Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Hindi Pa Napakatanda Upang Matuto

Hindi Pa Napakatanda Upang Matuto

Hindi Pa Napakatanda Upang Matuto

SINILANG si Kseniya noong 1897. Siya ay may 3 anak na babae, isang anak na lalaki, 15 apo, at 25 apo sa tuhod. Sa buong buhay niya, ginawa niya ang itinuro sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Bagaman nagtungo siya sa Moscow bilang isang lumikas mula sa giniyagis-ng-digmaan na Abkhaz Republic, na masusumpungan sa pagitan ng Dagat na Itim at Caucasus, lubha siyang nasisiyahan sa kaniyang buhay, lalo na sa kaniyang tinatawag na minanang pananampalataya.

Noong 1993, naging isang Saksi ni Jehova ang anak na babae ni Kseniya na si Meri. Pinasimulan ni Meri na ipakipag-usap kay Kseniya ang hinggil sa Diyos na Jehova at sa Bibliya, ngunit ayaw nitong makinig. Palaging sinasabi ni Kseniya sa kaniyang anak, “Napakatanda ko na upang matuto pa ng isang bagay na bago.”

Sa kabila nito, ang kaniyang anak na si Meri; ang asawang babae ng kaniyang apo na si Londa; at ang kaniyang mga apo sa tuhod na sina Nana at Zaza, na pawang naging mga Saksi ni Jehova, ay patuloy na nakipag-usap sa kaniya hinggil sa Bibliya. Isang gabi noong 1999, binasa nila ang isang kasulatan kay Kseniya na nakaantig sa kaniyang puso. Nakaulat dito ang hinggil sa nakaaantig na mga salita ni Jesus sa tapat na mga apostol nang pasinayaan niya ang Hapunan ng Panginoon. (Lucas 22:19, 20) Sa edad na 102, nagpasiya si Kseniya nang gabing iyon na magsimulang mag-aral ng Bibliya.

“Pagkaraang mabuhay sa loob ng 102 taon,” ang sabi ni Kseniya, “sa wakas ay naunawaan ko ang kahulugan ng buhay. Natanto ko na ngayon na wala nang mas bubuti pa kaysa sa paglilingkod sa ating kamangha-mangha at maibiging Diyos na si Jehova. Maliksi pa rin ako at malusog. Nakapagbabasa ako nang walang salamin at aktibong nakikisama sa aking pamilya.”

Noong Nobyembre 5, 2000, binautismuhan si Kseniya. Sinabi niya: “Ngayon ay ibinigay ko na ang aking buhay kay Jehova upang paglingkuran siya nang may pag-ibig. Naipapasakamay ko ang mga magasin at mga tract samantalang nakaupo sa hintuan ng bus na malapit sa aming tahanan. Madalas na dumadalaw ang mga kamag-anak, at maligaya kong ibinabahagi sa kanila ang katotohanan hinggil kay Jehova.”

Inaasahan ni Kseniya ang araw na ang ‘kaniyang laman ay magiging higit na sariwa pa kaysa noong kabataan, at mababalik siya sa mga araw ng kaniyang kabataan.’ (Job 33:25) Kung ang isang tao na lampas na ng 100 taon ay hindi nakadaramang napakatanda na niya upang matuto hinggil sa kahulugan ng buhay mula sa Bibliya, kumusta ka naman?