Nilinis Bilang Isang Bayan Ukol sa Maiinam na Gawa
Nilinis Bilang Isang Bayan Ukol sa Maiinam na Gawa
“Linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.”—2 CORINTO 7:1.
1. Ano ang hinihiling ni Jehova sa mga sumasamba sa kaniya?
“SINO ang makaaakyat sa bundok ni Jehova, at sino ang makatitindig sa kaniyang dakong banal?” Ibinangon ni Haring David ng sinaunang Israel ang nakapupukaw-kaisipang tanong na iyan hinggil sa pagsamba na kaayaaya kay Jehova. Pagkatapos ay ibinigay niya ang sagot: “Ang sinumang walang-sala ang mga kamay at malinis ang puso, siyang hindi nagdala ng Aking kaluluwa sa lubos na kawalang-kabuluhan, ni nanumpa man nang may panlilinlang.” (Awit 24:3, 4) Upang maging kaayaaya kay Jehova, na siyang pinakalarawan ng kabanalan, ang isa ay dapat na maging malinis at banal. Maaga pa rito, pinaalalahanan ni Jehova ang kongregasyon ng Israel: “Pabanalin ninyo ang inyong sarili at magpakabanal kayo, sapagkat ako ay banal.”—Levitico 11:44, 45; 19:2.
2. Paano idiniin nina Pablo at Santiago ang kahalagahan ng kalinisan sa tunay na pagsamba?
2 Pagkalipas ng maraming siglo, sumulat si apostol Pablo sa mga kapuwa Kristiyano sa imoral na lunsod ng Corinto: “Yamang taglay natin ang mga pangakong ito, mga minamahal, linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.” (2 Corinto 7:1) Idiniriin muli nito na upang magkaroon ng kaugnayan sa Diyos at upang tumanggap ng kaniyang ipinangakong mga pagpapala, ang isa ay dapat na maging malinis at malaya mula sa pisikal at espirituwal na karungisan at kasiraan. Sa katulad na paraan, sa pagsulat tungkol sa pagsamba na kaayaaya sa Diyos, sinabi ng alagad na si Santiago: “Ang anyo ng pagsamba na malinis at walang dungis sa pangmalas ng ating Diyos at Ama ay ito: alagaan ang mga ulila at mga babaing balo sa kanilang kapighatian, at ingatan ang sarili na walang batik mula sa sanlibutan.”—Santiago 1:27.
3. Upang maging kaayaaya ang ating pagsamba sa Diyos, sa ano tayo dapat lubhang mabahala?
3 Yamang ang pagiging malinis, banal, at walang dungis ay napakahalagang mga salik sa tunay na pagsamba, sinumang nagnanais na matamo ang pagsang-ayon ng Diyos ay dapat na lubhang mabahala sa pag-abot sa mga kahilingang ito. Gayunman, dahil ang mga tao sa ngayon ay may labis na magkakaibang pamantayan at mga ideya hinggil sa kalinisan, kailangan nating maunawaan at sundin kung ano ang itinuturing ni Jehova na malinis at kaayaaya. Kailangan nating alamin kung ano ang hinihiling ng Diyos sa kaniyang mga mananamba hinggil sa bagay na ito at kung ano ang ginagawa niya upang tulungan sila na maging malinis at kaayaaya sa kaniya at manatili sa gayong kalagayan.—Awit 119:9; Daniel 12:10.
Malinis Ukol sa Tunay na Pagsamba
4. Ipaliwanag ang ideya ng kalinisan ayon sa Bibliya.
4 Para sa maraming tao, ang pagiging malinis ay nangangahulugan lamang ng walang dumi o dungis. Gayunman, sa Bibliya, ang ideya ng pagiging malinis ay tinutukoy ng ilang salitang Hebreo at Griego na naglalarawan sa kalinisan hindi lamang sa pisikal na diwa kundi mas madalas sa moral at espirituwal na diwa. Kaya naman, isang ensayklopidiya sa Bibliya ang nagsasabi: “Ang ‘malinis’ at ‘marumi’ ay mga terminong bihirang iugnay sa mga isyung may kaugnayan lamang sa kaugalian sa kalinisan, kundi pangunahin na sa relihiyosong mga ideya. Ayon sa katuturang ito, ang simulain ng ‘kalinisan’ ay nakaaapekto sa halos lahat ng aspekto ng buhay.”
5. Hanggang saan ang saklaw ng Kautusang Mosaiko may kinalaman sa kalinisan sa buhay ng mga Israelita?
5 Sa katunayan, kalakip sa Kautusang Mosaiko ang mga alituntunin at mga regulasyon sa halos lahat ng aspekto ng buhay ng mga Israelita, anupat espesipikong binabanggit nito kung ano ang malinis at kaayaaya at kung ano ang hindi. Halimbawa, sa Levitico kabanata 11 hanggang 15, masusumpungan natin ang detalyadong mga tagubilin na may kinalaman sa kalinisan at karumihan. Ang ilang hayop ay marumi, at hindi dapat kainin ng mga Israelita ang mga ito. Ang panganganak ay nagpaparumi sa isang babae sa loob ng itinakdang panahon. Ang ilang sakit sa balat, partikular na ang ketong, at mga agas mula sa ari ng lalaki at babae ay nagpaparumi rin sa isang tao. Espesipiko ring sinabi ng Kautusan kung ano ang dapat gawin sa mga kalagayan na nagsasangkot ng karumihan. Halimbawa, sa Bilang 5:2 ay mababasa natin: “Utusan mo ang mga anak ni Israel na palabasin nila mula sa kampo ang lahat ng taong ketongin at lahat ng inaagasan at lahat ng marumi dahil sa isang namatay na kaluluwa.”
6. Sa anong layunin ibinigay ang mga kautusan hinggil sa kalinisan?
6 Walang alinlangan, ang mga ito at ang iba pang mga kautusan mula kay Jehova ay naglalaman ng medikal at pisyolohikal na mga ideya bago pa man ito nalaman ng mga siyentipiko at mga doktor, at nakinabang ang bayan nang sundin nila ang mga kautusang ito. Gayunman, ang mga kautusang ito ay hindi ibinigay bilang isang kodigo lamang sa kalusugan o upang magsilbing mga giya lamang sa medisina. Ang mga ito ay bahagi ng tunay na pagsamba. Ang bagay na naaapektuhan ng mga kautusang ito ang pang-araw-araw na buhay ng mga tao—pagkain, panganganak, ugnayan ng mag-asawa, at iba pa—ay nagdiriin lamang sa punto na bilang kanilang Diyos, karapatan ni Jehova na magpasiya para sa kanila kung ano ang angkop at di-angkop sa lahat ng aspekto ng kanilang buhay, na bukod-tanging nakaalay kay Jehova.—Deuteronomio 7:6; Awit 135:4.
7. Sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, anong pagpapala ang tatanggapin ng bansang Israel?
7 Ang tipang Kautusan ay nagsanggalang din sa mga Israelita mula sa nakapagpaparungis na mga gawain ng mga bansang nakapalibot sa kanila. Sa pamamagitan ng buong-katapatang pagsunod sa Kautusan, pati na ang lahat ng mga kahilingan sa pananatiling malinis sa paningin ni Jehova, ang mga Israelita ay magiging karapat-dapat na maglingkod sa kanilang Diyos at tumanggap ng kaniyang pagpapala. Hinggil dito, sinabi ni Jehova sa bansang iyon: “Kung mahigpit ninyong susundin ang aking tinig at iingatan nga ang aking tipan, kayo ay tiyak na magiging aking pantanging pag-aari mula sa lahat ng iba pang bayan, sapagkat ang buong lupa ay akin. At kayo ay magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin at isang banal na bansa.”—Exodo 19:5, 6; Deuteronomio 26:19.
8. Bakit dapat magbigay-pansin ang mga Kristiyano sa ngayon sa sinasabi ng Kautusan hinggil sa kalinisan?
Colosas 2:17; Hebreo 10:1) Kung minamalas ng Diyos na Jehova, na nagsasabing “hindi ako nagbabago,” ang pagiging malinis at walang dungis bilang isang mahalagang salik sa tunay na pagsamba noong panahong iyon, dapat din nating pakadibdibin sa ngayon ang pagiging malinis sa pisikal, moral, at espirituwal kung nais natin ang kaniyang pagsang-ayon at pagpapala.—Malakias 3:6; Roma 15:4; 1 Corinto 10:11, 31.
8 Yamang inilakip ni Jehova ang gayong mga detalye sa Kautusan upang turuan ang mga Israelita kung paano maging malinis, banal, at kaayaaya sa kaniya, hindi ba’t marapat din sa mga Kristiyano sa ngayon na maingat na isaalang-alang kung paano sila nakaaabot sa mga kahilingang ito? Bagaman ang mga Kristiyano ay wala sa ilalim ng Kautusan, dapat nilang isaisip na, gaya ng ipinaliwanag ni Pablo, ang lahat ng bagay na nasa Kasulatan ay “isang anino ng mga bagay na darating, ngunit ang katunayan ay sa Kristo.” (Ang Pisikal na Kalinisan ay Nagrerekomenda sa Atin
9, 10. (a) Bakit mahalaga sa isang Kristiyano ang pisikal na kalinisan? (b) Ano ang kadalasang mga komento tungkol sa mga kombensiyon ng mga Saksi ni Jehova?
9 Ang pisikal na kalinisan ba ay isa pa ring mahalagang bahagi ng tunay na pagsamba? Bagaman ang isa ay hindi nagiging tunay na mananamba ng Diyos dahil lamang sa pisikal na kalinisan, tiyak na angkop lamang na maging malinis sa pisikal ang isang tunay na mananamba hanggang sa ipinahihintulot ng kaniyang mga kalagayan. Lalung-lalo na sa ngayon na maraming tao ang di-gaanong nagbibigay-pansin sa pagpapanatiling malinis sa kanilang sarili, sa kanilang kasuutan, o sa kanilang kapaligiran, yaong mga nagpapamalas naman ng kalinisan ay kadalasang napapansin ng mga tao sa kanilang palibot. Ito ay maaaring umakay sa mabubuting resulta, gaya ng binanggit ni Pablo sa mga Kristiyano sa Corinto: “Sa anumang paraan ay hindi kami nagbibigay ng anumang dahilan na ikatitisod, upang ang aming ministeryo ay huwag makitaan ng pagkakamali; kundi sa bawat paraan ay inirerekomenda namin ang aming sarili bilang mga ministro ng Diyos.”—2 Corinto 6:3, 4.
10 Ang mga Saksi ni Jehova ay madalas na pinapupurihan ng mga opisyal ng pamahalaan dahil sa kanilang malinis, maayos, at magalang na paggawi at mga kinaugalian, na partikular na nakikita sa kanilang malalaking kombensiyon. Halimbawa, tungkol sa isang kombensiyon na ginanap sa probinsiya ng Savona, Italya, ang diyaryong La Stampa ay nagkomento: “Ang kaagad na mapapansin kapag naglalakad ang isa sa mga pasilidad ay ang kalinisan at kaayusan ng mga tao na gumagamit sa mga ito.” Pagkatapos ng isang kombensiyon ng mga Saksi sa isang istadyum sa São Paulo, Brazil, isang opisyal ng istadyum ang nagsabi sa kaniyang superbisor ng mga tauhan sa paglilinis: “Magmula ngayon, lilinisin natin ang istadyum na gaya ng paglilinis na ginawa ng mga Saksi ni Jehova.” Isa pang opisyal sa istadyum ding iyon ang nagsabi: “Kapag gustong upahan ng mga Saksi ni Jehova ang istadyum, ang alalahanin lamang namin ay ang mga petsa. Wala na kaming iba pang ikinababahala.”
11, 12. (a) Anong simulain sa Bibliya ang kailangan nating isaisip pagdating sa personal na kalinisan? (b) Anong mga tanong ang maaaring ibangon hinggil sa ating personal na mga kinaugalian at paraan ng pamumuhay?
11 Kung ang kalinisan at kaayusan sa ating dako ng pagsamba ay maaaring pagmulan ng papuri sa Diyos na ating sinasamba, tiyak na ang pagpapamalas ng mga katangiang ito sa ating sariling buhay ay gayundin kahalaga. Gayunman, sa ating sariling tahanan, maaaring madama natin na may karapatan tayo na maging maluwag at kumilos ayon sa gusto natin. At kung ang pananamit at pag-aayos ang pag-uusapan, talaga namang may kalayaan tayo na mamili kung ano ang inaakala nating komportable at kasiya-siya! Gayunman, sa kalakhang bahagi, ang lahat ng kalayaang ito ay relatibo lamang. Alalahanin na sa pagtalakay sa partikular na mga pagkain na gustong kainin ng isa, binabalaan ni Pablo ang kaniyang mga kapuwa Kristiyano: “Lagi kayong mag-ingat na sa paanuman ang awtoridad ninyong ito ay hindi maging katitisuran doon sa mahihina.” Pagkatapos ay binanggit niya ang isang mahalagang simulain: “Ang lahat ng bagay ay matuwid; ngunit hindi lahat ng bagay ay kapaki-pakinabang. Ang lahat ng bagay ay matuwid; ngunit hindi lahat ng bagay ay nakapagpapatibay.” (1 Corinto 8:9; 10:23) Paano kumakapit sa atin ang payo ni Pablo hinggil sa kalinisan?
12 Makatuwiran lamang na asahan ng mga tao na ang isang ministro ng Diyos ay malinis at maayos sa kaniyang paraan ng pamumuhay. Kaya kailangan nating tiyakin na ang hitsura ng ating tahanan 2 Pedro 3:13) Gayundin naman, ang ating personal na hitsura—sa panahon man ng paglilibang o sa ministeryo—ay maaaring makadagdag o makabawas sa kagandahan ng mensahe na ipinangangaral natin. Halimbawa, pansinin ang komentong ito ng isang reporter sa diyaryo sa Mexico: “Tunay nga, ang mga kabataan ay isang malaking bahagi ng mga miyembro ng mga Saksi ni Jehova, at ang kapansin-pansin ay ang kanilang mga gupit, kalinisan, at angkop na pananamit.” Kaylaki ngang kagalakan na makasama natin ang gayong mga kabataan!
at ng kapaligiran nito ay hindi nakasisira sa sinasabi natin kung sino tayo, samakatuwid nga, mga ministro ng Salita ng Diyos. Anong uri ng patotoo ang ibinibigay ng ating tahanan tungkol sa atin at sa ating mga paniniwala? Ipinakikita ba nito na talagang nananabik tayong mabuhay sa isang malinis at maayos na bagong sanlibutan ng katuwiran, na mariin nating inirerekomenda sa iba? (13. Ano ang maaari nating gawin upang matiyak na lahat ng aspekto ng ating buhay ay malinis at maayos?
13 Sabihin pa, ang pagtiyak na laging malinis at maayos ang ating pangangatawan at hitsura, ang ating mga ari-arian, at ang ating tahanan ay mas madaling sabihin kaysa sa gawin. Ang kailangan ay, hindi napakaraming komplikado at mamahaling kasangkapan o mga kagamitan, kundi mahusay na pagpaplano at patuluyang pagsisikap. Kailangang maglaan ng panahon para sa paglilinis ng ating katawan, paglalaba sa ating mga damit, paglilinis sa ating tahanan, sa ating kotse, at iba pa. Ang pagiging abala sa ministeryo, pagdalo sa mga pulong, at personal na pag-aaral—maliban pa sa pag-aasikaso sa ibang mga obligasyon sa pang-araw-araw na buhay—ay hindi nagbibigay sa atin ng eksemsiyon sa pangangailangan na manatiling malinis at kaayaaya sa paningin ng Diyos at ng mga tao. Ang pamilyar na simulaing “sa lahat ng bagay ay may takdang panahon” ay kumakapit din sa bahaging ito ng ating buhay.—Eclesiastes 3:1.
Isang Puso na Walang Dungis
14. Bakit masasabi na ang moral at espirituwal na kalinisan ay mas mahalaga pa kaysa sa pisikal na kalinisan?
14 Kung mahalaga ang pagbibigay ng pansin sa pisikal na kalinisan, mas mahalaga na mabahala sa moral at espirituwal na kalinisan. Ganito ang ating magiging konklusyon kung aalalahanin natin na ang bansang Israel ay itinakwil ni Jehova, hindi dahil sa marumi sila sa pisikal, kundi dahil sa naging marumi sila sa moral at espirituwal. Sa pamamagitan ni propeta Isaias, sinabi sa kanila ni Jehova na dahilan sa kanilang pagiging “makasalanang bansa, ang bayan na napabibigatan ng kamalian,” Isaias 1:4, 11-16.
ang kanilang mga hain, ang kanilang pangingilin ng bagong buwan at sabbath, oo, maging ang kanilang mga panalangin ay naging pasanin sa kaniya. Ano ang kailangan nilang gawin upang muli nilang matamo ang lingap ng Diyos? Sinabi ni Jehova: “Maghugas kayo; magpakalinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawain mula sa harap ng aking mga mata; tigilan ninyo ang paggawa ng masama.”—15, 16. Ano ang sinabi ni Jesus na nagpaparungis sa isang tao, at paano tayo makikinabang sa mga salita ni Jesus?
15 Upang maunawaan pa nang higit ang kahalagahan ng moral at espirituwal na kalinisan, isaalang-alang kung ano ang sinabi ni Jesus nang igiit ng mga Pariseo at eskriba na ang kaniyang mga alagad ay marumi dahil hindi sila naghugas ng kanilang mga kamay bago kumain. Itinuwid ni Jesus ang mga bagay-bagay sa pagsasabi: “Hindi ang pumapasok sa kaniyang bibig ang nagpaparungis sa isang tao; kundi ang lumalabas sa kaniyang bibig ang nagpaparungis sa isang tao.” Pagkatapos ay ipinaliwanag ni Jesus: “Ang mga bagay na lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso, at ang mga bagay na iyon ang nagpaparungis sa isang tao. Bilang halimbawa, mula sa puso ay nanggagaling ang mga balakyot na pangangatuwiran, mga pagpaslang, mga pangangalunya, mga pakikiapid, mga pagnanakaw, mga bulaang patotoo, mga pamumusong. Ito ang mga bagay na nagpaparungis sa isang tao; ngunit ang kumain na di-nahugasan ang mga kamay ay hindi nagpaparungis sa isang tao.”—Mateo 15:11, 18-20.
16 Ano ang matututuhan natin sa mga salita ni Jesus? Tinukoy ni Jesus na nauuna muna ang balakyot, imoral, at maruruming hilig ng puso bago ang balakyot, imoral, at maruruming gawa. Gaya ng pagkakasabi ng alagad na si Santiago, “ang bawat isa ay nasusubok kapag nahihila at naaakit ng sarili niyang pagnanasa.” (Santiago 1:14, 15) Kaya kung hindi natin gustong mahulog sa malulubhang pagkakasala na inilarawan ni Jesus, dapat nating bunutin at huwag pahintulutang magkaugat sa ating puso ang anumang hilig sa gayong mga bagay. Nangangahulugan iyan na dapat tayong maging maingat sa ating binabasa, pinanonood, at pinakikinggan. Sa ngayon, sa ngalan ng malayang pagsasalita at artistic license (paglihis sa tuntunin alang-alang sa sining), gumagawa ang mga industriya sa paglilibang at pag-aanunsiyo ng pagkarami-raming tunog at mga larawan na nagpapalugod sa mga pagnanasa ng makasalanang laman. Dapat tayong maging determinado na huwag pahintulutan ang anuman sa mga ideyang ito na mag-ugat sa ating puso. Ang pinakasusing punto ay na upang maging kalugud-lugod at kaayaaya sa Diyos, dapat tayong maging mapagbantay palagi upang mapanatili ang isang malinis at walang dungis na puso.—Kawikaan 4:23.
Nilinis Ukol sa Maiinam na Gawa
17. Bakit nilinis ni Jehova ang kaniyang bayan?
17 Talagang isang pagpapala at isang proteksiyon na, sa tulong ni Jehova, makapagtatamasa tayo ng malinis na katayuan sa harap niya. (2 Corinto 6:14-18) Gayunman, nauunawaan din natin na nilinis ni Jehova ang kaniyang bayan para sa isang espesipikong layunin. Sinabi ni Pablo kay Tito na si Kristo Jesus ay “nagbigay ng kaniyang sarili para sa atin upang mailigtas niya tayo mula sa bawat uri ng katampalasanan at linisin para sa kaniyang sarili ang isang bayan na katangi-tanging kaniya, masigasig sa maiinam na gawa.” (Tito 2:14) Bilang isang bayang nilinis, sa anong mga gawa tayo kailangang maging masigasig?
18. Paano natin maipakikita na tayo ay masigasig sa maiinam na gawa?
18 Unang-una, kailangan tayong magpunyagi sa paghahayag sa madla ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. (Mateo 24:14) Sa paggawa nito, inihaharap natin sa mga tao sa lahat ng dako ang pag-asa na mabuhay magpakailanman sa lupa na magiging malaya sa anumang uri ng polusyon. (2 Pedro 3:13) Kalakip din sa ating maiinam na gawa ang pagpapakita ng mga bunga ng espiritu ng Diyos sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, sa gayo’y niluluwalhati ang ating makalangit na Ama. (Galacia 5:22, 23; 1 Pedro 2:12) At hindi natin kinalilimutan yaong mga wala sa katotohanan na maaaring sinalanta ng likas na mga kasakunaan o mga trahedya na gawa ng tao. Isinasaisip natin ang payo ni Pablo: “Kung gayon nga, habang tayo ay may panahong kaayaaya para rito, gumawa tayo ng mabuti sa lahat, ngunit lalo na roon sa mga may kaugnayan sa atin sa pananampalataya.” (Galacia 6:10) Ang lahat ng gayong paglilingkod, na nagmumula sa isang pusong malinis at may dalisay na motibo, ay kalugud-lugod sa Diyos.—1 Timoteo 1:5.
19. Anong mga pagpapala ang naghihintay sa atin kung patuloy nating pananatilihin ang mataas na pamantayan sa kalinisan—sa pisikal, moral, at espirituwal na paraan?
19 Bilang mga lingkod ng Kataas-taasan, isinasapuso natin ang mga salita ni Pablo: “Namamanhik ako sa inyo sa pamamagitan ng habag ng Diyos, mga kapatid, na iharap ninyo ang inyong mga katawan na isang haing buháy, banal, kaayaaya sa Diyos, isang sagradong paglilingkod taglay ang inyong kakayahan sa pangangatuwiran.” (Roma 12:1) Nawa’y patuloy nating pahalagahan ang pribilehiyo na nililinis tayo ni Jehova at gawin natin ang ating buong makakaya upang mapanatili ang mataas na pamantayan sa pisikal, moral, at espirituwal na kalinisan. Ang paggawa ng gayon ay magdudulot sa atin hindi lamang ng paggalang sa sarili at kasiyahan ngayon kundi gayundin ng pag-asa na makitang lumipas “ang mga dating bagay”—ang kasalukuyang balakyot at marungis na sistema—kapag ‘ginawang bago [ng Diyos] ang lahat ng bagay.’—Apocalipsis 21:4, 5.
Naaalaala Mo Ba?
• Bakit binigyan ang mga Israelita ng maraming kautusan hinggil sa kalinisan?
• Paano nakadaragdag sa kagandahan ng mensahe na ipinangangaral natin ang pisikal na kalinisan?
• Bakit mas mahalaga pa ang moral at espirituwal na kalinisan kaysa sa pisikal na kalinisan?
• Paano natin maipakikita na tayo ay isang bayan na “masigasig sa maiinam na gawa”?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 21]
Ang pisikal na kalinisan ay nakadaragdag sa kagandahan ng mensahe na ipinangangaral natin
[Larawan sa pahina 22]
Nagbabala si Jesus na ang balakyot na mga kaisipan ay umaakay sa balakyot na mga gawa
[Mga larawan sa pahina 23]
Bilang nilinis na bayan, ang mga Saksi ni Jehova ay masigasig sa maiinam na gawa