Pumunta sa nilalaman

Pumunta sa talaan ng mga nilalaman

Panahon Upang Isiwalat ang Isang Lihim na Bagay

Panahon Upang Isiwalat ang Isang Lihim na Bagay

Panahon Upang Isiwalat ang Isang Lihim na Bagay

Ang pagpapanatiling lihim sa ilang bagay ay maaaring mangahulugan ng kapayapaan o alitan. Ngunit may panahon ba upang isiwalat ang isang lihim na bagay? Pansinin ang sinabi ni propeta Amos hinggil sa kaniyang Diyos: “[Si] Jehova ay hindi gagawa ng anumang bagay malibang naisiwalat na niya ang kaniyang lihim na bagay sa kaniyang mga lingkod na mga propeta.” (Amos 3:7) Mula sa mga pananalitang ito, may matututuhan tayo hinggil sa paglilihim. Maaaring panatilihin ni Jehova na lihim ang ilang bagay sa loob ng isang yugto ng panahon at sa kalaunan ay isiwalat ang mga ito sa ilang indibiduwal. Paano natin matutularan si Jehova sa puntong ito?

Kung minsan, nasusumpungan ng hinirang na mga pastol sa Kristiyanong kongregasyon na makabubuti na hindi isiwalat ang isang bagay. (Gawa 20:28) Halimbawa, palibhasa’y iniisip ang kapakinabangan ng kongregasyon, maaaring ipasiya nila na ilihim muna ang mga detalye ng ilang kaayusan o pagbabago sa mga pananagutan sa kongregasyon hanggang sa isang espesipikong panahon.

Gayunman, sa gayong kaso, mahalaga na liwanagin sa mga nasasangkot kung isisiwalat o hindi ang bagay na iyon, kung kailan, at kung paano gagawin iyon. Ang pagkaalam kung kailan isisiwalat sa madla ang isang bagay ay maaaring makatulong sa kanila na panatilihing lihim ang bagay na iyon.​—Kawikaan 25:9.