Ang Ginintuang Alituntunin—Praktikal Ito
Ang Ginintuang Alituntunin—Praktikal Ito
Bagaman minamalas ng maraming tao ang Ginintuang Alituntunin bilang isang moral na turong binigkas ni Jesus, siya mismo ay nagsabi: “Ang itinuturo ko ay hindi sa akin, kundi sa kaniya na nagsugo sa akin.”—Juan 7:16.
OO, ang Tagapagpasimula ng itinuro ni Jesus, kalakip na ang nakilala bilang ang Ginintuang Alituntunin, ay ang nagsugo kay Jesus, samakatuwid nga, ang Maylalang, ang Diyos na Jehova.
Unang nilayon ng Diyos na pakitunguhan ng buong sangkatauhan ang isa’t isa sa paraang nais din nilang pakitunguhan sila. Ipinakita niya ang pinakamainam na halimbawa ng pagmamalasakit sa kapakanan ng iba sa paraan ng kaniyang paglalang sa mga tao: “Pinasimulang lalangin ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan, nilalang niya siya ayon sa larawan ng Diyos; nilalang niya sila na lalaki at babae.” (Genesis 1:27) Nangangahulugan ito na maibiging pinagkalooban ng Diyos ang mga tao ng isang sukat ng kaniyang namumukod-tanging mga katangian upang matamasa nila ang isang buhay na mapayapa, maligaya, at may pagkakasuwato—na maaaring magpakailanman. Ang kanilang bigay-Diyos na budhi, kapag sinanay nang wasto, ay aakay sa kanila na pakitunguhan ang iba sa paraang nais din nilang pakitunguhan sila.
Nanaig ang Pag-iimbot
Yamang ang sangkatauhan ay nagkaroon ng gayong kahanga-hangang pasimula, ano ba ang nangyari? Sa simpleng pananalita, sinimulang ipakita ng mga tao ang pangit na katangian ng pag-iimbot. Karamihan ng mga tao ay pamilyar sa ulat ng Bibliya sa kung ano ang ginawa ng unang mag-asawa, gaya ng nakaulat sa Genesis kabanata 3. Palibhasa’y hinimok ni Satanas, isang mananalansang sa lahat ng matuwid na pamantayan ng Diyos, buong pag-iimbot na iwinaksi nina Adan at Eva ang pamamahala ng Diyos kapalit ng kasarinlan at kalayaang magpasiya sa ganang sarili. Ang kanilang mapag-imbot at mapaghimagsik na pagkilos ay nagdulot hindi lamang ng malaking kawalan sa kanilang sarili kundi gayundin ng kalunus-lunos na mga resulta para sa lahat ng kanilang magiging supling. Iyon ay isang maliwanag na patotoo ng kapaha-pahamak na bunga ng pagwawalang-bahala sa turo na nakilala bilang ang Ginintuang Alituntunin. Bunga nito, “sa pamamagitan ng isang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.”—Roma 5:12.
Bagaman ang sangkatauhan sa kabuuan ay tumalikod sa maibiging mga daan ng Diyos na Jehova, hindi niya sila iniwan. Halimbawa, ibinigay ni Jehova sa bansang Israel ang kaniyang Kautusan upang patnubayan sila. Itinuro nito sa kanila na pakitunguhan ang iba gaya ng nais din nilang maging pakikitungo sa kanila. Ang Kautusan ay nagbigay ng tagubilin hinggil sa pakikitungo sa mga alipin, sa mga batang lalaking walang ama, at sa mga babaing balo. Binalangkas nito kung paano haharapin ang pagsalakay, pagkidnap, at pagnanakaw. Ang mga kautusan ukol sa kalinisan ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa kalusugan ng iba. Mayroon pa ngang mga kautusan hinggil sa mga bagay na may kaugnayan sa sekso. Binuod ni Jehova ang kaniyang Kautusan sa pagsasabi sa kaniyang bayan: “Iibigin mo ang iyong kapuwa gaya ng iyong sarili,” isang pananalita na sinipi ni Jesus nang Levitico 19:18; Mateo 22:39, 40) Ang Kautusan ay naglalaman din ng mga alituntunin hinggil sa pakikitungo sa mga naninirahang dayuhan na kasama ng mga Israelita. Ang Kautusan ay nag-utos: “Huwag mong sisiilin ang naninirahang dayuhan, yamang kilala ninyo ang kaluluwa ng naninirahang dayuhan, sapagkat kayo ay naging mga naninirahang dayuhan sa lupain ng Ehipto.” Sa ibang pananalita, ang mga Israelita ay dapat magpakita ng madamaying kabaitan sa mga kapos-palad.—Exodo 23:9; Levitico 19:34; Deuteronomio 10:19.
maglaon. (Hangga’t may-katapatang sinusunod ng Israel ang Kautusan, pinagpapala ni Jehova ang bansa. Sa ilalim ng pamamahala nina David at Solomon, ang bansa ay nanagana at ang mga tao ay maligaya at nasiyahan. Isang makasaysayang ulat ang nagsasabi sa atin: “Ang Juda at ang Israel ay marami, tulad ng mga butil ng buhangin na nasa tabi ng dagat dahil sa dami, kumakain at umiinom at nagsasaya. At ang Juda at ang Israel ay patuloy na nanahanan nang tiwasay, ang bawat isa sa ilalim ng kaniyang sariling punong ubas at sa ilalim ng kaniyang sariling puno ng igos.”—1 Hari 4:20, 25.
Nakalulungkot, ang kapayapaan at katiwasayan ng bansa ay hindi nagtagal. Bagaman taglay nila ang Kautusan ng Diyos, hindi ito sinunod ng mga Israelita; hinayaan nilang mahadlangan ng pag-iimbot ang kanilang pagmamalasakit sa iba. Ito, lakip na ang apostasya, ay nagdulot sa kanila ng paghihirap bilang indibiduwal at bilang isang bansa. Sa wakas, noong taóng 607 B.C.E., pinahintulutan ni Jehova ang mga taga-Babilonya na wasakin ang kaharian ng Juda, ang lunsod ng Jerusalem, at maging ang maringal na templo roon. Sa anong dahilan? “ ‘Sa dahilang hindi ninyo sinunod ang aking mga salita, narito, magsusugo ako at kukunin ko ang lahat ng pamilya sa hilaga,’ ang sabi ni Jehova, ‘na nagsusugo pa man din kay Nabucodonosor na hari ng Babilonya, na aking lingkod, at dadalhin ko sila laban sa lupaing ito at laban sa mga tumatahan dito at laban sa lahat ng mga bansang ito sa palibot; at itatalaga ko sila sa pagkapuksa at gagawin ko silang bagay na panggigilalasan at bagay na sisipulan at mga dakong wasak hanggang sa panahong walang takda.’ ” (Jeremias 25:8, 9) Kay laking kabayaran sa pagtatakwil sa dalisay na pagsamba kay Jehova!
Isang Halimbawa na Dapat Tularan
Sa kabilang panig, hindi lamang itinuro ni Jesu-Kristo ang Ginintuang Alituntunin kundi ipinakita rin niya ang pinakamainam na halimbawa sa pagsunod dito. Siya ay tunay na nagmalasakit sa kapakanan ng iba. (Mateo 9:36; 14:14; Lucas 5:12, 13) Minsan, malapit sa lunsod ng Nain, ay nakita ni Jesus ang isang sawing-palad na babaing balo sa isang prusisyon sa libing ng kaniyang bugtong na anak na lalaki. Sinasabi ng ulat ng Bibliya: “Nang makita siya ng Panginoon, siya ay nahabag sa kaniya.” (Lucas 7:11-15) Ang pananalitang “nahabag,” ayon sa Vine’s Expository Dictionary of Old and New Testament Words, ay nagpapahiwatig ng “pagkaantig sa niloloob ng isa.” Nadama ni Jesus ang kirot sa puso ng babae, at pinakilos siya nito na gumawa ng positibong mga hakbang upang maibsan ang kirot na nadarama nito. Kay laki ngang kagalakan ang nadama ng babaing balo na iyon nang buhaying-muli ni Jesus ang batang lalaki at ‘ibinigay siya sa kaniyang ina’!
Sa katapus-tapusan, kasuwato ng layunin ng Diyos, si Jesus ay handang magdusa at ibigay ang kaniyang buhay bilang pantubos upang ang sangkatauhan ay mapalaya mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan. Ito ang sukdulang halimbawa ng pamumuhay ayon sa Ginintuang Alituntunin.—Mateo 20:28; Juan 15:13; Hebreo 4:15.
Mga Taong Nagkakapit ng Ginintuang Alituntunin
May mga tao ba sa ating panahon na talagang namumuhay ayon sa Ginintuang Alituntunin? Oo, at hindi lamang kapag maalwan na gawin ito. Halimbawa, noong Digmaang Pandaigdig II sa Nazi Alemanya, pinanatili ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang pananampalataya sa Diyos at pag-ibig sa kanilang kapuwa at tumangging ikompromiso ang Ginintuang Alituntunin. Bagaman ipinatutupad ng Estado ang isang kampanya ng poot at pagtatangi laban sa mga Judio, ang mga Saksi ni Jehova ay nagpatuloy sa pagsunod sa Ginintuang Alituntunin. Maging sa mga kampong piitan, patuloy silang nagmalasakit sa mga kapuwa tao, anupat ibinabahagi ang kanilang pagkain, bagaman kakaunti, kapuwa sa nagugutom na mga Judio at di-Judio. Karagdagan pa, bagaman inutusan ng Estado na humawak ng armas upang patayin ang iba, tumanggi silang gawin ito, kung paanong hindi rin nila nais na patayin sila ng iba. Paano nga naman nila papatayin yaong mga dapat nilang ibigin na gaya ng kanilang sarili? Dahil sa kanilang pagtanggi, marami sa kanila ang ipinadala hindi lamang sa mga kampong piitan kundi sa kanilang kamatayan.—Mateo 5:43-48.
Habang binabasa mo ang artikulong ito, nakikinabang ka sa isa pang halimbawa ng isinasagawang Isaias 2:2-4, “maraming bayan,” sa katunayan mahigit na anim na milyong indibiduwal sa buong daigdig, ang ‘tinuruan sa mga daan ni Jehova at lumalakad sa kaniyang mga landas.’ Sa makasagisag na paraan, natutuhan nilang ‘pukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod at ang kanilang mga sibat upang maging mga karit na pampungos.’ Nakasumpong sila ng kapayapaan at katiwasayan sa mabagabag na mga panahong ito.
Ginintuang Alituntunin. Natatanto ng mga Saksi ni Jehova na sa ngayon ay maraming tao ang nagdurusa nang walang pag-asa at walang tulong. Dahil dito, ang mga Saksi ay boluntaryong gumagawa ng positibong pagkilos upang tulungan ang iba na matuto tungkol sa pag-asa at sa praktikal na patnubay na masusumpungan sa Bibliya. Ito ay pawang bahagi ng pangglobong gawaing pagtuturo na isinasagawa ngayon sa lawak na wala pang katulad. Ang resulta? Gaya ng inihula saKumusta Ka Naman?
Bulay-bulayin sumandali ang matinding hirap at pagdurusa na idinulot sa sangkatauhan ng pagwawalang-bahala sa Ginintuang Alituntunin mula noong paghihimagsik sa Eden, na si Satanas na Diyablo ang nagpasimuno. Layunin ni Jehova na baligtarin ang kalagayan sa lalong madaling panahon. Paano? “Sa layuning ito inihayag ang Anak ng Diyos, samakatuwid nga, upang sirain ang mga gawa ng Diyablo.” (1 Juan 3:8) Ito ay magaganap sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian ng Diyos, sa marunong at may-kakayahang mga kamay ni Jesu-Kristo, ang isa na nagturo at namuhay ayon sa Ginintuang Alituntunin.—Awit 37:9-11; Daniel 2:44.
Ganito ang sabi ni Haring David ng sinaunang Israel: “Isang kabataan ako noon, ako ay tumanda na rin, gayunma’y hindi ko pa nakita ang matuwid na lubusang pinabayaan, ni ang kaniyang supling na naghahanap ng tinapay. Buong maghapon siyang nagpapakita ng lingap at nagpapahiram, kung kaya ang kaniyang supling ay tatanggap ng pagpapala.” (Awit 37:25, 26) Hindi ka ba sasang-ayon na karamihan sa mga tao sa ngayon ay nangunguha at nang-aagaw sa halip na “nagpapakita ng lingap at nagpapahiram”? Maliwanag, ang pagsunod sa Ginintuang Alituntunin ay maaaring umakay tungo sa tunay na kapayapaan at katiwasayan sapagkat pinangyayari nito na magtamasa ang isa ng mga pagpapala ngayon at sa hinaharap sa ilalim ng Kaharian ng Diyos. Papawiin ng Kaharian ng Diyos ang lahat ng pag-iimbot at kabalakyutan sa lupa at hahalinhan ang kasalukuyang sistema ng tiwali at gawang-taong pamamahala ng isang bagong sistema na gagawin ng Diyos. Kung magkagayon, tatamasahin ng lahat ng tao ang pamumuhay ayon sa Ginintuang Alituntunin.—Awit 29:11; 2 Pedro 3:13.
[Mga larawan sa pahina 4, 5]
Hindi lamang itinuro ni Jesus ang Ginintuang Alituntunin kundi ipinakita rin niya ang pinakamainam na halimbawa sa pagsasagawa nito
[Mga larawan sa pahina 7]
Ang pagsunod sa Ginintuang Alituntunin ay maaaring umakay tungo sa tunay na kapayapaan at katiwasayan