Ang “Umiiyak” na Puno at ang Maraming Gamit ng “Luha” Nito
Ang “Umiiyak” na Puno at ang Maraming Gamit ng “Luha” Nito
‘Kumuha ka ng balsamo para sa kirot,’ sabi ng Jeremias 51:8. Dinadala tayo ng paghahanap sa isa sa mga pinagmumulan ng lubhang nakapagpapaginhawa at nakapagpapagaling na sangkap na ito sa pulo ng Kios, sa Karagatan ng Aegean.
SA MGA unang buwan ng tag-araw, ang mga magsasaka sa Kios ay naghahanda para sa pag-aani sa isang totoong pambihirang paraan. Pagkatapos nilang walisin ang lupa, gumagawa sila ng isang patag na pundasyon ng puting luwad sa palibot ng tulad-palumpong na mga evergreen na tinatawag na mga puno ng mastic. Pagkaraan nito, ang mga magsasaka ay gumagawa ng mga hiwa sa balat ng puno, na nagpapangyaring “umiyak” ito. Ang maputlang “luha” ng dagta ay magsisimulang tumulo. Pagkatapos ng dalawa o tatlong linggo, titipunin ng mga magsasaka ang mga tulo ng dagta na namuo mula sa puno mismo o kaya’y mula sa ibabaw ng luwad sa ibaba. Ang mga “luhang” ito na tinatawag na gum mastic, ang siyang ginagamit upang gumawa ng balsamo.
Gayunpaman, nangangailangan ng pagtitiyaga at pagpapagal bago ito anihin. Ang pilipit at abuhing katawan ng puno ay napakabagal lumaki. Nangangailangan ng 40 hanggang 50 taon upang ang isang puno ay maging magulang—karaniwan nang may taas ito na mula dalawa hanggang tatlong metro.
Maliban sa trabaho ng pagputol sa mga katawan ng puno at pagtipon sa mga “luha,” karagdagan pang trabaho ang kailangan upang makagawa ng mastic. Pagkatapos matipon ng mga magsasaka ang “luha” ng mastic, sinasala nila ito, hinuhugasan, at pinagbubukud-bukod ayon sa laki at uri. Sa dakong huli, ang mastic ay lilinisin pa at saka pa lamang puwedeng gamitin sa maraming paraan.
Ang Kasaysayan ng Isang Mahalagang Tanim
Ang salitang Ingles na “mastic” ay nagmula sa Griegong salita na nangangahulugan ng “pagngalitin ang ngipin.” (Mateo 8:12; Apocalipsis 16:10) Ang pangalang ito ay nagpapahiwatig na noong sinaunang mga panahon, ang dagta ng mastic ay ginagamit bilang isang chewing gum upang mapabango ang hininga.
Ang pinakamatandang impormasyon sa mastic ay nagmula kay Herodotus, isang Griegong istoryador noong ikalimang siglo B.C.E. Ang iba pang mga sinaunang awtor at manggagamot—kasama sina Apollodorus, Dioscorides, Theophrastus, at Hippocrates—ay bumanggit sa gamit sa panggagamot ng mastic. Bagaman ang punong mastic ay lumalaki sa kahabaan ng Baybayin ng Mediteraneo, simula noong mga 50 C.E., ang produksiyon ng mastic ay halos nanatili tangi lamang sa Kios. At ang mastic ang pangunahing interes ng mga sumakop sa Kios, mula sa mga Romano hanggang sa mga taga-Genoa, at nang dakong huli ang mga Ottoman.
Ang Maraming Gamit ng Mastic
Ginamit ng sinaunang mga manggagamot na Ehipsiyo ang mastic upang gamutin ang iba’t ibang Jeremias 8:22; 46:11) Sinasabi na ang punungkahoy na nagbubunga ng estacte, isa sa mga sangkap ng mabangong banal na insenso na itinakda sa sagradong gamit, ay maaaring kabilang sa pamilya ng mga puno ng mastic.—Exodo 30:34, 35.
mga sakit, pati na ang diarrhea at artritis. Ginamit din nila ito bilang insenso at sa pag-eembalsamo. Ang puno ng mastic ay maaaring isa sa mga pinagmumulan ng ‘balsamo ng Gilead,’ na kilalang-kilala sa Bibliya sa taglay nitong sangkap na gamot at gamit sa kosmetiko at sa pag-eembalsamo. (Sa ngayon, ang mastic ay matatagpuan sa mga barnis na nag-iingat sa mga larawan na ipinipinta sa pamamagitan ng oleo, mga muwebles, at mga instrumento sa musika. Ito ay ginagamit din bilang pang-insulasyon at materyales para sa waterproofing, at ito ay kinikilala bilang isa sa pinakamahusay sa pagpapanatili ng kulay para sa tina ng tela at sa mga pintura ng pintor. Ang mastic ay ginagamit din sa mga pandikit at sa pagkukulti ng katad. Dahil sa mabangong amoy nito at iba pang mga sangkap, ang mastic ay ginagamit sa sabon, mga kosmetiko, at mga pabango.
Ang mastic ay naisulat sa 25 opisyal na listahan ng mga gamot sa buong daigdig. Ito ay malimit pa ring ginagamit sa tradisyonal na mga gamot sa daigdig ng mga Arabe. Ang mastic ay ginagamit din sa paggawa ng mga pampasta sa ngipin at pampahid sa panloob ng mga kapsula ng droga.
Bilang isang pinagmumulan ng balsamo, ang maraming gamit ng “luha” ng “umiiyak” na puno ng mastic ay nagpaginhawa at nagpagaling sa loob ng mga siglo. May mabuting dahilan kung gayon, na ang hula ni Jeremias ay nagsabi: ‘Kumuha ka ng balsamo para sa kirot.’
[Mga larawan sa pahina 31]
Kios
Ang pag-aani sa mastic
Ang “luha” ng mastic ay maingat na tinitipon
[Credit Lines]
Chios and harvest line art: Courtesy of Korais Library; all others: Kostas Stamoulis