Kung Paano Ka Makagagawa ng Mabubuting Pasiya
Kung Paano Ka Makagagawa ng Mabubuting Pasiya
ANG malayang kalooban ay isang regalo mula sa Diyos. Kung wala ito, tayo’y magiging halos kagaya ng mga robot, na walang kontrol sa ating mga pagkilos. Gayunman, sa pagkakaroon nito, napapaharap tayo sa mga hamon. Dahil sa taglay natin ang malayang kalooban, kailangang gumawa tayo ng mga pasiya habang tayo’y nabubuhay.
Sabihin pa, maraming pagpapasiya ang pangkaraniwan lamang. Ang iba, gaya ng kung anong karera ang pipiliin o kung mag-aasawa ba, ay makaaapekto sa ating buong kinabukasan. Ang iba naman ay nakaaapekto sa ibang tao. Ang ilang pasiya na ginagawa ng mga magulang ay may malaking epekto sa kanilang mga anak. Karagdagan pa, magsusulit tayo sa Diyos dahil sa maraming pasiya na ginagawa natin.—Roma 14:12.
Ang Pangangailangan Para sa Tulong
Walang mabuting rekord ang mga tao kung tungkol sa paggawa ng pasiya. Ang isa sa kauna-unahang pasiya ng tao na iniulat ay kapaha-pahamak. Ipinasiya ni Eva na kumain ng bunga na maliwanag na ipinagbawal ng Diyos. Ang kaniyang pagpili, na salig sa mapag-imbot na hangarin, ay umakay sa kaniyang asawa na sumama sa pagsuway niya sa Diyos, at ang naging bunga nito ay malaking pagdurusa para sa sangkatauhan. Sa maraming kaso, mas ibinabatay pa rin ng mga tao ang kanilang mga pasiya sa mapag-imbot na mga hangarin kaysa sa mga tamang simulain. (Genesis 3:6-19; Jeremias 17:9) At kapag napaharap sa mga seryosong pagpapasiya, lagi nating napapansin ang ating mga limitasyon.
Kung gayon, hindi nga kataka-taka na kapag gumagawa ng mahahalagang pasiya, marami ang humihingi ng tulong mula sa mga pinagmumulan na mas mataas kaysa sa mga tao. Iniuulat ng Bibliya ang isang pangyayari nang si Nabucodonosor, sa kalagitnaan ng isang kampanyang militar, ay kailangang gumawa ng pasiya. Bagaman siya ay isang hari, nadama niya ang pangangailangan na “bumaling sa panghuhula,” anupat sumangguni sa mga espiritu. Kaya naman, sinasabi ng ulat: “Inalog niya ang mga palaso. Nagtanong siya sa pamamagitan ng terapim; tumingin siya sa atay.” (Ezekiel 21:21) Sa katulad na paraan sa ngayon, marami ang sumasangguni sa mga manghuhula, at mga astrologo, at sa ibang paraan ay humihingi ng tulong sa mga espiritu. Ngunit ang mga ito ay mapanlinlang at nakaliligaw.—Levitico 19:31.
May Isa na ganap na maasahan at na sa buong kasaysayan ay tumulong sa mga tao na gumawa ng matatalinong pasiya. Ang isang iyon ay walang iba kundi ang Diyos na Jehova. Halimbawa, noong sinaunang panahon ay ibinigay ng Diyos sa kaniyang bansa, ang Israel, ang Urim at ang Thummim—malamang, mga sagradong palabunutan na ginagamit kapag ang bansa ay napapaharap sa mga kalagayan na lubhang mahalaga. Sa pamamagitan ng Urim at Thummim, tuwirang sinagot ni Jehova ang mga tanong at tinulungan ang matatanda ng Israel na matiyak na ang kanilang mga pasiya ay kasuwato ng kaniyang kalooban.—Exodo 28:30; Levitico 8:8; Bilang 27:21.
Isaalang-alang ang isa pang halimbawa. Nang si Gideon ay tawagin upang pamunuan ang mga hukbo ng Israel laban sa Midian, kailangang magpasiya siya kung tatanggapin ang gayon kataas na pribilehiyo. Si Gideon, sa pagnanais na matiyak na aalalayan siya ni Jehova, ay humiling ng makahimalang tanda. Nanalangin siya na ang isang balahibong lana na iniwan nang magdamag ay mabasa ng hamog ngunit ang lupa sa palibot nito ay Hukom 6:33-40; 7:21, 22.
manatiling tuyo. Nang sumunod na gabi, hiniling niya na ang balahibong lana ay manatiling tuyo samantalang ang lupa sa palibot nito ay mabasa nang husto sa hamog. May-kabaitang ibinigay ni Jehova kay Gideon ang mga tanda na kaniyang hiniling. Bunga nito, nakagawa si Gideon ng tamang pasiya at, sa tulong ng Diyos, lubusan niyang nilupig ang mga kaaway ng Israel.—Kumusta Naman sa Ngayon?
Sa ngayon, nagbibigay pa rin si Jehova ng tulong sa kaniyang mga lingkod kapag napapaharap sila sa mahahalagang pagpapasiya. Paano? Dapat ba tayong humiling, gaya ni Gideon, ng ‘mga pagsubok sa balahibong lana,’ mga tanda mula kay Jehova upang ipakita sa atin ang daang tatahakin? Isang mag-asawa ang nag-iisip kung sila ba’y dapat na lumipat upang maglingkod kung saan may higit na pangangailangan para sa mga mangangaral ng Kaharian. Upang matulungan silang magpasiya, nagsaayos sila ng isang pagsubok. Inalok nilang ibenta ang kanilang bahay sa isang takdang halaga. Kapag ang bahay ay nabili sa takdang petsa sa nasabing halaga o mas mataas pa, ipagpapalagay nila ito na isang palatandaan na nais ng Diyos na lumipat sila. Kapag hindi nabili ang bahay, ipagpapalagay nilang ayaw ng Diyos na lumipat sila.
Hindi nabili ang bahay. Palatandaan ba iyon na ayaw ni Jehova na ang mag-asawang ito ay maglingkod kung saan may higit na pangangailangan? Siyempre pa, magiging kapangahasan na tuwirang sabihin kung ano ang ginagawa o hindi ginagawa ni Jehova para sa kaniyang mga lingkod. Hindi natin masasabi na sa ngayon ay hindi kailanman namamagitan si Jehova upang ipakita ang kaniyang kalooban sa atin. (Isaias 59:1) Gayunman, wala tayong karapatang umasa sa gayong pamamagitan sa ating mahahalagang pasiya, anupat ipinauubaya na natin sa Diyos ang ating paggawa ng pasiya. Aba, kahit si Gideon sa kalakhang bahagi ng kaniyang buhay ay kinailangang gumawa ng mga pasiya nang walang makahimalang mga tanda mula kay Jehova!
Gayunman, sinasabi ng Bibliya na may makukuhang patnubay mula sa Diyos. Inihula nito hinggil sa ating panahon: “Ang iyong mga tainga ay makaririnig ng salita sa likuran mo na nagsasabi: ‘Ito ang daan. Lakaran ninyo ito,’ sakaling pumaroon kayo sa kanan o sakaling pumaroon kayo sa kaliwa.” (Isaias 30:21) Kapag napapaharap tayo sa mahahalagang pagpili, talagang angkop lamang na sikaping tiyakin na ang ating mga pasiya ay kasuwato ng kalooban ng Diyos at nagpapamalas ng kaniyang nakahihigit na karunungan. Paano? Sa pamamagitan ng pagsangguni sa kaniyang Salita at pagpapahintulot dito na maging ‘lampara sa ating paa, at liwanag sa ating landas.’ (Awit 119:105; Kawikaan 2:1-6) Upang magawa ito, kailangan nating linangin ang kaugalian ng pagkuha ng tumpak na kaalaman mula sa Bibliya. (Colosas 1:9, 10) At kapag napaharap sa isang pagpapasiya, kailangan nating saliksikin nang maingat ang lahat ng mga simulain sa Bibliya na may kaugnayan sa bagay na iyon. Ang gayong pagsasaliksik ay tutulong sa atin na ‘tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.’—Filipos 1:9, 10.
Dapat ding makipag-usap tayo kay Jehova sa panalangin, anupat nagtitiwalang pakikinggan niya tayo. Tunay ngang nakaaaliw na ipaliwanag sa ating maibiging Diyos ang pasiya na kailangan nating gawin at ang mga pagpipilian na isinasaalang-alang natin! Pagkatapos, may-pagtitiwala tayong makahihiling ng patnubay sa paggawa ng tamang pasiya. Kadalasan, ipaaalaala sa atin ng banal na espiritu ang mga simulain sa Bibliya na kumakapit, o maaaring tulungan tayo nito na maunawaan nang mas maliwanag ang isang kasulatan na may kaugnayan sa ating situwasyon.—Santiago 1:5, 6.
Efeso 4:11, 12) Gayunman, sa pagsangguni sa iba, hindi natin dapat gayahin ang landasin ng mga lumalapit sa iba’t ibang tao hanggang sa matagpuan nila ang isa na magsasabi ng kanilang nais marinig. Pagkatapos ay susundin nila ang kaniyang payo. Dapat din nating tandaan ang babalang halimbawa ni Rehoboam. Nang mapaharap siya sa isang seryosong pagpapasiya, tumanggap siya ng mahusay na payo mula sa matatandang lalaki na naglingkod sa kaniyang ama. Gayunman, sa halip na sundin ang kanilang payo, sumangguni siya sa mga kabataang lalaki na kababata niya. Sa pagsunod sa kanilang payo, nakagawa siya ng isang lubhang di-matalinong pasiya at bilang resulta ay naiwala niya ang malaking bahagi ng kaniyang kaharian.—1 Hari 12:1-17.
Naglalaan din si Jehova ng mga maygulang sa kongregasyon na sa kanila’y maaari nating ipakipag-usap ang ating mga pasiya. (Kapag humihingi ng payo, lumapit sa mga may karanasan sa buhay at may mahusay na kaalaman sa Kasulatan at may malalim na paggalang sa mga tamang simulain. (Kawikaan 1:5; 11:14; 13:20) Kung posible, maglaan ng panahon upang magbulay-bulay sa mga simulaing nasasangkot at sa lahat ng impormasyon na nasaliksik mo. Kapag nakikita mo na ang mga bagay-bagay ayon sa liwanag ng Salita ni Jehova, ang tamang pasiya ay malamang na magiging mas malinaw.—Filipos 4:6, 7.
Ang mga Pagpapasiyang Ginagawa Natin
Ang ilang pasiya ay madaling gawin. Nang utusan na huminto sa pagpapatotoo, alam ng mga apostol na kailangang ipagpatuloy nila ang pangangaral tungkol kay Jesus, at kaagad nilang ipinaalam sa Sanedrin ang kanilang pasiyang sundin ang Diyos sa halip na ang tao. (Gawa 5:28, 29) Ang ibang pasiya naman ay baka kailangang higit na pag-isipan dahil walang tuwirang pananalita sa Bibliya na nauugnay sa bagay na iyon. Gayunman, ang mga simulain sa Bibliya ay kadalasang magbibigay-liwanag sa pinakamabuting pasiya na gagawin. Halimbawa, bagaman maraming anyo ng libangan na makukuha sa ngayon ang hindi pa umiiral noong panahon ni Jesus, may maliwanag na mga pananalita sa Bibliya hinggil sa kung ano ang kinalulugdan ni Jehova at kung ano ang di-kalugud-lugod sa kaniya. Kaya naman, sinumang Kristiyano na nagpapakasasa sa libangan na nagtatampok ng karahasan, imoralidad, o paghihimagsik ay nakagawa ng di-matalinong pasiya.—Awit 97:10; Juan 3:19-21; Galacia 5:19-23; Efeso 5:3-5.
Kung minsan, ang dalawang pasiya ay maaaring parehong tama. Ang paglilingkod kung saan may higit na pangangailangan ay isang kahanga-hangang pribilehiyo at maaaring umakay sa malalaking pagpapala. Ngunit kung ang isang tao dala ng ilang kadahilanan ay nagpasiyang hindi lumipat, makagagawa pa rin siya ng mainam na gawain sa kaniyang sariling kongregasyon. Sa pana-panahon, maaari tayong mapaharap sa isang pagpapasiya na magbibigay sa atin ng pagkakataon na ipakita ang lalim ng ating debosyon kay Jehova o kung ano ang pinakamahalaga sa ating buhay. Samakatuwid, pinahihintulutan tayo ni Jehova na gamitin natin ang ating malayang kalooban upang ipakita ang tunay na kalagayan ng ating puso.
Kadalasan, ang iba ay naaapektuhan ng ating mga pasiya. Halimbawa, ang mga Kristiyano noong unang siglo ay nagsaya na nakalaya sila sa marami sa mga paghihigpit ng Kautusan. Nangangahulugan ito, bilang halimbawa, na maaari nilang tanggapin o kaya’y tanggihan ang pagkain na di-malinis sa ilalim ng Kautusan. Gayunpaman, sila ay pinasigla na isaalang-alang ang budhi ng iba kapag nagpapasiya kung gagamitin ang kalayaang ito. Ang mga salita ni Pablo sa bagay na iyon ay 1 Corinto 10:32) Ang pagnanais na hindi makatisod sa iba ay maaaring makatulong na tiyakin ang marami sa mga pasiya na ginagawa natin. Tutal, ang pag-ibig sa kapuwa ang ikalawang pinakadakilang utos.—Mateo 22:36, 39.
kumakapit sa maraming pasiya na ginagawa natin: “Iwasan ninyo ang maging mga sanhi ng ikatitisod.” (Ang Resulta ng Ating mga Pasiya
Ang mga pasiya na ginawa ayon sa mabuting budhi at salig sa mga simulain ng Bibliya ay laging may mabuting resulta sa dakong huli. Sabihin pa, maaaring magdulot ang mga ito ng ilang personal na sakripisyo sa maikling panahon. Nang sabihin ng mga apostol sa Sanedrin ang kanilang pasiya na ipagpatuloy ang pangangaral tungkol kay Jesus, sila ay pinagpapalo bago sila pinawalan. (Gawa 5:40) Nang ipasiya ng tatlong Hebreo—sina Sadrac, Mesac, at Abednego—na hindi sila yuyukod sa ginintuang larawan ni Nabucodonosor, isinapanganib nila ang kanilang buhay. Nakahanda silang harapin ang posibilidad na ang kanilang pasiya ay baka mangahulugan ng kamatayan nila. Ngunit alam nila na kanilang tataglayin ang pagsang-ayon at pagpapala ng Diyos.—Daniel 3:16-19.
Kung mapaharap tayo sa mga kagipitan pagkatapos gumawa ng isang pasiyang salig sa budhi, hindi iyan dahilan upang ipagpalagay na ang pasiya ay mali. “Ang panahon at ang di-inaasahang pangyayari” ay maaaring makasamâ sa resulta maging ng mga pasiya na may pinakamabuting intensiyon. (Eclesiastes 9:11) Karagdagan pa, pinahihintulutan kung minsan ni Jehova ang kagipitan upang masubok ang pagiging tunay ng ating pangako. Kinailangang makipagbuno si Jacob nang buong magdamag sa isang anghel bago niya tinanggap ang isang pagpapala. (Genesis 32:24-26) Baka kailangan din na makipagbuno tayo sa kagipitan, kahit na ginagawa natin ang tama. Gayunman, kapag ang ating mga pasiya ay kasuwato ng kalooban ng Diyos, makapagtitiwala tayo na tutulungan niya tayong magbata at na sa dakong huli ay pagpapalain niya tayo.—2 Corinto 4:7.
Kaya kapag gumagawa ng mahalagang pasiya, huwag magtiwala sa iyong sariling karunungan. Hanapin ang mga simulain sa Bibliya na kapit sa situwasyon. Ipakipag-usap kay Jehova ang tungkol sa bagay na iyon. Kung posible, sumangguni sa may-gulang na mga kapuwa Kristiyano. Pagkatapos ay magpakalakas-loob. Gamitin ang iyong bigay-Diyos na malayang kalooban sa isang responsableng paraan. Gumawa ng mabuting pasiya at ipakita kay Jehova na ang iyong puso ay matuwid sa harap niya.
[Larawan sa pahina 28]
Sumangguni sa Salita ng Diyos bago gumawa ng mahahalagang pasiya
[Mga larawan sa pahina 28, 29]
Ipakipag-usap kay Jehova ang mga pasiya na kailangan mong gawin
[Larawan sa pahina 30]
Maaari mong ipakipag-usap ang iyong mahahalagang pasiya sa may-gulang na mga Kristiyano