Kailangan Nating Makilala Kung Sino ang Diyos
Kailangan Nating Makilala Kung Sino ang Diyos
HINDI ka ba natutuwang makita ang mabituing langit sa isang maaliwalas na gabi? Hindi ba nakalulugod ang halimuyak ng makukulay na bulaklak? Hindi ka ba nasisiyahang makinig sa mga awit ng mga ibon at sa tunog ng mga dahong pumapagaspas sa simoy ng hangin? At lubhang kawili-wili nga ang malalakas na balyena at iba pang mga nilalang na naninirahan sa karagatan! At nariyan din ang mga tao taglay ang kanilang budhi at isang kamangha-manghang masalimuot na utak. Paano mo ipaliliwanag ang pag-iral ng lahat ng kahanga-hangang bagay na nakapalibot sa atin?
Ang ilan ay naniniwala na ang lahat ng ito ay nagkataon lamang na umiral. Ngunit kung gayon nga, bakit palaisip ang mga tao sa Diyos? Bakit ang isang di-sinasadyang pagsasama ng iba’t ibang kemikal ay makagagawa ng mga nilalang na may espirituwal na pangangailangan?
“Ang relihiyon ay malalim na nakaugat sa kalikasan ng tao at nararanasan sa bawat antas ng katayuan sa buhay at pinag-aralan.” Binubuod ng pananalitang ito ang pananaliksik na iniharap ni Propesor Alister Hardy sa kaniyang aklat na The Spiritual Nature of Man. Ang mga eksperimento kamakailan sa utak ay umakay sa ilang neuroscientist na magsabi na ang mga tao ay maaaring “henetikong ipinrograma” taglay ang kakayahang sumamba. Ganito ang sabi ng aklat na pinamagatang Is God the Only Reality?: “Ang paghahanap ng kahulugan sa buhay sa pamamagitan ng relihiyon . . . ay karaniwang nararanasan sa bawat kultura at sa lahat ng panahon mula nang umiral ang tao.”
Isaalang-alang ang konklusyon ng isang taong edukado mga 2,000 taon na ang nakalilipas. Siya’y sumulat: “Ang bawat bahay ay may nagtayo, ngunit siya na nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos.” (Hebreo 3:4) Sa katunayan, ang unang-unang talata sa Bibliya ay nagsasabi: “Nang pasimula ay nilalang ng Diyos ang langit at ang lupa.”—Genesis 1:1.
Gayunman, sino ba ang Diyos? Ang sangkatauhan ay may iba’t ibang kasagutan sa tanong na ito. Nang tanungin kung sino ba ang Diyos, isang tin-edyer na Hapones na nagngangalang Yoshi ang nagsabi: “Hindi ko tiyak. Ako’y Budista, at hindi mahalaga sa akin na malaman kung sino ang Diyos.” Gayunman, inamin ni Yoshi na si Buddha mismo ay tinatanggap ng marami bilang isang diyos. Si Nick, isang negosyante na mahigit nang 60 ang edad, ay naniniwala sa Diyos at naniniwala sa kaniya bilang isang puwersang makapangyarihan sa lahat. Nang hilinging ipaliwanag kung ano ang nalalaman niya tungkol sa Diyos, si Nick ay sumagot pagkatapos matigilan nang medyo matagal: “Napakahirap na tanong iyan, kaibigan. Ang masasabi ko lamang ay na umiiral ang Diyos.”
Roma 1:25, Today’s English Version) Milyun-milyon ang sumasamba sa patay na mga ninuno, na naniniwalang napakalayo ng Diyos upang malapitan. Sa relihiyong Hindu, maraming diyos at mga diyosa. Iba’t ibang diyos, kagaya nina Zeus at Hermes, ang sinamba noong kaarawan ng mga apostol ni Jesu-Kristo. (Gawa 14:11, 12) Maraming relihiyon sa Sangkakristiyanuhan ang nagtuturo na ang Diyos ay isang Trinidad, na binubuo ng Diyos Ama, Diyos Anak, at ng Diyos Espiritu Santo.
Ang ilang tao ay “sumasamba at naglilingkod sa nilalang ng Diyos sa halip na sa Maylalang mismo.” (Oo, “maraming ‘mga diyos’ at maraming ‘mga panginoon,’ ” ang sabi ng Bibliya. Gayunman, idinagdag nito: “Sa atin nga ay may iisang Diyos ang Ama, na pinagmulan ng lahat ng bagay.” (1 Corinto 8:5, 6) Oo, may isa lamang tunay na Diyos. Subalit sino ba siya? Anong uri ng Diyos ba siya? Mahalagang malaman natin ang mga kasagutan sa mga tanong na ito. Sinabi mismo ni Jesus sa kaniyang panalangin sa Isang ito: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) May dahilang maniwala na ang ating walang-hanggang kapakanan ay depende sa pag-alam sa katotohanan tungkol sa Diyos.
[Larawan sa pahina 3]
Ano ang dahilan ng kanilang pag-iral?
[Credit Line]
Balyena: Sa kagandahang-loob ng Tourism Queensland
[Picture Credit Line sa pahina 2]
COVER: Index Stock Photography © 2002