Patnubayan ang Iyong mga Hakbang sa Pamamagitan ng Makadiyos na mga Simulain
Patnubayan ang Iyong mga Hakbang sa Pamamagitan ng Makadiyos na mga Simulain
“[Si Jehova ang] nagtuturo sa iyo upang makinabang ka.”—ISAIAS 48:17.
1. Paano inaakay ng Maylalang ang mga tao?
HABANG nagpapagal ang mga siyentipiko upang tuklasin ang mga lihim ng uniberso, nanggigilalas sila sa napakaraming enerhiya na nakapaloob sa sansinukob na nakapalibot sa atin. Ang ating araw—isang bituin na katamtaman ang laki—ay naglalabas ng enerhiya na kasindami ng “100 bilyong bombang hidroheno na sumasabog sa bawat segundo.” Maaaring kontrolin at pamahalaan ng Maylalang ang gayong pagkalalaking mga bagay sa langit sa pamamagitan ng kaniyang walang-hanggang kapangyarihan. (Job 38:32; Isaias 40:26) Kumusta naman tayong mga tao, na binigyan ng malayang kalooban, kakayahan sa moral, makatuwirang pag-iisip, at potensiyal na maunawaan ang mga espirituwal na bagay? Ano ang angkop na paraan na nakita ng ating Maylalang upang akayin tayo? Maibigin niya tayong pinapatnubayan sa pamamagitan ng kaniyang sakdal na mga kautusan at matatayog na simulain, kasuwato ng ating budhing sinanay nang mabuti.—2 Samuel 22:31; Roma 2:14, 15.
2, 3. Sa anong uri ng pagsunod nalulugod ang Diyos?
2 Nalulugod ang Diyos sa matatalinong nilalang na nagpapasiyang sumunod sa kaniya. (Kawikaan 27:11) Sa halip na iprograma tayo na maging sunud-sunuran gaya ng walang-isip na mga robot, binigyan tayo ni Jehova ng malayang kalooban upang makagawa tayo ng may-kabatirang mga pasiya na gawin kung ano ang tama.—Hebreo 5:14.
3 Si Jesus, na buong-kasakdalang tumulad sa kaniyang Ama, ay nagsabi sa kaniyang mga alagad: “Kayo ay mga kaibigan ko kung ginagawa ninyo ang iniuutos ko sa inyo. Hindi ko na kayo tinatawag Juan 15:14, 15) Noong sinaunang panahon, walang mapagpipilian ang isang alipin kundi ang sumunod sa mga utos ng kaniyang panginoon. Sa kabilang panig, ang pagkakaibigan ay nabubuo dahil sa pagpapamalas ng mga katangian na nakaaakit sa puso. Maaari tayong maging mga kaibigan ni Jehova. (Santiago 2:23) Napatitibay ang pagkakaibigang ito sa pamamagitan ng pag-iibigan sa isa’t isa. Iniugnay ni Jesus sa pag-ibig ang pagsunod sa Diyos nang kaniyang sabihin: “Kung ang sinuman ay umiibig sa akin, tutuparin niya ang aking salita, at iibigin siya ng aking Ama.” (Juan 14:23) Sa layuning iyan—at upang ligtas na akayin tayo—inaanyayahan tayo ni Jehova na mamuhay ayon sa kaniyang mga simulain.
na mga alipin.” (Makadiyos na mga Simulain
4. Paano mo ilalarawan ang mga simulain?
4 Ano ba ang mga simulain? Ang simulain ay binigyang katuturan bilang “isang pangkalahatan o saligang katotohanan: isang malawak at saligang kautusan, doktrina, o palagay na doo’y nakasalig ang iba pa o mula doo’y hinango ang iba pa.” (Webster’s Third New International Dictionary) Isinisiwalat ng maingat na pag-aaral sa Bibliya na naglalaan ang ating makalangit na Ama ng saligang mga tagubilin na sumasaklaw sa iba’t ibang situwasyon at aspekto sa buhay. Ginagawa niya ito para sa ating walang-hanggang kapakinabangan. Iyan ay kasuwato ng isinulat ng marunong na si Haring Solomon: “Dinggin mo, anak ko, at tanggapin mo ang aking mga pananalita. At ang mga taon ng buhay ay darami para sa iyo. Tuturuan kita hinggil sa daan ng karunungan; palalakarin kita sa mga landas ng katuwiran.” (Kawikaan 4:10, 11) Ang saligang mga simulain na inilaan ni Jehova ay may epekto sa ating kaugnayan sa kaniya at sa ating mga kapuwa-tao, sa ating pagsamba, at sa ating araw-araw na pamumuhay. (Awit 1:1) Isaalang-alang natin ang ilan sa mga saligang simulaing iyon.
5. Magbigay ng mga halimbawa ng ilang saligang simulain.
5 May kinalaman sa ating kaugnayan kay Jehova, sinabi ni Jesus: “Iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong pag-iisip.” (Mateo 22:37) Karagdagan pa, naglalaan ang Diyos ng mga simulain na may kaugnayan sa ating mga pakikitungo sa mga kapuwa-tao, gaya ng Ginintuang Alituntunin: “Lahat ng mga bagay, kung gayon, na ibig ninyong gawin ng mga tao sa inyo, gayundin ang dapat ninyong gawin sa kanila.” (Mateo 7:12; Galacia 6:10; Tito 3:2) Kung tungkol sa pagsamba, tayo ay pinapayuhan: “Isaalang-alang natin ang isa’t isa upang mag-udyukan sa pag-ibig at sa maiinam na gawa, na hindi pinababayaan ang ating pagtitipon.” (Hebreo 10:24, 25) May kinalaman naman sa pang-araw-araw na mga pitak ng ating buhay, sinasabi ni apostol Pablo: “Kayo man ay kumakain o umiinom o gumagawa ng anupaman, gawin ninyo ang lahat ng bagay sa ikaluluwalhati ng Diyos.” (1 Corinto 10:31) Napakarami pang ibang simulain sa Salita ng Diyos.
6. Paano naiiba ang mga simulain sa mga kautusan?
6 Ang mga simulain ay buháy at mahahalagang katotohanan, at pinag-aaralan ng matatalinong Kristiyano na ibigin ang mga ito. Kinasihan ni Jehova si Solomon upang sumulat: “Sa aking mga salita ay magbigay-pansin ka. Sa aking mga pananalita ay ikiling mo ang iyong pandinig. Huwag nawang mahiwalay ang mga iyon mula sa iyong mga mata. Ingatan mo ang mga iyon sa kaibuturan ng iyong puso. Sapagkat ang mga iyon ay buhay sa mga nakasusumpong ng mga iyon at kalusugan sa kanilang buong laman.” (Kawikaan 4:20-22) Paano naiiba ang mga simulain sa mga kautusan? Ang mga simulain ay naglalaan ng saligan para sa mga kautusan. Ang mga alituntunin, na karaniwan nang espesipiko, ay maaaring kapit sa isang partikular na panahon o situwasyon, ngunit ang mga simulain ay kapit sa lahat ng panahon. (Awit 119:111) Ang mga simulain ng Diyos ay hindi napag-iiwanan ng panahon o lumilipas. Napatutunayang totoo ang kinasihang mga salita ni propeta Isaias: “Ang luntiang damo ay natuyo, ang bulaklak ay nalanta; ngunit kung tungkol sa salita ng ating Diyos, iyon ay mananatili hanggang sa panahong walang takda.”—Isaias 40:8.
Mag-isip at Kumilos Salig sa mga Simulain
7. Paano tayo pinasisigla ng Salita ng Diyos na mag-isip at kumilos salig sa mga simulain?
7 Paulit-ulit na hinihimok tayo ng “salita ng ating Diyos” na mag-isip at kumilos salig sa mga simulain. Nang hilingin kay Jesus na buurin ang Kautusan, bumuo siya ng dalawang maikli’t malinaw na pananalita—isa na nagdiriin sa pag-ibig kay Jehova, at ang isa naman ay nagdiriin sa pag-ibig sa kapuwa-tao. (Mateo 22:37-40) Sa paggawa ng gayon, sumipi si Jesus ng isang bahagi mula sa naunang maikling sumaryo ng saligang mga simulain ng Kautusang Mosaiko, na nakasaad sa Deuteronomio : “Si Jehova na ating Diyos ay iisang Jehova. At iibigin mo si Jehova na iyong Diyos nang iyong buong puso at nang iyong buong kaluluwa at nang iyong buong lakas.” Maliwanag, nasa isip din ni Jesus ang tagubilin ng Diyos na masusumpungan sa 6:4, 5Levitico 19:18. Sa malinaw, maikli, at mapuwersang pagtatapos ng aklat ng Eclesiastes, binuod ng mga salita ni Haring Solomon ang napakaraming kautusan ng Diyos: “Ang katapusan ng bagay, matapos marinig ang lahat, ay: Matakot ka sa tunay na Diyos at tuparin mo ang kaniyang mga utos. Sapagkat ito ang buong katungkulan ng tao. Sapagkat dadalhin ng tunay na Diyos sa kahatulan ang bawat uri ng gawa may kaugnayan sa bawat bagay na nakatago, kung ito ba ay mabuti o masama.”—Eclesiastes 12:13, 14; Mikas 6:8.
8. Bakit isang proteksiyon ang lubos na pagkaunawa sa saligang mga simulain sa Bibliya?
8 Ang lubos na pagkaunawa sa gayong saligang mga simulain ay makatutulong sa atin na maintindihan at maikapit ang mas espesipikong mga tagubilin. Karagdagan pa, kung hindi natin lubusang nauunawaan at tinatanggap ang saligang mga simulain, baka hindi tayo makagagawa ng matalinong mga pasiya at maaaring madaling matinag ang ating pananampalataya. (Efeso 4:14) Kung ikikintal natin ang gayong mga simulain sa ating isip at puso, magiging handa tayo na gamitin ang mga ito sa paggawa ng mga pasiya. Kapag ikinakapit natin ang mga ito nang may unawa, nagdudulot ang mga ito ng tagumpay.—Josue 1:8; Kawikaan 4:1-9.
9. Bakit hindi laging madali na maunawaan at maikapit ang mga simulain sa Bibliya?
9 Ang pagkaunawa at pagkakapit sa mga simulain sa Bibliya ay hindi kasindali ng pagsunod sa kalipunan ng mga kautusan. Bilang di-sakdal na mga tao, baka iwasan natin ang kinakailangang pagsisikap upang mangatuwiran salig sa mga simulain. Baka mas gugustuhin natin ang kaalwanang dulot ng isang alituntunin kapag napapaharap tayo sa isang pagpapasiya o isang suliranin. Kung minsan ay baka hihingi tayo ng patnubay mula sa isang may-gulang na Kristiyano—marahil ay isang matanda sa kongregasyon—anupat inaasahan na makatatanggap ng isang espesipikong alituntunin na kumakapit sa ating situwasyon. Gayunman, ang Bibliya o salig-Bibliyang mga publikasyon ay maaaring hindi maglaan ng espesipikong alituntunin, at sakali mang bigyan tayo ng isang alituntunin, baka hindi ito isang patnubay na kumakapit sa lahat ng panahon at sa lahat ng kalagayan. Marahil ay naaalaala mo pa na isang lalaki ang nagtanong kay Jesus: “Guro, sabihin mo sa aking kapatid na hatian ako ng mana.” Sa halip na maglaan kaagad ng isang alituntunin upang lutasin ang pagtatalo sa pagitan ng magkapatid, nagbigay si Jesus sa kaniya ng isang mas pangkalahatang simulain: “Maging mapagmasid kayo at magbantay kayo laban sa bawat uri ng kaimbutan.” Sa gayon ay naglaan si Jesus ng isang patnubay na kapaki-pakinabang noon at maging hanggang sa ngayon.—Lucas 12:13-15.
10. Paano isinisiwalat ng ating paggawi kasuwato ng mga simulain ang mga motibo ng ating puso?
10 Marahil ay nakakita ka na ng mga tao na karaniwan nang napipilitang sumunod sa mga kautusan, dahil lamang sa takot na maparusahan. Ang gayong saloobin ay pinapawi ng paggalang sa mga simulain. Ang mismong diwa ng mga simulain ang nag-uudyok sa mga inuugitan ng mga ito na tumugon mula sa puso. Sa katunayan, karamihan sa mga simulain ay hindi nagsasangkot ng dagliang kaparusahan para sa mga hindi sumusunod sa mga ito. Nagbibigay ito ng pagkakataon sa atin na isiwalat kung bakit tayo sumusunod kay Jehova, kung ano ang motibo ng ating puso. Masusumpungan natin ang isang halimbawa sa pagtanggi ni Jose sa imoral na mga pahiwatig ng asawa ni Potipar. Bagaman hindi pa nagbigay noon si Jehova ng isang nasusulat na kautusan laban sa pangangalunya at wala Genesis 2:24; 12:18-20) Makikita natin mula sa kaniyang tugon na matinding nakaapekto sa kaniya ang gayong mga simulain: “Paano ko magagawa ang malaking kasamaang ito at magkasala nga laban sa Diyos?”—Genesis 39:9.
pang itinakdang parusa ang Diyos para sa mga nakikipagtalik sa asawang babae ng iba, alam ni Jose ang mga simulain hinggil sa katapatan sa asawa na itinakda ng Diyos. (11. Sa anong mga larangan ninanais ng mga Kristiyano na mapatnubayan ng mga simulain ni Jehova?
11 Sa ngayon, nais ng mga Kristiyano na mapatnubayan ng mga simulain ni Jehova pagdating sa personal na mga bagay, tulad ng pagpili ng mga kasama, libangan, musika, at babasahin. (1 Corinto 15:33; Filipos 4:8) Habang lumalago ang ating kaalaman, unawa, at pagpapahalaga kay Jehova at sa kaniyang mga pamantayan, ang ating budhi, ang ating kabatiran sa moral, ay tutulong sa atin upang maikapit ang mga simulain ng Diyos sa ilalim ng anumang kalagayan na mapapaharap sa atin, kahit na sa napakapribadong mga bagay. Palibhasa’y pinapatnubayan ng mga simulain sa Bibliya, hindi tayo hahanap ng mga butas sa mga kautusan ng Diyos; ni tutularan man natin yaong mga nagsisikap na sumubok kung hanggang saan sila makararating nang hindi aktuwal na nilalabag ang isang kautusan. Natatanto natin na ang gayong pag-iisip ay nakasasamâ sa sarili at nakapipinsala.—Santiago 1:22-25.
12. Ano ang mahalaga upang mapatnubayan ng makadiyos na mga simulain?
12 Kinikilala ng may-gulang na mga Kristiyano na mahalaga sa pagsunod sa makadiyos na mga simulain ang pagnanais na malaman kung ano ang nadarama ni Jehova tungkol sa isang bagay. “O kayong mga umiibig kay Jehova,” ang payo ng salmista, “kapootan ninyo ang kasamaan.” (Awit 97:10) Ganito ang sinasabi ng Kawikaan 6:16-19, kung saan nakatala ang ilan sa mga bagay na itinuturing ng Diyos na masama: “May anim na bagay na kinapopootan ni Jehova; oo, pitong bagay ang karima-rimarim sa kaniyang kaluluwa: matayog na mga mata, bulaang dila, at mga kamay na nagbububo ng dugong walang-sala, pusong kumakatha ng mga nakasasakit na pakana, mga paang nagmamadali sa pagtakbo sa kasamaan, bulaang saksi na nagbubunsod ng mga kasinungalingan, at sinumang naghahasik ng mga pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.” Kapag ang umuugit sa ating buhay ay ang hangaring ipamalas kung ano ang nadarama ni Jehova hinggil sa gayong saligang mga bagay, ang pamumuhay kaayon ng mga simulain ay nagiging pirmeng kaugalian.—Jeremias 22:16.
Kailangan ang Mabuting Motibo
13. Anong uri ng pag-iisip ang idiniin ni Jesus sa kaniyang Sermon sa Bundok?
13 Ang pagkaalam at pagkakapit sa mga simulain ay nagsasanggalang din sa atin mula sa mga silo ng hungkag at pakitang-tao na pagsamba. May kaibahan ang pagsunod sa mga simulain at ang labis-labis na pagsunod sa mga alituntunin. Maliwanag na ipinakita ito ni Jesus sa kaniyang Sermon sa Bundok. (Mateo 5:17-48) Tandaan na ang mga tagapakinig ni Jesus ay mga Judio, kaya ang kanilang paggawi ay dapat sanang naugitan ng Kautusang Mosaiko. Ngunit ang totoo ay mayroon silang pilipit na pangmalas sa Kautusan. Ang pinagtuunan nila ng higit na pansin ay ang mga nakasulat sa Kautusan sa halip na ang pinakadiwa nito. At higit nilang itinawag-pansin ang kanilang mga tradisyon, anupat itinuturing pa itong nakahihigit kaysa sa turo ng Diyos. (Mateo 12:9-12; 15:1-9) Bilang resulta, ang mga tao sa pangkalahatan ay hindi naturuan na mag-isip may kaugnayan sa mga simulain.
14. Paano tinulungan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod na mag-isip salig sa mga simulain?
14 Kabaligtaran nito, inilakip ni Jesus sa Sermon Mateo 5:28.
sa Bundok ang mga simulain sa limang pitak ng moralidad: galit, pag-aasawa at diborsiyo, mga pangako, pagganti, at pag-ibig at poot. Sa bawat kaso, ipinakita ni Jesus ang kapakinabangan ng pagsunod sa isang simulain. Sa gayon ay itinaas ni Jesus ang moral na pamantayan para sa kaniyang mga tagasunod. Halimbawa, tungkol sa pangangalunya, binigyan niya tayo ng isang simulain na nagbabantay hindi lamang sa ating mga pagkilos kundi pati sa ating mga iniisip at ninanasa: “Ang bawat isa na patuloy na tumitingin sa isang babae upang magkaroon ng masidhing pagnanasa sa kaniya ay nangalunya na sa kaniya sa kaniyang puso.”—15. Paano natin maiiwasan ang anumang hilig na maging labis-labis sa pagsunod sa mga alituntunin?
15 Inilalarawan ng halimbawang ito na hindi natin dapat kaligtaan kailanman ang layunin at diwa ng mga simulain ni Jehova. Tiyak na hindi natin dapat sikaping matamo ang pagsang-ayon ng Diyos sa pamamagitan ng pakitang-taong moralidad. Inilantad ni Jesus ang mapanlinlang na anyo ng gayong saloobin sa pamamagitan ng pagtatampok sa awa at pag-ibig ng Diyos. (Mateo 12:7; Lucas 6:1-11) Sa pagsunod sa mga simulain ng Bibliya, hindi natin sisikaping mamuhay (o hihilingin sa iba na mamuhay) ayon sa napakarami at mahihigpit na alituntunin na lumalampas na sa mga turo ng Bibliya. Higit tayong magbibigay-pansin sa mga simulain ng pag-ibig at pagsunod sa Diyos kaysa sa panlabas na anyo ng pagsamba.—Lucas 11:42.
Kasiya-siyang mga Resulta
16. Magbigay ng mga halimbawa ng mga simulain na nasa likod ng ilang tagubilin sa Bibliya.
16 Habang sinisikap nating sundin si Jehova, mahalagang matanto na ang kaniyang mga kautusan ay batay sa saligang mga simulain. Halimbawa, ang mga Kristiyano ay kailangang umiwas sa idolatriya, seksuwal na imoralidad, at sa maling paggamit ng dugo. (Gawa 15:28, 29) Sa ano nakasalig ang paninindigang Kristiyano hinggil sa gayong mga isyu? Nararapat sa Diyos ang ating bukod-tanging debosyon; dapat tayong maging tapat sa ating asawa; at si Jehova ang Tagapagbigay-Buhay. (Genesis 2:24; Exodo 20:5; Awit 36:9) Ang pagkaunawa sa saligang mga simulaing ito ay nagpapadali sa atin na tanggapin at sundin ang kaugnay na mga kautusan.
17. Anong mabubuting resulta ang natatamo mula sa pagkaunawa at pagkakapit sa mga simulain ng Bibliya?
17 Habang nauunawaan natin ang saligang mga simulain at ikinakapit ang mga ito, natatanto natin na ang mga ito ay para sa ikabubuti natin. Ang espirituwal na mga pagpapala na tinatamasa ng bayan ng Diyos ay kadalasang may kalakip na aktuwal na mga pakinabang. Halimbawa, yaong mga umiiwas sa paninigarilyo, namumuhay nang may malinis na moral, at gumagalang sa kabanalan ng dugo ay hindi nagiging biktima ng ilang sakit. Gayundin naman, ang pamumuhay kasuwato ng katotohanan ng Diyos ay maaaring magdulot ng pakinabang sa ating kabuhayan, lipunan, o pamilya. Alinman sa gayong aktuwal na mga pakinabang ay nagpapatunay sa kahalagahan ng mga pamantayan ni Jehova, na talagang praktikal ang mga ito. Ngunit ang pagtatamo ng gayong praktikal na mga bentaha ay hindi siyang pangunahing dahilan mismo sa pagkakapit sa mga simulain ng Diyos. Ang mga tunay na Kristiyano ay sumusunod kay Jehova dahil iniibig nila siya, dahil karapat-dapat siya sa kanilang pagsamba, at dahil sa ito ang nararapat gawin.—Apocalipsis 4:11.
18. Kung nais nating maging matagumpay na mga Kristiyano, ano ang dapat pumatnubay sa ating buhay?
18 Ang pagpapaubaya na mapatnubayan ng mga simulain sa Bibliya ang ating buhay ay umaakay sa isang mas mabuting paraan ng pamumuhay, na sa ganang sarili ay maaaring umakit sa iba sa daan ng Diyos. Higit na mahalaga, ang ating landasin ng pamumuhay ay nagpaparangal kay Jehova. Natatanto natin na si Jehova ay talagang maibiging Diyos na nagnanais ng pinakamabuti para sa atin. Kapag gumagawa tayo ng mga pasiya kasuwato ng mga simulain ng Bibliya at nakikita kung paano tayo pinagpapala ni Jehova, nadarama natin na lalo tayong napapalapit sa kaniya. Oo, lalo tayong nagkakaroon ng maibiging kaugnayan sa ating makalangit na Ama.
Naaalaala Mo Ba?
• Ano ba ang simulain?
• Paano naiiba ang mga simulain sa mga kautusan?
• Bakit kapaki-pakinabang para sa atin na mag-isip at kumilos salig sa mga simulain?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Kahon sa pahina 20]
Ipinaalam kay Wilson, isang Kristiyano mula sa Ghana, na pagkalipas ng ilang araw ay sesesantehin siya sa kaniyang trabaho. Sa kaniyang huling araw ng pagtatrabaho, inatasan siyang maghugas ng pribadong kotse ng nangangasiwang direktor ng kompanya. Nang makasumpong si Wilson ng malaking halaga ng salapi sa kotse, sinabi sa kaniya ng kaniyang superyor na ipinadala ng Diyos ang salapi dahil malapit na siyang masesante sa araw na iyon. Gayunman, bilang pagkakapit sa mga simulain sa Bibliya hinggil sa pagkamatapat, ibinalik ni Wilson ang salapi sa direktor. Palibhasa’y nagulat at humanga, hindi lamang kaagad nag-alok ng permanenteng trabaho ang direktor kay Wilson kundi itinaas din ang kaniyang posisyon bilang isang matagal nang miyembro ng mga kawani ng kompanya.—Efeso 4:28.
[Kahon sa pahina 21]
Si Rukia ay isang babaing taga-Albania na nasa edad na mga 60 pataas. Dahil sa di-pagkakaunawaan sa pamilya, hindi siya nakipag-usap sa kaniyang kuya sa loob ng mahigit na 17 taon. Nagsimula siyang makipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova at natutuhan niya na ang mga tunay na Kristiyano ay dapat na may pakikipagpayapaan sa iba, na hindi nagkikimkim ng sama ng loob. Magdamag siyang nanalangin, at habang kumakabog ang kaniyang dibdib, lumakad siya patungo sa bahay ng kaniyang kuya. Ang kaniyang pamangking babae ang nagbukas ng pinto. Palibhasa’y nagulat, tinanong niya si Rukia: “Sino po ang namatay? Ano po ang ginagawa ninyo rito?” Hiniling ni Rukia na makausap ang kaniyang kuya. Mahinahon niyang ipinaliwanag na ang natutuhan niya tungkol sa mga simulain ng Bibliya at tungkol kay Jehova ang nag-udyok sa kaniya na makipagpayapaan sa kaniyang kuya. Matapos ang iyakan at yakapan, ipinagdiwang nila ang natatanging muling pagsasamang ito!—Roma 12:17, 18.
[Larawan sa pahina 23]
[Larawan sa pahina 23]
[Larawan sa pahina 23]
[Larawan sa pahina 23]
“Nang makita niya ang mga pulutong ay umahon siya sa bundok; at pagkaupo niya ay lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad; at ibinuka niya ang kaniyang bibig at nagsimulang magturo sa kanila.”—MATEO 5:1, 2