Patuloy na Isagawa ang mga Bagay na Inyong Natututuhan
Patuloy na Isagawa ang mga Bagay na Inyong Natututuhan
“Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap din at narinig at nakita may kaugnayan sa akin, isagawa ninyo ang mga ito; at ang Diyos ng kapayapaan ay sasainyo.”—FILIPOS 4:9.
1, 2. Sa pangkalahatan, may impluwensiya ba ang Bibliya sa buhay ng mga tao na nagsasabing relihiyoso sila? Ipaliwanag.
“LUMALAKAS ang Impluwensiya ng Relihiyon, Ngunit Humihina Naman ang Moralidad.” Binuod ng ulong balitang ito sa newsletter na Emerging Trends ang mga resulta ng isang pambansang surbey sa Estados Unidos. Lumilitaw na dumami sa bansang iyon ang mga taong nagsisimba at nagsasabi na may mahalagang bahagi sa kanilang buhay ang relihiyon. Gayunman, sinasabi ng ulat: “Sa kabila ng kahanga-hangang mga bilang na ito, maraming Amerikano ang maliwanag na nag-aalinlangan sa epekto ng relihiyon sa buhay ng mga indibiduwal at sa lipunan sa pangkalahatan.”
2 Ang situwasyong ito ay hindi lamang nangyayari sa isang bansa. Sa buong daigdig, ang maraming tao na nagsasabing tinatanggap nila ang Bibliya at relihiyoso sila ay hindi nagpapahintulot na magkaroon ng anumang tunay na impluwensiya ang Kasulatan sa kanilang buhay. (2 Timoteo 3:5) “Malaki pa rin ang paggalang namin sa Bibliya,” ang sabi ng pinuno ng isang grupo ng mananaliksik, “ngunit kung tungkol sa aktuwal na paggugol ng panahon upang basahin ito, pag-aralan ito at ikapit ito—isa na itong lipas na bagay.”
3. (a) Paano naaapektuhan ng Bibliya ang mga nagiging tunay na Kristiyano? (b) Paano ikinakapit ng mga tagasunod ni Jesus ang payo ni Pablo na nakaulat sa Filipos 4:9?
Colosas 3:5-10) Para sa mga tagasunod ni Jesus, ang Bibliya ay hindi isang di-nagagamit na aklat na hinahayaan na lamang na maalikabukan sa istante. Sa kabaligtaran, sinabi ni apostol Pablo sa mga Kristiyano sa Filipos: “Ang mga bagay na inyong natutuhan at tinanggap din at narinig at nakita may kaugnayan sa akin, isagawa ninyo ang mga ito; at ang Diyos ng kapayapaan ay sasainyo.” (Filipos 4:9) Hindi lamang tinatanggap ng mga Kristiyano ang katotohanan sa Salita ng Diyos. Isinasagawa nila ang kanilang natututuhan, anupat patuloy na ikinakapit ang payo ng Bibliya—sa pamilya, sa trabaho, sa kongregasyon, at sa lahat ng iba pang pitak ng buhay.
3 Subalit para sa tunay na mga Kristiyano, ang situwasyon ay naiiba. Ang pagkakapit sa payo ng Salita ng Diyos ay nagdudulot ng mga pagbabago sa kanilang pag-iisip at paggawi. At ang bagong personalidad na ipinamamalas nila ay agad na napapansin ng iba. (4. Bakit isang hamon na isagawa ang mga kautusan ng Diyos?
4 Hindi madaling isagawa ang mga kautusan at mga simulain ng Diyos. Nabubuhay tayo sa isang daigdig na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas na Diyablo, na tinatawag ng Bibliya na “diyos ng sistemang ito ng mga bagay.” (2 Corinto 4:4; 1 Juan 5:19) Kaya naman, mahalaga na magbantay laban sa anumang hahadlang sa atin sa pagtataguyod ng isang landasin ng katapatan sa Diyos na Jehova. Paano tayo makapananatiling tapat?
Manghawakan sa “Parisan ng Nakapagpapalusog na mga Salita”
5. Ano ang ipinahihiwatig ng pananalita ni Jesus: “Patuloy akong sundan”?
5 Ang isang aspekto ng pagsasagawa sa ating natututuhan ay humihiling ng matapat na pagtataguyod sa tunay na pagsamba, sa kabila ng pagsalansang ng mga di-mananampalataya. Ang pagbabata ay nangangailangan ng pagsisikap. “Kung ang sinuman ay nagnanais na sumunod sa akin,” ang sabi ni Jesus, “itatwa niya ang kaniyang sarili at buhatin ang kaniyang pahirapang tulos at patuloy akong sundan.” (Mateo 16:24) Hindi sinabi ni Jesus na dapat nating sundan siya sa loob lamang ng isang linggo, isang buwan, o isang taon. Sa halip, sinabi niya: “Patuloy akong sundan.” Ipinahihiwatig ng kaniyang mga salita na ang pagiging alagad natin ay hindi maaaring isang yugto lamang sa ating buhay o isang lumilipas na debosyon. Ang matapat na pagtataguyod sa tunay na pagsamba ay nangangahulugan na may-katapatan tayong magbabata sa landasin na pinili natin, anuman ang mangyari. Paano natin magagawa iyon?
6. Ano ang parisan ng nakapagpapalusog na mga salita na natutuhan ng unang-siglong mga Kristiyano kay Pablo?
6 Hinimok ni Pablo ang kaniyang kamanggagawang si Timoteo: “Patuloy kang manghawakan sa parisan ng nakapagpapalusog na mga salita na narinig mo sa akin kalakip ang pananampalataya at pag-ibig na may kaugnayan kay Kristo Jesus.” (2 Timoteo 1:13) Ano ang ibig sabihin ni Pablo? Ang salitang Griego na isinalin ditong “parisan” ay literal na tumutukoy sa krokis ng isang pintor. Bagaman hindi masyadong detalyado, ang gayong krokis ay may malinaw na disenyo anupat maiintindihan ng may-unawang nagmamasid ang buong larawan. Gayundin naman, ang parisan ng katotohanan na itinuro ni Pablo kay Timoteo at sa iba pa ay hindi dinisenyo upang magbigay ng espesipikong sagot sa bawat posibleng tanong. Gayunman, ang kalipunang ito ng mga turo ay naglalaan ng sapat na patnubay—isang disenyo, wika nga—upang maunawaan ng mga tapat-pusong indibiduwal kung ano ang hinihiling sa kanila ni Jehova. Siyempre pa, upang mapalugdan ang Diyos, kailangang patuloy silang manghawakan sa parisang iyon ng katotohanan sa pamamagitan ng pagsasagawa sa kanilang natututuhan.
7. Paano makapananatili ang mga Kristiyano sa parisan ng nakapagpapalusog na mga salita?
7 Noong unang siglo, ang mga indibiduwal na tulad nina Himeneo, Alejandro, at Fileto ay nagtaguyod ng mga ideya na hindi angkop sa “parisan ng nakapagpapalusog na mga salita.” (1 Timoteo 1:18-20; 2 Timoteo 2:16, 17) Paano maiiwasan ng unang mga Kristiyano na mailigaw ng mga apostata? Sa pamamagitan ng maingat na pag-aaral sa kinasihang mga kasulatan at pagkakapit sa mga ito sa kanilang buhay. Yaong mga lumalakad kasuwato ng halimbawa ni Pablo at ng ibang mga tapat ay nakakakilala at tumatanggi sa anumang bagay na hindi kaayon ng parisan ng katotohanan na itinuro sa kanila. (Filipos 3:17; Hebreo 5:14) Sa halip na maging “may sakit sa isip may kinalaman sa mga pagtatanong at mga debate tungkol sa mga salita,” patuloy silang sumusulong sa kanilang positibong landasin ng makadiyos na debosyon. (1 Timoteo 6:3-6) Gayundin ang ginagawa natin kapag patuloy nating isinasagawa ang mga katotohanan na natututuhan natin. Tunay ngang nakapagpapatibay-pananampalataya na makitang ang milyun-milyong naglilingkod kay Jehova sa buong lupa ay patuloy na nanghahawakang mahigpit sa parisan ng katotohanan sa Bibliya na itinuro sa kanila.—1 Tesalonica 1:2-5.
Tanggihan ang “mga Kuwentong Di-totoo”
8. (a) Paano sinisikap ni Satanas na sirain ang ating pananampalataya sa ngayon? (b) Anong babala ni Pablo ang masusumpungan sa 2 Timoteo 4:3, 4?
8 Sinisikap ni Satanas na sirain ang ating katapatan sa pamamagitan ng paghahasik ng mga pag-aalinlangan tungkol sa itinuro sa atin. Sa ngayon, gaya noong unang siglo, sinisikap ng mga apostata at ng mga iba pa na sirain ang pananampalataya ng mga walang muwang. (Galacia 2:4; 5:7, 8) Kung minsan ay ginagamit nila ang media upang palaganapin ang pilipit na impormasyon o maging ang tahasang kasinungalingan tungkol sa mga pamamaraan at mga motibo ng bayan ni Jehova. Nagbabala si Pablo na ang ilan ay maitatalikod sa katotohanan. “Darating ang isang yugto ng panahon,” ang isinulat niya, “kapag hindi nila titiisin ang nakapagpapalusog na turo, kundi, ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa, sila ay magtitipon ng mga guro para sa kanilang sarili upang kumiliti sa kanilang mga tainga; at itatalikod nila ang kanilang mga tainga mula sa katotohanan, samantalang bumabaling sila sa mga kuwentong di-totoo.”—2 Timoteo 4:3, 4.
9. Ano ang maaaring nasa isip ni Pablo nang tukuyin niya ang “mga kuwentong di-totoo”?
9 Sa halip na manghawakan sa parisan ng nakapagpapalusog na mga salita, ang ilan ay naging interesado sa “mga kuwentong di-totoo.” Ano itong mga kuwentong di-totoo? Marahil ay nasa isip ni Pablo ang guniguning mga alamat, gaya niyaong masusumpungan sa apokripang aklat ni Tobit. * Maaaring kasali rin sa mga kuwentong di-totoo ang pinalabis at pala-palagay na mga usap-usapan. Gayundin naman, maaaring ang kaisipan ng ilan—“ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa”—ay nalinlang ng mga nagtataguyod ng maluwag na pangmalas sa mga pamantayan ng Diyos o ng mga mapamintas sa mga nangunguna sa kongregasyon. (3 Juan 9, 10; Judas 4) Anumang katitisuran ang nasasangkot, lumilitaw na mas pinili ng ilan ang kabulaanan sa halip na ang mga katotohanan sa Salita ng Diyos. Di-nagtagal ay hindi na nila isinagawa ang mga bagay na kanilang natutuhan, at ito ay nakapinsala sa kanila mismong espirituwalidad.—2 Pedro 3:15, 16.
10. Ano ang ilang kuwentong di-totoo sa ngayon, at paano itinampok ni Juan ang pangangailangang mag-ingat?
10 Maiiwasan nating maakit ng mga kuwentong di-totoo sa ngayon kung susuriin nating mabuti at magiging mapili tayo sa ating pinakikinggan at binabasa. Halimbawa, madalas na itinataguyod ng media ang imoralidad. Pinasisigla ng maraming tao ang agnostisismo o tahasang ateismo. Tinutuya naman ng mapanuring mga kritiko ang pag-aangkin ng Bibliya na kinasihan ito ng Diyos. At patuloy na nagsisikap ang makabagong-panahong mga apostata na maghasik ng 1 Juan 4:1) Kaya kailangan tayong mag-ingat.
pag-aalinlangan upang igupo ang pananampalataya ng mga Kristiyano. Tungkol sa nahahawig na panganib na iniharap ng huwad na mga propeta noong unang siglo, nagbabala si apostol Juan: “Mga minamahal, huwag ninyong paniwalaan ang bawat kinasihang kapahayagan, kundi subukin ang mga kinasihang kapahayagan upang makita kung ang mga ito ay nagmumula sa Diyos, sapagkat maraming bulaang propeta ang humayo sa sanlibutan.” (11. Ano ang isang paraan upang masubok at makita kung tayo ay nasa pananampalataya?
11 Hinggil dito, sumulat si Pablo: “Patuloy na subukin kung kayo ay nasa pananampalataya.” (2 Corinto 13:5) Hinimok tayo ng apostol na patuloy na subukin ang ating sarili upang matiyak kung sumusunod tayo sa kalipunan ng mga paniniwalang Kristiyano. Kung ang ating mga tainga ay nahihilig na makinig sa mga indibiduwal na mapagreklamo, kailangan nating suriin ang ating sarili nang may pananalangin. (Awit 139:23, 24) Nahihilig ba tayong maghanap ng kapintasan sa bayan ni Jehova? Kung oo, bakit? Nasaktan ba tayo sa mga sinabi o iginawi ng isang indibiduwal? Kung oo, minamalas ba natin ang mga bagay-bagay sa tamang paraan? Anumang kapighatiang napapaharap sa atin sa sistemang ito ng mga bagay ay pansamantala lamang. (2 Corinto 4:17) Kahit na makaranas tayo ng pagsubok sa loob ng kongregasyon, bakit naman tayo titigil sa paglilingkod sa Diyos? Kung tayo ay nagdaramdam dahil sa isang bagay, hindi ba mas lubhang makabubuti na gawin ang lahat ng magagawa natin upang lutasin ang mga bagay-bagay at pagkatapos ay ipaubaya na ito kay Jehova?—Awit 4:4; Kawikaan 3:5, 6; Efeso 4:26.
12. Paano nagpakita ng mainam na halimbawa sa atin ang mga taga-Berea?
12 Sa halip na maging mapamintas, panatilihin natin ang isang mabuting espirituwal na pangmalas sa impormasyong natanggap sa pamamagitan ng personal na pag-aaral at mga pulong ng kongregasyon. (1 Corinto 2:14, 15) At sa halip na pag-alinlanganan ang Salita ng Diyos, tunay ngang mas matalino na tularan ang saloobin ng unang-siglong mga taga-Berea na maingat na nagsuri sa Kasulatan! (Gawa 17:10, 11) Pagkatapos, isagawa natin ang ating natututuhan, anupat tinatanggihan ang mga kuwentong di-totoo at nanghahawakang mahigpit sa katotohanan.
13. Paano tayo maaaring makapagkalat ng mga kuwentong di-totoo nang di-sinasadya?
13 May isa pang uri ng kuwentong di-totoo na kailangan nating bantayan. Napakaraming pinalabis na mga kuwento ang kumakalat, madalas ay sa pamamagitan ng E-mail. Isang katalinuhan na maging maingat sa gayong mga kuwento, lalo na kung hindi natin alam ang orihinal na pinanggalingan ng impormasyon. Kahit na ang isang karanasan o kuwento ay ipinadala ng isang kagalang-galang na Kristiyano, maaaring nakuha lamang niya ang impormasyon sa ibang tao. Kaya mahalaga na maging maingat sa paglalahad o pagpapadala ng di-natiyak na mga ulat. Tiyak na hindi natin nais na ilahad ang “di-makadiyos na mga alamat,” o “mga kuwentong di-totoo na lumalapastangan sa kung ano ang banal.” (1 Timoteo 4:7; New International Version) Yamang may obligasyon din tayo na magsalita nang may katotohanan sa isa’t isa, kumikilos tayo nang may katalinuhan kapag iniiwasan natin ang anumang bagay na magiging dahilan upang tayo ay makapagkalat ng mga kasinungalingan nang di-sinasadya.—Efeso 4:25.
Mga Positibong Resulta ng Pagsasagawa sa Katotohanan
14. Anong mga pakinabang ang ibinubunga ng pagsasagawa ng mga bagay na natututuhan natin sa Salita ng Diyos?
14 Ang pagsasagawa ng ating natututuhan mula sa personal na pag-aaral ng Bibliya at sa mga Kristiyanong pagpupulong ay magdudulot ng maraming pakinabang. Halimbawa, baka masumpungan natin na sumusulong ang ating kaugnayan sa mga kapananampalataya natin. (Galacia 6:10) Ang ating nangingibabaw na saloobin mismo ay bubuti kapag ikinakapit natin ang mga simulain ng Bibliya. (Awit 19:8) Bukod dito, sa pamamagitan ng pagsasagawa sa ating natututuhan, ‘ginagayakan natin ang turo ng Diyos’ at malamang na maaakit natin ang iba tungo sa tunay na pagsamba.—Tito 2:6-10.
15. (a) Paano nag-ipon ng lakas ng loob ang isang kabataan upang makapagpatotoo sa paaralan? (b) Ano ang natutuhan mo sa karanasang ito?
15 Kabilang sa mga Saksi ni Jehova ang maraming kabataan na nagsasagawa ng kanilang natututuhan mula sa personal na pag-aaral ng Bibliya at sa mga publikasyong Kristiyano gayundin sa regular na pagdalo sa mga pulong ng kongregasyon. Ang kanilang mainam na paggawi ay isang mapuwersang patotoo sa mga guro at mga kamag-aral sa paaralan. (1 Pedro 2:12) Isaalang-alang si Leslie, isang 13-taóng-gulang na dalagita sa Estados Unidos. Inaamin niya na dati ay nahihirapan siyang makipag-usap sa kaniyang mga kaeskuwela tungkol sa kaniyang pananampalataya, subalit isang araw ay nagbago iyon. “Pinag-usapan sa klase kung paano sinisikap ng mga tao na bentahan ka ng mga bagay-bagay. Isang batang babae ang nagtaas ng kaniyang kamay at binanggit ang mga Saksi ni Jehova bilang halimbawa.” Ano ang naging reaksiyon ni Leslie bilang isang Saksi? “Ipinagtanggol ko ang aking pananampalataya,” ang sabi niya, “na tiyak kong ikinagulat ng lahat, yamang ako ay karaniwan nang tahimik sa paaralan.” Ano ang resulta ng katapangan ni Leslie? “Nakapagpasakamay ako ng isang brosyur at isang tract sa estudyante, yamang mayroon pa siyang ibang mga tanong,” ang sabi ni Leslie. Tiyak na natutuwa si Jehova kapag ang mga kabataan na nagsasagawa ng kanilang natututuhan ay nag-iipon ng lakas ng loob upang makapagpatotoo sa paaralan!—Kawikaan 27:11; Hebreo 6:10.
16. Paano nakinabang ang isang kabataang Saksi sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo?
16 Ang isa pang halimbawa ay yaong kay Elizabeth. Mula pa noong siya’y pitong taóng gulang at sa lahat ng taon ng kaniyang pag-aaral sa elementarya, inaanyayahan na ng kabataang babaing ito ang kaniyang mga guro sa Kingdom Hall kapag siya ay may atas sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Kung hindi makadadalo ang isang guro, si Elizabeth ay nagpapaiwan pagkatapos ng pag-aaral at itinatanghal ang pahayag sa guro. Sa kaniyang huling taon ng pag-aaral sa haiskul, sumulat si Elizabeth ng isang sampung-pahinang report hinggil sa mga pakinabang ng Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo at gumawa ng isang pagtatanghal sa harap ng isang lupon ng apat na guro. Inanyayahan din siyang magbigay ng isang huwarang pahayag sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo, kung saan pinili niya ang paksang “Bakit Kaya Pinahihintulutan ng Diyos ang Kabalakyutan?” Si Elizabeth ay nakikinabang sa programa sa pagtuturo na isinasagawa ng mga Saksi ni Jehova sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo. Siya ay isa lamang sa maraming kabataang Kristiyano na nagdudulot ng kapurihan kay Jehova sa pamamagitan ng pagsasagawa sa mga bagay na kanilang natututuhan mula sa kaniyang Salita.
17, 18. (a) Ang Bibliya ay nagbibigay ng anong payo hinggil sa pagkamatapat? (b) Paano nakaapekto sa isang lalaki ang matapat na paggawi ng isang Saksi ni Jehova?
17 Pinapayuhan ng Bibliya ang mga Kristiyano na Hebreo 13:18) Ang pagiging di-matapat ay makasisira sa ating kaugnayan sa iba at, higit na mahalaga, kay Jehova mismo. (Kawikaan 12:22) Ang ating mapagkakatiwalaang paggawi ay nagpapatunay na isinasagawa natin ang mga bagay na ating natututuhan, at nagiging dahilan ito upang ang marami ay magkaroon ng mas malaking paggalang sa mga Saksi ni Jehova.
gumawi nang matapat sa lahat ng bagay. (18 Isaalang-alang ang karanasan ng isang sundalo na nagngangalang Phillip. Naiwala niya ang isang blangko at nilagdaang tseke at hindi niya ito namalayan hanggang sa maibalik ito sa kaniya sa pamamagitan ng koreo. Ang tseke ay natagpuan ng isang Saksi ni Jehova, at sinabi ng inilakip na maikling liham na ang relihiyosong paniniwala ng nakatagpo ang nag-udyok sa kaniya upang ibalik ang tseke. Nagulat si Phillip. “Nasaid sana nila ang $9,000 ko!” ang sabi niya. Nasiphayo na siya noon sa isang pagkakataon nang manakaw ang kaniyang sombrero sa loob ng simbahan. Lumilitaw na isang kakilala ang nagnakaw ng kaniyang sombrero, samantalang isang estranghero naman ang nagsauli ng isang tseke na nagkakahalaga ng libu-libong dolyar! Talagang ang matapat na mga Kristiyano ay nagdudulot ng karangalan sa Diyos na Jehova!
Patuloy na Isagawa ang Inyong Natututuhan
19, 20. Paano tayo makikinabang sa paggawi kasuwato ng maka-Kasulatang mga bagay na natututuhan natin?
19 Yaong mga nagsasagawa sa kanilang natututuhan mula sa Salita ng Diyos ay umaani ng maraming pakinabang. Sumulat ang alagad na si Santiago: “Siya na nagmamasid sa sakdal na kautusan na nauukol sa kalayaan at nananatili rito, ang taong ito, sa dahilang siya ay hindi isang tagapakinig na malilimutin kundi isang tagatupad ng gawain, ay magiging maligaya sa paggawa niya nito.” (Santiago 1:25) Oo, kung gagawi tayo kasuwato ng maka-Kasulatang mga bagay na ating natututuhan, magkakaroon tayo ng tunay na kaligayahan at mas makakayanan natin ang mga panggigipit sa buhay. Higit sa lahat, kakamtin natin ang pagpapala ni Jehova at ang pag-asang mabuhay nang walang hanggan!—Kawikaan 10:22; 1 Timoteo 6:6.
20 Kung gayon, patuloy na magsikap sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. Regular na makipagtipon kasama ng mga mananamba ni Jehova, at magbigay-pansin sa materyal na inihaharap sa mga Kristiyanong pagpupulong. Ikapit ang inyong natututuhan, patuloy na isagawa ito, at “ang Diyos ng kapayapaan ay sasainyo.”—Filipos 4:9.
[Talababa]
^ par. 9 Ang Tobit, na malamang na isinulat noong ikatlong siglo B.C.E., ay may kuwento na punô ng pamahiin may kinalaman sa isang Judio na nagngangalang Tobias. Sinasabi na siya ay nagkaroon ng mga kapangyarihang nakagagamot at nakapagpapalayas ng mga demonyo sa pamamagitan ng paggamit sa puso, apdo, at atay ng isang napakalaking isda.
Natatandaan Mo Ba?
• Ano ang “parisan ng nakapagpapalusog na mga salita,” at paano tayo patuloy na makapanghahawakan dito?
• Anong “mga kuwentong di-totoo” ang kailangan nating tanggihan?
• Anong mga pakinabang ang natatamo ng mga nagsasagawa ng mga bagay na kanilang natututuhan sa Salita ng Diyos?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 17]
Paano maiiwasan ng unang mga Kristiyano na mailigaw ng mga apostata?
[Mga larawan sa pahina 18]
Ang mga binhi ng pag-aalinlangan ay maaaring ihasik ng media, sa Internet, at ng makabagong-panahong mga apostata
[Larawan sa pahina 19]
Hindi katalinuhan na magkalat ng di-natiyak na mga ulat
[Mga larawan sa pahina 20]
Sa trabaho, sa paaralan, at saanman, ikinakapit ng mga Saksi ni Jehova ang kanilang nababasa sa Salita ng Diyos