Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Kung Kailan Matalinong Tumakas

Kung Kailan Matalinong Tumakas

Kung Kailan Matalinong Tumakas

ANG daigdig sa ngayon ay kadalasang kakikitaan ng espiritu ng pagtatapang-tapangan at pagkapoot o ng tukso. Ang isang taong tumatakas sa isang kalagayan ay karaniwang itinuturing na mahina o duwag. Baka tuyain pa nga siya.

Gayunman, ipinakikita ng Bibliya na may mga panahon kung kailan kapuwa matalino at matapang ang pagtakas. Bilang patotoo niyan, bago isugo ang kaniyang mga alagad sa ministeryo, sinabi sa kanila ni Jesu-Kristo: “Kapag pinag-uusig nila kayo sa isang lunsod, tumakas kayo patungo sa iba.” (Mateo 10:23) Oo, sisikapin ng mga alagad ni Jesus na tumakas sa kanilang mga mang-uusig. Hindi sila nararapat magsagawa ng anumang bagay na katulad ng isang krusada, na sinisikap na makumberte ang iba sa pamamagitan ng dahas. Taglay nila ang isang mensahe ng kapayapaan. (Mateo 10:11-14; Gawa 10:34-37) Kaya sa halip na magalit, ang mga Kristiyano ay kailangang tumakas, lumayo sa pinagmumulan ng galit. Sa ganitong paraan, napananatili nila ang isang mabuting budhi, gayundin ang kanilang mahalagang kaugnayan kay Jehova.​—2 Corinto 4:1, 2.

Isang naiibang halimbawa ang masusumpungan sa aklat ng Bibliya na Kawikaan. Binabanggit nito ang tungkol sa isang kabataang lalaki, na sa halip na tumakas sa tukso, ay sumunod sa isang patutot na “tulad ng toro na pumaparoon sa patayan.” Ang resulta? Kapahamakan dahil sa pagpapadala sa tukso na nagsasangkot sa kaniya mismong kaluluwa.​—Kawikaan 7:5-8, 21-23.

Kumusta kung ikaw ay mapaharap sa isang tukso na gumawa ng seksuwal na imoralidad o mapaharap sa iba pang potensiyal na panganib? Ayon sa Salita ng Diyos, ang wastong pagkilos ay ang tumakas, lumayo karaka-raka mula sa eksena.​—Kawikaan 4:14, 15; 1 Corinto 6:18; 2 Timoteo 2:22.