Isang Okasyon na Hindi Mo Dapat Kaligtaan
Isang Okasyon na Hindi Mo Dapat Kaligtaan
“Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na regalo” ay bumababa mula sa Diyos, ang ating makalangit na Ama.—Santiago 1:17.
ANG pinakadakilang kaloob na ibinigay ng Diyos sa makasalanang sangkatauhan ay ang paglalaan para sa kanilang kaligtasan mula sa kasalanan at di-kasakdalan sa pamamagitan ng kaniyang bugtong na Anak, si Jesu-Kristo. Pinangyayari ng kamatayan ni Jesus, ang ating Manunubos, na maging posible ang buhay na walang hanggan sa paraisong lupa. Sa Lucas 22:19, tayo ay inuutusan na alalahanin ang kaniyang kamatayan.
Malugod kang inaanyayahan ng mga Saksi ni Jehova na makibahagi sa kanila sa pagsunod sa utos ni Jesus. Ang taunang okasyon na ito ay gaganapin pagkatapos ng paglubog ng araw sa petsang katumbas ng Nisan 14 sa kalendaryong lunar ng Bibliya—Linggo, Abril 8, 2001. Itala ang petsang ito upang hindi mo ito makalimutan. Masasabi ng mga Saksi ni Jehova sa iyong lugar ang eksaktong dako at oras ng pagpupulong.