Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Dati ay mga Lobo Kami—Ngayon ay mga Tupa na Kami!

Dati ay mga Lobo Kami—Ngayon ay mga Tupa na Kami!

Dati ay mga Lobo Kami​—Ngayon ay mga Tupa na Kami!

Nang kami ni Sakina ay mga bata pa, magkapitbahay kami. Si Sakina ay malaki at mataba, samantalang ako ay maliit at payat. Madalas kaming magbangayan noon, ngunit isang araw ay nag-away talaga kami. Mula nang araw na iyon ay hindi na kami nag-usap ni nagbatian man. Nang dakong huli, kapuwa kami lumipat at wala na kaming nabalitaan tungkol sa isa’t isa.

Noong 1994, nagsimula akong makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, at unti-unting nagbago ang aking personalidad. Pagkaraan ng apat na taon samantalang dumadalo sa aming pantanging araw ng asamblea sa Bujumbura, Burundi, nagulat ako nang magkasalubong kami ni Sakina. Natuwa ako na naroon siya, ngunit parang malamig ang pagbabatian namin. Noong dakong huli ng araw na iyon, hindi ako makapaniwala nang makita ko siyang kabilang sa mga kandidato sa bautismo! Malaki rin ang kaniyang ipinagbago. Hindi na siya ang palaaway na tao na lagi kong nakakagalít. Nakatutuwang makita na ipinahahayag niya sa madla ang katibayan ng kaniyang pag-aalay sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapabautismo sa tubig!

Nang makaahon siya sa tubig, nagmadali ako upang mayakap siya at ibinulong ko sa kaniyang tainga: “Naaalaala mo pa ba kung paano tayo mag-away?” “Oo,” ang sabi niya, “Naaalaala ko pa, ngunit nakalipas na iyon. Isa na akong bagong tao ngayon.”

Kapuwa kami maligaya na masumpungan ang nagbubuklod na katotohanan sa Bibliya at mabago ang aming tulad-lobong personalidad tungo sa pagiging tulad sa mga tupa na pag-aari ng Dakilang Pastol, ang Diyos na Jehova. Tunay na nababago ng katotohanan sa Bibliya ang mga buhay.