Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

“Sa Wakas ay Alam Ko na Kung Ano ang Karamdaman Ko!”

“Sa Wakas ay Alam Ko na Kung Ano ang Karamdaman Ko!”

“Sa Wakas ay Alam Ko na Kung Ano ang Karamdaman Ko!”

GANIYAN ang nadama ng isang lalaki sa Tokyo nang mabasa niya ang talambuhay sa Disyembre 1, 2000 na isyu ng Ang Bantayan. Ang artikulo ay pinamagatang “Hindi Ninyo Nalalaman Kung Ano ang Magiging Buhay Ninyo Bukas,” at inilahad nito ang karanasan ng isang dating misyonero na nagkaroon ng karamdaman na kilalá sa medisina bilang manic-depressive psychosis.

Ganito ang sinabi ng lalaking taga-Tokyo sa isang liham para sa mga tagapaglathala ng magasing ito: “Ang mga sintomas na inilarawan ay kagayang-kagaya ng sa akin. Kaya nagtungo ako sa isang ospital para sa sakit sa isip at nalaman kong mayroon akong manic depression. Namangha ang doktor na sumuri sa akin. Sinabi niya, ‘Ang mga tao na may ganitong sakit ay bihirang nag-iisip na sila’y may karamdaman.’ Natulungan akong masuri ang sakit bago ito tuluyang lumala.”

Milyun-milyong tao sa palibot ng daigdig ang nakikinabang sa iba’t ibang paraan sa pagbabasa sa bawat isyu ng Ang Bantayan at sa kasama nitong magasin, ang Gumising! Nasusumpungan nilang nakapagtuturo at kasiya-siya ang mga artikulo. Ang magasing Bantayan ay nililimbag ngayon sa 141 wika, at ang Gumising! naman ay inilalathala sa 86 wika. Masisiyahan ka rin sa pagbabasa ng Ang Bantayan at Gumising! nang palagian.