Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Ginagamit Nila ang Banal na Pangalan sa Gitnang Aprika

Ginagamit Nila ang Banal na Pangalan sa Gitnang Aprika

Ginagamit Nila ang Banal na Pangalan sa Gitnang Aprika

NANINIWALA sa Diyos ang karamihan ng mga tao sa Gitnang Aprika. Wala silang alinlangan na siya ang Maylalang ng lahat ng bagay. (Apocalipsis 4:11) Gayunman, gaya ng maraming tao sa ibang lugar, kadalasan ay ipinagwawalang-bahala nila ang kaniyang personal na pangalan​—Jehova.

Ang mga tao sa Gitnang Aprika, gayundin sa ibang bahagi ng daigdig, ay tumutukoy sa pangalan ng Diyos kapag sinasabi nila, “Sambahin nawa ang pangalan mo” sa Panalangin ng Panginoon. (Mateo 6:9, King James Version) Ngunit sa loob ng mahabang panahon, iilan lamang ang nakaaalam sa pangalang iyan. Gayunman, sa paglipas ng mga taon, binago ng masigasig na gawaing pangangaral ng mga Saksi ni Jehova ang saloobin ng mga tao sa paggamit sa banal na pangalan. Sa ngayon, ang banal na pangalan ay kilaláng-kilalá at tinatanggap sa maraming wikang Aprikano, gaya ng Zulu (uJehova), Yoruba (Jehofah), Xhosa (uYehova) at Swahili (Yehova). Gayunman, ang karamihan sa mga salin ng Bibliya sa mga wikang ito ay umiiwas pa rin sa paggamit sa banal na pangalan.

Ang isang mainam na salin na gumagamit ng banal na pangalan ay ang Bibliya sa Zande, isang wikang sinasalita sa mga bahagi ng Central African Republic, Sudan, at Democratic Republic of Congo. Sa bahaging iyon ng daigdig, ginagamit ng mga tao ang pangalan ng Diyos, anupat binabaybay ito na Yekova sa kanilang katutubong wika. Paanuman ilahad ang banal na pangalan sa isang katutubong wika, mahalaga na gamitin ito. Bakit? Sapagkat “ang bawat isa na tumatawag sa pangalan ni Jehova ay maliligtas.”​—Roma 10:13.

[Mapa/Larawan sa pahina 32]

(Para sa aktuwal na format, tingnan ang publikasyon)

SUDAN

CENTRAL AFRICAN REPUBLIC

DEMOCRATIC REPUBLIC OF CONGO

[Credit Line]

The Complete Encyclopedia of Illustration/J. G. Heck