Mayroon Bang Anumang Pag-asa Ukol sa Kaligtasan?
Mayroon Bang Anumang Pag-asa Ukol sa Kaligtasan?
Ang ika-20 siglo ay tinawag na isa sa mga pinakamadugong siglo na naranasan kailanman ng sangkatauhan. Ang krimen, mga digmaan, etnikong alitan, pag-abuso sa droga, kawalang-katapatan, at karahasan ay lalo nang palasak sa nakalipas na ilang dekada. Idagdag pa rito ang kirot at pagdurusa na bunga ng sakit, pagtanda, at kamatayan. Sino ang hindi nananabik na makalaya mula sa malalaking suliranin na umiiral sa daigdig sa ngayon? Habang tumatanaw tayo sa hinaharap, mayroon bang anumang pag-asa ukol sa kaligtasan?
ISAALANG-ALANG ang pangitain na ipinagkatiwala kay apostol Juan mga 2,000 taon na ang nakalilipas. Sumulat siya: “Narito! Ang tolda ng Diyos ay nasa sangkatauhan, at tatahan siyang kasama nila, at sila ay magiging kaniyang mga bayan. At ang Diyos mismo ay sasakanila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay ay lumipas na.” (Apocalipsis 21:3, 4) Si propeta Isaias ay humula rin: “Lalamunin niya ang kamatayan magpakailanman, at tiyak na papahirin ng Soberanong Panginoong Jehova ang mga luha mula sa lahat ng mukha. At ang kadustaan ng kaniyang bayan ay aalisin niya mula sa buong lupa, sapagkat si Jehova mismo ang nagsalita nito.”—Isaias 25:8.
Gunigunihin na lamang kung ano ang magiging kahulugan ng katuparan ng mga pangako ng Diyos! Ang sangkatauhan ay sasagipin, o ililigtas, mula sa paniniil at karahasan, mula sa mga sanhi ng pagdurusa at kabagabagan. Aba, hindi na tayo sasalutin maging ng sakit, pagtanda, at kamatayan! Ang Salita ng Diyos, ang Bibliya, ay nangangako ng buhay na walang hanggan sa ilalim ng sakdal na mga kalagayan sa lupa. (Lucas 23:43; Juan 17:3) At ito ay matatamo ng lahat ng nagnanais nito. “Kalooban [ng Diyos] na ang lahat ng uri ng mga tao ay maligtas at sumapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan.”—1 Timoteo 2:3, 4.
Gayunman, upang makinabang sa mga pangako ng Diyos, dapat nating maunawaan ang papel na ginagampanan ni Jesu-Kristo sa ating kaligtasan at manampalataya tayo sa kaniya. Sinabi mismo ni Juan 3:16) Sa pagtukoy sa pangunahing papel ni Jesu-Kristo sa bagay na ito, sinabi ni apostol Pedro: “Walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na siya nating dapat ikaligtas.” (Gawa 4:12) Hinimok ni apostol Pablo at ng kaniyang kasamang si Silas ang isang taong taimtim na nagtatanong: “Maniwala ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.”—Gawa 16:30, 31.
Jesus: “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan anupat ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang bawat isa na nananampalataya sa kaniya ay hindi mapuksa kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” (Oo, si Jesu-Kristo ang “Punong Ahente ng buhay,” at ang kaligtasan ay posible lamang sa pamamagitan niya. (Gawa 3:15) Ngunit paano nagkaroon ng ganiyang pangunahing papel ang isang tao sa pagliligtas sa atin? Ang malinaw na pagkaunawa sa kaniyang papel hinggil dito ay makapagpapatibay sa ating pag-asa ukol sa kaligtasan.
[Picture Credit Lines sa pahina 2]
Pahina 3: Mga eroplanong pambomba: USAF photo; nagugutom na mga bata: UNITED NATIONS/J. FRAND; nasusunog na barkong pandigma: U.S. Navy photo