Kailangan ng mga Kristiyano ang Isa’t Isa
Kailangan ng mga Kristiyano ang Isa’t Isa
“Tayo ay mga sangkap na nauukol sa isa’t isa.”—EFESO 4:25.
1. Ano ang sinasabi ng isang ensayklopidiya tungkol sa katawan ng tao?
ANG katawan ng tao ay isang kababalaghan ng paglalang! Sinasabi ng The World Book Encyclopedia: “Tinatawag kung minsan ng mga tao na makina ang katawan ng tao—ang pinakakamangha-manghang makina na nagawa kailanman. Sabihin pa, ang katawan ng tao ay hindi naman isang makina. Subalit maihahambing ito sa makina sa maraming paraan. Tulad ng makina, ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi. Ang bawat bahagi ng katawan, tulad ng bawat piyesa ng makina, ay gumaganap ng pantanging gawain. Subalit ang lahat ng bahagi ay gumagawang magkakasama anupat pinagagana nang maayos ang katawan o ang makina.”
2. Sa anong paraan magkatulad ang katawan ng tao at ang kongregasyong Kristiyano?
2 Oo, ang katawan ng tao ay may maraming bahagi, o mga sangkap, at ang bawat isa ay naglalaan ng isang bagay na kailangan. Wala ni isang ugat, kalamnan, o iba pang sangkap ng katawan ang walang layunin. Gayundin naman, ang bawat miyembro ng kongregasyong Kristiyano ay may maidaragdag sa espirituwal na kalusugan at kagandahan ng kongregasyon. (1 Corinto 12:14-26) Bagaman hindi dapat makadama ang isang miyembro ng kongregasyon na siya’y nakatataas sa iba, hindi rin naman dapat ituring ng sinuman ang kaniyang sarili na hindi mahalaga.—Roma 12:3.
3. Paano ipinahihiwatig ng Efeso 4:25 na kailangan ng mga Kristiyano ang isa’t isa?
3 Tulad ng pagdepende sa isa’t isa ng mga sangkap ng katawan ng tao, kailangan ng mga Kristiyano ang isa’t isa. Sinabi ni apostol Pablo sa pinahiran-ng-espiritung mga kapananampalataya: “Ngayong inalis na ninyo ang kabulaanan, magsalita ang bawat isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa, sapagkat tayo ay mga sangkap na nauukol sa isa’t isa.” (Efeso 4:25) Yamang sila ay “nauukol sa isa’t isa,” may tapat na pag-uusap at lubos na pagtutulungan sa gitna ng mga miyembro ng espirituwal na Israel—ang “katawan ng Kristo.” Oo, ang bawat isa sa kanila ay nauukol sa lahat ng iba pa. (Efeso 4:11-13) Maligayang nakikiisa sa kanila ang tapat at matulunging mga Kristiyano na may makalupang pag-asa.
4. Sa anu-anong paraan maaaring tulungan ang mga baguhan?
4 Taun-taon, nababautismuhan ang libu-libong umaasa na mabuhay sa isang makalupang paraiso. Hebreo 6:1-3) Maaaring kasali sa tulong na ito ang pagsagot sa maka-Kasulatang mga tanong o ang paglalaan ng praktikal na tulong sa ministeryo. Matutulungan natin ang mga baguhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mainam na halimbawa sa regular na pakikibahagi sa mga Kristiyanong pagpupulong. Sa panahon ng kabagabagan, makapagbibigay rin tayo ng pampatibay-loob o marahil ng kaaliwan. (1 Tesalonica 5:14, 15) Dapat tayong humanap ng mga paraan upang tulungan ang iba na ‘patuloy na lumakad sa katotohanan.’ (3 Juan 4) Bata man tayo o matanda, bago pa lamang o maraming taon nang lumalakad sa katotohanan, maitataguyod natin ang espirituwal na kapakanan ng mga kapananampalataya—at talagang kailangan nila tayo.
Ang ibang miyembro ng kongregasyon ay malugod na tumutulong sa kanila na ‘sumulong tungo sa pagkamaygulang.’ (Nagbigay Sila ng Kinakailangang Tulong
5. Paano nakatulong sina Aquila at Priscila kay Pablo?
5 Ang mga mag-asawang Kristiyano ay kabilang sa mga nakasusumpong ng kasiyahan sa pagtulong sa mga kapananampalataya. Halimbawa, si Pablo ay tinulungan ni Aquila at ng kaniyang asawa, si Priscila (Prisca). Pinatuloy nila siya sa kanilang tahanan, nagtrabahong kasama niya bilang mga manggagawa ng tolda, at tinulungan siyang patibayin ang bagong kongregasyon sa Corinto. (Gawa 18:1-4) Sa isang di-isiniwalat na paraan, isinapanganib pa nga nila ang kanilang buhay alang-alang kay Pablo. Naninirahan sila sa Roma nang sabihin ni Pablo sa mga Kristiyano roon: “Ipaabot ninyo ang aking mga pagbati kina Prisca at Aquila na aking mga kamanggagawa kay Kristo Jesus, na nagsapanganib ng kanilang sariling mga leeg para sa aking kaluluwa, na sa kanila ay hindi lamang ako ang nagpapasalamat kundi gayundin ang lahat ng kongregasyon ng mga bansa.” (Roma 16:3, 4) Tulad nina Aquila at Priscila, pinatitibay ng ilang makabagong-panahong Kristiyano ang mga kongregasyon at tinutulungan ang mga kapuwa mananamba sa iba’t ibang paraan, kung minsan ay isinasapanganib pa nga ang kanilang sariling buhay upang iwasang mailantad ang ibang mga lingkod ng Diyos sa kalupitan o kamatayan sa kamay ng mga mang-uusig.
6. Anong tulong ang tinanggap ni Apolos?
6 Tinulungan din nina Aquila at Priscila ang mahusay-magsalitang Kristiyano na si Apolos, na nagtuturo noon tungkol kay Jesu-Kristo sa mga naninirahan sa Efeso. Nang panahong iyon, ang alam lamang ni Apolos ay ang tungkol sa bautismong isinagawa ni Juan bilang sagisag ng pagsisisi sa mga kasalanan laban sa tipang Kautusan. Palibhasa’y naunawaan na nangangailangan ng tulong si Apolos, “ipinaliwanag [nina Aquila at Priscila] sa kaniya ang daan ng Diyos nang may higit na kawastuan.” Malamang na ipinaliwanag nila na kasali sa bautismong Kristiyano ang pagpapalubog sa tubig at ang pagtanggap sa pagbubuhos ng banal na espiritu. Ikinapit ni Apolos ang kaniyang natutuhan. Nang maglaon sa Acaya, “malaki ang naitulong niya sa mga naniwala dahil sa di-sana-nararapat na kabaitan ng Diyos; sapagkat taglay ang kasidhian, lubusan niyang pinatunayan nang hayagan na mali ang mga Judio, habang ipinakikita niya sa pamamagitan ng Kasulatan na si Jesus ang Kristo.” (Gawa 18:24-28) Ang mga komento ng mga kapuwa mananamba ay kadalasang makatutulong upang sumulong ang ating unawa sa Salita ng Diyos. Sa aspekto ring ito, kailangan natin ang isa’t isa.
Paglalaan ng Materyal na Tulong
7. Paano tumugon ang mga taga-Filipos nang mangailangan ng materyal na tulong ang mga kapuwa Kristiyano?
7 Mahal na mahal ng mga miyembro ng kongregasyong Kristiyano sa Filipos si Pablo at pinadalhan nila siya ng materyal na mga panustos noong siya ay namamalagi sa Tesalonica. (Filipos 4:15, 16) Nang mangailangan ng materyal na tulong ang mga kapatid sa Jerusalem, ipinakita ng mga taga-Filipos ang pagiging handang mag-abuloy kahit na higit pa sa kanilang kakayahan. Gayon na lamang ang pagpapasalamat ni Pablo sa mainam na espiritu ng kaniyang mga kapatid sa Filipos anupat binanggit niya sila bilang halimbawa sa ibang mananampalataya.—2 Corinto 8:1-6.
8. Anong saloobin ang ipinamalas ni Epafrodito?
8 Nang si Pablo ay nasa mga gapos ng bilangguan, hindi lamang nagpadala ng materyal na mga kaloob sa kaniya ang mga taga-Filipos kundi pinapunta rin nila ang kanilang personal na sugo na si Epafrodito. “Dahil sa gawain ng Panginoon ay napasabingit . . . ng kamatayan [si Epafrodito], na inilalantad sa panganib ang kaniyang kaluluwa,” ang sabi ni Pablo, “nang sa gayon ay lubusan niyang mapunan ang inyong pagiging wala rito upang mag-ukol ng pribadong paglilingkod sa akin.” (Filipos 2:25-30; 4:18) Hindi sinasabi sa atin kung si Epafrodito ay isang matanda o isang ministeryal na lingkod. Gayunman, siya ay isang mapagsakripisyo-sa-sarili at matulunging Kristiyano, at talagang kailangan siya ni Pablo. Mayroon bang katulad ni Epafrodito sa inyong kongregasyon?
Sila ay mga “Tulong na Nagpapalakas”
9. Anong halimbawa ang ipinakita sa atin ni Aristarco?
9 Ang maibiging mga kapatid, tulad nina Aquila, Priscila, at Epafrodito, ay lubhang pinahahalagahan sa alinmang kongregasyon. Ang ilan sa ating mga kapuwa mananamba ay maaaring kagayang-kagaya ng unang-siglong Kristiyano na si Aristarco. Siya at ang iba pa ay naging “tulong na nagpapalakas,” marahil ay isang pinagmumulan ng kaaliwan o tulong sa karaniwan at praktikal na mga bagay. (Colosas 4:10, 11) Sa pamamagitan ng pagtulong kay Pablo, si Aristarco ay napatunayang isang tunay na kaibigan sa panahon ng pangangailangan. Siya ang uri ng tao na binanggit sa Kawikaan 17:17: “Ang tunay na kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at isang kapatid na ipinanganganak kapag may kabagabagan.” Hindi ba tayong lahat ay dapat magsikap na maging mga “tulong na nagpapalakas” sa mga kapuwa Kristiyano? Lalo na tayong dapat tumulong sa mga nasa kagipitan.
10. Anong halimbawa ang ipinakita ni Pedro para sa Kristiyanong matatanda?
10 Ang Kristiyanong matatanda ay partikular nang dapat na maging mga tulong na nagpapalakas sa kanilang espirituwal na mga kapatid. Sinabi ni Kristo kay apostol Pedro: “Palakasin mo ang iyong mga kapatid.” (Lucas 22:32) Nagawa iyon ni Pedro dahil nagpamalas siya ng matibay at tulad-batong mga katangian, lalo na pagkaraang buhaying-muli si Jesus. Mga matatanda, pagsikapang gayundin ang gawin nang maluwag sa kalooban at magiliw, sapagkat kailangan kayo ng inyong mga kapananampalataya.—Gawa 20:28-30; 1 Pedro 5:2, 3.
11. Paano tayo makikinabang sa pagsasaalang-alang sa espiritu ni Timoteo?
11 Ang kasama ni Pablo sa paglalakbay na si Timoteo ay isang matanda na lubhang nagmamalasakit sa ibang mga Kristiyano. Bagaman mayroon siyang ilang karamdaman, nagpamalas si Timoteo ng matibay na pananampalataya at ‘nagpaalipin kay Pablo sa ikasusulong ng mabuting balita.’ Kaya masasabi ng apostol sa mga taga-Filipos: “Wala na akong iba pa na may saloobing katulad ng sa kaniya na tunay na magmamalasakit sa mga bagay na may kinalaman sa inyo.” (Filipos 2:20, 22; 1 Timoteo 5:23; 2 Timoteo 1:5) Tayo ay maaaring maging isang pagpapala sa mga kapuwa nating sumasamba kay Jehova sa pamamagitan ng pagpapamalas ng espiritu na gaya ng kay Timoteo. Totoo, kailangan nating batahin ang ating sariling mga kahinaan bilang tao at ang iba’t ibang pagsubok, ngunit kaya at dapat din nating ipamalas ang matibay na pananampalataya at maibiging pagmamalasakit sa ating espirituwal na mga kapatid. Dapat nating laging tandaan na kailangan nila tayo.
Mga Babae na Nagmalasakit sa Iba
12. Ano ang matututuhan natin mula sa halimbawa ni Dorcas?
12 Kabilang sa makadiyos na mga babae na nagmalasakit sa iba ay si Dorcas. Nang mamatay siya, ipinatawag ng mga alagad si Pedro at dinala siya sa silid sa itaas. Doon, “ang lahat ng mga babaing balo ay humarap sa kaniya na tumatangis at ipinakikita ang maraming panloob na kasuutan at panlabas na kasuutan na ginawa ni Dorcas noong siya ay kasama pa nila.” Si Dorcas ay binuhay-muli at walang-alinlangang nagpatuloy na “nanagana sa mabubuting gawa at mga kaloob ng awa na kaniyang ipinamamahagi.” Sa makabagong-panahong kongregasyong Kristiyano, may mga babaing tulad ni Dorcas na maaaring gumawa ng mga kasuutan o ng ibang maibiging mga bagay para sa mga nangangailangan. Sabihin pa, ang kanilang mabubuting gawa ay pangunahin nang may kaugnayan sa pagtataguyod sa mga kapakanan ng Kaharian at Gawa 9:36-42; Mateo 6:33; 28:19, 20.
pakikibahagi sa paggawa ng alagad.—13. Paano nagpakita ng pagmamalasakit si Lydia sa mga kapuwa Kristiyano?
13 Isang babaing natatakot sa Diyos na nagngangalang Lydia ang nagmalasakit sa iba. Isa siyang katutubo ng Tiatira, at naninirahan siya sa Filipos nang mangaral si Pablo roon noong mga 50 C.E. Si Lydia ay malamang na isang proselitang Judio, subalit maaaring kaunti lamang ang mga Judio sa Filipos at walang sinagoga roon. Siya at ang iba pang debotong babae ay nagtipon para sumamba sa tabi ng ilog nang ipahayag ng apostol ang mabuting balita sa kanila. Sinasabi ng ulat: “Binuksang mabuti ni Jehova ang . . . puso [ni Lydia] upang magbigay-pansin sa mga bagay na sinasalita ni Pablo. At nang siya at ang kaniyang sambahayan ay mabautismuhan, sinabi niya nang may pamamanhik: ‘Kung hinahatulan ninyo ako bilang tapat kay Jehova, pumasok kayo sa aking bahay at manatili.’ At talaga namang pinilit niya kaming pumaroon.” (Gawa 16:12-15) Dahil gusto ni Lydia na gumawa ng mabubuting bagay para sa iba, nagtagumpay siya sa paghikayat kay Pablo at sa mga kasama nito na manuluyan sa bahay niya. Tunay ngang pinahahalagahan natin kapag ang gayunding pagkamapagpatuloy ay ipinakikita ng mababait at maibiging mga Kristiyano sa ngayon!—Roma 12:13; 1 Pedro 4:9.
Kailangan Din Namin Kayong mga Kabataan
14. Paano pinakitunguhan ni Jesu-Kristo ang mga kabataan?
14 Ang kongregasyong Kristiyano ay pinasimulan ng mabait at mapagmahal na Anak ng Diyos, si Jesu-Kristo. Palagay ang loob ng mga tao na makasama siya dahil maibigin at mahabagin siya. Sa isang pagkakataon, nang dalhin ng ilan ang kanilang mga anak kay Jesus, sinikap ng kaniyang mga alagad na paalisin sila. Subalit sinabi ni Jesus: “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata; huwag ninyo silang tangkaing pigilan, sapagkat ang kaharian ng Diyos ay nauukol sa mga tulad nito. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sinumang hindi tumatanggap sa kaharian ng Diyos na tulad ng isang bata ay hindi sa anumang paraan makapapasok dito.” (Marcos 10:13-15) Upang tumanggap ng mga pagpapala ng Kaharian, dapat tayong maging mapagpakumbaba at madaling turuan gaya ng mga bata. Ipinakita ni Jesus ang kaniyang pag-ibig sa mga bata sa pamamagitan ng pagkuha sa kanila sa kaniyang mga bisig at pagpapala sa kanila. (Marcos 10:16) Kumusta naman kayong mga kabataan sa ngayon? Makatitiyak kayo na iniibig at kailangan kayo sa kongregasyon.
15. Anong mga impormasyon tungkol sa buhay ni Jesus ang iniulat sa Lucas 2:40-52, at anong halimbawa ang ipinakita niya para sa mga kabataan?
15 Noong bata pa si Jesus, nagpamalas siya ng pag-ibig sa Diyos at sa Kasulatan. Nang siya ay 12 taóng gulang, siya at ang kaniyang mga magulang, Lucas 2:40-52) Kay-inam na halimbawa ang ipinakita ni Jesus sa ating mga kabataan! Tiyak na dapat nilang sundin ang kanilang mga magulang at maging interesadong matuto tungkol sa espirituwal na mga bagay.—Deuteronomio 5:16; Efeso 6:1-3.
sina Jose at Maria, ay naglakbay mula sa kanilang sariling bayan ng Nazaret patungo sa Jerusalem upang ipagdiwang ang Paskuwa. Nang pauwi na sila, natuklasan ng mga magulang ni Jesus na wala si Jesus sa grupo na magkakasamang naglalakbay. Sa wakas ay natagpuan nila siya na nakaupo sa loob ng isa sa mga bulwagan ng templo, na nakikinig sa mga gurong Judio at nagtatanong sa kanila. Dahil hindi niya inaasahan na hindi alam nina Jose at Maria kung saan siya matatagpuan, itinanong ni Jesus: “Hindi ba ninyo alam na ako ay dapat na mapasabahay ng aking Ama?” Umuwi siya kasama ng kaniyang mga magulang, nanatiling nagpapasakop sa kanila, at patuloy na sumulong sa karunungan at pisikal na paglaki. (16. (a) Ano ang isinigaw ng ilang batang lalaki nang si Jesus ay nagpapatotoo sa templo? (b) Ano ang pribilehiyo ng mga kabataang Kristiyano sa ngayon?
16 Bilang isang kabataan, baka nagpapatotoo ka tungkol kay Jehova sa paaralan at sa bahay-bahay kasama ng iyong mga magulang. (Isaias 43:10-12; Gawa 20:20, 21) Nang si Jesus ay nagpapatotoo at nagpapagaling ng mga tao sa templo noong malapit na siyang mamatay, sumigaw ang ilang batang lalaki: “Magligtas ka, aming dalangin, sa Anak ni David!” Palibhasa’y ikinagalit ito, nagreklamo ang mga punong saserdote at mga eskriba: “Naririnig mo ba ang sinasabi ng mga ito?” “Oo,” ang sagot ni Jesus. “Hindi ba ninyo ito nabasa kailanman, ‘Mula sa bibig ng mga sanggol at mga pasusuhin ay naglaan ka ng papuri’?” (Mateo 21:15-17) Tulad ng mga batang iyon, kayong mga kabataan sa kongregasyon ay may dakilang pribilehiyo na purihin ang Diyos at ang kaniyang Anak. Gusto at kailangan namin kayong makasamang gumawa bilang mga tagapaghayag ng Kaharian.
Kapag Sumapit ang Kagipitan
17, 18. (a) Bakit inorganisa ni Pablo ang paglikom para sa mga Kristiyano sa Judea? (b) Ano ang epekto sa mga Kristiyanong Judio at Gentil ng boluntaryong mga donasyon para sa mga mananampalatayang Judeano?
17 Anuman ang ating kalagayan, inuudyukan tayo ng pag-ibig na tulungan ang mga kapuwa Kristiyano na nangangailangan. (Juan 13:34, 35; Santiago 2:14-17) Ang pag-ibig sa kaniyang mga kapatid sa Judea ang nagpakilos kay Pablo na organisahin ang paglikom para sa kanila sa mga kongregasyon sa Acaya, Galacia, Macedonia, at sa distrito ng Asia. Ang pag-uusig, kaguluhan sa bayan, at taggutom na naranasan ng mga alagad sa Jerusalem ay maaaring nagbunga ng tinatawag ni Pablo na “mga pagdurusa,” “mga kapighatian,” at “pandarambong sa [kanilang] mga ari-arian.” (Hebreo 10:32-34; Gawa 11:27–12:1) Kaya naman pinangasiwaan niya ang pondo para sa mga dukhang Kristiyano sa Judea.—1 Corinto 16:1-3; 2 Corinto 8:1-4, 13-15; 9:1, 2, 7.
18 Ang boluntaryong mga donasyon para sa mga banal sa Judea ay nagpatunay na umiral ang isang buklod ng pagkakapatiran sa pagitan ng mga Judio at ng mga Gentil na mananamba ni Jehova. Ang pagpapadala ng mga kontribusyon ay nagpangyari rin sa mga Kristiyanong Gentil na ipakita ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga kapuwa mananambang Judeano dahil sa espirituwal na kayamanan na tinanggap nila mula sa mga Judeano. Kaya nagkaroon ng pagbabahagi kapuwa sa materyal at espirituwal na paraan. (Roma 15:26, 27) Ang mga kontribusyon para sa nangangailangang mga kapananampalataya sa ngayon ay boluntaryo rin at udyok ng pag-ibig. (Marcos 12:28-31) Kailangan din natin ang isa’t isa pagdating sa bagay na ito upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ‘at ang isa na nagtataglay ng kaunti ay hindi magkakaroon ng napakakaunti.’—2 Corinto 8:15.
19, 20. Magbigay ng halimbawa upang ipakita kung paano naglalaan ng tulong ang bayan ni Jehova kapag may nangyaring sakuna.
19 Palibhasa’y batid na kailangan ng mga Kristiyano ang isa’t isa, mabilis tayong tumutugon upang tulungan ang ating mga kapatid sa
pananampalataya. Halimbawa, isaalang-alang ang nangyari nang maganap ang mapangwasak na mga lindol at mga pagguho ng lupa sa El Salvador noong bandang pasimula ng 2001. Sinabi ng isang report: “Ang mga pagsisikap na makatulong ay isinagawa ng mga kapatid sa lahat ng bahagi ng El Salvador. Mga pangkat ng mga kapatid mula sa Guatemala, Estados Unidos, at Canada ang dumating upang tulungan kami. . . . Mahigit sa 500 bahay at 3 magagandang Kingdom Hall ang naitayo sa sandaling panahon. Isang malaking patotoo ang naibigay dahil sa puspusang pagpapagal at pagtutulungan ng mga kapatid na ito na mapagsakripisyo sa sarili.”20 Isang report mula sa Timog Aprika ang nagsabi: “Ang teribleng mga baha na sumalanta sa malalaking bahagi ng Mozambique ay nakaapekto rin sa maraming kapatid nating Kristiyano. Gumawa ng mga kaayusan ang sangay sa Mozambique upang maasikaso ang karamihan sa kanilang mga pangangailangan. Subalit hiniling nila na magpadala kami ng maaayos na segunda manong damit sa nangangailangang mga kapatid. Nakaipon kami ng sapat na damit anupat nakapagpadala kami ng 12-metrong bagon na punô ng mga damit sa ating mga kapatid sa Mozambique.” Oo, sa mga paraan ding ito, kailangan natin ang isa’t isa.
21. Ano ang isasaalang-alang sa susunod na artikulo?
21 Gaya ng nabanggit na, ang lahat ng bahagi ng katawan ng tao ay mahalaga. Tiyak na totoo rin ito sa kongregasyong Kristiyano. Kailangan ng lahat ng miyembro nito ang isa’t isa. Kailangan din silang patuloy na maglingkod nang nagkakaisa. Isasaalang-alang ng susunod na artikulo ang ilang salik na nagpapangyaring maging posible ito.
Paano Mo Sasagutin?
• Ano ang pagkakatulad ng katawan ng tao at ng kongregasyong Kristiyano?
• Paano tumugon ang unang mga Kristiyano nang mangailangan ng tulong ang mga kapananampalataya?
• Ano ang ilang maka-Kasulatang halimbawa na nagpapakita na kailangan at tinutulungan ng mga Kristiyano ang isa’t isa?
[Mga Tanong sa Aralin]
[Larawan sa pahina 10]
Sina Aquila at Priscila ay nagmalasakit sa iba
[Mga larawan sa pahina 12]
Tinutulungan ng bayan ni Jehova ang isa’t isa at ang iba pa kapag sumapit ang kagipitan