Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Talaga Bang Hinahatulan ng Diyos ang mga Tao na Masunog sa Impiyerno?”

“Talaga Bang Hinahatulan ng Diyos ang mga Tao na Masunog sa Impiyerno?”

“Talaga Bang Hinahatulan ng Diyos ang mga Tao na Masunog sa Impiyerno?”

“Nag-aaral ba kayo ng teolohiya?”

Ikinagulat nina Joel at Carl ang tanong na iyan. Ang dalawang kabataang lalaking ito​—mga boluntaryong naglilingkod sa punong-tanggapan ng mga Saksi ni Jehova sa Brooklyn, New York​—ay nagbabasa-basa sa isang kalapit na tindahan ng aklat. Habang sinusuri ni Joel ang mga konkordansiya sa Bibliya, ikinuwento ni Carl sa kaniya ang isang kasiya-siyang pakikipag-usap niya sa ministeryo. Dahil sa naulinigan ang ilang bahagi ng pag-uusap na ito, isang lalaki na nakatayo sa malapit ang naudyukang lumapit sa kanila.

Gayunman, may higit na personal na ikinababahala ang lalaki kaysa kung ang dalawang kabataang lalaking ito ay nag-aaral ng teolohiya. Nagpaliwanag siya: “Isa akong Judio, at sinabi sa akin ng ilan sa aking mga kaibigang Kristiyano na masusunog daw ako sa impiyerno dahil tinanggihan ng mga Judio si Jesus. Lubha itong nakababagabag sa akin. Waring hindi makatarungan na ang gayong kaparusahan ay magmula sa isang maibiging Diyos. Talagang bang hinahatulan ng Diyos ang mga tao na masunog sa impiyerno?”

Sinabi nina Joel at Carl sa taimtim na lalaking iyon na sila ay masisigasig na estudyante ng Bibliya. Ipinakita nila sa kaniya mula sa Kasulatan na ang mga patay ay walang malay at natutulog lamang sa kamatayan na naghihintay ng pagkabuhay-muli. Kaya, wala silang nararanasang anumang pagpapahirap o makirot at maapoy na impiyerno. (Awit 146:3, 4; Eclesiastes 9:5, 10; Daniel 12:13; Juan 11:11-14, 23-26) Sa pagtatapos ng kanilang 45-minutong pag-uusap, ibinigay ng lalaki ang kaniyang adres kina Joel at Carl at humiling ng karagdagang impormasyon hinggil sa paksa.

Kung ang impiyerno ay isang lugar ng maapoy na pagpapahirap, hihilingin kaya ng sinuman na mapunta roon? Gayunman, ang patriyarkang si Job, sa pagnanais na matakasan ang kaniyang masamang kalagayan, ay humiling ng ganito: “Sino ang magkakaloob sa akin nito, na nawa’y ikanlong mo ako sa impiyerno, at itago mo ako hanggang sa lumipas ang iyong galit?” (Job 14:13, Douay Version) Maliwanag, hindi naniwala si Job na ang impiyerno ay isang lugar ng pagpapahirap. Sa halip, ninais niyang manganlong doon. Ang kamatayan ay isang kalagayan ng di-pag-iral, at ang impiyerno ng Bibliya ay ang karaniwang libingan ng sangkatauhan.

Kung nais mo ng higit pang impormasyon hinggil sa kung ano ang nangyayari sa atin kapag tayo ay namatay at kung anong pag-asa ang maaasahan pagkatapos nito, malugod kang inaanyayahan na tumugon sa sumusunod na alok.