Patuloy na Magpamalas ng Kabutihan
Patuloy na Magpamalas ng Kabutihan
“Ang bunga ng liwanag ay binubuo ng bawat uri ng kabutihan at katuwiran at katotohanan.”—EFESO 5:9.
1. Paano ipinakikita ng milyun-milyon sa ngayon na sumasang-ayon sila sa Awit 31:19?
ANG pinakamabuting bagay na magagawa ng sinumang tao ay ang luwalhatiin si Jehova. Sa ngayon, milyun-milyon ang gumagawa nito sa pamamagitan ng pagpuri sa Diyos dahil sa kaniyang kabutihan. Bilang mga matapat na Saksi ni Jehova, buong-puso tayong sumasang-ayon sa salmista na umawit: “Kay sagana ng iyong kabutihan, na pinakaingatan mo para sa mga may takot sa iyo!”—Awit 31:19.
2, 3. Ano ang mangyayari kung ang ating paggawa ng alagad ay hindi nilalakipan ng mabuting paggawi?
2 Ang may-pagpipitagang pagkatakot kay Jehova ay nag-uudyok sa atin na purihin siya dahil sa kaniyang kabutihan. Pinakikilos din tayo nito upang ‘purihin si Jehova, pagpalain siya, at ipaalam ang kaluwalhatian ng kaniyang paghahari.’ (Awit 145:10-13) Iyan ang dahilan kung bakit masigasig tayong nakikibahagi sa gawaing pangangaral ng Kaharian at paggawa ng alagad. (Mateo 24:14; 28:19, 20) Sabihin pa, ang ating gawaing pangangaral ay dapat na lakipan ng mabuting paggawi. Kung hindi, maaari tayong magdulot ng upasala sa banal na pangalan ni Jehova.
3 Maraming tao ang nag-aangking sumasamba sa Diyos, ngunit ang kanilang paggawi ay hindi kasuwato ng mga pamantayan na nakasaad sa kaniyang kinasihang Salita. Hinggil sa ilan na hindi namumuhay ayon sa kanilang pag-aangkin na gumagawa sila ng kabutihan, si apostol Pablo ay sumulat: “Ikaw ba, na nagtuturo sa iba, ay hindi nagtuturo sa iyong sarili? Ikaw, na nangangaral na ‘Huwag magnakaw,’ nagnanakaw ka ba? Ikaw, na nagsasabing ‘Huwag mangalunya,’ nangangalunya ka ba? . . . ‘Ang pangalan ng Diyos ay nalalapastangan dahil sa inyo sa gitna ng mga bansa’; gaya ng nasusulat.”—Roma 2:21, 22, 24.
4. Ano ang epekto ng ating mabuting paggawi?
4 Sa halip na magdulot ng upasala sa pangalan ni Jehova, sinisikap nating luwalhatiin ito sa pamamagitan ng ating mabuting paggawi. Ito ay may positibong epekto sa mga nasa labas ng kongregasyong Kristiyano. Una sa lahat, tinutulungan tayo nito upang patahimikin ang mga sumasalansang sa atin. (1 Pedro 2:15) Higit na mahalaga, ang ating mabuting paggawi ay umaakit ng mga tao tungo sa organisasyon ni Jehova, na nagbubukas ng daan upang sila ay makapagdulot ng kaluwalhatian sa kaniya at makapagtamo ng buhay na walang hanggan.—Gawa 13:48.
5. Anong mga tanong ang dapat nating isaalang-alang ngayon?
5 Yamang tayo ay di-sakdal, paano natin maiiwasan ang paggawi na maaaring lumapastangan kay Jehova at makatisod sa mga naghahanap ng katotohanan? Paano nga ba talaga tayo magtatagumpay sa pagpapamalas ng kabutihan?
Isang Bunga ng Liwanag
6. Ano ang ilan sa “di-mabungang mga gawa na nauukol sa kadiliman,” ngunit anong bunga ang dapat na makita sa mga Kristiyano?
6 Bilang nakaalay na mga Kristiyano, tinatamasa natin ang isang bagay na tumutulong sa atin na maiwasan ang “di-mabungang mga gawa na nauukol sa kadiliman.” Kasali rito ang mga gawaing lumalapastangan sa Diyos gaya ng pagsisinungaling, pagnanakaw, mapang-abusong pananalita, di-mabuting usapan tungkol sa sekso, kahiya-hiyang Efeso 4:25, 28, 31; 5:3, 4, 11, 12, 18) Sa halip na makibahagi tayo sa gayong mga gawain, tayo ay ‘patuloy na lumalakad bilang mga anak ng liwanag.’ Sinasabi ni apostol Pablo na “ang bunga ng liwanag ay binubuo ng bawat uri ng kabutihan at katuwiran at katotohanan.” (Efeso 5:8, 9) Kaya sa pamamagitan ng paglakad sa liwanag ay patuloy tayong makapagpapamalas ng kabutihan. Ngunit anong uri ng liwanag ito?
paggawi, malaswang pagbibiro, at paglalasing. (7. Ano ang dapat nating gawin upang patuloy na maipamalas ang bunga ng kabutihan?
7 Sa kabila ng ating mga di-kasakdalan, makapagpapamalas tayo ng kabutihan kung lalakad tayo sa espirituwal na liwanag. “Ang iyong salita ay lampara sa aking paa, at liwanag sa aking landas,” ang awit ng salmista. (Awit 119:105) Kung nais nating patuloy na ipamalas “ang bunga ng liwanag” sa pamamagitan ng “bawat uri ng kabutihan,” dapat na palagi nating samantalahin ang espirituwal na liwanag na masusumpungan sa Salita ng Diyos, na maingat na sinusuri sa mga publikasyong Kristiyano, at regular na tinatalakay sa ating mga pagpupulong ukol sa pagsamba. (Lucas 12:42; Roma 15:4; Hebreo 10:24, 25) Kailangan din nating pag-ukulan ng pantanging pansin ang halimbawa at mga turo ni Jesu-Kristo, “ang liwanag ng sanlibutan” at “ang sinag ng . . . kaluwalhatian [ni Jehova].”—Juan 8:12; Hebreo 1:1-3.
Isang Bunga ng Espiritu
8. Bakit maaari tayong magpamalas ng kabutihan?
8 Walang alinlangan na tinutulungan tayo ng espirituwal na liwanag na magpamalas ng kabutihan. Bukod dito, naipamamalas natin ang katangiang ito dahil inaakay tayo ng banal na espiritu, o aktibong puwersa, ng Diyos. Ang kabutihan ay kabilang sa “mga bunga ng espiritu.” (Galacia 5:22, 23) Kung susunod tayo sa patnubay ng banal na espiritu ni Jehova, iluluwal nito sa atin ang kamangha-manghang bunga nito na kabutihan.
9. Paano tayo makakakilos kasuwato ng mga salita ni Jesus na nakaulat sa Lucas 11:9-13?
9 Ang ating matinding hangarin na palugdan si Jehova sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kabutihan na bunga ng espiritu ay dapat magtulak sa atin upang kumilos kasuwato ng mga salita ni Jesus: “Patuloy na humingi, at ibibigay ito sa inyo; patuloy na maghanap, at kayo ay makasusumpong; patuloy na kumatok, at bubuksan ito sa inyo. Sapagkat bawat isa na humihingi ay tumatanggap, at bawat isa na naghahanap ay nakasusumpong, at sa bawat isa na kumakatok ay bubuksan ito. Tunay nga, sinong ama sa inyo, na kapag ang kaniyang anak ay humingi ng isda, ang marahil ay magbibigay sa kaniya ng serpiyente sa halip na isda? O kapag humingi rin siya ng itlog ay magbibigay sa kaniya ng alakdan? Samakatuwid, kung kayo, bagaman [di-sakdal at kung gayo’y masasabing] balakyot, ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, lalo pa ngang higit na ang Ama sa langit ay magbibigay ng banal na espiritu doon sa mga humihingi sa kaniya!” (Lucas 11:9-13) Sundin natin ang payo ni Jesus sa pamamagitan ng pananalangin ukol sa espiritu ni Jehova upang patuloy nating maipamalas ang bunga nito na kabutihan.
“Patuloy Kang Gumawa ng Mabuti”
10. Anong mga aspekto ng kabutihan ni Jehova ang binanggit sa Exodo 34:6, 7?
10 Sa pamamagitan ng espirituwal na liwanag mula sa Salita ng Diyos at sa tulong ng banal na espiritu ng Diyos, maaari tayong ‘patuloy na gumawa ng mabuti.’ (Roma 13:3) Sa pamamagitan ng regular na pag-aaral ng Bibliya, lalo tayong natututo nang higit kung paano natin matutularan ang kabutihan ni Jehova. Tinalakay ng naunang artikulo ang mga aspekto ng kabutihan ng Diyos na binanggit sa kapahayagan ni Moises na nakaulat sa Exodo 34:6, 7, kung saan mababasa natin: “Si Jehova, si Jehova, isang Diyos na maawain at magandang-loob, mabagal sa pagkagalit at sagana sa maibiging-kabaitan at katotohanan, nag-iingat ng maibiging-kabaitan sa libu-libo, nagpapaumanhin sa kamalian at pagsalansang at kasalanan, ngunit sa anumang paraan ay wala siyang pinaliligtas sa kaparusahan.” Ang masusing pagsusuri sa mga aspektong ito ng kabutihan ni Jehova ay tutulong sa atin upang ‘patuloy na gumawa ng mabuti.’
11. Paano tayo dapat maapektuhan ng pagkaalam na si Jehova ay maawain at may magandang-loob?
11 Itinatawag-pansin sa atin ng banal na kapahayagang ito ang pangangailangang tularan si Jehova sa pamamagitan ng pagiging maawain at may magandang-loob. “Maligaya ang mga maawain,” ang sabi ni Jesus, “yamang sila ay pagpapakitaan ng awa.” (Mateo 5:7; Lucas 6:36) Palibhasa’y nababatid na si Jehova ay may magandang-loob, tayo ay napakikilos na magpamalas ng kagandahang-loob at maging kaiga-igaya sa pakikitungo natin sa iba, pati sa mga pinangangaralan natin. Ito ay kasuwato ng payo ni Pablo: “Ang inyong pananalita nawa ay laging may kagandahang-loob, na tinimplahan ng asin, upang malaman kung paano kayo dapat magbigay ng sagot sa bawat isa.”—Colosas 4:6.
12. (a) Yamang ang Diyos ay mabagal sa pagkagalit, paano natin dapat pakitunguhan ang iba? (b) Inuudyukan tayo ng maibiging-kabaitan ni Jehova na gawin ang ano?
12 Yamang ang Diyos ay mabagal sa pagkagalit, ang ating hangaring ‘patuloy na gumawa ng mabuti’ ay nagpapakilos sa atin na pagpasensiyahan ang maliliit na pagkakamali ng mga kapananampalataya at magtuon ng pansin sa kanilang mabubuting katangian. (Mateo 7:5; Santiago 1:19) Ang maibiging-kabaitan ni Jehova ay nag-uudyok sa atin na magpamalas ng matapat na pag-ibig, kahit sa ilalim ng napakahirap na mga kalagayan. Tiyak na ito ay lubhang kanais-nais.—Kawikaan 19:22.
13. Paano tayo dapat kumilos upang maipamalas natin na si Jehova ay ‘sagana sa katotohanan’?
13 Yamang ang ating makalangit na Ama ay ‘sagana sa katotohanan,’ sinisikap nating ‘irekomenda ang ating sarili bilang mga ministro niya sa [pamamagitan ng] tapat na pananalita.’ (2 Corinto 6:3-7) Kabilang sa pitong bagay na karima-rimarim kay Jehova ang “bulaang dila” at “bulaang saksi na nagbubunsod ng mga kasinungalingan.” (Kawikaan 6:16-19) Kaya ang ating hangaring palugdan ang Diyos ay nagpapakilos sa atin na ‘alisin ang kabulaanan at magsalita ng katotohanan.’ (Efeso 4:25) Huwag nawa tayong mabigo sa pagpapamalas ng kabutihan sa mahalagang paraan na ito.
14. Bakit tayo dapat na maging mapagpatawad?
14 Ang kapahayagan ng Diyos kay Moises ay dapat ding mag-udyok sa atin na maging mapagpatawad, sapagkat si Jehova ay handang magpatawad. (Mateo 6:14, 15) Sabihin pa, pinarurusahan ni Jehova ang mga di-nagsisising nagkasala. Kung gayon ay dapat nating itaguyod ang kaniyang mga pamantayan sa kabutihan may kaugnayan sa pagpapanatili sa espirituwal na kalinisan ng kongregasyon.—Levitico 5:1; 1 Corinto 5:11, 12; 1 Timoteo 5:22.
“Manatili Kayong Mahigpit na Nagbabantay”
15, 16. Paano tayo matutulungan ng payo ni Pablo na nakaulat sa Efeso 5:15-19 na patuloy na magsagawa ng kabutihan?
15 Upang patuloy na maipamalas ang kabutihan sa kabila ng kabalakyutan na nakapalibot sa atin, kailangang tayo ay mapuspos ng espiritu ng Diyos at nagbabantay sa kung paano tayo lumalakad. Alinsunod dito, hinimok ni Pablo ang mga Kristiyano sa Efeso: “Manatili kayong mahigpit na nagbabantay na ang inyong paglakad ay hindi gaya ng di-marurunong kundi gaya ng marurunong, na binibili ang naaangkop na panahon para sa inyong sarili, sapagkat ang mga araw ay balakyot. Dahil dito ay huwag na kayong maging di-makatuwiran, kundi patuloy ninyong unawain kung ano ang kalooban ni Jehova. Gayundin, huwag kayong magpakalasing sa alak, kung saan may kabuktutan, Efeso 5:15-19) Tiyak na angkop ang payong ito para sa atin sa mapanganib na mga huling araw na ito.—2 Timoteo 3:1.
kundi patuloy kayong mapuspos ng espiritu, na nagsasalita sa isa’t isa ng mga salmo at mga papuri sa Diyos at espirituwal na mga awit, na umaawit at sinasaliwan ang inyong sarili ng musika sa inyong mga puso para kay Jehova.” (16 Upang patuloy tayong makagawa ng kabutihan, dapat na manatili tayong mahigpit na nagbabantay na ang ating paglakad ay gaya niyaong mga gumagamit ng makadiyos na karunungan. (Santiago 3:17) Dapat nating iwasan ang malulubhang pagkakasala at dapat tayong mapuspos ng banal na espiritu, anupat hinahayaang akayin nito ang ating sarili. (Galacia 5:19-25) Sa pamamagitan ng pagkakapit sa espirituwal na tagubilin na ibinibigay sa mga Kristiyanong pagpupulong, asamblea, at mga kombensiyon, makapagpapatuloy tayong gumawa ng mabuti. Ang mga salita ni Pablo sa mga taga-Efeso ay maaaring magpaalaala rin sa atin na sa karamihan ng ating mga pagtitipon ukol sa pagsamba, nakikinabang tayo mula sa ating taos-pusong pag-awit ng “espirituwal na mga awit”—na marami sa mga ito ay nagtutuon ng pansin sa espirituwal na mga katangian, tulad ng kabutihan.
17. Kung ang kanilang kalagayan ay humahadlang sa kanila sa regular na pagdalo sa mga pagpupulong, sa ano makatitiyak ang mga Kristiyanong may malulubhang karamdaman?
17 Kumusta naman ang ating mga kapananampalataya na hindi makadalo nang regular sa mga Kristiyanong pagpupulong dahil sa isang malubha’t nagtatagal na karamdaman? Baka nadarama nilang sila ay sinisiil dahil hindi sila laging makasamba kay Jehova na tuwirang kasama ang kanilang espirituwal na mga kapatid. Ngunit makatitiyak sila na nauunawaan ni Jehova ang kanilang mga kalagayan, pananatilihin sila sa liwanag, ipagkakaloob sa kanila ang kaniyang banal na espiritu, at tutulungan sila na patuloy na magawa ang mabuti.—Isaias 57:15.
18. Ano ang tutulong sa atin upang maitaguyod ang isang landasin ng kabutihan?
18 Ang pagtataguyod ng isang landasin ng kabutihan ay humihiling na bantayan natin ang ating pakikisama at lumayo sa mga “walang pag-ibig sa kabutihan.” (2 Timoteo 3:2-5; 1 Corinto 15:33) Ang pagkakapit sa gayong payo ay tumutulong sa atin na maiwasang “pighatiin ang banal na espiritu ng Diyos” sa pamamagitan ng pagkilos na salungat sa mga pag-akay nito. (Efeso 4:30) Bukod dito, natutulungan tayong gumawa ng mabuti kung pinauunlad natin ang malapít na pakikisama sa mga taong ang pamumuhay ay nagpapatunay na iniibig nila ang kabutihan at inaakay sila ng banal na espiritu ni Jehova.—Amos 5:15; Roma 8:14; Galacia 5:18.
Ang Kabutihan ay Nagdudulot ng Maiinam na Resulta
19-21. Ilahad ang mga karanasang nagpapakita sa epekto ng pagpapamalas ng kabutihan.
19 Ang paglakad sa espirituwal na liwanag, pagsunod sa patnubay ng espiritu ng Diyos, at ang pagbabantay kung paano tayo lumalakad ay tutulong sa atin na maiwasan ang masama at ‘patuloy na gumawa ng mabuti.’ Ito naman ay maaaring magbunga ng maiinam na resulta. Isaalang-alang ang halimbawa ni Zongezile, isa sa mga Saksi ni Jehova sa Timog Aprika. Isang umaga, nang patungo siya sa paaralan, inalam niya ang halaga ng kaniyang maliit na naipong pera. May-kamaliang isinaad sa resibong galing sa automatic teller machine na sobra ito ng R42,000 ($6,000, U.S.). Hinimok siya ng isang guwardiya sa bangko at ng iba pa na kunin ang pera at ideposito ito para sa kaniya sa ibang bangko. Tanging ang mag-asawang Saksi na naninirahang kasama niya ang pumuri sa kaniyang di-pagkuha ng kahit kaunti sa perang iyon.
20 Nang sumunod na araw ng pagtatrabaho, iniulat ni Zongezile sa bangko ang tungkol sa pagkakamali. Natuklasan na siya ay may account number na katulad niyaong sa isang mayamang negosyante na may-kamaliang nagdeposito ng pondo sa maling account. Palibhasa’y nagtaka na hindi ginastos ni Zongezile ang kaunti man sa perang ito, nagtanong sa kaniya ang negosyante: “Ano ang relihiyon mo?” Ipinaliwanag ni Zongezile na siya ay isa sa mga Saksi ni Jehova. Siya ay malugod na pinuri ng mga opisyal ng bangko, na nagsabi: “Sana ang lahat ng mga tao ay kasintapat ng mga Saksi ni Jehova.” Totoo naman, ang mga gawa ng katapatan at kabutihan ay maaaring magpangyari sa iba na luwalhatiin si Jehova.—Hebreo 13:18.
21 Ang mga gawa ng kabutihan ay hindi kailangang maging pambihira para magkaroon ng mainam na epekto. Upang ilarawan: Isang kabataang Saksi na naglilingkod bilang isang buong-panahong ebanghelisador sa isa sa mga isla ng Samoa ang kinailangang magtungo sa lokal na ospital.
Ang mga tao ay naghihintay upang magpatingin sa isang doktor, at napansin ng Saksi na isang may-edad nang babae na may malubhang sakit ang kasunod niya. Pinauna na niya ang babae upang agad itong magamot. Sa sumunod na pagkakataon, nakatagpo ng Saksi ang may-edad nang babaing ito sa palengke. Natandaan siya ng babae at ang kaniyang mabuting ginawa sa ospital. “Alam ko na ngayon na talagang iniibig ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang kapuwa,” ang sabi niya. Bagaman siya ay dating di-tumutugon sa mensahe ng Kaharian, ang kabutihang ipinakita sa kaniya ng Saksi ay nagkaroon ng mainam na resulta. Tinanggap niya ang alok na pantahanang pag-aaral sa Bibliya at nagsimulang kumuha ng kaalaman sa Salita ng Diyos.22. Ano ang isang lalong mahalagang paraan upang ‘patuloy na gumawa ng mabuti’?
22 Malamang na makapaglalahad ka ng mga karanasan na nagpapakita sa kahalagahan ng pagpapamalas ng kabutihan. Ang isang lalong mahalagang paraan upang ‘patuloy na gumawa ng mabuti’ ay ang magkaroon ng regular na pakikibahagi sa pagpapahayag ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Mateo 24:14) Patuloy nawa tayong makibahagi nang may kasigasigan sa napakahalagang gawaing ito, na natatantong ito ay isang paraan ng paggawa ng mabuti, lalo na sa mga tumugon nang may pagsang-ayon. Higit na mahalaga, ang ating ministeryo at mabuting paggawi ay lumuluwalhati kay Jehova, ang mismong pinagmumulan ng kabutihan.—Mateo 19:16, 17.
Patuloy na ‘Gumawa ng Mabuti’
23. Bakit isang mabuting gawain ang ministeryong Kristiyano?
23 Walang alinlangan na isang mabuting gawain ang ating ministeryo. Maaari itong magbunga ng kaligtasan natin at niyaong mga nakikinig sa mensahe ng Bibliya at sa gayo’y nakatatahak sa daang umaakay sa buhay na walang hanggan. (Mateo 7:13, 14; 1 Timoteo 4:16) Kung gayon, kapag napapaharap tayo sa mga pagpapasiya, ang hangaring gumawa ng mabuti ay malamang na magpapangyari sa atin na tanungin ang ating sarili: ‘Paano makaaapekto ang pasiyang ito sa aking gawaing pangangaral ng Kaharian? Talaga bang mabuti ang landasing isinasaalang-alang ko? Tutulong kaya ito sa akin upang matulungan ang iba na tanggapin ang “walang-hanggang mabuting balita” at magkaroon ng isang matalik na kaugnayan sa Diyos na Jehova?’ (Apocalipsis 14:6) Malaking kagalakan ang magiging bunga ng isang pasiya na nagtataguyod sa mga kapakanan ng Kaharian.—Mateo 6:33; Gawa 20:35.
24, 25. Ano ang ilang paraan upang makagawa ng mabuti sa kongregasyon, at sa ano tayo makatitiyak kung patuloy tayong magpapamalas ng kabutihan?
24 Huwag nating maliitin kailanman ang kapaki-pakinabang na mga epekto ng kabutihan. Maaari nating patuloy na ipamalas ang katangiang ito sa pamamagitan ng pagsuporta sa kongregasyong Kristiyano at sa paggawa ng buong makakaya natin upang mapangalagaan ang mga kapakanan nito. Tiyak na gumagawa tayo ng mabuti kapag regular tayong dumadalo at nakikibahagi sa mga Kristiyanong pagpupulong. Ang mismong pagdalo natin ay nagpapasigla sa mga kapuwa mananamba, at ang ating inihandang-mabuting mga komento ay nagpapatibay sa kanila sa espirituwal na paraan. Gumagawa rin tayo ng mabuti kapag ginagamit natin ang ating mga tinatangkilik upang mantinihin ang Kingdom Hall at kapag tumutulong tayo upang mapangalagaan ito nang wasto. (2 Hari 22:3-7; 2 Corinto 9:6, 7) Ang totoo, “habang tayo ay may panahong kaayaaya para rito, gumawa tayo ng mabuti sa lahat, ngunit lalo na roon sa mga may kaugnayan sa atin sa pananampalataya.”—Galacia 6:10.
25 Hindi natin mahuhulaan ang bawat situwasyon na mangangailangan ng pagpapamalas ng kabutihan. Kung gayon, habang napapaharap tayo sa bagong mga hamon, hanapin natin ang kaliwanagan mula sa Kasulatan, manalangin ukol sa banal na espiritu ni Jehova, at gawin ang ating buong makakaya upang maisakatuparan ang kaniyang mabuti at sakdal na kalooban. (Roma 2:9, 10; 12:2) Makapagtitiwala tayo na saganang pagpapalain tayo ni Jehova habang patuloy nating ipinamamalas ang kabutihan.
Paano Mo Sasagutin?
• Paano natin maisasagawa ang pinakamabuting bagay?
• Bakit tinawag na ‘bunga ng liwanag’ ang kabutihan?
• Bakit tinawag na ‘bunga ng espiritu’ ang kabutihan?
• May anong epekto ang ating mabuting paggawi?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 17]
Ang Salita ng Diyos at ang kaniyang banal na espiritu ay tumutulong sa atin na magpamalas ng kabutihan
[Mga larawan sa pahina 18]
Ang pagpapamalas ng kabutihan ay nagdudulot ng maiinam na resulta