
Mga paghuhukay sa Qumran: Pictorial Archive (Near Eastern History) Est.; manuskrito: Courtesy of Shrine of the Book, Israel Museum, Jerusalem