Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
Sa anong mga situwasyon naaangkop para sa babaing Kristiyano na maglambong sa ulo dahil sa relihiyosong mga simulain?
“Ang bawat babae na nananalangin o nanghuhula nang di-nalalambungan ang kaniyang ulo ay humihiya sa kaniyang ulo,” ang sulat ni apostol Pablo. Bakit? Dahil sa simulain ng Bibliya hinggil sa pagkaulo: “Ang ulo . . . ng babae ay ang lalaki.” Ang pananalangin o pangangaral sa kongregasyong Kristiyano ay karaniwan nang pananagutan ng isang lalaki. Samakatuwid, kapag ang isang babaing Kristiyano ay nangangasiwa sa mga bagay na may kinalaman sa pagsamba na karaniwan nang ginagampanan ng kaniyang asawa o ng isang bautisadong lalaki, dapat siyang maglambong sa ulo.—1 Corinto 11:3-10.
Maaaring bumangon ang mga situwasyon sa ugnayang pang-mag-asawa ng isang babaing Kristiyano kung kailan dapat siyang maglambong sa ulo. Halimbawa, kapag nagsasama-sama ang pamilya upang mag-aral ng Bibliya o para kumain, karaniwan nang ang asawang lalaki ang siyang nangunguna sa pagtuturo sa kanila at kumakatawan sa kanila sa pananalangin sa Diyos. Gayunman, kung siya ay isang di-mananampalataya, ang pananagutang ito ay maaaring mapunta sa kaniyang asawang babae. Kung gayon, kapag nananalangin nang malakas alang-alang sa kaniyang sarili at sa iba o kapag nagdaraos ng isang pag-aaral sa Bibliya sa kaniyang mga anak habang kasama ang kaniyang asawang lalaki, nararapat lamang na ang kapatid na babaing Kristiyano ay maglambong sa ulo. Kung wala naman ang kaniyang asawang lalaki, hindi na siya kailangang maglambong sa ulo, yamang siya ay awtorisado ng Diyos na magturo sa kaniyang mga anak.—Kawikaan 1:8; 6:20.
Gayunman, paano kung ang isang kabataang anak na lalaki sa pamilya ay isang 1 Timoteo 2:12) Kung ang ama niya ay isang mananampalataya, ang kaniyang ama ang dapat na magturo sa kaniya. Gayunman, kung wala ang ama, ang ina kung gayon ay dapat na maglambong sa ulo kapag nagdaraos siya ng isang pag-aaral sa Bibliya sa kabataang bautisadong anak na lalaki at sa iba pang mga anak. Nasa sa kaniya kung pakikisuyuan niyang manguna sa panalangin ang bautisadong anak na lalaki sa gayong pag-aaral o sa panahon ng pagkain. Maaaring madama niya na ang kaniyang anak ay wala pang sapat na kakayahan at maaaring siya na mismo ang manguna sa panalangin. Kung magpasiya siyang manalangin sa gayong pagkakataon, dapat siyang maglambong sa ulo.
nakaalay at bautisadong lingkod ng Diyos na Jehova? Yamang ang anak na lalaki ay isang miyembro ng kongregasyong Kristiyano, dapat siyang tumanggap ng tagubilin mula sa mga lalaking miyembro nito. (Kapag nakikibahagi sa ilang gawain sa kongregasyon, maaaring kailanganing maglambong sa ulo ang mga babaing Kristiyano. Halimbawa, sa isang pulong para sa paglilingkod sa larangan sa kalagitnaan ng sanlinggo, maaaring ang mga kapatid na babaing Kristiyano lamang ang naroroon, walang mga bautisadong lalaki. Maaaring may iba namang mga pagkakataon na walang mga bautisadong lalaki sa isang pulong ng kongregasyon. Kung kailanganin na ang isang kapatid na babae ang gumanap sa mga tungkuling karaniwan nang pinangangasiwaan ng isang kapatid na lalaki sa isang pulong na isinaayos para sa kongregasyon o pulong para sa paglilingkod sa larangan, dapat siyang maglambong sa ulo.
Dapat bang maglambong sa ulo ang mga babaing Kristiyano kapag nagsasalin-wika sa paraang bibigan o sign-language para sa mga pahayag sa Bibliya o kapag nagbabasa ng mga parapo sa madla mula sa isang pantulong sa pag-aaral ng Bibliya na ginagamit sa isang pulong sa kongregasyon? Hindi. Ang mga kapatid na babae na gumaganap ng ganitong mga tungkulin ay hindi naman nangangasiwa o nagtuturo. Gayundin naman, hindi hinihiling sa mga kapatid na babae na maglambong sa ulo kapag nakikibahagi sa mga pagtatanghal, naglalahad ng mga karanasan, o gumaganap ng mga bahagi sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo.
Bagaman ang pagtuturo sa loob ng kongregasyon ay dapat gampanan ng mga bautisadong lalaki, kapuwa ang mga lalaki at mga babae ay may pananagutan na mangaral at magturo sa labas ng kongregasyon. (Mateo 24:14; 28:19, 20) Kaya kapag ang isang babaing Kristiyano ay nakikipag-usap sa mga di-Saksi hinggil sa Salita ng Diyos habang kasama ang isang lalaking Saksi ni Jehova, hindi na siya kailangang maglambong sa ulo.
Gayunman, naiiba ang situwasyon kapag idinaraos ang isang regular at nakaiskedyul na pag-aaral sa Bibliya sa isang tahanan at naroroon ang isang nakaalay at bautisadong lalaki. Ito ay isang sesyon ng pagtuturo na patiunang isinaayos kung saan ang taong nagdaraos ng pag-aaral ay aktuwal na nangangasiwa. Sa ilalim ng ganitong mga kalagayan, ang pag-aaral ay nagiging karugtong ng kongregasyon. Kung ang isang bautisadong babaing Saksi ay nagdaraos ng gayong pag-aaral kasama ang isang bautisadong lalaking Saksi, nararapat lamang na maglambong siya sa ulo. Gayunman, ang nakaalay na kapatid na lalaki ang dapat manguna sa panalangin. Hindi mananalangin ang isang kapatid na babae kapag may kasamang isang nakaalay na kapatid na lalaki maliban na lamang kung may di-pangkaraniwang kadahilanan, gaya ng kung ang kapatid na lalaki ay pipi o di-makapagsalita.
Maaaring samahan kung minsan ng isang di-bautisadong lalaking mamamahayag ng Kaharian ang isang kapatid na babaing Kristiyano sa isang pag-aaral sa Bibliya. Kung nais niya, maaaring hilingin ng babaing Kristiyano sa mamamahayag na ito na pangasiwaan ang pag-aaral. Ngunit yamang hindi nito maaaring katawanin ang bautisadong kapatid na babae sa pananalangin kay Jehova, magiging angkop na ang kapatid na babae ang manguna sa panalangin sa pag-aaral. Kung ang kapatid na babae ang magdaraos ng pag-aaral at mananalangin, dapat siyang maglambong sa ulo. Bagaman ang lalaking mamamahayag ay hindi pa bautisado, nakikilala siya ng mga tagalabas bilang bahagi ng kongregasyon dahil sa kaniyang gawaing pangangaral.
“Ang babae ay dapat magkaroon ng tanda ng awtoridad sa kaniyang ulo dahil sa mga anghel,” ang sulat ni apostol Pablo. Oo, may pribilehiyo ang mga kapatid na babaing Kristiyano na maging mabubuting halimbawa sa milyun-milyong anghel na patuloy na nagpapasakop nang may-katapatan kay Jehova. Angkop na angkop nga kung gayon na isaalang-alang ng makadiyos na mga babae ang paglalambong sa ulo kapag hinihiling ito ng pagkakataon!
[Mga larawan sa pahina 26]
Ang lambong sa ulo ay isang tanda ng paggalang sa pagkaulo