Ano ba Talaga ang Impiyerno?
Ano ba Talaga ang Impiyerno?
ANUMAN ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig ang salitang “impiyerno,” karaniwan nang itinuturing ng mga tao ang impiyerno bilang isang lugar ng pagpapahirap dahil sa kasalanan. May kinalaman sa kasalanan at epekto nito, ang Bibliya ay nagsasabi: “Sa pamamagitan ng isang tao ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan, at sa gayon ang kamatayan ay lumaganap sa lahat ng tao sapagkat silang lahat ay nagkasala.” (Roma 5:12) Sinasabi rin ng Kasulatan: “Ang kabayaran na ibinabayad ng kasalanan ay kamatayan.” (Roma 6:23) Yamang ang parusa sa kasalanan ay kamatayan, ang pangunahing katanungan upang matiyak ang tunay na kahulugan ng impiyerno ay: Ano ang nangyayari sa atin kapag tayo’y namatay?
Mayroon bang isang uri, isang anyo, ng buhay na nagpapatuloy pagkamatay? Ano ba ang impiyerno, at anong uri ng mga tao ang nagtutungo roon? May pag-asa pa ba para sa mga nasa impiyerno? Ang Bibliya ay nagbibigay ng makatotohanan at nakasisiyang mga sagot sa mga tanong na ito.
Buhay Pagkatapos ng Kamatayan?
May isang bagay ba sa loob natin, tulad ng kaluluwa o espiritu, na nananatiling buháy pagkamatay ng katawan? Isaalang-alang kung paano nabuhay ang unang taong si Adan. Ang Bibliya ay nagsasabi: “Pinasimulang anyuan ng Diyos na Jehova ang tao mula sa alabok ng lupa at inihihip sa mga butas ng kaniyang ilong ang hininga ng buhay.” (Genesis 2:7) Bagaman napanatili ng paghinga ang kaniyang buhay, ang paglalagay ng “hininga ng buhay” sa mga butas ng kaniyang ilong ay nagsasangkot ng higit pa kaysa sa basta paghihip lamang ng hangin sa mga baga niya. Nangangahulugan ito na inilagay ng Diyos sa walang-buhay na katawan ni Adan ang ningas ng buhay—ang “puwersa ng buhay,” na aktibo sa lahat ng makalupang nilalang. (Genesis 6:17; 7:22) Tinutukoy ng Bibliya ang puwersang ito ng buhay bilang “espiritu.” (Santiago 2:26) Maihahalintulad ang espiritung iyan sa kuryente na nagpapaandar sa isang makina o sa isang kasangkapan at nagpapangyaring maisagawa ang gawain nito. Kung paanong hindi taglay ng kuryente ang mga katangian ng kagamitang pinaaandar nito, hindi rin naman taglay ng puwersa ng buhay ang mga katangian ng mga nilalang na binibigyang-buhay nito. Wala itong personalidad at kakayahang mag-isip.
Ano ang nangyayari sa espiritu kapag namatay ang isang tao? Ang Awit 146:4 ay nagsasabi: “Ang kaniyang espiritu ay pumapanaw, siya ay bumabalik sa kaniyang pagkalupa; sa araw ring iyon ay maglalaho ang kaniyang pag-iisip.” Kapag namatay ang isang tao, ang kaniyang di-personang espiritu ay hindi na nagpapatuloy na umiral sa ibang lugar bilang isang espiritung nilalang. Ito’y ‘bumabalik sa tunay na Diyos na nagbigay nito.’ (Eclesiastes 12:7) Nangangahulugan ito na anumang pag-asa sa buhay sa hinaharap para sa taong iyon ay nakasalalay na nang lubusan sa Diyos.
Naniwala ang sinaunang mga pilosopong Griego na sina Socrates at Plato na ang kaluluwa sa loob ng isang tao ay nananatiling buháy at hindi kailanman namamatay. Ano ang itinuturo ng Bibliya tungkol sa kaluluwa? Si Adan ay “naging isang Genesis 2:7. Hindi siya tumanggap ng isang kaluluwa; siya mismo ang kaluluwa—ang tao mismo. Binabanggit ng Kasulatan na ang kaluluwa ay nagtatrabaho, nagnanasang kumain, nadudukot, napupuyat, at iba pa. (Levitico 23:30; Deuteronomio 12:20; 24:7; Awit 119:28) Oo, ang tao mismo ang kaluluwa. Kapag namatay ang isang tao, namamatay ang kaluluwang iyan.—Ezekiel 18:4.
kaluluwang buháy,” ang sabi ngKung gayon, ano ang kalagayan ng mga patay? Nang hatulan si Adan, sinabi ni Jehova: “Sapagkat ikaw ay alabok at sa alabok ka babalik.” (Genesis 3:19) Nasaan si Adan bago siya anyuan ng Diyos mula sa alabok ng lupa at bigyan ng buhay? Siyempre pa, hindi siya talaga umiiral! Nang siya’y mamatay, si Adan ay nagbalik sa kalagayan ng lubusang hindi pag-iral. Niliwanag sa Eclesiastes 9:5, 10 ang kalagayan ng mga patay, kung saan mababasa natin: “Ang patay ay walang alam kahit na ano . . . Sa libingang pupuntahan mo ay wala nang paggawa, pagpaplano, ni kaalaman o karunungan.” (Bagong Salin sa Pilipino) Ayon sa Bibliya, ang kamatayan ay isang kalagayan ng hindi pag-iral. Ang mga patay ay walang alam, walang pakiramdam, walang iniisip.
Walang-Katapusang Pagpapahirap o Pangkaraniwang Libingan?
Yamang ang mga patay ay walang malay, hindi maaaring maging isang maapoy na dako ng pagpapahirap ang impiyerno kung saan nagdurusa ang mga balakyot pagkamatay. Kung gayon, ano ang impiyerno? Matutulungan tayong masagot ang katanungang iyan sa pagsusuri sa nangyari kay Jesus pagkamatay niya. Sinabi ng manunulat sa Bibliya na si Lucas: “Hindi siya [si Jesus] pinabayaan sa Hades [impiyerno, King James Version] ni nakakita man ng kasiraan ang kaniyang laman”. * (Gawa 2:31) Nasaan ang impiyerno na maging si Jesus ay nagtungo roon? Sumulat si apostol Pablo: “Ibinigay ko sa inyo . . . na si Kristo ay namatay para sa ating mga kasalanan ayon sa Kasulatan; at na inilibing siya, oo, na ibinangon siya nang ikatlong araw ayon sa Kasulatan.” (1 Corinto 15:3, 4) Kaya si Jesus ay napasaimpiyerno, ang libingan, subalit hindi siya pinabayaan doon, sapagkat ibinangon siya, o binuhay-muli.
Isaalang-alang din ang kaso ng matuwid na taong si Job, na labis na nagdusa. Sa paghahangad na makatakas sa pagdurusa niya, nagmakaawa siya: “Sino ang magkakaloob nito sa akin, upang maingatan mo ako sa impiyerno [Sheol], at ikubli mo ako hanggang sa makaraan ang iyong poot?” * (Job 14:13, Douay Version) Malaking kahibangan nga na isiping nanaisin ni Job na magpunta sa isang dakong nag-aapoy sa init para maingatan! Para kay Job, ang “impiyerno” ay ang libingan lamang, kung saan magwawakas ang kaniyang pagdurusa. Kung gayon, ang impiyerno sa Bibliya ay ang pangkaraniwang libingan ng sangkatauhan kung saan nagtutungo ang mabubuting tao gayundin ang masasama.
Maapoy na Impiyerno—Lubusang Pagkapuksa?
Maaari kaya na ang apoy ng impiyerno ay sumasagisag sa lubusan, o ganap, na pagkapuksa? Upang makilala ang pagkakaiba ng apoy at Hades, Apocalipsis 20:14.
o impiyerno, sinasabi ng Kasulatan: “Ang kamatayan at ang Hades ay inihagis sa lawa ng apoy.” “Ang lawa” na binanggit dito ay makasagisag, yamang ang kamatayan at impiyerno (Hades) na inihagis dito ay hindi naman literal na masusunog. “Ito [lawa ng apoy] ay nangangahulugan ng ikalawang kamatayan”—kamatayan na wala nang pag-asang mabuhay pang muli.—Ang lawa ng apoy ay may kahulugang katulad niyaong sa “maapoy na Gehenna [apoy ng impiyerno, King James Version]” na binanggit ni Jesus. (Mateo 5:22; Marcos 9:47, 48) Ang Gehenna ay lumilitaw nang 12 ulit sa Kristiyanong Griegong Kasulatan, at ito’y tumutukoy sa libis ng Hinnom, sa labas ng pader ng Jerusalem. Nang si Jesus ay nasa lupa, ang libis na ito ay ginamit na tambakan ng basura, “kung saan ang bangkay ng mga kriminal, at ang patay na mga hayop, at bawat iba pang uri ng basura ay itinatapon.” (Smith’s Dictionary of the Bible) Patuloy na pinaglalagablab ang apoy sa pamamagitan ng pagdaragdag ng asupre upang sunugin ang mga basura. Ginamit ni Jesus ang libis na iyon bilang isang angkop na paglalarawan sa walang-hanggang pagkalipol.
Katulad ng Gehenna, ang lawa ng apoy ay lumalarawan sa walang-hanggang pagkalipol. Ang ‘paghagis’ sa kamatayan at Hades doon ay nangangahulugan na lilipulin na ang mga ito kapag ang sangkatauhan ay pinalaya na sa kasalanan at hatol na kamatayan. Ang kusa at di-nagsisising mga makasalanan ay magkakaroon din ng “bahagi” sa lawang iyan. (Apocalipsis 21:8) Sila rin ay malilipol magpakailanman. Sa kabilang banda, yaong mga nasa alaala ng Diyos na nasa impiyerno—ang pangkaraniwang libingan ng sangkatauhan—ay may kamangha-manghang kinabukasan.
Aalisan ng Laman ang Impiyerno!
Sinasabi ng Apocalipsis 20:13: “Ibinigay ng dagat ang mga patay na nasa kaniya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila.” Oo, ang impiyerno sa Bibliya ay aalisan ng laman. Gaya ng ipinangako ni Jesus, “ang oras ay dumarating na ang lahat ng nasa mga alaalang libingan ay makaririnig ng kaniyang [ni Jesus] tinig at lalabas.” (Juan 5:28, 29) Bagaman hindi na umiiral ang mga ito sa kasalukuyan sa anumang anyo, milyun-milyong patay na nasa alaala ng Diyos na Jehova ang bubuhaying-muli, o ibabalik ang buhay, sa isang isinauling paraiso sa lupa.—Lucas 23:43; Gawa 24:15.
Sa bagong sanlibutan ng Diyos, ang binuhay-muling mga tao na sumusunod sa kaniyang matuwid na mga kautusan ay hindi na kailangang mamatay pang muli. (Isaias 25:8) “Papahirin [ni Jehova] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man.” Sa katunayan, ‘ang mga dating bagay ay lilipas na.’ (Apocalipsis 21:4) Anong laking pagpapala nga ang nakalaan para sa mga nasa impiyerno—ang “mga alaalang libingan”! Tunay na ang pagpapalang ito ay sapat nang dahilan upang kumuha tayo ng higit na kaalaman tungkol sa Diyos na Jehova at sa kaniyang Anak, si Jesu-Kristo.—Juan 17:3.
[Mga talababa]
^ par. 10 Sa King James Version, ang salitang Griego na Hades ay isinaling “impiyerno” sa bawat isa sa sampung paglitaw nito sa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Binabanggit ng salin sa Lucas 16:19-31 ang pagpapahirap, subalit makasagisag ang kahulugan ng buong ulat. Tingnan ang kabanata 88 ng Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman, inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
^ par. 11 Ang Hebreong salita na Sheol ay lumilitaw nang 65 ulit sa Hebreong Kasulatan at isinalin na “impiyerno,” “libingan,” at “hukay” sa King James Version.
[Larawan sa pahina 5]
Nanalangin si Job na ingatan siya sa impiyerno
[Larawan sa pahina 6]
Ang maapoy na Gehenna—isang sagisag ng walang-hanggang pagkalipol
[Larawan sa pahina 7]
‘Yaong mga nasa alaalang libingan ay lalabas’