Dapat Bang Manibugho ang mga Kristiyano?
Dapat Bang Manibugho ang mga Kristiyano?
PANINIBUGHO—ito ba ay isang katangian na dapat linangin ng mga Kristiyano? Bilang mga Kristiyano, pinasisigla tayong ‘itaguyod ang pag-ibig,’ at sinasabi sa atin na “ang pag-ibig ay hindi mapanibughuin.” (1 Corinto 13:4; 14:1) Sa kabilang dako naman, sinasabi rin sa atin na “si Jehova . . . ay isang mapanibughuing Diyos” at tayo ay inutusang ‘maging mga tagatulad sa Diyos.’ (Exodo 34:14; Efeso 5:1) Bakit waring may pagkakasalungatan?
Dahil maraming kahulugan ang Hebreo at Griegong salita na isinaling “paninibugho” sa Bibliya. Ang mga ito ay maaaring may positibo o negatibong pahiwatig, depende sa kung paano ginagamit ang mga salita. Halimbawa, ang Hebreong salita na isinaling “paninibugho” ay maaaring mangahulugan ng “paghingi ng bukod-tanging debosyon; hindi pagpapahintulot na magkaroon ng kaagaw; sigasig; alab; paninibugho [matuwid o masama]; pagkainggit.” Ang katumbas na Griegong salita ay may gayunding kahulugan. Ang salitang ito ay maaaring tumukoy sa isang pilipit at di-timbang na emosyon hinggil sa isang pinaghihinalaang kaagaw o isa na pinaniniwalaang nakalalamang. (Kawikaan 14:30) Maaari ring tumukoy ang mga ito sa positibong kapahayagan ng bigay-Diyos na katangian—ang pagnanais na ipagsanggalang ang isang minamahal mula sa kapinsalaan.—2 Corinto 11:2.
Ang Pinakasukdulang Halimbawa
Si Jehova ang pinakasukdulang halimbawa sa pagpapamalas ng tamang paninibugho. Ang kaniyang mga motibo ay dalisay at malinis, na inuudyukan ng hangarin na ipagsanggalang ang kaniyang bayan mula sa espirituwal at moral na kasiraan. Ganito ang sabi niya hinggil sa kaniyang sinaunang bayan, na makasagisag na tinutukoy bilang Sion: “Ako ay maninibugho para sa Sion ng matinding paninibugho, at ako ay maninibugho para sa kaniya taglay ang matinding pagngangalit.” (Zacarias 8:2) Tulad ng isang maibiging ama na laging alisto upang ipagsanggalang ang kaniyang mga anak mula sa kapinsalaan, si Jehova ay alisto upang ipagsanggalang ang kaniyang mga lingkod mula sa pisikal at espirituwal na panganib.
Upang maingatan ang kaniyang bayan, inilaan ni Jehova ang kaniyang Salita, ang Bibliya. Naglalaman ito ng maraming pampatibay-loob upang lumakad sila nang may-katalinuhan, at sagana ito sa mga halimbawa niyaong mga gumawa ng gayon. Ganito ang mababasa natin sa Isaias 48:17: “Ako, si Jehova, ang iyong Diyos, ang Isa na nagtuturo sa iyo upang makinabang ka, ang Isa na pumapatnubay sa iyo sa daan na dapat mong lakaran.” Tunay ngang nakaaaliw malaman na pinakikilos siya ng kaniyang paninibugho upang pagmalasakitan at bantayan tayo! Kung hindi siya mapanibughuin sa ganitong mabuting paraan, daranasin natin ang lahat ng uri ng kapinsalaan dahil sa ating kawalang-karanasan. Ang mga kapahayagan ng paninibugho ni Jehova ay tiyak na hindi mapag-imbot.
Kung gayon, ano ang kaibahan ng makadiyos na paninibugho at ng maling paninibugho? Upang malaman ito, isaalang-alang natin ang halimbawa ni Miriam at ni Pinehas. Pansinin kung ano ang nagpakilos sa kanila.
Si Miriam at si Pinehas
Si Miriam ang nakatatandang kapatid na babae nina Moises at Aaron, mga pinuno ng mga Israelita noong panahon ng Pag-alis (Exodus). Samantalang nasa ilang ang mga Israelita, si Miriam ay nanibugho sa kaniyang kapatid na si Moises. Ganito ang mababasa sa ulat ng Bibliya: “At nagsalita si Miriam Bilang 12:1-15.
at si Aaron laban kay Moises dahil sa asawang Cusita na kinuha niya . . . At lagi nilang sinasabi: ‘Sa pamamagitan lamang ba ni Moises nagsasalita si Jehova? Hindi ba sa pamamagitan din natin ay nagsasalita siya?’ ” Maliwanag na si Miriam ang nanguna sa pagkilos na ito laban kay Moises, yamang dinisiplina ni Jehova si Miriam, hindi si Aaron, sa pamamagitan ng ketong na tumagal nang isang linggo dahil sa kaniyang walang-galang na paggawi.—Ano ang nag-udyok kay Miriam na kumilos laban kay Moises? Iyon ba ay dahil sa pagkabahala sa tunay na pagsamba at hangarin na ipagsanggalang ang mga kapuwa Israelita mula sa kapinsalaan? Maliwanag na hindi. Lumilitaw na hinayaan ni Miriam na tumubo sa kaniyang puso ang maling hangarin na magkaroon ng higit na karangalan at awtoridad. Bilang isang propetisa sa Israel, tinamasa niya ang matinding paggalang ng bayan, partikular na ng mga babae. Siya ang nanguna sa kanila sa musika at awit pagkatapos ng makahimalang pagliligtas sa Israel sa Dagat na Pula. Subalit nang maglaon, maaaring labis na nabahala si Miriam na masapawan ang kaniyang pagiging prominente dahil sa isang pinaghihinalaang kaagaw, ang asawa ni Moises. Palibhasa’y napakilos ng mapag-imbot na paninibugho, pinukaw niya ang isang pagtatalo laban kay Moises, ang inatasan ni Jehova.—Exodo 15:1, 20, 21.
Sa kabilang dako naman, si Pinehas ay may naiibang motibo sa kaniyang pagkilos. Noong malapit nang pumasok ang Israel sa Lupang Pangako samantalang nagkakampo sa Kapatagan ng Moab, inakit ng mga babaing Moabita at Midianita ang maraming lalaking Israelita na gumawa ng imoralidad at idolatriya. Upang linisin ang kampo at pahintuin ang nag-aalab na galit ni Jehova, inutusan ang mga hukom ng Israel na patayin ang lahat ng lalaking lumihis ng landas. Dahil sa imoral na layunin, may-kapangahasang dinala ng Simeonitang pinuno na si Zimri ang babaing Midianita na si Cozbi sa loob ng kampo “sa paningin ng buong kapulungan ng mga anak ni Israel.” Kumilos kaagad si Pinehas. Palibhasa’y naudyukan ng paninibugho, o sigasig, para sa pagsamba kay Jehova at ng hangarin na panatilihin ang kadalisayan ng moralidad ng kampo, pinatay niya ang mga mapakiapid sa kanilang tolda. Pinapurihan siya dahil sa kaniyang “mapanibughuing galit,” anupat “hindi niya pinahintulutang magkaroon ng kaagaw” si Jehova. Huminto ang parusang salot na kumitil na ng 24,000 buhay dahil sa mabilis na pagkilos ni Pinehas, at ginantimpalaan siya ni Jehova ng isang tipan ng pagkasaserdote na mananatili sa kaniyang angkan hanggang sa panahong walang takda.—Bilang 25:4-13; The New English Bible.
Ano ang pagkakaiba ng dalawang kapahayagang ito ng paninibugho? Kumilos si Miriam laban sa kaniyang kapatid dahil sa mapag-imbot na paninibugho, samantalang inilapat naman ni Pinehas ang katarungan salig sa makadiyos na paninibugho. Kagaya ni Pinehas, may mga pagkakataon na dapat din tayong maudyukang magsalita o kumilos upang ipagtanggol ang pangalan ni Jehova, ang pagsamba sa kaniya, at ang kaniyang bayan.
Lihis na Paninibugho
Gayunman, posible ba na magkaroon ng lihis na paninibugho? Oo, posible ito. Ganito ang nangyari sa mga Judio sa pangkalahatan noong unang siglo. May-paninibugho nilang iningatan ang bigay-Diyos na Kautusan at ang kanilang mga tradisyon. Dahil sa kanilang pagsisikap na ipagsanggalang ang Kautusan, bumuo sila ng di-mabilang na detalyadong tuntunin at pagbabawal na naging mabigat na pasanin sa mga tao. (Mateo 23:4) Palibhasa’y hindi maunawaan o ayaw kilalanin na ipinalit na ng Diyos sa Kautusang Mosaiko ang tunay na inilalarawan nito, pinakilos sila ng kanilang lihis na paninibugho na ibuhos ang di-mapigil na pagngangalit sa mga tagasunod ni Jesu-Kristo. Binanggit ni apostol Pablo, na dati’y may paninibugho ring nananatiling matapat sa Kautusan sa lihis na paraan, na ang mga taong nagtatanggol sa Kautusan ay may “sigasig [paninibugho] . . . sa Diyos; ngunit hindi ayon sa tumpak na kaalaman.”—Roma 10:2; Galacia 1:14.
Maging ang maraming Judio na naging mga Kristiyano ay nahirapang alisin ang labis na sigasig na ito sa Kautusan. Pagkatapos ng kaniyang ikatlong paglalakbay bilang misyonero, nag-ulat si Pablo sa unang-siglong lupong tagapamahala hinggil sa pagkakumberte ng mga bansa. Noong panahong iyon, libu-libong Judiong Kristiyano ang ‘pawang masisigasig sa Kautusan.’ (Gawa 21:20) Ito ay napansin pagkalipas ng maraming taon mula nang pagpasiyahan ng lupong tagapamahala na ang mga Kristiyanong Gentil ay hindi na kailangang magpatuli. Ang mga usapin hinggil sa pagsunod sa Kautusan ay nagdudulot ng hidwaan sa kongregasyon. (Gawa 15:1, 2, 28, 29; Galacia 4:9, 10; 5:7-12) Dahil hindi lubos na nauunawaan kung paano na nakikitungo si Jehova sa kaniyang bayan nang panahong iyon, iginiit ng mga Judiong Kristiyano ang kanilang sariling pangmalas, anupat pinupuna ang iba.—Colosas 2:17; Hebreo 10:1.
Kung gayon, dapat nating iwasan ang silo ng mapanibughong pagsisikap na ipagsanggalang ang ating sariling pinahahalagahang mga ideya o paraan na walang matibay na saligan sa Salita ng Diyos. Dapat nating tanggapin ang bago at pinasulong na pagkaunawa sa Salita ng Diyos na ipinaaabot sa atin sa pamamagitan ng alulod na ginagamit ni Jehova sa ngayon.
Maging Mapanibughuin Para kay Jehova
Gayunman, ang makadiyos na paninibugho ay may dako sa tunay na pagsamba. Kapag may tendensiya tayo na labis na mabahala sa ating sariling reputasyon o karapatan, ibinabaling ng makadiyos na paninibugho ang ating pansin kay Jehova. Pinakikilos tayo nito na maghanap ng iba’t ibang paraan upang ipahayag ang katotohanan tungkol sa kaniya, na ipinagtatanggol ang kaniyang mga daan at ang kaniyang bayan.
Si Akiko, isang buong-panahong ministro ng mga Saksi ni Jehova, ay mahigpit na tinanggihan ng isang may-bahay na may maling mga akala sa kautusan ng Diyos hinggil sa dugo. Mataktikang ipinagtanggol ni Akiko ang Salita ng Diyos, na binabanggit pa nga ang medikal na mga komplikasyon at suliraning nauugnay sa pagsasalin ng dugo. Yamang napakilos ng marubdob na hangaring ipakipag-usap ang hinggil kay Jehova, ibinaling niya ang pag-uusap sa iniisip niyang tunay na dahilan ng pagtutol ng babae—ang hindi nito paniniwala sa pag-iral ng isang Maylalang. Nangatuwiran si Akiko sa may-bahay hinggil sa kung paano sinusuportahan ng sangnilalang ang paniniwala sa isang Maylalang. Ang kaniyang lakas-loob na pagtatanggol ay hindi lamang pumawi sa walang-saligang mga akala kundi umakay pa sa isang pakikipag-aral ng Bibliya sa babae. Sa ngayon, ang dating galít na may-bahay ay pumupuri na kay Jehova.
Ang tamang paninibugho, o sigasig, para sa tunay na pagsamba ay nag-uudyok sa atin na maging alisto at samantalahin ang mga pagkakataon na ipakipag-usap at ipagtanggol ang ating pananampalataya sa lugar ng trabaho, sa paaralan, sa tindahan, at habang naglalakbay. Halimbawa, determinado si Midori na ipakipag-usap ang kaniyang pananampalataya sa kaniyang mga katrabaho. Isang kasamahan na nasa mga edad 40 pataas ang nagsabi na hindi siya interesadong makipag-usap * at inalok niyang pagdausan ng pag-aaral sa aklat ang anak na babae ng kaniyang katrabaho. Napasimulan ang pag-aaral, ngunit hindi nakisali ang ina sa pagtalakay. Ipinasiya ni Midori na ipakita sa babae ang video na Jehovah’s Witnesses—The Organization Behind the Name.* Pinawi nito ang maraming maling impresyon ng babae. Palibhasa’y napakilos sa kaniyang nakita, sinabi niya: “Gusto kong maging kagaya ng mga Saksi ni Jehova.” Sumali na siya sa pag-aaral ng Bibliya ng kaniyang anak na babae.
sa mga Saksi ni Jehova. Nang maglaon, sa isa pang pag-uusap, nagreklamo ang babae dahil sa nagkakaproblema siya sa nagiging ugali ng kaniyang anak na babae. Ipinakita ni Midori sa babae ang aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas,Ang tamang paninibugho ay may dako rin sa kongregasyong Kristiyano. Itinataguyod nito ang isang magiliw na espiritu ng pag-ibig at pagmamalasakit at pinakikilos tayo nito na labanan ang gumagambalang mga impluwensiya na makapipinsala sa ating mga kapatid sa espirituwal, tulad ng nakapipinsalang tsismis at apostatang pag-iisip. Pinakikilos tayo ng makadiyos na paninibugho na suportahan ang mga desisyon ng matatanda, na nakakakita kung minsan ng pangangailangang sawayin ang mga manggagawa ng kamalian. (1 Corinto 5:11-13; 1 Timoteo 5:20) Sa pagsulat hinggil sa kaniyang mapanibughuing damdamin para sa mga kapananampalataya sa kongregasyon ng Corinto, sinabi ni Pablo: “Naninibugho ako may kinalaman sa inyo taglay ang makadiyos na paninibugho, sapagkat personal ko kayong ipinangakong ipakakasal sa isang asawang lalaki upang maiharap ko kayong gaya ng isang malinis na birhen sa Kristo.” (2 Corinto 11:2) Kaya pinakikilos din tayo ng ating paninibugho na gawin ang ating buong makakaya upang ipagsanggalang ang doktrinal, espirituwal, at moral na kadalisayan ng lahat ng nasa kongregasyon.
Oo, ang paninibughong may tamang motibo—ang makadiyos na paninibugho—ay may kapaki-pakinabang na impluwensiya sa iba. Nagbubunga ito ng pagsang-ayon ni Jehova at isa ito sa mga katangiang dapat makita sa mga Kristiyano sa ngayon.—Juan 2:17.
[Talababa]
^ par. 20 Inilathala ng mga Saksi ni Jehova.
[Mga larawan sa pahina 29]
Ang pagkilos ni Pinehas ay salig sa makadiyos na paninibugho
[Mga larawan sa pahina 30]
Iwasan ang silo ng lihis na paninibugho
[Mga larawan sa pahina 31]
Pinakikilos tayo ng makadiyos na paninibugho na ibahagi ang ating pananampalataya at pakamahalin ang ating kapatiran