Sertipiko ng Kahusayan
Sertipiko ng Kahusayan
IYAN ang ibinibigay ng Association of Congolese and African Journalists for the Development (AJOCAD) sa Democratic Republic of Congo upang “gantimpalaan ang mga indibiduwal o mga organisasyong panlipunan na napatanyag dahil sa kanilang tulong tungo sa pagpapaunlad sa [Congo].”
Noong Nobyembre 17, 2000, ang Sertipiko ng Kahusayan ay iginawad sa mga Saksi ni Jehova dahil sa “kanilang tulong sa pagpapaunlad sa indibiduwal na Congolese [sa pamamagitan] ng edukasyon at ng pagtuturo na nilalaman ng kanilang mga publikasyon.”
Sa pagkokomento hinggil sa parangal, ang pahayagan sa Kinshasa na Le Phare ay nagsabi: “Mahirap makahanap ng isang Congolese na hindi pa nakahawak ng magasing Bantayan at Gumising! o iba pang publikasyon na inilathala ng mga Saksi ni Jehova. [Tinatalakay] ng mga magasing ito ang lahat ng aspekto ng buhay.” Binanggit din ng artikulo na ipinakikita ng mga publikasyon “kung paano haharapin ang mga suliranin ngayon” at tinutukoy “ang tunay na kahulugan ng kasalukuyang mga pangyayari.” Ang bawat isyu ng Gumising! ay “laging neutral sa pulitika at hindi nagtatangi ng lahi.” Karagdagan pa, pinatitibay ng mga publikasyong ito ang “tiwala sa pangako ng Maylikha hinggil sa isang payapa at tiwasay na bagong sanlibutan na malapit nang humalili sa kasalukuyang balakyot at magulong sistema ng mga bagay.”
Gaya ng binanggit ng AJOCAD, ang mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova ay talagang kapaki-pakinabang sa malaking bahagi ng populasyon ng mga Congolese. Makukuha sa daan-daang wika, ang nagbibigay pag-asa na mensahe ng mga ito ay maaaring maging kapaki-pakinabang din sa iyo.
Pakisuyong basahin ang impormasyon sa gawing ibaba upang makita kung paano ka makikinabang sa mga ito.