Ang Pakikipagbaka Laban sa Karalitaan—Isang Pakikipagbakang Hindi Magwawagi?
Ang Pakikipagbaka Laban sa Karalitaan—Isang Pakikipagbakang Hindi Magwawagi?
NAKIKITA ng mga turistang dumadalaw sa United Nations sa New York City ang Economic and Social Council Chamber, na may nakalantad na mga tubo at mga daanan ng mga linya sa kisame sa itaas ng galeryang pampubliko. Ganito ang paliwanag ng tour guide: “Ang ‘di-tapos’ na kisame ay karaniwang nakikita bilang isang makasagisag na paalaala na ang gawaing pangkabuhayan at panlipunan ng United Nations ay hindi kailanman natatapos; laging marami pang maaaring gawin upang mapabuti ang mga kalagayan sa pamumuhay ng mga tao sa daigdig.”
Bagaman ang Konseho ay nakatalaga sa kapaki-pakinabang na layunin ng pagpapasigla ng isang mas mataas na pamantayan ng pamumuhay para sa lahat, ang atas ay tila walang-katapusan. Kapansin-pansin, sa panahon ng ministeryo ni Jesu-Kristo sa lupa noong unang siglo C.E., sinabi niya: “Ang espiritu ni Jehova ay sumasaakin, sapagkat pinahiran niya ako upang magpahayag ng mabuting balita sa mga dukha.” (Lucas 4:18) Ano ang “mabuting balita” na ipinahayag niya? Ito ang mensahe hinggil sa Kaharian na itatatag ng Diyos na Jehova, na nagiging “moog sa dukha sa . . . kabagabagan,” na si Jesu-Kristo ang Hari. Ano ang isasagawa ng Kahariang iyan? Inihula ni Isaias: “Si Jehova ng mga hukbo ay tiyak na gagawa para sa lahat ng mga bayan . . . ng isang piging ng mga putaheng malangis, isang piging ng alak na pinanatili sa latak, ng mga putaheng malangis na punô ng utak sa buto, ng alak na pinanatili sa latak, sinala. Lalamunin niya ang kamatayan magpakailanman, at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha.”—Isaias 25:4-6, 8.
Nais mo bang malaman ang higit pa tungkol sa kung paano ‘mapabubuti [ng Kaharian ng Diyos] ang mga kalagayan sa pamumuhay ng mga tao sa daigdig,’ anupat wala nang hahanapin pa? Tingnan sa ibaba upang malaman kung paano ka magkakaroon ng isang kuwalipikadong guro na dadalaw sa iyo upang ipakita sa iyo ang higit pa tungkol sa sinasabi ng Bibliya sa mga bagay na ito.