Idagdag sa Iyong Pagbabata ang Makadiyos na Debosyon
Idagdag sa Iyong Pagbabata ang Makadiyos na Debosyon
“Idagdag sa inyong pananampalataya . . . ang pagbabata, sa inyong pagbabata ang makadiyos na debosyon.”—2 Pedro 1:5, 6.
1, 2. (a) Anong uri ng paglaki ang inaasahan sa isang bata? (b) Gaano kahalaga ang espirituwal na paglaki?
MAHALAGA ang paglaki sa isang bata, ngunit higit pa sa pisikal na paglaki ang hinahangad. Inaasahan din ang pagsulong sa isip at emosyon. Sa kalaunan, iwawaksi na ng bata ang mga ugaling-bata nito at susulong tungo sa pagiging isang lalaki o babae na nasa hustong-gulang. Binanggit ito ni apostol Pablo nang sumulat siya: “Noong ako ay sanggol pa, nagsasalita akong gaya ng sanggol, nag-iisip na gaya ng sanggol, nangangatuwirang gaya ng sanggol; ngunit ngayong ganap na ang aking pagkatao, inalis ko na ang mga ugali ng isang sanggol.”—1 Corinto 13:11.
2 May mahalagang punto ang mga salita ni Pablo hinggil sa espirituwal na paglaki. Kailangang sumulong ang mga Kristiyano mula sa pagiging sanggol sa espirituwal tungo sa pagiging “hustong-gulang sa mga kakayahan ng pang-unawa.” (1 Corinto 14:20) Dapat silang magpunyagi at magsikap upang matamo ang “sukat ng laki na nauukol sa kalubusan ng Kristo.” Sa gayon ay hindi na sila magiging ‘mga sanggol na sinisiklut-siklot ng mga alon at dinadalang paroo’t parito ng bawat hangin ng turo.’—Efeso 4:13, 14.
3, 4. (a) Ano ang dapat nating gawin upang maging hustong-gulang sa espirituwal? (b) Anong makadiyos na mga katangian ang dapat nating ipamalas, at gaano kahalaga ang mga ito?
3 Paano tayo magiging hustong-gulang sa espirituwal? Bagaman ang pisikal na paglaki ay halos kusang nangyayari sa ilalim ng normal na mga kalagayan, ang espirituwal na paglaki ay nangangailangan ng sariling pagsisikap. Nagsisimula ito sa pagkuha ng tumpak na kaalaman sa Salita ng Diyos at pagkilos kasuwato ng ating natututuhan. (Hebreo 5:14; 2 Pedro 1:3) Ito naman ang magpapangyari sa atin na ipamalas ang makadiyos na mga katangian. Katulad ng pisikal na paglaki at ng kaugnay na mga aspekto nito, ang pagsulong sa iba’t ibang makadiyos na katangian ay karaniwan nang nagaganap nang magkakasabay. Sumulat si apostol Pedro: “Sa pamamagitan ng inyong pagdaragdag ng lahat ng marubdob na pagsisikap, idagdag sa inyong pananampalataya ang kagalingan, sa inyong kagalingan ang kaalaman, sa inyong kaalaman ang pagpipigil sa sarili, sa inyong pagpipigil sa sarili ang pagbabata, sa inyong pagbabata ang makadiyos na debosyon, sa inyong makadiyos na debosyon ang pagmamahal na pangkapatid, sa inyong pagmamahal na pangkapatid ang pag-ibig.”—2 Pedro 1:5-7.
4 Mahalaga ang bawat katangian na itinala ni Pedro, at walang isa man ang dapat kaligtaan. Idinagdag pa niya: “Kung ang mga bagay na ito ay nasa inyo at nag-uumapaw, pipigilan kayo ng mga ito sa pagiging alinman sa di-aktibo o di-mabunga may kinalaman sa tumpak na kaalaman sa ating Panginoong Jesu-Kristo.” (2 Pedro 1:8) Bigyang-pansin natin ang pangangailangan na idagdag sa ating pagbabata ang makadiyos na debosyon.
Ang Pangangailangang Magbata
5. Bakit kailangan natin ang pagbabata?
5 Iniuugnay kapuwa nina Pedro at Pablo ang makadiyos na debosyon sa pagbabata. (1 Timoteo 6:11) Ang pagbabata ay nangangahulugan ng higit pa kaysa sa pagpapamalas ng lakas ng loob at pananatiling matatag sa ilalim ng mahihirap na kalagayan. Nasasangkot dito ang pagtitiis, katapangan, at katatagan, hindi nawawalan ng pag-asa kapag napaharap sa mga pagsubok, balakid, tukso, o pag-uusig. Yamang tayo ay nabubuhay nang may “makadiyos na debosyon may kaugnayan kay Kristo Jesus,” inaasahan natin na tayo ay pag-uusigin. (2 Timoteo 3:12) Dapat tayong magbata upang mapatunayan natin ang ating pag-ibig kay Jehova at malinang ang mga katangiang kailangan para sa kaligtasan. (Roma 5:3-5; 2 Timoteo 4:7, 8; Santiago 1:3, 4, 12) Kung walang pagbabata, hindi natin matatamo ang buhay na walang hanggan.—Roma 2:6, 7; Hebreo 10:36.
6. Ang pagbabata hanggang sa wakas ay nangangahulugan ng paggawa ng ano?
Mateo 24:13) Oo, dapat tayong magbata hanggang sa wakas, ito man ay wakas ng ating kasalukuyang buhay o wakas ng sistemang ito ng mga bagay. Alinman ang mauna, dapat tayong manatiling tapat sa Diyos. Gayunman, kung hindi natin idaragdag sa ating pagbabata ang makadiyos na debosyon, hindi natin mapalulugdan si Jehova, at hindi natin matatamo ang buhay na walang hanggan. Ngunit ano nga ba ang makadiyos na debosyon?
6 Gaano man kahusay ang ating pasimula, ang mahalaga pa rin sa dakong huli ay ang makapagbata tayo. Sinabi ni Jesus: “Siya na nakapagbata hanggang sa wakas ang siyang maliligtas.” (Ang Kahulugan ng Makadiyos na Debosyon
7. Ano ang makadiyos na debosyon, at inuudyukan tayo nito na gawin ang ano?
7 Ang makadiyos na debosyon ay personal na pagpipitagan, pagsamba, at paglilingkod sa Diyos na Jehova bunga ng pagiging matapat sa kaniyang pansansinukob na soberanya. Upang maipamalas ang makadiyos na debosyon kay Jehova, kailangan natin ang tumpak na kaalaman tungkol sa kaniya at sa kaniyang mga daan. Dapat na naisin nating makilala ang Diyos sa personal at matalik na paraan. Ito ang magpapakilos sa atin na malinang ang taos-pusong pagkagiliw sa kaniya, yaong makikita mismo sa ating mga pagkilos at paraan ng pamumuhay. Dapat nating hangarin na maging katulad ni Jehova hangga’t maaari—na tularan ang kaniyang mga daan at ipaaninag ang kaniyang mga katangian at personalidad. (Efeso 5:1) Tunay nga, ang makadiyos na debosyon ang gumaganyak sa atin na naising paluguran ang Diyos sa lahat ng ating ginagawa.—1 Corinto 10:31.
8. Paano lubhang nauugnay ang makadiyos na debosyon sa bukod-tanging debosyon?
8 Upang maisagawa ang tunay na makadiyos na debosyon, dapat nating sambahin nang bukod-tangi si Jehova, anupat hindi pinahihintulutang kunin ng anumang bagay ang kaniyang dako sa ating puso. Bilang ating Maylalang, may karapatan siyang tumanggap ng ating bukod-tanging debosyon. (Deuteronomio 4:24; Isaias 42:8) Gayunpaman, hindi tayo pinipilit ni Jehova na sambahin siya. Nais niya ang ating kusang-loob na debosyon. Ang pag-ibig natin sa Diyos, salig sa tumpak na kaalaman tungkol sa kaniya, ang nagpapakilos sa atin na linisin ang ating buhay at mag-alay sa kaniya nang walang pasubali at pagkatapos ay mamuhay ayon dito.
Linangin ang Kaugnayan sa Diyos
9, 10. Paano natin malilinang at mapananatili ang isang malapít na kaugnayan sa Diyos?
9 Pagkatapos na sagisagan ang ating pag-aalay sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapabautismo, kailangan pa rin nating linangin ang isang mas malapít na personal na kaugnayan sa kaniya. Kung gayon, ang ating hangaring gawin ito at maglingkod kay Jehova nang may katapatan ay nagpapakilos sa atin na patuloy na pag-aralan ang kaniyang Salita at bulay-bulayin ito. Habang hinahayaan natin ang espiritu ng Diyos na kumilos sa ating isip at puso, sumisidhi ang ating pag-ibig para kay Jehova. Ang ating kaugnayan sa kaniya ang pinakamahalagang bagay pa rin sa ating buhay. Itinuturing natin si Jehova bilang ating pinakamatalik na Kaibigan at nais nating paluguran siya sa lahat ng pagkakataon. (1 Juan 5:3) Lalo tayong nalulugod sa kaiga-igayang kaugnayan natin sa Diyos, at tayo ay nagpapasalamat na maibigin niya tayong tinuturuan at itinutuwid kapag kinakailangan.—Deuteronomio 8:5.
10 Maaaring maglaho ang ating mahalagang kaugnayan kay Jehova kung hindi tayo patuloy na gagawa ng pagkilos upang mapatibay ito. Kapag nangyari iyan, hindi ito kasalanan ng Diyos, yamang “hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.” (Gawa 17:27) Kayligaya nga natin na hindi ginawang mahirap ni Jehova ang paglapit sa kaniya! (1 Juan 5:14, 15) Sabihin pa, dapat tayong magsikap na mapanatili ang isang malapít na personal na kaugnayan kay Jehova. Gayunman, tinutulungan niya tayong maging malapít sa kaniya sa pamamagitan ng pagbibigay sa atin ng lahat ng paglalaang kailangan natin upang malinang at mapanatili ang makadiyos na debosyon. (Santiago 4:8) Paano natin lubos na mapakikinabangan ang lahat ng maibiging paglalaang ito?
Manatiling Malakas sa Espirituwal
11. Ano ang ilang kapahayagan ng ating makadiyos na debosyon?
11 Ang ating pag-ibig sa Diyos na malalim ang pagkakaugat ay gaganyak sa atin na ipamalas ang lalim ng ating makadiyos na debosyon, na kasuwato ng payo ni Pablo: “Gawin mo ang iyong buong makakaya na iharap sa Diyos ang iyong sarili bilang sinang-ayunan, manggagawa na walang anumang ikinahihiya, na ginagamit nang wasto ang salita ng katotohanan.” (2 Timoteo 2:15) Ang paggawa nito ay humihiling na panatilihin natin ang isang mabuting rutin ng regular na pag-aaral ng Bibliya, pagdalo sa mga pulong, at pakikibahagi sa ministeryo sa larangan. Makapananatili rin tayong malapít kay Jehova sa pamamagitan ng ‘pananalangin nang walang lubay.’ (1 Tesalonica 5:17) Ang mga ito ay makabuluhang mga kapahayagan ng ating makadiyos na debosyon. Ang pagpapabaya sa alinman sa mga ito ay maaaring magdulot ng sakit sa espirituwal at magpahina sa atin kapag napaharap sa mga pakana ni Satanas.—1 Pedro 5:8.
12. Paano tayo magtatagumpay sa pagharap sa mga pagsubok?
12 Ang pananatiling malakas at aktibo sa espirituwal ay tumutulong din sa atin na harapin ang maraming pagsubok na dumarating sa atin. Ang pinagmumulan ng pagsubok ay maaaring lubhang sumubok sa atin. Ang kawalang-malasakit, pagsalansang, at pag-uusig ay maaaring mas mahirap batahin kapag nagmula ang mga ito sa malalapít na miyembro ng pamilya, kamag-anak, o kapitbahay. Ang mga mapanlinlang na panggigipit upang ikompromiso natin ang ating mga simulaing Kristiyano ay maaaring bumangon sa ating pinagtatrabahuhan o sa paaralan. Ang pagkasira ng loob, karamdaman, at panlulumo ay maaaring magpahina sa atin sa pisikal at lalong magpahirap sa atin na harapin ang mga pagsubok sa pananampalataya. Ngunit maaari tayong magtagumpay sa pagharap sa lahat ng pagsubok kung magmamatiyaga tayo “sa banal na mga paggawi at mga gawa ng makadiyos na debosyon, na hinihintay at iniingatang malapit sa isipan ang pagkanaririto ng araw ni Jehova.” (2 Pedro 3:11, 12) At mapananatili natin ang ating kagalakan sa paggawa nito, anupat nagtitiwala sa pagpapala ng Diyos.—Kawikaan 10:22.
13. Ano ang dapat nating gawin upang patuloy nating maisagawa ang makadiyos na debosyon?
13 Bagaman pinupuntirya ni Satanas ang mga nagsasagawa ng makadiyos na debosyon, hindi tayo dapat matakot. Bakit? Dahil “alam ni Jehova kung paano magligtas ng mga taong may makadiyos na debosyon mula sa pagsubok.” (2 Pedro 2:9) Upang mabata ang mga pagsubok at maranasan ang gayong pagliligtas, dapat nating “itakwil ang pagka-di-makadiyos at makasanlibutang mga pagnanasa at mamuhay na taglay ang katinuan ng pag-iisip at katuwiran at makadiyos na debosyon sa gitna ng kasalukuyang sistemang ito ng mga bagay.” (Tito 2:12) Bilang mga Kristiyano, dapat tayong maging mapagbantay upang ang anumang kahinaang may kinalaman sa makalamang mga pagnanasa at gawain ay hindi makaapekto at makasira sa ating makadiyos na debosyon. Ating isaalang-alang ngayon ang ilan sa mga panganib na ito.
Mag-ingat sa mga Bagay na Nagsasapanganib sa Makadiyos na Debosyon
14. Ano ang dapat nating tandaan kung tayo ay naaakit sa silo ng materyalismo?
14 Ang materyalismo ay isang silo sa marami. Maaari pa nga nating linlangin ang ating sarili, “na nag-iisip na ang makadiyos na debosyon ay isang paraan ng [materyal na] pakinabang.” Sa gayon, mapalalakas-loob tayo na samantalahin sa maling paraan ang pagtitiwalang ipinakikita ng mga kapananampalataya. (1 Timoteo 6:5) Baka maghinuha pa nga tayo nang may kamalian na hindi naman masamang gipitin ang isang mayamang Kristiyano upang makautang sa kaniya ng halaga na marahil ay hindi natin kayang bayaran. (Awit 37:21) Ngunit ang makadiyos na debosyon, hindi ang pagkakamit ng materyal na mga bagay, ang may ‘hawak sa pangako sa buhay ngayon at yaong darating.’ (1 Timoteo 4:8) Yamang ‘wala tayong dinalang anuman sa sanlibutan at walang anumang mailalabas,’ higit nawa tayong maging determinado na itaguyod ang “makadiyos na debosyon kalakip ang kasiyahan sa sarili” at maging ‘kontento sa pagkain at pananamit.’—1 Timoteo 6:6-11.
15. Ano ang maaari nating gawin kung nanganganib na matabunan ang ating makadiyos na debosyon dahil sa pagtataguyod ng kaluguran?
15 Maaaring matabunan ang makadiyos na debosyon 1 Juan 2:25) Sa ngayon, marami ang “mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos, na may anyo ng makadiyos na debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito,” at kailangan nating lumayo sa gayong mga indibiduwal. (2 Timoteo 3:4, 5) Yaong mga higit na nagpapahalaga sa makadiyos na debosyon ay “maingat na nag-iimbak para sa kanilang sarili ng isang mainam na pundasyon para sa hinaharap, upang makapanghawakan silang mahigpit sa tunay na buhay.”—1 Timoteo 6:19.
dahil sa pagtataguyod ng kaluguran. Hindi kaya kailangan nating gumawa ng kagyat na mga pagbabago sa puntong ito? Totoo, may ilang pakinabang na nakukuha mula sa pagsasanay sa katawan at paglilibang. Gayunman, maliit lamang ang gayong mga pakinabang kung ihahambing sa buhay na walang-hanggan. (16. Anong makasalanang mga pagnanasa ang humahadlang sa ilan na mamuhay ayon sa matuwid na mga kahilingan ng Diyos, at paano natin madaraig ang mga pagnanasang ito?
16 Maaaring sirain ng inuming de-alkohol at pag-aabuso sa droga, imoralidad, at makasalanang mga pagnanasa ang ating makadiyos na debosyon. Ang pagbibigay-daan sa mga ito ay maaaring humadlang sa atin na mamuhay ayon sa matuwid na mga kahilingan ng Diyos. (1 Corinto 6:9, 10; 2 Corinto 7:1) Maging si Pablo ay kinailangang magbata ng patuloy na pakikipaglaban sa makasalanang laman. (Roma 7:21-25) Kailangan ang matatag na mga hakbang upang maalis ang maling mga pagnanasa. Ang isa rito ay na dapat tayong maging determinado na manatiling malinis sa moral. Sinasabi sa atin ni Pablo: “Patayin ninyo . . . ang mga sangkap ng inyong katawan na nasa ibabaw ng lupa may kinalaman sa pakikiapid, karumihan, pita sa sekso, nakasasakit na pagnanasa, at kaimbutan, na siyang idolatriya.” (Colosas 3:5) Ang pagpatay sa mga sangkap ng ating katawan may kinalaman sa gayong makasalanang mga bagay ay nangangailangan ng determinasyon upang maalis ang mga iyon. Ang marubdob na pananalangin para sa tulong ng Diyos ang magpapangyari sa atin na itakwil ang maling mga pagnanasa at itaguyod ang katuwiran at makadiyos na debosyon sa gitna ng balakyot na sistemang ito ng mga bagay.
17. Paano natin dapat malasin ang disiplina?
17 Ang pagkasira ng loob ay maaaring magpahina sa ating pagbabata at makapinsala sa ating makadiyos na debosyon. Maraming lingkod ni Jehova ang nakararanas ng pagkasira ng loob. (Bilang 11:11-15; Ezra 4:4; Jonas 4:3) Lalong makapipinsala sa atin ang pagkasira ng loob kung ito ay may kasamang hinanakit dahil may nakasakit sa ating damdamin o nabigyan tayo ng matinding saway o disiplina. Gayunman, ang saway at disiplina ay patotoo ng pagkabahala at maibiging pagmamalasakit ng Diyos. (Hebreo 12:5-7, 10, 11) Hindi dapat ituring na parusa lamang ang disiplina kundi isa ring paraan ng pagsasanay sa atin sa daan ng katuwiran. Kung tayo ay mapagpakumbaba, lubha nating pahahalagahan at tatanggapin ang payo, na natatantong “ang mga saway ng disiplina ang siyang daan ng buhay.” (Kawikaan 6:23) Matutulungan tayo nito na gumawa ng mainam na espirituwal na pagsulong sa pagtataguyod ng makadiyos na debosyon.
18. Ano ang pananagutan natin pagdating sa mga personal na pagkakasala sa atin ng iba?
18 Ang mga di-pagkakaunawaan at mga personal Kawikaan 18:1) Ngunit makabubuting alalahanin na ang pagkikimkim ng sama ng loob o patuloy na pagkayamot sa iba ay makapipinsala sa ating kaugnayan kay Jehova. (Levitico 19:18) Sa katunayan, “siya na hindi umiibig sa kaniyang kapatid, na nakita niya, ay hindi makaiibig sa Diyos, na hindi niya nakita.” (1 Juan 4:20) Sa kaniyang Sermon sa Bundok, idiniin ni Jesus ang pangangailangang gumawa ng kagyat na mga hakbang upang lutasin ang personal na mga alitan. Sinabi niya sa kaniyang mga tagapakinig: “Kung gayon, kapag dinadala mo sa altar ang iyong kaloob at doon ay naalaala mo na ang iyong kapatid ay may isang bagay na laban sa iyo, iwan mo roon sa harap ng altar ang iyong kaloob, at umalis ka; makipagpayapaan ka muna sa iyong kapatid, at kung magkagayon, sa pagbalik mo, ihandog mo ang iyong kaloob.” (Mateo 5:23, 24) Ang paghingi ng tawad ay makatutulong sa paghilom ng sugat na dulot ng masasakit na salita o gawa. Maaaring maayos ang nasirang ugnayan at mapanumbalik ang kapayapaan kung hihingi tayo ng kapatawaran at aaminin na nagkamali tayo sa ating pagkilos. Nagbigay rin si Jesus ng iba pang payo hinggil sa pagharap sa mga suliranin. (Mateo 18:15-17) Kayligaya nga natin kapag nagtatagumpay ang ating mga pagsisikap na lutasin ang mga problema!—Roma 12:18; Efeso 4:26, 27.
na pagkakasala sa atin ng iba ay maaaring magharap ng hamon sa ating makadiyos na debosyon. Maaari itong maging sanhi ng kabalisahan o magtulak sa ilan na gumawa ng isang di-matalinong hakbang na ibukod ang kanilang sarili mula sa kanilang mga kapatid sa espirituwal. (Sundin ang Halimbawa ni Jesus
19. Bakit napakahalagang tularan ang halimbawa ni Jesus?
19 Tiyak na liligaligin tayo ng mga pagsubok, ngunit hindi naman tayo kailangang mailihis ng mga ito mula sa takbuhan ukol sa buhay na walang hanggan. Tandaan na maililigtas tayo ni Jehova mula sa pagsubok. Habang ‘inaalis natin ang bawat pabigat’ at ‘tinatakbo nang may pagbabata ang takbuhan na inilagay sa harap natin,’ ‘tumingin tayong mabuti sa Punong Ahente at Tagapagpasakdal ng ating pananampalataya, si Jesus.’ (Hebreo 12:1-3) Ang maingat na pagsusuri sa halimbawa ni Jesus at pagsisikap na tularan siya sa salita at sa gawa ay tutulong sa atin na malinang ang makadiyos na debosyon at maipamalas ito nang higit.
20. Anong mga pagpapala ang maidudulot ng pagtataguyod ng pagbabata at makadiyos na debosyon?
20 Lubhang magkaugnay ang pagbabata at makadiyos na debosyon sa pagtulong na gawing tiyak ang ating kaligtasan. Sa pamamagitan ng pagpapamalas ng mahahalagang katangiang ito, matapat tayong makapagpapatuloy sa ating sagradong paglilingkod sa Diyos. Kahit na sa ilalim ng pagsubok, magiging maligaya tayo habang nararanasan natin ang magiliw na pagmamahal at pagpapala ni Jehova dahil nakapagbata tayo at nagsasagawa ng makadiyos na debosyon. (Santiago 5:11) Karagdagan pa, tinitiyak sa atin ni Jesus mismo: “Sa pamamagitan ng inyong pagbabata ay tatamuhin ninyo ang inyong mga kaluluwa.”—Lucas 21:19.
Paano Mo Sasagutin?
• Bakit mahalaga ang pagbabata?
• Ano ang makadiyos na debosyon, at paano ito naipamamalas?
• Paano natin malilinang at mapananatili ang isang malapít na kaugnayan sa Diyos?
• Ano ang ilang bagay na nagsasapanganib sa ating makadiyos na debosyon, at paano natin maiiwasan ang mga ito?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Mga larawan sa pahina 12, 13]
Naipamamalas ang makadiyos na debosyon sa maraming paraan
[Mga larawan sa pahina 14]
Mag-ingat sa mga bagay na nagsasapanganib sa iyong makadiyos na debosyon