Napagtagumpayan Nila ang mga Tinik sa Kanilang Laman
Napagtagumpayan Nila ang mga Tinik sa Kanilang Laman
“Ibinigay sa akin ang isang tinik sa laman, isang anghel ni Satanas, upang palaging sumampal sa akin.”—2 CORINTO 12:7.
1. Ano ang ilang suliranin na napapaharap sa mga tao sa ngayon?
NAKIKIPAGPUNYAGI ka ba sa isang kasalukuyang pagsubok? Kung oo, hindi ka nag-iisa. Sa “mga panahong [ito na] mapanganib [at] mahirap pakitunguhan,” ang tapat na mga Kristiyano ay nagbabata ng matinding pagsalansang, mga suliranin sa pamilya, karamdaman, kabalisahan sa pananalapi, emosyonal na kabagabagan, pagkamatay ng mga minamahal, at iba pang mga hamon. (2 Timoteo 3:1-5) Sa ilang lupain, ang buhay ng marami ay isinasapanganib ng kakapusan sa pagkain at mga digmaan.
2, 3. Anong negatibong saloobin ang maaaring ibunga ng tulad-tinik na mga suliraning kinakaharap natin, at paano maaaring maging mapanganib iyon?
2 Dahil sa gayong mga suliranin, ang isa ay maaaring manlupaypay, lalo na kung sabay-sabay na dumarating ang mga dagok. Pansinin ang sinasabi ng Kawikaan 24:10: “Nanghihina ba ang iyong loob sa araw ng kabagabagan? Ang iyong kalakasan ay magiging kaunti.” Oo, ang pagkasira ng loob dahil sa mga pagsubok sa atin ay makapag-aalis ng lubhang kinakailangan nating lakas at makapagpapahina sa ating pasiya na magbata hanggang sa wakas. Paano?
3 Buweno, ang pagkasira ng loob ay maaaring mag-alis ng ating pagiging makatuwiran. Halimbawa, madali para sa atin na palakihin ang ating mga suliranin at magsimulang mahabag sa ating sarili. Ang iba ay baka pa nga dumaing sa Diyos, “Bakit po ninyo hinahayaang mangyari ito sa akin?” Kung magkaugat sa puso ng isang tao ang gayong negatibong saloobin, maaari nitong sirain ang kaniyang kagalakan at pagtitiwala. Maaaring masiphayo nang gayon na lamang ang isang lingkod ng Diyos anupat maaaring sumuko pa nga siya sa pakikipaglaban ng “mainam na pakikipaglaban ng pananampalataya.”—1 Timoteo 6:12.
4, 5. Sa ilang kalagayan, paano nasasangkot si Satanas sa ating mga suliranin, subalit anong pagtitiwala ang maaari nating taglayin?
4 Tiyak na hindi ang Diyos na Jehova ang pinagmumulan ng mga pagsubok sa atin. (Santiago 1:13) Dumarating talaga ang ilang pagsubok sa atin dahil lamang sa sinisikap nating maging tapat sa kaniya. Sa katunayan, lahat ng naglilingkod kay Jehova ay nagiging tudlaan ng kaniyang pinakamahigpit na kaaway, si Satanas na Diyablo. Sa maikling panahon na natitira sa kaniya, sinisikap nitong balakyot na “diyos ng sistemang ito ng mga bagay” na pahintuin ang sinumang umiibig kay Jehova sa paggawa ng Kaniyang kalooban. (2 Corinto 4:4) Pinasasapit ni Satanas ang lahat ng pagdurusang magagawa niya sa buong samahan ng ating mga kapatid sa palibot ng daigdig. (1 Pedro 5:9) Totoo, hindi naman si Satanas ang tuwirang nasa likod ng lahat ng ating problema, ngunit maaari niyang samantalahin ang mga suliraning kinakaharap natin, anupat sinisikap na lalo tayong pahinain.
5 Subalit gaano man kahusay si Satanas o ang kaniyang mga sandata, madaraig natin siya! Paano natin matitiyak iyan? Sapagkat ang Diyos na Jehova ang nakikipaglaban para sa atin. Tinitiyak niya na ang kaniyang mga lingkod ay hindi walang-alam kung tungkol sa mga pakana ni Satanas. (2 Corinto 2:11) Sa katunayan, maraming sinasabi sa atin ang Salita ng Diyos tungkol sa mga pagsubok na nararanasan ng mga tunay na Kristiyano. Sa kaso ni apostol Pablo, ginamit ng Bibliya ang pananalitang “isang tinik sa laman.” Bakit? Tingnan natin kung paano ipinaliliwanag ng Salita ng Diyos ang pariralang iyan. Sa gayon ay makikita natin na hindi lamang tayo ang nangangailangan ng tulong ni Jehova upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok.
Kung Bakit Tulad ng mga Tinik ang mga Pagsubok
6. Ano ang ibig sabihin ni Pablo sa “isang tinik sa laman,” at maaaring ano ang naging tinik na iyon?
6 Yamang labis na pinahirapan ng mga pagsubok, si Pablo ay kinasihang sumulat: “Ibinigay sa akin ang isang tinik sa laman, isang anghel ni Satanas, upang palaging sumampal sa akin, upang hindi ako labis na magmataas.” (2 Corinto 12:7) Ano ba ang tinik na ito sa laman ni Pablo? Buweno, tiyak na makirot ang isang tinik na bumaon nang malalim sa balat. Kaya ipinahihiwatig ng metaporang ito ang isang bagay na nagdulot ng kirot kay Pablo—iyon man ay pisikal, emosyonal, o pareho. Maaaring pinahihirapan si Pablo ng sakit sa mata o iba pang pisikal na karamdaman. O kaya ang tinik ay maaaring nangangahulugan ng mga indibiduwal na kumukuwestiyon sa mga kredensiyal ni Pablo bilang isang apostol at humahamak sa kaniyang gawaing pangangaral at pagtuturo. (2 Corinto 10:10-12; 11:5, 6, 13) Anuman iyon, ang tinik na iyon ay nananatili at hindi maaalis.
7, 8. (a) Ano ang ipinahihiwatig ng pananalitang “upang palaging sumampal”? (b) Bakit mahalaga na makayanan natin ang anumang tinik na nagpapahirap sa atin ngayon?
7 Pansinin na ang tinik ay palaging sumasampal kay Pablo. Kapansin-pansin, ang pandiwang Griego na ginamit dito ni Pablo ay mula sa salita para sa “mga buko ng daliri.” Ang salitang iyan ay literal na ginamit sa Mateo 26:67 at makasagisag naman na ginamit sa 1 Corinto 4:11. Sa mga talatang iyon, inihahatid nito ang ideya ng pambubugbog sa pamamagitan ng mga kamao. Dahil sa matinding poot ni Satanas kay Jehova at sa Kaniyang mga lingkod, makatitiyak tayo na ikinatutuwa ng Diyablo na isang tinik ang palaging sumasampal kay Pablo. Sa ngayon, natutuwa rin si Satanas kapag nililigalig din tayo ng isang tinik sa laman.
8 Kung gayon, tulad ni Pablo, kailangan nating malaman kung paano mapagtatagumpayan ang gayong mga tinik. Ang paggawa nito ay nangangahulugan ng atin mismong buhay! Tandaan, nais ni Jehova na humaba ang ating buhay magpakailanman sa kaniyang bagong sanlibutan, kung saan hindi na tayo kailanman pipighatiin ng tulad-tinik na mga suliranin. Upang tulungan tayong matamo ang kahanga-hangang gantimpalang ito, binigyan tayo ng Diyos ng maraming halimbawa sa kaniyang banal na Salita, ang Bibliya, anupat ipinakikita na mapagtatagumpayan ng kaniyang tapat na mga lingkod ang mga tinik sa kanilang laman. Sila ay ordinaryo at di-sakdal na mga taong katulad natin. Ang pagsasaalang-alang sa ilan sa mga kabilang sa napakalaking “ulap [na ito] ng mga saksi” ay makatutulong sa atin na ‘takbuhin nang may pagbabata ang takbuhan na inilagay sa harap natin.’ (Hebreo 12:1) Ang pagbubulay-bulay sa kung ano ang kanilang binatá ay makapagpapalaki sa ating pagtitiwala na makakayanan natin ang anumang tinik na maaaring gamitin ni Satanas laban sa atin.
Ang mga Tinik na Nagpahirap kay Mepiboset
9, 10. (a) Paano nagkaroon ng isang tinik sa kaniyang laman si Mepiboset? (b) Anong kabaitan ang ipinakita ni Haring David kay Mepiboset, at paano natin matutularan si David?
9 Isaalang-alang si Mepiboset, ang anak ng kaibigan ni David na si Jonatan. Nang si Mepiboset ay limang taong gulang, dumating ang balita na ang kaniyang ama, si Jonatan, at ang kaniyang lolo na si Haring Saul ay napatay. Nataranta ang yaya ng bata. Kaniyang “binuhat siya . . . , ngunit nangyari nga nang tumatakbo ito sa takot upang tumakas, siya ay nahulog at napilay.” (2 Samuel 4:4) Ang kapansanang ito ay tiyak na isang malaking tinik para kay Mepiboset na kailangang batahin habang siya’y lumalaki.
10 Pagkaraan ng ilang taon, udyok ng kaniyang matinding pag-ibig kay Jonatan, si Haring David ay nagpahayag ng maibiging-kabaitan kay Mepiboset. Ibinigay sa kaniya ni David ang lahat ng pag-aari ni Saul at inatasan ang tagapaglingkod ni Saul na si Ziba bilang katiwala ng lupaing iyon. Sinabi rin ni David kay Mepiboset: ‘Ikaw ay palagiang kakain ng tinapay sa aking mesa.’ (2 Samuel 9:6-10) Tiyak na nakaaliw kay Mepiboset ang maibiging-kabaitan ni David at nakatulong ito upang maibsan ang pasakit na dulot ng kaniyang kapansanan. Ano ngang inam na halimbawa! Dapat din tayong magpakita ng kabaitan sa mga nakikipagpunyagi sa isang tinik sa laman.
11. Ano ang sinabi ni Ziba tungkol kay Mepiboset, ngunit bakit alam nating kasinungalingan ang sinabi niya? (Tingnan ang talababa.)
11 Nang maglaon, kinailangang makipagpunyagi ni Mepiboset sa isa pang tinik sa kaniyang laman. Siya ay siniraang-puri ng kaniyang lingkod na si Ziba kay Haring David, na noo’y tumatakas mula sa Jerusalem dahil sa paghihimagsik ni Absalom, ang anak ni David. Sinabi ni Ziba na si Mepiboset ay buong kataksilang nagpaiwan sa Jerusalem sa pag-asang matamo para sa kaniyang sarili * Pinaniwalaan ni David ang paninirang-puri ni Ziba at ibinigay tuloy ang lahat ng ari-arian ni Mepiboset sa sinungaling na iyon!—2 Samuel 16:1-4.
ang pagkahari.12. Paano tumugon si Mepiboset sa kaniyang situwasyon, at paano siya naging isang mainam na halimbawa para sa atin?
12 Gayunman, nang sa wakas ay makita ni Mepiboset si David, sinabi niya sa hari ang talagang nangyari. Naghahanda na siya noon na sumama kay David nang linlangin siya ni Ziba at magprisinta na siya na ang sasama kapalit niya. Itinuwid ba ni David ang pagkakamaling ito? Sa isang bahagi. Hinati niya ang pag-aari sa pagitan ng dalawang lalaki. Narito ngayon ang isa na namang magiging tinik sa laman ni Mepiboset. Siya ba ay lubhang nasiphayo? Tinutulan ba niya ang pasiya ni David, anupat sinabing hindi makatuwiran iyon? Hindi, buong-kapakumbabaan siyang nagpaubaya sa kagustuhan ng hari. Nagtuon siya ng pansin sa positibong mga bagay, na ikinagagalak ang ligtas na pagbabalik ng nararapat na hari ng Israel. Tunay na nagpakita si Mepiboset ng mahusay na halimbawa sa pamamagitan ng pagbabata ng kapansanan, paninirang-puri, at pagkasiphayo.—2 Samuel 19:24-30.
Napagtagumpayan ni Nehemias ang mga Pagsubok sa Kaniya
13, 14. Anong mga tinik ang kinailangang batahin ni Nehemias nang magbalik siya upang itayong muli ang mga pader ng Jerusalem?
13 Isip-isipin ang makasagisag na mga tinik na binatá ni Nehemias nang magbalik siya sa walang-pader na lunsod ng Jerusalem noong ikalimang siglo B.C.E. Natagpuan niyang talagang walang-pananggalang ang lunsod, at ang nagsibalik na mga Judio ay di-organisado, nasisiraan ng loob, at di-malinis sa paningin ni Jehova. Bagaman awtorisado ni Haring Artajerjes na muling itayo ang mga pader ng Jerusalem, natuklasan agad ni Nehemias na ang kaniyang misyon ay kasuklam-suklam sa mga gobernador ng kalapit na mga lupain. “Sa kanila ay naging napakasama nito na ang isang tao ay pumaroon upang maghangad ng ikabubuti ng mga anak ni Israel.”—Nehemias 2:10.
14 Ginawa ng mga banyagang mananalansang na iyon ang buong makakaya nila upang patigilin ang gawain ni Nehemias. Tiyak na ang kanilang mga pagbabanta, kasinungalingan, paninirang-puri, pananakot—pati na ang pagpapadala ng mga espiya upang sirain ang kaniyang loob—ay malamang na naging tulad ng namamalaging mga tinik sa kaniyang laman. Napadala ba siya sa mga pakana ng mga kaaway na iyon? Hindi! Lubusan siyang nagtiwala sa Diyos, anupat hindi nanghina. Sa gayon, nang maitayong muli sa wakas ang mga pader ng Jerusalem, naglaan ang mga ito ng namamalaging patotoo sa maibiging suporta ni Jehova kay Nehemias.—Nehemias 4:1-12; 6:1-19.
15. Anong mga suliranin sa gitna ng mga Judio ang lubhang bumagabag kay Nehemias?
15 Bilang gobernador, kinailangan ding makipagpunyagi si Nehemias sa maraming suliranin sa gitna ng bayan ng Diyos. Ang mga kahirapang ito ay tulad ng mga tinik na lubhang bumagabag sa kaniya Nehemias 5:1-10) Nilalabag ng maraming Judio ang Sabbath at hindi nila sinusuportahan ang mga Levita at ang templo. Gayundin, ang ilan ay nagkaroon ng “mga asawang Asdodita, Ammonita at Moabita.” Anong sakit nito para kay Nehemias! Ngunit hindi siya napasuko ng mga tinik na ito. Paulit-ulit niyang tinugon ang hamon ng pagiging masigasig na tagapagtaguyod ng matutuwid na kautusan ng Diyos. Tulad ni Nehemias, huwag nawa nating pahintulutan ang di-tapat na paggawi ng iba na italikod tayo sa matapat na paglilingkod kay Jehova.—Nehemias 13:10-13, 23-27.
dahil naapektuhan ng mga ito ang kaugnayan ng bayan kay Jehova. Ang mayayaman ay nagpapataw ng mabigat na interes, at kinailangan namang isuko ng kanilang mas mahihirap na kapatid ang kanilang lupain at ipagbili pa nga ang kanilang mga anak sa pagkaalipin upang makabayad sa mga pagkakautang at sa buwis na sinisingil ng Persia. (Nagtagumpay ang Maraming Iba Pang Tapat
16-18. Paano niligalig ng sigalot sa pamilya sina Isaac at Rebeka, Hana, David, at Oseas?
16 Naglalaman ang Bibliya ng maraming iba pang halimbawa ng mga taong nagtagumpay sa nakapipighating mga situwasyon na tulad ng mga tinik. Ang isang karaniwang pinagmumulan ng gayong mga tinik ay ang mga suliranin sa pamilya. Ang dalawang asawa ni Esau “ay naging sanhi ng kapaitan ng espiritu para kay Isaac at kay Rebeka,” ang mga magulang ni Esau. Sinabi pa nga ni Rebeka na namumuhi siya sa kaniyang buhay na kasama ang mga babaing iyon. (Genesis 26:34, 35; 27:46) Isipin din si Hana at kung paano siya ‘lubhang niligalig’ ng kaniyang karibal na asawang babae, si Penina, dahil si Hana ay baog. Marahil ay madalas na nararanasan ni Hana ang pasakit na ito sa loob ng kanilang tahanan. Hayagan din siyang niligalig ni Penina—tiyak na sa harap ng mga kamag-anak at mga kaibigan—nang dumalo ang pamilya sa kapistahan sa Shilo. Ito ay tulad ng pagdiin upang lalong bumaon ang tinik sa laman ni Hana.—1 Samuel 1:4-7.
17 Isip-isipin kung ano ang binatá ni David dahil sa baliw na paninibugho ng kaniyang biyenang si Haring Saul. Upang iligtas ang kaniyang buhay, si David ay napilitang manirahan sa mga yungib sa ilang ng En-gedi, kung saan kinailangan niyang umakyat sa mga matarik at mapanganib na mabatong daanan. Ang kawalang-katarungang iyon ay tiyak na nakagagalit, sapagkat wala naman siyang nagawang anumang masama laban kay Saul. Gayunpaman, si David ay kinailangang mamuhay bilang takas sa loob ng maraming taon—lahat ng ito ay dahil sa paninibugho ni Saul.—1 Samuel 24:14, 15; Kawikaan 27:4.
18 Gunigunihin ang sigalot sa pamilya na lumigalig kay propeta Oseas. Ang kaniyang asawa ay nangalunya. Tiyak na ang pagiging imoral nito ay naging tulad ng mga tinik na bumaon sa puso ni Oseas. At tiyak namang nadagdagan ang kaniyang dalamhati nang magsilang ito ng dalawang anak sa labas bunga ng pakikiapid nito!—Oseas 1:2-9.
19. Anong pag-uusig ang nagpahirap kay propeta Micaias?
19 Ang isa pang tinik sa laman ay ang pag-uusig. Tingnan ang karanasan ni Micaias na propeta. Ang makita na pinalibutan ng balakyot na si Haring Ahab ang kaniyang sarili ng mga bulaang propeta at na pinaniwalaan ni Ahab ang kanilang lantarang mga kasinungalingan ay tiyak na nagpahirap sa matuwid na kaluluwa ni Micaias. Pagkatapos, 1 Hari 22:6, 9, 15-17, 23-28) Alalahanin din si Jeremias at ang naging pagtrato sa kaniya ng kaniyang mapamaslang na mga mang-uusig.—Jeremias 20:1-9.
nang sabihin ni Micaias kay Ahab na ang lahat ng mga propetang iyon ay nagsasalita sa pamamagitan ng “isang espiritung mapanlinlang,” ano ang ginawa ng pinuno ng mga mandarayang iyon? Aba, “sinampal [niya] si Micaias sa pisngi”! Mas masahol ang naging tugon ni Ahab sa babala ni Jehova na ang kampanya upang bawiin ang Ramot-gilead ay nakatakdang mabigo. Ipinag-utos ni Ahab na itapon si Micaias sa bilangguan at bawasan ang rasyon sa kaniya. (20. Anong mga tinik ang kinailangang batahin ni Noemi, at paano siya ginantimpalaan?
20 Ang pagkamatay ng mga minamahal ay isa pang mapait na situwasyon na maaaring maging tulad ng isang tinik sa laman. Kinailangang batahin ni Noemi ang masakit na pangungulila dahil sa pagkamatay ng kaniyang asawa at ng kaniyang dalawang anak na lalaki. Habang nadarama pa ang nakapanlulumong mga dagok na iyon, siya ay bumalik sa Betlehem. Sinabi niya sa kaniyang mga kaibigan na huwag siyang tawaging Noemi, sa halip ay Mara, isang pangalang nagpapakita ng kapaitan ng kaniyang mga naranasan. Subalit sa bandang huli, ginantimpalaan ni Jehova ang kaniyang pagbabata sa pamamagitan ng isang apong lalaki na naging isang kawing sa angkan ng Mesiyas.—Ruth 1:3-5, 19-21; 4:13-17; Mateo 1:1, 5.
21, 22. Paano niligalig si Job ng kawalan, at paano siya tumugon?
21 Isipin kung gaano nagulantang si Job nang mabalitaan niya ang biglaan at marahas na pagkamatay ng kaniyang sampung minamahal na anak, bukod pa sa pagkawala ng lahat ng kaniyang hayupan at mga tagapaglingkod. Biglang-bigla, waring gumuho ang kaniyang daigdig! Pagkatapos, habang sumusuray-suray pa dahil sa mga dagok na iyon, sinaktan na naman siya ni Satanas ng isang karamdaman. Maaaring naisip ni Job na ikamamatay na niya ang malalang sakit na ito. Gayon na lamang katindi ang kaniyang nadaramang kirot anupat inakala niyang mabuti pang mamatay na siya.—Job 1:13-20; 2:7, 8.
22 Waring hindi pa sapat ang lahat ng ito, ang kaniyang asawa, dahil sa dalamhati at hinagpis, ay lumapit sa kaniya at humiyaw: “Sumpain mo ang Diyos at mamatay ka!” Tunay ngang isang tinik ito sa kaniyang kumikirot na laman! Sumunod, ang tatlong kasamahan ni Job, na sa halip na aliwin siya, ay tumuligsa sa kaniya sa pamamagitan ng mapanlinlang na pangangatuwiran, na inaakusahan siya ng paggawa ng lihim na mga kasalanan at ipinalalagay na iyon ang dahilan ng kaniyang kasawian. Ang kanilang maling mga argumento ay lalong nagdiin sa mga tinik sa kaniyang laman upang lalo itong bumaon nang malalim, wika nga. Tandaan din na hindi alam ni Job kung bakit nangyayari sa kaniya ang kahila-hilakbot na mga bagay na ito; ni batid man niya na maliligtas ang kaniya mismong buhay. Gayunman, “sa lahat ng ito ay hindi nagkasala si Job ni nagpatungkol man sa Diyos ng anumang di-wasto.” (Job 1:22; 2:9, 10; 3:3; 14:13; 30:17) Bagaman niligalig ng maraming tinik nang sabay-sabay, hindi niya tinalikuran ang kaniyang landasin ng katapatan. Talagang nakapagpapatibay!
23. Bakit nabata ng mga tapat na tinalakay natin ang sari-saring tinik sa laman?
23 Tiyak na marami pang halimbawa bukod sa mga natalakay na rito. Ang Bibliya ay naglalaman ng marami pang iba. Ang lahat ng tapat na mga lingkod na ito ay kinailangang makipagpunyagi sa kanilang sariling makasagisag na mga tinik. At tunay ngang napakarami at sari-sari ang mga suliraning kinaharap nila! Gayunman, may isang bagay na makikita sa kanilang lahat. Wala sa kanila ang tumalikod sa paglilingkod kay Jehova. Sa kabila ng lahat ng kanilang nakapipighating mga pagsubok, napagtagumpayan nila si Satanas dahil sa lakas na inilaan sa kanila ni Jehova. Paano? Sasagutin ng susunod na artikulo ang tanong na ito at ipakikita sa atin kung paano rin natin mapagtatagumpayan ang anumang bagay na tulad ng tinik sa ating laman.
[Talababa]
^ par. 11 Ang isang ambisyosong pakana na tulad nito ay malayong gawin ng gayong mapagpahalaga at mapagpakumbabang taong tulad ni Mepiboset. Walang-alinlangang alam na alam niya ang tapat na halimbawang iniwan ng kaniyang ama, si Jonatan. Bagaman isang anak ni Haring Saul, mapagpakumbabang kinilala ni Jonatan si David bilang siyang pinili ni Jehova na maging hari sa Israel. (1 Samuel 20:12-17) Bilang may-takot sa Diyos na magulang ni Mepiboset at matapat na kaibigan ni David, hindi tuturuan ni Jonatan ang kaniyang batang anak na maghangad ng maharlikang kapangyarihan.
Paano Mo Sasagutin?
• Bakit maitutulad sa mga tinik sa laman ang mga suliraning kinakaharap natin?
• Ano ang ilan sa mga tinik na kinailangang batahin nina Mepiboset at Nehemias?
• Sa mga halimbawa sa Kasulatan ng mga lalaki at babaing nagbata ng sari-saring tinik sa laman, sino ang nasumpungan mong lalo nang makabagbag-damdamin, at bakit?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 15]
Kinailangang tiisin ni Mepiboset ang kapansanan, paninirang-puri, at pagkasiphayo
[Larawan sa pahina 16]
Nagmatiyaga si Nehemias sa kabila ng pananalansang