Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Si Henry VIII at ang Bibliya

Si Henry VIII at ang Bibliya

Si Henry VIII at ang Bibliya

SA KANIYANG aklat na History of the English-Speaking Peoples (Tomo 2), isinulat ni Winston Churchill: “Sa larangan ng paniniwala sa relihiyon ang Repormasyon ay nagdulot ng malaking pagbabago. Ang Bibliya ngayon ay nagkaroon ng bago at maimpluwensiyang awtoridad. Ipinalalagay ng nakatatandang salinlahi na ang Banal na Kasulatan ay mapanganib sa kamay ng mga di-nakapag-aral at dapat na basahin lamang ng mga pari.”

Ang ulat ay nagpatuloy: “Ang kumpletong nailimbag na mga Bibliya, na isinalin sa Ingles ni Tyndal at Coverdale, ay lumitaw sa kauna-unahang pagkakataon noong taglagas ng 1535, at ilang edisyon na ngayon ang iniimprenta. Hinimok ng Pamahalaan ang mga klero na pasiglahin ang pagbabasa ng Bibliya.” Pagkatapos ng maraming siglo ng kawalang-alam sa Bibliya, ang Inglatera ay magkakaroon ng kabatiran dito, ngunit ito’y dahilan sa pamahalaan ni Haring Henry VIII at hindi sa simbahan. *

“Bilang karagdagang dagok sa mga taong nanghahawakan sa dating mga kaugalian at mga opinyon hinggil sa Bibliya, ang Pamahalaan ay nag-atas sa Paris na mag-imprenta ng maraming Ingles na Bibliya, na mas maganda kaysa sa anumang naunang edisyon, at noong Setyembre 1538, nag-utos ito na bawat parokya sa bansa ay dapat bumili ng pinakamalaking tomo ng Bibliya sa Ingles, na ilalagay sa bawat simbahan, kung saan madaling magagamit ito at mababasa ng mga nagsisimba. Anim na kopya ang inilagay sa St Paul, sa Lunsod ng London, at pulu-pulutong ang nagtutungo sa katedral buong araw upang basahin ang mga ito, lalo na, ang sabi sa amin, kapag nakasumpong sila ng sinumang tao na may tinig na makababasa nito nang malakas.”

Nakalulungkot, sa maraming bansa, hindi sinasamantala ng marami ang kanilang pribilehiyo na magbasa ng Bibliya nang palagian. Ito ay nagdulot ng malaking pagkabahala, yamang ang Bibliya lamang ang “kinasihan ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagtutuwid ng mga bagay-bagay, sa pagdidisiplina sa katuwiran.”​—2 Timoteo 3:16.

[Talababa]

^ par. 3 Si Haring Henry VIII ay namahala sa Inglatera mula 1509 hangang 1547.

[Picture Credit Line sa pahina 32]

Henry VIII: Ipinintang larawan sa Royal Gallery sa Kensington, mula sa aklat na The History of Protestantism (Vol. I)