Si Jehova ay Nagmamalasakit sa Iyo
Si Jehova ay Nagmamalasakit sa Iyo
‘Ihagis ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.’—1 PEDRO 5:7.
1. Sa anong mahalagang aspekto magkaibang-magkaiba si Jehova at si Satanas?
MAGKAIBANG-MAGKAIBA si Jehova at si Satanas. Sinumang napapalapít kay Jehova ay nasusuklam sa Diyablo. Ang pagkakaibang ito ay binanggit sa isang kinikilalang reperensiyang akda. Kung tungkol sa mga gawain ni Satanas na nakabalangkas sa aklat ng Bibliya na Job, ganito ang sinasabi ng Encyclopædia Britannica (1970): ‘Ang gawain ni Satanas ay lumibot sa buong lupa upang maghanap ng mga gawa o mga tao na mapaparatangan ng masama; ang kaniyang layunin kung gayon ay kasalungat ng layunin ng “mga mata ng Panginoon,” na nagmamasid sa buong lupa upang palakasin ang lahat ng mabuti (II Cron. xvi, 9). Si Satanas ay mapagduda sa di-makasariling kabutihan ng tao at pinahihintulutan siyang subukin ito sa ilalim ng awtoridad at kontrol ng Diyos at ayon sa mga hangganang itinatakda ng Diyos.’ Oo, kaylaki ngang pagkakaiba!—Job 1:6-12; 2:1-7.
2, 3. (a) Paanong ang kahulugan ng salitang “Diyablo” ay angkop na inilarawan sa nangyari kay Job? (b) Paano ipinakikita ng Bibliya na patuloy na inaakusahan ni Satanas ang mga lingkod ni Jehova sa lupa?
2 Ang salitang “Diyablo” ay mula sa salitang Griego na nangangahulugang “bulaang tagapag-akusa” at “maninirang-puri.” Isinisiwalat ng aklat ng Job na inakusahan ni Satanas ang tapat na lingkod ni Jehova na si Job ng paglilingkod sa Kaniya dahil lamang sa pansariling interes, anupat sinasabi: “Natatakot ba si Job sa Diyos nang walang dahilan?” (Job 1:9) Ipinakikita ng ulat sa aklat ng Job na sa kabila ng mga pagsubok sa kaniya, lalong naging malapít si Job kay Jehova. (Job 10:9, 12; 12:9, 10; 19:25; 27:5; 28:28) Matapos ang matinding pagsubok sa kaniya, sinabi niya sa Diyos: “Sa sabi-sabi ay nakarinig ako ng tungkol sa iyo, ngunit ngayon ay nakikita ka nga ng aking mata.”—Job 42:5.
3 Huminto ba si Satanas sa pag-akusa sa tapat na mga lingkod ng Diyos mula noong panahon ni Job? Hindi. Ipinakikita ng aklat ng Apocalipsis na sa panahong ito ng kawakasan, patuloy na inaakusahan ni Satanas ang pinahirang mga kapatid ni Kristo at tiyak na pati na rin ang kanilang tapat na mga kasamahan. (2 Timoteo 3:12; Apocalipsis 12:10, 17) Samakatuwid, ang kailangang-kailangan nating lahat bilang tunay na mga Kristiyano ay ang ipasakop ang ating sarili sa ating mapagmalasakit na Diyos, si Jehova, na pinaglilingkuran siya dahil sa masidhing pag-ibig at sa gayon ay pinatutunayang bulaan ang mga akusasyon ni Satanas. Sa paggawa nito, mapasasaya natin ang puso ni Jehova.—Kawikaan 27:11.
Humahanap ng mga Paraan si Jehova Upang Tulungan Tayo
4, 5. (a) Kabaligtaran ni Satanas, ano ang hinahanap ni Jehova sa lupa? (b) Upang matamasa natin ang pagsang-ayon ni Jehova, ano ang kailangan nating gawin?
4 Ang Diyablo ay nagpaparoo’t parito sa lupa, na humahanap ng aakusahan at sisilain. (Job 1:7, 9; 1 Pedro 5:8) Sa kabaligtaran, humahanap naman ng mga paraan si Jehova upang tulungan ang mga nangangailangan ng kaniyang lakas. Sinabi ng propetang si Hanani kay Haring Asa: “Kung tungkol kay Jehova, ang kaniyang mga mata ay lumilibot sa buong lupa upang ipakita ang kaniyang lakas alang-alang sa mga may pusong sakdal sa kaniya.” (2 Cronica 16:9) Kaylaking pagkakaiba ng pagsisiyasat ni Satanas na lipos ng pagkapoot at ng maibiging pagmamalasakit ni Jehova!
5 Hindi tayo minamanmanan ni Jehova upang hulihin ang bawat pagkakamali at pagkukulang natin. Sumulat ang salmista: “Kung mga kamalian ang binabantayan mo, O Jah, O Jehova, sino ang makatatayo?” (Awit 130:3) Ang ipinahihiwatig na sagot ay: wala ni isa. (Eclesiastes 7:20) Kung lalapit tayo kay Jehova taglay ang sakdal na puso, ang kaniyang mga mata ay itutuon niya sa atin, hindi upang hatulan tayo, kundi upang pagmasdan ang ating mga pagsisikap at sagutin ang ating mga panalangin ukol sa tulong at kapatawaran. Sumulat si apostol Pedro: “Ang mga mata ni Jehova ay nasa mga matuwid, at ang kaniyang mga tainga ay nakatuon sa kanilang pagsusumamo; ngunit ang mukha ni Jehova ay laban sa mga gumagawa ng masasamang bagay.”—1 Pedro 3:12.
6. Paanong ang nangyari kay David ay kapuwa kaaliwan at babala sa atin?
6 Si David ay di-sakdal at nagkasala nang malubha. (2 Samuel 12:7-9) Subalit ibinuhos niya ang laman ng kaniyang puso kay Jehova at lumapit siya sa kaniya sa marubdob na panalangin. (Awit 51:1-12, superskripsiyon) Dininig ni Jehova ang kaniyang panalangin at pinatawad siya, bagaman dinanas ni David ang di-kaayaayang mga bunga ng kaniyang pagkakasala. (2 Samuel 12:10-14) Ito ay dapat na kapuwa maging kaaliwan at babala sa atin. Nakaaaliw na malaman na si Jehova ay handang magpatawad sa ating mga kasalanan kung tayo ay tunay na nagsisisi, subalit dapat na tantuing mabuti na ang mga pagkakasala ay kadalasang nagdudulot ng malulubhang resulta. (Galacia 6:7-9) Kung gusto nating maging malapít kay Jehova, dapat na magpakalayu-layo tayo hangga’t maaari sa anumang bagay na hindi niya kinalulugdan.—Awit 97:10.
Inilalapit ni Jehova ang Kaniyang Bayan sa Kaniya
7. Anong uri ng mga tao ang tinitingnan ni Jehova, at paano niya inilalapit ang mga ito sa kaniyang sarili?
7 Isinulat ni David sa isa sa kaniyang mga awit: “Si Jehova ay mataas, gayunma’y nakikita niya ang mapagpakumbaba; ngunit ang matayog ay kilala lamang niya sa malayo.” (Awit 138:6) Kahawig nito, isa pang awit ang nagsasabi: “Sino ang tulad ni Jehova na ating Diyos, siya na tumatahan sa kaitaasan? Siya ay nagpapakababa upang tumingin sa langit at lupa, ibinabangon ang maralita mula sa mismong alabok.” (Awit 113:5-7) Oo, ang makapangyarihan-sa-lahat na Maylalang ng sansinukob ay nagpapakababa upang tumingin sa lupa, at nakikita ng kaniyang mga mata “ang mapagpakumbaba,” “ang maralita,” ang mga taong “nagbubuntunghininga at dumaraing dahil sa lahat ng karima-rimarim na bagay na ginagawa.” (Ezekiel 9:4) Inilalapit niya ang gayong mga indibiduwal sa kaniyang sarili sa pamamagitan ng kaniyang Anak. Nang siya’y nasa lupa, sinabi ni Jesus: “Walang taong makalalapit sa akin malibang ilapit siya ng Ama, na nagsugo sa akin . . . Walang sinuman ang makalalapit sa akin malibang ipagkaloob ito sa kaniya ng Ama.”—Juan 6:44, 65.
8, 9. (a) Bakit tayong lahat ay kailangang lumapit kay Jesus? (b) Ano ang lubhang kapansin-pansin sa kaayusan hinggil sa pantubos?
8 Ang lahat ng tao ay dapat lumapit kay Jesus at manampalataya sa haing pantubos dahil isinilang silang makasalanan, nakahiwalay sa Diyos. (Juan 3:36) Kailangan silang makipagkasundo sa Diyos. (2 Corinto 5:20) Hindi hinintay ng Diyos na makiusap sa kaniya ang mga makasalanan upang gumawa siya ng kaayusan na sa pamamagitan niyaon ay maaari silang makipagpayapaan sa kaniya. Sumulat si apostol Pablo: “Inirerekomenda ng Diyos sa atin ang kaniyang sariling pag-ibig anupat, samantalang tayo ay mga makasalanan pa, si Kristo ay namatay para sa atin. . . . Sapagkat kung, noong tayo ay mga kaaway pa, naipagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, lalo pa nga, ngayong tayo ay naipagkasundo na, na maliligtas tayo sa pamamagitan ng kaniyang buhay.”—Roma 5:8, 10.
9 Pinagtibay ni apostol Juan ang dakilang katotohanan na ipinagkakasundo ng Diyos ang mga tao sa kaniyang sarili, anupat isinulat niya: “Sa ganito nahayag ang pag-ibig ng Diyos may kaugnayan sa atin, sapagkat isinugo ng Diyos ang kaniyang bugtong na Anak sa sanlibutan upang magkamit tayo ng buhay sa pamamagitan niya. Ang pag-ibig ay nasa bagay na ito, hindi sa tayo ang umibig sa Diyos, kundi siya ang umibig sa atin at nagsugo ng kaniyang Anak bilang pampalubag-loob na hain para sa ating mga kasalanan.” (1 Juan 4:9, 10) Ang Diyos ang unang kumilos, hindi ang tao. Hindi ka ba napapalapít sa isang Diyos na nagpakita ng masidhing pag-ibig sa “mga makasalanan,” “mga kaaway” pa nga?—Juan 3:16.
Kailangan Nating Hanapin si Jehova
10, 11. (a) Ano ang dapat nating gawin upang mahanap si Jehova? (b) Paano natin dapat malasin ang sistema ng mga bagay ni Satanas?
10 Sabihin pa, hindi tayo pinipilit ni Jehova na lumapit sa kaniya. Kailangan nating hanapin siya, ‘apuhapin siya at talagang masumpungan siya, bagaman, sa katunayan, hindi siya malayo sa bawat isa sa atin.’ (Gawa 17:27) Dapat nating kilalanin ang karapatan ni Jehova na hilingin ang ating pagpapasakop. Sumulat ang alagad na si Santiago: “Kaya nga, magpasakop kayo sa Diyos; ngunit salansangin ninyo ang Diyablo, at tatakas siya mula sa inyo. Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo. Linisin ninyo ang inyong mga kamay, ninyong mga makasalanan, at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, ninyong mga di-makapagpasiya.” (Santiago 4:7, 8) Hindi tayo dapat mag-atubiling manindigang matatag laban sa Diyablo at manindigang matatag para kay Jehova.
11 Nangangahulugan ito ng paglayo natin sa balakyot na sistema ng mga bagay ni Satanas. Isinulat din ni Santiago: “Hindi ba ninyo alam na ang pakikipagkaibigan sa sanlibutan ay pakikipag-alit sa Diyos? Samakatuwid, ang sinumang naghahangad na maging kaibigan ng sanlibutan ay ginagawa ang kaniyang sarili na kaaway ng Diyos.” (Santiago 4:4) Sa kabaligtaran naman, kung hangad nating maging mga kaibigan ni Jehova, dapat nating asahan na kapopootan tayo ng sanlibutan ni Satanas.—Juan 15:19; 1 Juan 3:13.
12. (a) Anong nakaaaliw na mga salita ang isinulat ni David? (b) Anong babala ang ibinigay ni Jehova sa pamamagitan ni propeta Azarias?
12 Kapag sinasalansang tayo ng sanlibutan ni Satanas sa isang partikular na paraan, lalo tayong kailangang lumapit kay Jehova sa panalangin, anupat hinihingi ang kaniyang tulong. Si David, na napakaraming beses nang nakaranas ng pagliligtas ni Jehova, ay sumulat para sa ating kaaliwan: “Si Jehova ay malapit sa lahat ng tumatawag sa kaniya, sa lahat ng tumatawag sa kaniya sa katapatan. Ang nasa ng mga may takot sa kaniya ay kaniyang Awit 145:18-20) Ipinakikita ng awit na ito na maililigtas tayo ni Jehova kapag sinusubok ang bawat isa sa atin at sama-sama niyang ililigtas ang kaniyang bayan sa panahon ng “malaking kapighatian.” (Apocalipsis 7:14) Si Jehova ay mananatiling malapít sa atin kung mananatili tayong malapít sa kaniya. Sa ilalim ng patnubay ng “espiritu ng Diyos,” sinabi ni propeta Azarias ang maituturing natin na totoo sa pangkalahatan: “Si Jehova ay sumasainyo hangga’t kayo ay sumasakaniya; at kung hahanapin ninyo siya, hahayaan niyang siya ay masumpungan ninyo, ngunit kung iiwan ninyo siya ay iiwan niya kayo.”—2 Cronica 15:1, 2.
isasagawa, at ang kanilang paghingi ng tulong ay kaniyang diringgin, at ililigtas niya sila. Binabantayan ni Jehova ang lahat ng umiibig sa kaniya, ngunit ang lahat ng balakyot ay lilipulin niya.” (Dapat na Maging Tunay sa Atin si Jehova
13. Paano natin maipakikita na si Jehova ay tunay sa atin?
13 Tungkol kay Moises, isinulat ni apostol Pablo na “nagpatuloy siyang matatag na parang nakikita ang Isa na di-nakikita.” (Hebreo 11:27) Sabihin pa, kailanman ay hindi aktuwal na nakita ni Moises si Jehova. (Exodo 33:20) Ngunit si Jehova ay tunay na tunay sa kaniya anupat parang nakita niya Siya. Sa katulad na paraan, pagkatapos ng mga pagsubok sa kaniya, ang mga mata ng pananampalataya ni Job ay mas malinaw na nakakita kay Jehova, bilang isang Diyos na nagpapahintulot na dumanas ng mga pagsubok ang kaniyang tapat na mga lingkod ngunit hindi sila kailanman pinababayaan. (Job 42:5) Sinasabi na sina Enoc at Noe ay ‘lumakad na kasama ng Diyos.’ Ginawa nila ito sa pamamagitan ng pagsisikap na palugdan ang Diyos at sundin siya. (Genesis 5:22-24; 6:9, 22; Hebreo 11:5, 7) Kung si Jehova ay tunay sa atin na gaya kina Enoc, Noe, Job, at Moises, ‘isasaalang-alang natin siya’ sa lahat ng ating mga lakad, at siya ang “magtutuwid ng [ating] mga landas.”—Kawikaan 3:5, 6.
14. Ano ang kahulugan ng “mangunyapit” kay Jehova?
14 Nang malapit nang pumasok ang mga Israelita sa Lupang Pangako, pinayuhan sila ni Moises: Deuteronomio 13:4) Kailangan silang sumunod kay Jehova, matakot sa kaniya, tumalima sa kaniya, at mangunyapit sa kaniya. Tungkol sa salita na isinalin dito na “mangunyapit,” isang iskolar sa Bibliya ang nagsabi na “ipinahihiwatig ng wika ang isang napakalapít at napakatalik na kaugnayan.” Sinabi ng salmista: “Ang matalik na kaugnayan kay Jehova ay nauukol sa mga natatakot sa kaniya.” (Awit 25:14) Ang mahalaga at malapít na kaugnayang ito kay Jehova ay mapapasaatin kung tunay siya sa atin at kung gayon na lamang ang pag-ibig natin sa kaniya anupat natatakot tayong hindi siya mapalugdan sa anumang paraan.—Awit 19:9-14.
“Kay Jehova na inyong Diyos kayo dapat sumunod, at siya ang dapat ninyong katakutan, at ang kaniyang mga utos ang dapat ninyong tuparin, at sa kaniyang tinig kayo dapat makinig, at siya ang dapat ninyong paglingkuran, at sa kaniya kayo dapat mangunyapit.” (Batid Mo ba ang Pagmamalasakit ni Jehova?
15, 16. (a) Paano ipinakikita ng Awit 34 na nagmamalasakit si Jehova sa atin? (b) Ano ang dapat nating gawin kung nahihirapan tayong alalahanin ang mga kabutihang ginawa ni Jehova sa atin?
15 Ang isa sa tusong mga gawa ni Satanas ay ang pagsisikap na maipalimot sa atin ang katotohanan na ang ating Diyos, si Jehova, ay laging nagmamalasakit sa kaniyang tapat na mga lingkod. Lubos na nababatid ni Haring David ng Israel ang nagsasanggalang na bisig ni Jehova kahit na nang mapaharap siya sa pinakamapanganib na sandali. Nang mapilitan siyang magkunwaring baliw sa harap ni Haring Akis ng Gat, kumatha siya ng isang awitin, isang napakagandang awit, na doo’y kasali ang mga kapahayagang ito ng pananampalataya: “O dakilain ninyong kasama ko si Jehova, at itanyag nating sama-sama ang kaniyang pangalan. Nagtanong ako kay Jehova, at sinagot niya ako, at mula sa lahat ng aking pagkatakot ay iniligtas niya ako. Ang anghel ni Jehova ay nagkakampo sa buong palibot niyaong mga may takot sa kaniya, at inililigtas niya sila. Tikman ninyo at tingnan na si Jehova ay mabuti; maligaya ang matipunong lalaki na nanganganlong sa kaniya. Si Jehova ay malapit sa mga wasak ang puso; at yaong mga may espiritung nasisiil ay inililigtas niya. Marami ang mga kapahamakan ng matuwid, ngunit mula sa lahat ng mga iyon ay inililigtas siya ni Jehova.”—Awit 34:3, 4, 7, 8, 18, 19; 1 Samuel 21:10-15.
16 Kumbinsido ka ba sa nagliligtas na kapangyarihan ni Jehova? Batid mo ba ang proteksiyong 2 Corinto 4:7) Sa kabilang panig naman, baka nahihirapan kang alalahanin ang isang partikular na kabutihan na ginawa ni Jehova alang-alang sa iyo. Baka kailangan mo pang gunitain ang nakaraang linggo, buwan, taon, o higit pa. Kung ganito ang nangyayari sa iyo, bakit hindi ka gumawa ng pantanging pagsisikap na higit na mapalapít kay Jehova at tingnan mo kung paano ka niya inaakay at pinapatnubayan? Nagpayo si apostol Pedro sa mga Kristiyano: “Magpakababa kayo sa ilalim ng makapangyarihang kamay ng Diyos . . . habang inihahagis ninyo sa kaniya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.” (1 Pedro 5:6, 7) Sa katunayan, magugulat ka na gayon na lamang pala ang kaniyang pagmamalasakit sa iyo!—Awit 73:28.
dulot ng kaniyang mga anghel? Personal mo na bang natikman at nakita na si Jehova ay mabuti? Kailan ang huling pagkakataon na alam na alam mong naging mabuti sa iyo si Jehova? Subukin mong alalahanin. Noon bang dumalaw ka sa huling bahay na iyon sa ministeryo, nang madama mong hindi mo na yata kaya? Marahil ay nagkaroon ka noon ng napakasiglang pakikipag-usap sa may-bahay. Naalaala mo bang pasalamatan si Jehova sa pagbibigay sa iyo ng karagdagang lakas na kailangan mo at sa pagpapala sa iyo? (Patuloy na Hanapin si Jehova
17. Ano ang kinakailangan upang patuloy nating mahanap si Jehova?
17 Ang pagpapanatili sa ating kaugnayan kay Jehova ay isang bagay na dapat patuloy na nililinang. Sinabi ni Jesus sa pananalangin sa kaniyang Ama: “Ito ay nangangahulugan ng buhay na walang hanggan, ang kanilang pagkuha ng kaalaman tungkol sa iyo, ang tanging tunay na Diyos, at sa isa na iyong isinugo, si Jesu-Kristo.” (Juan 17:3) Ang pagkuha ng kaalaman tungkol kay Jehova at sa kaniyang Anak ay humihiling ng patuloy na pagsisikap sa ating bahagi. Kailangan natin ang tulong ng panalangin at banal na espiritu upang maunawaan “ang malalalim na bagay ng Diyos.” (1 Corinto 2:10; Lucas 11:13) Kailangan din natin ang patnubay ng “tapat at maingat na alipin” upang mapakain ang ating isip ng espirituwal na pagkain na inilalaan “sa tamang panahon.” (Mateo 24:45) Sa pamamagitan ng alulod na iyan, pinapayuhan tayo ni Jehova na basahin ang kaniyang Salita araw-araw, regular na daluhan ang ating mga Kristiyanong pagpupulong, at magkaroon ng makabuluhang bahagi sa pangangaral ng ‘mabuting balita ng kaharian.’ (Mateo 24:14) Sa paggawa nito, patuloy nating hinahanap ang ating mapagmalasakit na Diyos, si Jehova.
18, 19. (a) Dapat tayong maging determinado na gawin ang ano? (b) Kung maninindigan tayong matatag laban sa Diyablo at patuloy na hahanapin si Jehova, paano tayo pagpapalain?
18 Ginagawa ni Satanas ang lahat upang usigin, salansangin, at gipitin sa lahat ng panig ang bayan ni Jehova. Sinisikap niyang gambalain ang ating kapayapaan at sirain ang ating mainam na katayuan sa ating Diyos. Ayaw niyang magpatuloy tayo sa ating gawaing paghahanap sa tapat-pusong mga tao at sa pagtulong sa kanila na pumanig kay Jehova sa isyu ng pansansinukob na pagkasoberano. Subalit dapat tayong maging determinado na manatiling matapat kay Jehova, anupat nagtitiwala sa kaniya na ililigtas tayo mula sa isa na balakyot. Kung tayo ay magpapaakay sa Salita ng Diyos at mananatiling aktibo kasama ng kaniyang nakikitang organisasyon, makatitiyak tayo na siya ay laging naririyan upang alalayan tayo.—Isaias 41:8-13.
19 Kaya tayong lahat nawa ay manindigang matatag laban sa Diyablo at sa kaniyang tusong mga gawa, na laging hinahanap ang ating mahal na Diyos, si Jehova, na hindi mabibigo sa ‘pagpapatatag sa atin at pagpapalakas sa atin.’ (1 Pedro 5:8-11) Kung gayon, ‘pananatilihin natin ang ating sarili sa pag-ibig ng Diyos, habang hinihintay natin ang awa ng ating Panginoong Jesu-Kristo tungo sa buhay na walang hanggan.’—Judas 21.
Paano Mo Sasagutin?
• Ano ang kahulugan ng salitang “Diyablo,” at paano gumagawi ang Diyablo ayon sa katawagang iyan?
• Paano naiiba si Jehova sa Diyablo sa paraan ng pagmamasid Niya sa mga naninirahan sa lupa?
• Bakit dapat tanggapin ng isang tao ang pantubos sa paglapit kay Jehova?
• Ano ang kahulugan ng “mangunyapit” kay Jehova, at paano natin siya patuloy na hahanapin?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 15]
Sa kabila ng mga pagsubok sa kaniya, naunawaan ni Job na nagmamalasakit sa kaniya si Jehova
[Mga larawan sa pahina 16, 17]
Ang pagbabasa ng Bibliya araw-araw, regular na pagdalo sa mga Kristiyanong pagpupulong, at masigasig na pakikibahagi sa gawaing pangangaral ay nagpapaalaala sa atin na nagmamalasakit si Jehova sa atin