Paano Natin Dapat Malasin ang mga Pagsubok?
Paano Natin Dapat Malasin ang mga Pagsubok?
MGA pagsubok! Kailangang harapin ng lahat ang mga ito. Maaaring dulot ito ng mga pagkakaiba sa personalidad, problema sa kabuhayan, mahinang kalusugan, tukso, panggigipit ng mga kasamahan na gumawa ng mali, pag-uusig, hamon na manindigan sa ating neutralidad o laban sa idolatriya, at marami pang ibang bagay. Anumang mga pagsubok ang mapaharap sa atin, kadalasan nang nagdudulot ang mga ito ng matinding kabalisahan. Paano natin matagumpay na mahaharap ang mga ito? Mayroon bang anumang pakinabang ang mga ito?
Ang Pinakamahusay Umalalay
Punung-puno ng mga pagsubok ang buhay ni Haring David noon, ngunit namatay siyang tapat. Paano siya nakapagbata? Tinukoy niya ang pinagmumulan ng kaniyang lakas nang kaniyang sabihin: “Si Jehova ang aking Pastol. Hindi ako kukulangin ng anuman.” Pagkatapos ay sinabi niya: “Bagaman lumalakad ako sa libis ng matinding karimlan, wala akong kinatatakutang masama, sapagkat ikaw ay kasama ko; ang iyong tungkod at ang iyong baston ang siyang umaaliw sa akin.” (Awit 23:1, 4) Oo, si Jehova ay isang bukal ng walang-hanggang pag-alalay. Pinatnubayan niya si David sa napakaigting na mga panahon, at handa rin niyang gawin ang gayon para sa atin kung kinakailangan.
Paano natin makakamit ang pag-alalay ni Jehova? Itinuturo ng Bibliya kung paano ito sa pagsasabing: “Tikman ninyo at tingnan na si Jehova ay mabuti.” (Awit 34:8) Magiliw na paanyaya ito, ngunit ano ba ang ibig sabihin nito? Pinasisigla tayo nito na paglingkuran si Jehova at lubos na iayon ang ating buhay sa kaniyang kalooban. Ang gayong landasin ay nangangahulugan ng pagtalikod sa ilan sa ating kalayaan, anupat gumagawa ng mga sakripisyo. Sa ilang kaso, maaari pa nga itong umakay tungo sa mga pagsubok—pag-uusig at pagdurusa. Ngunit, yaong taos-pusong tumatanggap sa paanyaya ni Jehova ay hindi kailanman magsisisi sa paggawa niyaon. Magiging napakabuti ni Jehova sa kanila. Papatnubayan at pangangalagaan niya sila sa espirituwal na paraan. Palalakasin niya sila sa pamamagitan ng kaniyang Salita, ng kaniyang banal na espiritu, at ng Kristiyanong kongregasyon sa panahon ng mga pagsubok. At gagantimpalaan niya sila ng buhay na walang-hanggan sa dakong huli.—Awit 23:6; 25:9; Isaias 30:21; Roma 15:5.
Nasusumpungan niyaong mga nagpasiyang magbago ng kanilang buhay upang maglingkod kay Jehova at ng mga nanatili sa pasiyang iyon na tinutupad ni Jehova ang lahat ng kaniyang mga pangako. Iyan ang naging karanasan ng mga Israelita na sumunod kay Josue patungo sa Lupang Josue 21:44, 45) Maaari rin nating maranasan iyan kung lubos tayong magtitiwala kay Jehova sa panahon ng pagsubok at sa lahat ng iba pang panahon.
Pangako. Nang makatawid sila sa Jordan, may mga pagsubok na kailangang batahin, mga digmaan na kailangang ipaglaban, at mahihirap na aral na kailangang matutuhan. Ngunit napatunayang mas tapat ang salinlahing iyon kaysa sa kanilang mga ninuno, na lumabas sa Ehipto at nangamatay sa ilang. Samakatuwid, inalalayan ni Jehova ang mga tapat, at hinggil sa kalagayan nila noong katapusan ng buhay ni Josue, sinasabi ng ulat ng Bibliya: “Binigyan sila ni Jehova ng kapahingahan sa buong palibot, ayon sa lahat ng bagay na isinumpa niya sa kanilang mga ninuno . . . Walang isa mang pangako ang nabigo sa lahat ng mabuting pangako na binitiwan ni Jehova sa sambahayan ng Israel; ang lahat ay nagkatotoo.” (Ano ang maaaring magpahina sa ating pagtitiwala kay Jehova? Binanggit ni Jesus ang isang bagay nang kaniyang sabihin: “Walang sinuman ang maaaring magpaalipin sa dalawang panginoon . . . Hindi kayo maaaring magpaalipin sa Diyos at sa Kayamanan.” (Mateo 6:24) Kung nagtitiwala tayo kay Jehova, hindi tayo maghahanap ng katiwasayan sa materyal na mga bagay, gaya ng ginagawa ng karamihan sa sanlibutan. Pinayuhan ni Jesus ang kaniyang mga tagasunod: “Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng iba pang [kinakailangang materyal na] mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.” (Mateo 6:33) Ang isang Kristiyano na pinananatili ang isang timbang na pangmalas sa materyal na mga bagay at inuuna ang Kaharian ng Diyos sa kaniyang buhay ay gumagawa ng tamang desisyon. (Eclesiastes 7:12) Siyempre pa, maaaring may kapalit ito. Maaaring magsakripisyo siya sa materyal na paraan. Ngunit matatamo niya ang maraming gantimpala. At aalalayan siya ni Jehova.—Isaias 48:17, 18.
Kung Ano ang Matututuhan Natin sa mga Pagsubok
Sabihin pa, ang pagpili na ‘tikman at tingnan na si Jehova ay mabuti’ ay hindi magsasanggalang sa isa sa mga di-inaasahang pangyayari sa buhay; ni lubusan itong magkakanlong sa atin mula sa mga pagsalakay ni Satanas at ng kaniyang mga taong kinatawan. (Eclesiastes 9:11) Bilang resulta, maaaring masubok ang kataimtiman at determinasyon ng isang Kristiyano. Bakit hinahayaan ni Jehova ang kaniyang mga mananamba na mahantad sa gayong mga pagsubok? Nagbigay si apostol Pedro ng isang dahilan nang kaniyang isulat: “Sa loob ng kaunting panahon sa kasalukuyan, kung mangyari man, ay pinipighati kayo ng iba’t ibang pagsubok, upang ang subok na katangian ng inyong pananampalataya, na mas malaki ang halaga kaysa sa ginto na nasisira sa kabila ng pagkasubok dito ng apoy, ay masumpungang dahilan ukol sa kapurihan at kaluwalhatian at karangalan sa pagkakasiwalat kay Jesu-Kristo.” (1 Pedro 1:6, 7) Oo, ipinahihintulot ng mga pagsubok na maipakita natin ang kalidad ng ating pananampalataya at pag-ibig kay Jehova. At tumutulong ito na masagot ang mga panunuya at mga akusasyon ni Satanas na Diyablo.—Kawikaan 27:11; Apocalipsis 12:10.
Tumutulong din ang mga pagsubok upang malinang natin ang iba pang mga katangiang Kristiyano. Bilang halimbawa, isaalang-alang ang mga salita ng salmista: “Nakikita [ni Jehova] ang mapagpakumbaba; ngunit ang matayog ay kilala lamang niya sa malayo.” (Awit 138:6) Marami sa atin ang hindi likas na mapagpakumbaba, ngunit makatutulong ang mga pagsubok upang malinang natin ang kinakailangang katangiang ito. Alalahanin ang naganap noong panahon ni Moises nang magsawa ang ilan sa Israel na kumain ng manna linggu-linggo, buwan-buwan. Maliwanag na iyon ay isang pagsubok para sa kanila, bagaman ang manna ay isang makahimalang paglalaan. Ano ang layunin ng pagsubok na ito? Sinabi sa kanila ni Moises: “[Si Jehova ang] nagpakain sa iyo ng manna sa ilang . . . sa layuning pagpakumbabain ka at sa layuning ilagay ka sa pagsubok.”—Deuteronomio 8:16.
Ang ating pagpapakumbaba ay maaaring masubok sa gayunding paraan. Paano? Buweno, ano Isaias 60:17) Taos-puso ba tayong sumusuporta sa gawaing pangangaral at pagtuturo? (Mateo 24:14; 28:19, 20) Nananabik ba tayong tumanggap ng mga paliwanag hinggil sa katotohanan sa Bibliya na inilalaan ng “tapat at maingat na alipin”? (Mateo 24:45-47; Kawikaan 4:18) Nilalabanan ba natin ang tukso na magkaroon ng pinakabagong gadyet, pinakausong damit, o pinakabagong modelo ng sasakyan? Ang isang mapagpakumbabang tao ay makasasagot ng oo sa gayong mga tanong.—1 Pedro 1:14-16; 2 Pedro 3:11.
ang reaksiyon natin sa mga pagbabago sa organisasyon? (Tumutulong din ang mga pagsubok upang malinang natin ang isa pang mahalagang katangian—ang pagbabata. Sinabi ng alagad na si Santiago: “Ituring ninyong buong kagalakan, mga kapatid ko, kapag napaharap kayo sa iba’t ibang pagsubok, yamang nalalaman ninyo na ang subok na katangiang ito ng inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagbabata.” (Santiago 1:2, 3) Ang matagumpay na pagbabata sa maraming pagsubok taglay ang lubos na pagtitiwala kay Jehova ay naglilinang ng katatagan, pagkamatapat, at katapatan. Pinalalakas tayo nito na paglabanan ang panghinaharap na mga pagsalakay ni Satanas, ang galít na diyos ng sanlibutang ito.—1 Pedro 5:8-10; 1 Juan 5:19; Apocalipsis 12:12.
Panatilihin ang Tamang Pangmalas sa mga Pagsubok
Napaharap ang sakdal na Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo, sa maraming pagsubok samantalang naririto siya sa lupa at nagtamo ng maraming pakinabang sa pagbabata sa mga ito. Sumulat si Pablo na “natuto [si Jesus] ng pagkamasunurin mula sa mga bagay na kaniyang pinagdusahan.” (Hebreo 5:8) Ang kaniyang pagkamatapat hanggang sa kamatayan ay nagdulot ng kapurihan sa pangalan ni Jehova at nagpangyari na maihandog ni Jesus ang halaga ng kaniyang sakdal na buhay-tao bilang pantubos sa sangkatauhan. Binuksan nito ang daan para sa mga nananampalataya kay Jesus na magkaroon ng pag-asang buhay na walang hanggan. (Juan 3:16) Sapagkat nanatiling tapat si Jesus sa ilalim ng pagsubok, siya ngayon ang ating Mataas na Saserdote at iniluklok na Hari.—Hebreo 7:26-28; 12:2.
Kumusta naman tayo? Ang ating pagkamatapat sa harap ng mga pagsubok ay nagdudulot din ng maraming pagpapala. Sa mga may makalangit na pag-asa, sinasabi ng Bibliya: “Maligaya ang tao na patuloy na nagbabata ng pagsubok, sapagkat kapag sinang-ayunan siya ay tatanggapin niya ang korona ng buhay, na ipinangako ni Jehova doon sa mga patuloy na umiibig sa kaniya.” (Santiago 1:12) Yaong may makalupang pag-asa ay may katiyakan na kung sila ay magbabata nang may katapatan, mamanahin nila ang buhay na walang hanggan sa isang makalupang paraiso. (Apocalipsis 21:3-6) At higit na mahalaga, ang kanilang tapat na pagbabata ay nagdudulot ng kapurihan sa pangalan ni Jehova.
Habang sinusundan natin ang mga yapak ni Jesus, makapagtitiwala tayo na matagumpay nating mahaharap ang lahat ng pagsubok sa sistemang ito ng mga bagay. (1 Corinto 10:13; 1 Pedro 2:21) Paano? Sa pamamagitan ng pagtitiwala natin kay Jehova, na siyang nagbibigay ng “lakas na higit sa karaniwan” sa mga nananalig sa kaniya. (2 Corinto 4:7) Ang ating paninindigan ay maging gaya nawa niyaong kay Job, na sa kabila ng pagbabata ng malulupit na pagsubok ay nagpahayag nang may pagtitiwala: “Pagkatapos niya akong subukin, ako ay lalabas na parang ginto.”—Job 23:10.
[Larawan sa pahina 31]
Ang pagkamatapat ni Jesus sa ilalim ng pagsubok ay nagdulot ng kapurihan sa pangalan ni Jehova. Gayundin naman ang sa atin