Malapit Nang Magwakas ang Pagpapahintulot ng Diyos sa Pagdurusa
Malapit Nang Magwakas ang Pagpapahintulot ng Diyos sa Pagdurusa
SAAN ka man tumingin, nariyan ang pagdurusa. Idinudulot ito ng ilang tao sa kanila mismong sarili. Nagkakaroon sila ng mga sakit na naililipat sa pagtatalik o kaya’y nakararanas ng mga epekto ng pag-aabuso sa droga o sa inuming de-alkohol o ng paninigarilyo. O baka mapaharap sila sa mga suliranin sa kalusugan dahil sa di-mabuting mga kaugalian sa pagkain. Gayunman, maraming pagdurusa ang dulot ng mga salik o pangyayari na hindi kontrolado ng pangkaraniwang tao: digmaan, etnikong karahasan, krimen, karalitaan, taggutom, sakit. Ang isa pa na talagang hindi kayang kontrolin ng tao ay ang pagdurusang kaugnay ng pagtanda at kamatayan.
Tinitiyak sa atin ng Bibliya na “ang Diyos ay pag-ibig.” (1 Juan 4:8) Kung gayon, bakit pinahihintulutan ng isang maibiging Diyos na magpatuloy ang lahat ng pagdurusang ito sa loob ng napakaraming siglo? Kailan niya lulunasan ang situwasyon? Upang masagot ang gayong mga katanungan, kailangan nating suriin ang layunin ng Diyos may kinalaman sa mga tao. Ito ang tutulong sa atin na maunawaan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa at kung ano ang kaniyang gagawin tungkol dito.
Ang Kaloob na Malayang Makapagpasiya
Nang lalangin ng Diyos ang unang tao, higit pa sa isang katawan na may utak ang kaniyang ginawa. Bukod dito, hindi nilalang ng Diyos sina Adan at Eva upang maging walang-isip na mga robot. Ikinintal niya sa kanila ang kakayahan Genesis 1:31) Oo, “sakdal ang kaniyang gawa.” (Deuteronomio 32:4) Pinahahalagahan nating lahat ang kaloob na ito na malayang makapagpasiya dahil ayaw natin na ang lahat ng ating iisipin at ikikilos ay ididikta sa atin nang wala man lamang pagkakataong makapamili.
na malayang makapagpasiya. At iyan ay isang mainam na kaloob, yamang “nakita ng Diyos ang bawat bagay na ginawa niya at, narito! iyon ay napakabuti.” (Gayunman, gagamitin ba nang walang mga hangganan ang mainam na kaloob na malayang makapagpasiya? Sa mga tagubilin na ibinigay sa mga unang Kristiyano, sumasagot ang Salita ng Diyos: “Maging gaya ng malalayang tao, gayunma’y taglay ang inyong kalayaan, hindi bilang panakip ukol sa kasamaan, kundi bilang mga alipin ng Diyos.” (1 Pedro 2:16) Para sa kabutihan ng lahat, dapat magkaroon ng mga hangganan. Samakatuwid, ang malayang pagpapasiya ay uugitan ng alituntunin ng batas. Kung hindi, magbubunga ito ng anarkiya.
Kaninong Batas?
Kaninong batas ang dapat na magtalaga ng angkop na mga hangganan ng kalayaan? Ang sagot sa tanong na ito ay nauugnay sa pangunahing dahilan kung bakit pinahihintulutan ng Diyos ang pagdurusa. Yamang ang Diyos ang lumalang sa mga tao, alam niya higit kaninuman kung anong mga batas ang kailangan nilang sundin para sa kanilang ikabubuti at para sa ikabubuti ng iba. Ganito ang pagkakasabi ng Bibliya hinggil dito: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.”—Isaias 48:17.
Maliwanag, ang isang mahalagang punto ay ito: Ang mga tao ay hindi nilalang upang maging hiwalay sa Diyos. Nilikha niya sila na ang kanilang tagumpay at kaligayahan ay nakasalalay sa pagsunod sa kaniyang matuwid na mga batas. Sinabi ng propeta ng Diyos na si Jeremias: “Nalalaman kong lubos, O Jehova, na ang lakad ng makalupang tao ay hindi sa kaniyang sarili. Hindi sa taong lumalakad ang magtuwid man lamang ng kaniyang hakbang.”—Jeremias 10:23.
Ipinasakop ng Diyos ang sangkatauhan sa kaniyang pisikal na mga batas, tulad ng batas ng grabidad. Sa gayunding paraan, ipinasakop niya ang mga tao sa kaniyang moral na mga batas, na dinisenyong magdulot ng isang maayos na lipunan. Kaya may mabuting dahilan kung bakit ipinapayo ng Salita ng Diyos: “Magtiwala ka kay Jehova nang iyong buong puso at huwag kang manalig sa iyong sariling pagkaunawa.”—Kawikaan 3:5.
Samakatuwid, hindi kailanman magiging matagumpay ang pangangasiwa ng pamilya ng tao sa kanilang sarili nang hiwalay sa pamamahala ng Diyos. Sa pagsisikap na maging hiwalay sa kaniya, gagawa ang mga tao ng mga sistemang panlipunan, pang-ekonomiya, pampulitika, at panrelihiyon na magkakasalungatan sa isa’t isa, at ‘ang tao ay manunupil sa tao sa kaniyang ikapipinsala.’—Eclesiastes 8:9.
Ano ang Nangyari?
Binigyan ng Diyos ang ating unang mga magulang, sina Adan at Eva, ng isang sakdal na pasimula. Mayroon silang sakdal na mga katawan at isip at isang paraisong hardin bilang tahanan. Kung nagpasakop lamang sila sa pamamahala ng Diyos, nanatili sana silang sakdal at Genesis 1:27-29; 2:15.
maligaya. Sa kalaunan, sila sana’y naging mga magulang ng isang sakdal at maligayang pamilya ng mga tao na nabubuhay sa isang paraisong lupa. Iyan ang layunin ng Diyos para sa lahi ng tao.—Gayunman, ginamit ng ating orihinal na mga ninuno sa maling paraan ang kanilang kalayaang makapagpasiya. Mali ang akala nila na maaari silang magtagumpay nang hiwalay sa Diyos. Sa sarili nilang pagpapasiya, lumampas sila sa mga hangganan ng kaniyang mga batas. (Genesis, kabanata 3) Dahil itinakwil nila ang kaniyang pamamahala, hindi na siya obligado na sustinihan pa ang kanilang kasakdalan. ‘Sila ay gumawi nang kapaha-pahamak sa ganang kanila, hindi nanatiling kaniyang mga anak, at ang kapintasan ay kanila.’—Deuteronomio 32:5.
Mula nang suwayin nila ang Diyos, nagsimula nang humina ang katawan at isip nina Adan at Eva. Nasa kay Jehova ang bukal ng buhay. (Awit 36:9) Dahil sa paghiwalay nila kay Jehova, ang unang mag-asawa ay naging di-sakdal at nang maglaon ay namatay. (Genesis 3:19) Kaayon ng mga batas sa henetikong pagmamana, tatanggapin lamang ng kanilang mga supling kung ano mismo ang taglay ng kanilang mga magulang. At ano iyon? Di-kasakdalan at kamatayan. Kaya sumulat si apostol Pablo: “Sa pamamagitan ng isang tao [si Adan] ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.”—Roma 5:12.
Ang Pangunahing Isyu—Pagkasoberano
Nang maghimagsik sina Adan at Eva laban sa Diyos, hinamon nila ang kaniyang pagkasoberano, samakatuwid nga, ang kaniyang karapatang mamahala. Maaari sanang lipulin na lamang sila ni Jehova at lumalang muli ng isa pang mag-asawa, ngunit hindi nito malulutas ang isyu hinggil sa kung kaninong pamamahala ang matuwid at pinakamabuti para sa mga tao. Kung bibigyan ng panahon upang mapasulong ang kanilang mga lipunan ayon sa kanilang sariling mga ideya, maipakikita ng mga tao nang walang anumang alinlangan kung ang pamamahala na hiwalay sa Diyos ay maaaring maging matagumpay.
Ano ang isinisiwalat sa atin ng libu-libong taon ng kasaysayan ng tao? Sa lahat ng mga siglong iyon, sinubukan ng mga tao ang maraming uri ng sistemang panlipunan, pang-ekonomiya, pampulitika, at panrelihiyon. Gayunman, nagpapatuloy ang kabalakyutan at pagdurusa. Sa katunayan, ‘ang mga taong balakyot ay nagpapatuloy mula sa masama tungo sa lalong masama,’ lalo na sa ating panahon.—2 Timoteo 3:13.
Nasaksihan sa ika-20 siglo ang tugatog ng mga tagumpay sa siyensiya at industriya. Ngunit nasaksihan din dito ang pinakamalubhang pagdurusa sa buong kasaysayan ng lahi ng tao. At anuman ang naging pagsulong sa medisina, totoo pa rin ang batas ng Diyos: Ang mga taong hiwalay sa Diyos—ang bukal ng buhay—ay nagkakasakit, tumatanda, at namamatay. Tunay ngang malinaw na napatunayan na hindi kaya ng mga tao ang ‘magtuwid ng kanilang hakbang’!
Napatunayan ang Pagkasoberano ng Diyos
Minsanang ipinakita ng kalunus-lunos na eksperimentong ito ng paghiwalay sa Diyos na ang pamamahala ng mga tao nang bukod sa kaniya ay hindi kailanman magtatagumpay. Tanging ang pamamahala ng Diyos ang makapagdudulot ng kaligayahan, pagkakaisa, kalusugan, at buhay. Karagdagan pa, ang di-nagkakamaling Salita ng Diyos na Jehova, ang Banal na Bibliya, ay nagpapakitang nabubuhay na tayo sa “mga huling araw” ng pamamahala ng tao nang hiwalay sa Diyos. (2 Timoteo 3:1-5) Ang pagpapahintulot ni Jehova rito at sa kabalakyutan at pagdurusa ay malapit nang magwakas.
Malapit nang makialam ang Diyos sa mga gawain ng tao. Sinasabi sa atin ng Kasulatan: “Sa mga araw ng mga haring iyon [mga pamahalaan ng tao na umiiral ngayon] ay magtatatag ang Diyos ng langit ng isang kaharian [sa langit] na hindi magigiba kailanman. At ang kaharian ay hindi isasalin sa iba pang bayan [hindi na kailanman mamamahala ang mga tao sa lupa]. Dudurugin nito at wawakasan ang lahat ng mga kahariang ito [mga pamahalaan sa kasalukuyan], at iyon ay mananatili hanggang sa mga panahong walang takda.”—Daniel 2:44.
Ang pagbabangong-puri sa pagkasoberano ng Diyos na Jehova sa pamamagitan ng makalangit na Kaharian ay siyang tema ng Bibliya. Ito ang pangunahing itinuro ni Jesus. Sinabi niya: “Ang mabuting balitang ito ng kaharian ay ipangangaral Mateo 24:14.
sa buong tinatahanang lupa bilang patotoo sa lahat ng mga bansa; at kung magkagayon ay darating ang wakas.”—Kapag pinalitan na ng pamamahala ng Diyos ang pamamahala ng tao, sino ang makaliligtas at sino ang hindi? Sa Kawikaan 2:21, 22, tinitiyak sa atin: “Ang mga matuwid [na nagtataguyod sa pamamahala ng Diyos] ang siyang tatahan sa lupa, at ang mga walang kapintasan ang siyang maiiwan dito. Kung tungkol sa mga balakyot [na hindi nagtataguyod sa pamamahala ng Diyos], lilipulin sila mula sa mismong lupa.” Inawit ng salmistang kinasihan ng Diyos: “Kaunting panahon na lamang, at ang balakyot ay mawawala na . . . Ngunit ang maaamo ang magmamay-ari ng lupa, at makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan. Ang mga matuwid ang magmamay-ari ng lupa, at tatahan sila roon magpakailanman.”—Awit 37:10, 11, 29.
Isang Kamangha-manghang Bagong Sanlibutan
Sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos, ang mga makaliligtas sa kawakasan ng kasalukuyang sistema ng mga bagay ay aakayin tungo sa isang lupa na wala nang kabalakyutan at pagdurusa. Ang bigay-Diyos na mga tagubilin ay ilalaan sa sangkatauhan, at sa kalaunan “ang lupa ay tiyak na mapupuno ng kaalaman kay Jehova gaya ng tubig na tumatakip sa dagat.” (Isaias 11:9) Ang nakapagpapatibay at positibong pagtuturong ito ay magdudulot ng isang tunay na mapayapa at nagkakaisang lipunan ng mga tao. Sa gayon, mawawala na ang digmaan, pagpaslang, karahasan, panggagahasa, pagnanakaw, o iba pang krimen.
Ang mga kamangha-manghang pisikal na pakinabang ay dadaloy sa masunuring mga tao na mabubuhay sa bagong sanlibutan ng Diyos. Aalisin ang lahat ng masasamang epekto ng paghihimagsik laban sa pamamahala ng Diyos. Ang di-kasakdalan, sakit, pagtanda, at kamatayan ay mawawala na. Tinitiyak sa atin ng Bibliya: “Walang sinumang tumatahan ang magsasabi: ‘Ako ay may sakit.’ ” Karagdagan pa, nangangako ang Kasulatan: “Sa panahong iyon ay madidilat ang mga mata ng mga bulag, at ang mga tainga ng mga bingi ay mabubuksan. Sa panahong iyon ay aakyat ang pilay na gaya ng lalaking usa, at ang dila ng pipi ay hihiyaw sa katuwaan.” (Isaias 33:24; 35:5, 6) Kay laking kagalakan nga na magtamasa ng masiglang kalusugan araw-araw—magpakailanman!
Sa ilalim ng maibiging patnubay ng Diyos, gagamitin ng mga maninirahan sa bagong sanlibutang iyon ang kanilang lakas at kasanayan sa paggawa ng isang pambuong-daigdig na paraiso. Mawawala na magpakailanman ang karalitaan, gutom, at kawalan ng tirahan, sapagkat sinasabi sa hula ni Isaias: “Tiyak na magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan sa mga iyon; at tiyak na magtatanim sila ng mga ubasan at kakainin ang bunga ng mga iyon. Hindi sila magtatayo at iba ang maninirahan; hindi sila magtatanim at iba ang kakain.” (Isaias 65:21, 22) Tunay nga, “uupo sila, ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang punong ubas at sa ilalim ng kaniyang puno ng igos, at walang sinumang magpapanginig sa kanila.”—Mikas 4:4.
Tutugon ang lupa sa maibiging pangangalaga ng Diyos at ng masunuring mga tao. Taglay natin ang mga katiyakang ito mula sa Kasulatan: “Ang ilang at ang pook na walang tubig ay magbubunyi, at ang Isaias 35:1, 6) “Magkakaroon ng saganang butil sa lupa; sa taluktok ng mga bundok ay mag-uumapaw.”—Awit 72:16.
disyertong kapatagan ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng safron. . . . Sa ilang ay bubukal ang tubig, at ang mga ilog sa disyertong kapatagan.” (Kumusta naman ang bilyun-bilyong tao na namatay na? Yaong mga nasa alaala ng Diyos ay bubuhaying muli, sapagkat “magkakaroon ng pagkabuhay-muli kapuwa ng mga matuwid at mga di-matuwid.” (Gawa 24:15) Oo, bubuhaying muli ang mga patay. Ituturo sa kanila ang mga kagila-gilalas na katotohanan hinggil sa pamamahala ng Diyos at bibigyan sila ng pagkakataong mabuhay magpakailanman sa Paraiso.—Juan 5:28, 29.
Sa ganitong mga paraan, lubusang babaligtarin ng Diyos na Jehova ang napakasamang kalagayan ng pagdurusa, sakit, at kamatayan na umalipin sa sangkatauhan sa loob ng libu-libong taon. Wala nang sakit! Wala nang mga kapansanan! Wala nang kamatayan! “Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.”—Apocalipsis 21:3, 4.
Ganiyan wawakasan ng Diyos ang pagdurusa. Pupuksain niya ang tiwaling sanlibutang ito at pasisimulan ang isang ganap na bagong sistema ng mga bagay kung saan “tatahan ang katuwiran.” (2 Pedro 3:13) Talagang mabuting balita nga ito! Kailangang-kailangan natin ang bagong sanlibutang iyon. At hindi natin kailangang maghintay pa nang matagal upang makita ito. Salig sa katuparan ng mga hula sa Bibliya, alam natin na ang bagong sanlibutan ay napipinto na, at malapit nang magwakas ang pagpapahintulot ng Diyos sa pagdurusa.—Mateo 24:3-14.
[Kahon sa pahina 8]
Ang Pagkabigo ng Pamamahala ng Tao
May kinalaman sa pamamahala ng tao, ang dating chancellor ng Alemanya na si Helmut Schmidt ay nagsabi: “Tayong mga tao . . . ay laging bahagya lamang nakapamamahala sa daigdig, at kadalasan ay sa napakasamang paraan. . . . Hindi pa natin ito napamahalaan nang may lubos na kapayapaan.” Sinabi ng Human Development Report 1999: “Iniuulat ng lahat ng bansa ang pagguho ng kayarian ng kanilang lipunan, lakip ang kaguluhan sa lipunan, mas maraming krimen, mas maraming karahasan sa tahanan. . . . Ang pandaigdig na mga banta ay dumarami, anupat nahihigitan ang kakayahan ng mga bansa na lutasin ang mga ito, at nilalampasan ang bilis ng pagtugon ng mga bansa sa daigdig.”
[Mga larawan sa pahina 8]
“Makasusumpong nga sila ng masidhing kaluguran sa kasaganaan ng kapayapaan.”—Awit 37:11
[Picture Credit Lines sa pahina 5]
Ikatlo mula sa itaas, mag-ina: FAO photo/B. Imevbore; ibaba, pagsabog: U.S. National Archives photo